Tatlong taon na mula noong pumunta ng abroad si Cerise. Bumalik siya ng bansa matapos madiagnose ng stage four lung cancer ang kanyang ina. Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal, pinayagan siya ng asawa niyang lumabas ng bansa sa kadahilanang para ito sa kanyang pag-aaral, na ang katotohanan talaga naman ay takot lamang ito na baka maging hadlang lamang siya sa pagmamahalan ng totoo niyang nobya.
Sigmund Beauch.
Pangalan palang ng kanyang asawa ay labis nang nag-uumapaw ng alindog, husay, at rikit na halos ‘di niya maipaliwanag. Hindi katanungan ang pagkahumaling ng kababaihan dito at alam niya sa sarili niya na kahit siya ay hindi magiging karapat-dapat sa katangiang likhang pinerpekto ng langit. Pinagpala ngang lubos ang taong minamahal nito at kailanma’y hindi magiging siya.
Ang dating arogante at puno ng pagmamalaking prinsesa ay naging maamo at mapagkumbaba. Ngayong siya ay nagbalik, alam niyang ito na ang tamang panahon upang tapusin ang kanilang pagkukunwari.
Habang nasa malalim na pag-isip ay napalingon siya nang pumasok ito sa loob. Isang lalaking nakasuot ng malinis at maayos na itim na tuxedo. Ang tela nito ay tila yumayakap sa kanyang matikas na pangangatawan, binabalangkas ang bawat kurba at angkin nitong perpektong proporsiyon. Ang kulay na itim ay tila nagbigay-diin sa kanyang maputing balat na parang isang Magandang kontras. Ang buhok na maayos na nakasuklay na may kakaibang kinang na tinatamaan ng repleksyon ng panghapong araw. Tindig niya palang ay di mo na iisipin pang lumapit sa kadahilanang mas lalo ka lang manliliit sa tila bang perpektong nilalang sa iyong harapan.
Nanlaki ang mata ni Cerise sa mga naisip. Lumayo siya sa bintana kung saan siya nakatayo kanina habang lalong bumibilis ang tibok ng puso niya sa bawat hakbang na ginagawa nito palapit sa kanya.
Pagkatapos ng tatlong taon ay mas lalo ngang gumwapo ito. Naglakad lamang ito hanggang sofa at huminto, umupo siya at inayos ang kanyang kurbata. Napayuko siya sa hiya, bakit nga ba naman siya lalapitan nito?
“Nakausap mo na ba si Mama?” ani nito, tinutukoy ang kanyang ina. Hindi man lang siya tiningnan nito.
Automatic naming tumango si Cerise. “Oo.”
“Tingnan mo ‘to.” Sumandal ito sa sofa at inilabas ang isang papel mula sa isang brown envelope at inilagay sa mesa. Tiningnan lang it oni Cerise, alam niyang tama ang hinala niya sa kung ano ang laman nito.
Hindi pa matagal nang makita niya ang isang article sa Internet tungkol kay Sigmund at sa nobya nito at ang usap-usapang ang dalawa ay lihim na kinasal. Lumapit siya sa dokumentong nasa mesa at binuksan ito.
Dalawang salita, Divorce Agreement, ang nakadisplay sa harapan niya. Masaya siyang handa na siya sa sitwasyong ito. Ngumiti siya at sinabing, “I agree.”
Napatingin naman sa kanya si Sigmund, “Sit down and talk.”
Sinunod niya naman ito at umupo sa sofa katawid sa kinauupoan niya. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya na di magpakita ng anumang emosyon na maaring maging dahilan ng anumang diskusyon. Tahimik niyang binasa ito, nakasaad dito na binibigyan siya nito ng dalawang ari-arian, na makakabuti naman sa kanya.
Matapos niyang basahin ito ay ngumiti siya, “May ballpen ka ba?”
“Hmm?” Napailing ito, mukhang nabingi ata siya at mali ang narinig niya.
“Ano pang hinihintay mo? Pumirma ka na.” Isang malumanay lamang na ngiti ang binalik ni Cerise sa tila walang kaalam-alam na Sigmund. Tinitigan niya lang ito nang matagal, at kalauna’y umusog papunta sa drawer upang kumuha ng ballpen para sa kanya.
Pagkaabot niya dito ay agad na pinirmahan ni Cerise ang divorce agreement na di man lang nag-aalangan. “Done!”
“Hindi na makapaghintay si Vivian, she wants a perfect ending.” Paliwanag ni Sigmund.
Sumikip ang dibdib ni Cerise. ‘Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanya’ naisip nito.
“I understand!” Tumango si Cerise habang masiglang nakangiti.
Natahimik si Sigmund hanggang sa inabot sa kanya ni Cerise ang dokumento, tinanggap niya ito ngunit nang pipirma na sana siya ay napatingin siya dito, “You can make any request at gagawin ko ang lahat upang maibigay iyon sa iyo.”
“I am already satisfied with this. Sobra na noong ipinagamot mo si Mama noon at kahit ngayon ikaw pa rin ang nagbabayad ng hospital bills, maraming salamat.” Sagot ni Cerise.
Tila naman nagiging mabigat ang hangin sa paligid kaya napayuko si Sigmund. Hindi niya maiwasan na hindi humanga sa napakagandang sulat-kamay nito. Wala sa sariling ilinapag niya ang dokumento dahil sa biglaang inis na naramdaman, “Magkikita pala kayo ni Vivian bukas.”
