Share

CHAPTER TWO

MABILIS na pinasadaan ni Varun Sebastian ang harapan ng main building na pag-aari niya mismo. 

Agad niyang miniobra ang dalang kotse sa exclusive parking lot na para sa kanya lamang. Matapos niyang maiparada ang sasakiyan ay agad na niyang binunot ang susi sa keyhole ng kanyang kotse.

Bitbit ang attache case ay tuluyan na niyang pinindot ang lock button para sa kanyang kotse. 

Marahan niyang isinilid sa bulsa ang kaliwang kamay. Mabibilis ang mga hakbang niya papasok sa loob ng establisyemento, agad ang pagtango ng security guard sa kanya ng makita siya ang papasok sa glass door.

Nakakitaan niya ng kaba ang itsura ng matandang kawani matapos niyang tanguan ito. Mapapansin ang pangingilag nito sa kanya na hindi bago sa kanya, sanay na siya sa mga ganitong iniakto ng mga kawani ng kumpanya niya na mas malaking pabor sa kanya.

Nag-uumpisa pa lamang ang business niya'y naroroon na ito. Kapansin-pansin ang pananamlay nito, marahil na rin sa katandaan nito kaya naging makupad na ang bawat kilos nito.

Agad ang paghinto niya, marahan niyang pinaraan ng tingin ang suot nyang relo. Trenta minuto pa ang nalalabi bago ang inisyal na oras para sa pag-uumpisa ng trabaho. Maaga pa, may oras pa siya para kausapin ang matandang guwardiya sa mga sandaling iyon.

"Mr. Delos Santos, maari ka bang makausap?"umpisa ng binata.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito hanggang sa tuluyan itong humarap sa kanya.

Kitang-kita ni Varun ang pagkawala ng kulay sa mukha ng matandang lalaki, maski ang panginginig ng mga kamay nito'y hindi nakaligtas sa kanya.

Napabuntong-hininga na lamang siya. 

"Sir V-Varun, a-ano pong pag-uusapan natin?"Takang-tanong ng matanda.

Agad ang pagsalakay ng samo't saring alalahan kay Mang Hector. 'Di yata't binabalak ng binata na isa siya sa mga aalisin nito sa kumpanya.

Ang pagkakaalam niya'y magpapasok ito ng mga fresh graduate at bata-bata pa ang edad na employee.

Muli pa siyang tinapunan ng tingin ni Varun mula ulo hanggang paa nito.

Mataas ang respito at utang na loob ng matandang guwardiya rito, dahil sa pagtratrabaho niya sa binata ay nanatiling napag-aaral niya ang mga anak. Pero kung ganitong mawawalan siya ng trabaho'y napakalaking problema ang idudulot niyon sa pamilya nito.

Napamaang si Mang Hector kay Varun dahil sa kasunod nitong sinabi.

"Ang nais ko sana'y magpasa kayo ng resignation letter bukas ng umaga.Maliwanag po ba?"dikta ng binata sa natigagal na guwardiya.

Muli ay nagpatuloy lamang sa pagsasalita si Varun, hindi alintana nito ang namumuong tensyon sa kaloob-looban ni Mang Hector.

"Bukas ko nalang din ididiskusyon sa inyo ang ibang detalye, Mang Hector."pagtatapos nito bago muling bumaling sa relong suot kasabay ng pagtunog ng cellphone ni Varun.

Agad na nag-excuse si Varun rito, tuluyan na niyang sinagot ang tawag.

Agad ang pagpindot niya sa button elevator,pinindot niya ang floor number kung nasaan ang kanyang pribadong opisina. 

Mula sa kinalululanang elevator ay kitang-kita niya ang kabuuan ng siyudad sa labas.

Muli ay naglimayun muli ang mga alaala na inaakala niyang naiwala na niya, dahil mas pinili niyang iyon ang dapat gawin...

KASALUKUYAN siyang nakatayo sa pagitan ng malamig na rehas na bakal, kung saan mahigpit siyang humahawak mula roon.

Naroon na may bahid ng pag-aalala, kapaguruan at kawalan ng pag-asa sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Mr. Crisanto, kasalukuyan itong nakikipanayam sa isa sa mga mataas na sarhento sa Police Station na iyon kung saan siya ipiniit.

Galit na galit siya sa mga panahon na iyon, hindi niya aakalain na babagsak siya sa kulungan matapos na masaksihan ni Ginoong Crisanto ang tagpong naganap sa kanila sa bunso nitong anak kung saan: si Pamela mismo ang kusang humalik sa kaniya!

Kahit anong paliwang ni Varun sa matanda'y tuluyang naging sarado ang utak ng huli.

Maski si Camella ay hindi rin siya naipagtanggol, lalo ng magsidatingan na ang mga body guard ng ama nito.

"Daddy!"Isang malakas na palahaw ang nadinig ng binata kay Pamela upang mapunta muli ang pansin niya rito.

Kasabay ng pagbaling ng mga mata niya ay ang pagtingin din nito sa kanya, may lakip ng kung ano man ang mga titig nito sa kanya na tila may pamilyar na tagpong dumaan sa kanyang balintataw.

Mula sa mga mata nito'y ipinahatid ni Pamela ang paghingi ng pasensya sa kanya, nasa tabi naman nito ang isang may edad na ring babae. Marahil ay personal na maid ito ni Pamela.

Rinig na rinig niya ang patuloy na pagpapaliwanag ni Pamela sa ama nito, ngunit nanatili lamang na hindi pinapansin ito ni Ginoong Crisanto.

"Please Daddy pakawalan niyo na si Kuya Varun. Kasalanan ko naman eh ako ang kusang humalik! sa kanya k-kasi..."sunod-sunod na paliwanag ng batang si Pamela.

Karamihan sa mga naroon ay natigilan at nagkaroon ng interes na makinig pa lalo.

Tila agad naman iyon natunugan ni Ginoong Juan, kaya walang atubiling isang malutong na sampal ang ipinadapo nito kay Pamela upang tuluyang mapasadlak ito.

Hindi mabatid ni Varun ang biglang pagsikdo ng kung anong emosyon sa kaloob-looban niya. Muli pa sanang pagbubuhatan ng kamay nito ang anak ng mabilis na pumagitan sa kanila si Lagring.

"Crisanto maghunos-dili ka!"nahintatakutang pag-awat nito sa lalaki.

Agad nitong inilalayang tumayo ang alaga, nakaramdam ng awa si Lagring ng makita niyang may pumuslit na sariwang dugo mula sa gilid ng labi ni Pamela.

Habang ang alaga naman niya'y nanatiling nakatitig ng masama sa ama nito.

Alam niyang nasanay na ang alaga niya sa pananakit ng ama nito, magmula nga ng mawala si Odette, ang mama nito.

Hindi pa rin mabatid ni Lagring kung ano ang naging dahilan ng pagbabago sa pagtrato ni Crisanto kay Pamela.

"Ang mabuti pa Lagring ilabas mo na lamang mula dito sa loob ng presinto ang alaga mo,"utos ni Crisanto dito.

Tuluyang walang nagawa si Lagring, sasabad pa sana si Pamela, ngunit naramdaman niya ang mahinang pagpisil sa bisig niya ng kanyang Yaya Lagring.

Bago tuluyang umalis ay tinapunan pa ng tingin ng batang Pamela si Varun na nanatiling sa lapag lamang nakatingin sa mga sandaling iyon.

Nagdudumaling lumapit si Pamela sa binata, hinayaan lamang iyon ng huli. Naramdamadaman niya ang masuyong haplos ng munting palad nito sa kamay niya.

"Babalikan kita ulit, pangako!"mahinang usal ng batang si Pamela.

Napadako ang tingin niya rito, ngunit likod na lamang ni Pamela ang nakita niya, dahil tuluyan ng kinaladkad si Pamela ng ama nito. Ramdam niyang may lakip na pagkapoot ang ginawi ni Ginoong Crisanto sa bunsong anak nito.

Umasam ang binatilyo sa mga sumunod na araw, ngunit hindi nito aakalain na iyon na ang huling kita niya kay Pamela, dahil tuluyan siyang nakulong at nalipat sa Maynila pagkatapos...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status