Nakita ni Cerise na hindi niya ito pinirmahan. “Okay.”
“Kung magtanong nga siya kung may gusto kang iba, sabihin mong meron.”
“Okay.”
“Dapat maniwala siya para maging masaya siya.” Tila ba utos nito.
“Okay.” Namanhid na siya kasasagot.
Sa puntong iyon, may naisip si Sigmund ng isang walang kwentang ideya, o nag-aalangan lamang siya na pirmahan ang dokumento.
“Can you help me run the bath water? Kung okay lang sa’yo.”
Malamig na sabi nito.
Nagulat si Cerise sa sinabi nito, ngunit nang makita niya ang walang kaemo-emosyon nitong mata, ay napagtanto niyang imposibleng may ibang kahulugan ito. Siya ay inuutusan nito, iyon lang at wala nang iba. Gusto niyang matawa sa sarili, ba’t ba siya mag-iisip ng ganun?
‘Si Vivian lang ang gusto ni Sigmund!’ Sigaw niya sa isip upang ipaalala sa kanyang sarili.
Habang paakyat sa itim nak ahoy na hagdan, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na maging makatwiran sa kanyang isip at gawa. Ito ang pangalawang beses niya sa kwartong ito mula nung gabi ng kanilang kasal.
Simple lang ang kwarto, katulad ng nasa baba, putting cabinet, itim na sahig, higaan, bedside cabinet, sofa, at wala nang iba. Natulog siya sa sofa sa gabi nang kanilang kasal, at yun lang ang gabing nagkasama silang dalawa, na sila lang, walang iba.
Ano nga ba ang magiging buhay niya pagkatapos ng divorce? Si Sigmund, syempre magpapakasal sila ni Vivian. Magiging masaya sila, at baka magkaanak kalaunan. Siya? Anong bukas nga ba ang mayroon para sa isang katulad niya? Hindi niya maisip na magpakasal ulit. Nalulungkot lamang siya na hindi na niya mailalagay ang pangalan niya katabi sa pangalan nito dahil magiging pwesto na ito ni Vivian, ang natatanging babaeng mahal ni Sigmund.
Napaupo siya sa gilid ng bath tub habang hinahaplos ang tubig. Naalala niya kung paano dumating si Sigmund nang magpkamatay ang Papa niya, at nang madiagnose ng stomach cancer ang ina niya.
“Tapos ka na ba?”
May malamig ngunit malalim na boses ang nagmula sa likod niya. Napalingon siya dahil sa bigla at dumulas ang kamay nito sa loob ng bath tub. Nawala siya sa balanse at nabasa ang buong katawan niya.
Tumambad sa harapan ni Sigmund ang basang puting shirt at denim niyang pantalon. Dahil sa puti niyang suot, klarong-klaro ang itim niyang underwear.
Si Sigmund ay may mysophobia o labis na takot o pagkabalisa sa dumi, mikrobyo, o anumang uri ng kontaminasyon. Alam ito ni Cerise at ang kanyang dismayadong mukha ang huling bagay na nais niyang makita. Baka biglaan pa nitong papalitan ang bath tub o mismong ang silid.
Walang ekspresyon sa mukha ni Sigmund. Tulad ng nakasanayan, malamig at maamo ang anyo nito, ngunit ang pagkakatali niya ng ribbon ay perpekto; malinis, pantay, at may kung anong alaalang ibinubulong."Okay na," anito matapos ang ilang saglit, saka dahan-dahang binitiwan ang ribbon.Gustong magsalita ni Cerise, isang payak na ‘salamat’ sana ang lalabas sa kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita. Sa halip, tahimik siyang tumuloy sa loob, bagama't parang nakalimutan niya kung alin sa mga paa ang dapat unang iangat. Ang pakiramdam niya’y may kung anong anino ang susunod sa kanya, handang habulin siya at pabagsakin sa sahig.Sa loob ng bahay, nakaupo ang matandang mag-asawa sa sofa, pareho silang may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig nila ang mga yapak, sabay silang tumingin sa pintuan. Lumuha agad ang matandang babae, agad nitong tinawag si Cerise, "Apo, hindi mo na yata mahal si Mamita!"Biglang lumambot ang puso ni Cerise. Bago pa man siya tuluyang makalapit, iniunat na niya a
Pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan. Kaya nang muling bumalik siya sa bansa, sumakay agad siya ng taxi papunta sa radio station.Tahimik lang ang biyahe, ngunit hindi rin mapigilan ng drayber na lingunin siya paminsan-minsan sa rearview mirror.“Sa TV ka ba nagtatrabaho, Miss? Parang nakita na kita dati.”Napatawa si Cerise. “Baka kamukha ko lang ‘yon.”Hindi pa rin nakuntento ang drayber. Mas pinagmasdan siya nito habang bumababa ng taxi at pumasok sa gusali. Nang tuluyang mawala ang babae sa loob, saka lang siya napa-"Aha!"“Cerise?” bulong niya habang agad na inilabas ang cellphone.Agad siyang nag-record ng maikling clip habang papasok si Cerise, saka tinawag muli, “Cerise!”Luminga si Cerise at kumaway ng isang magalang na ngiti, tila walang ideya sa paparating na gulo.Ngumiti ang drayber, parang fanboy na kinikilig. Kumaway pabalik, saka walang patumpik-tumpik na in-upload ang video sa social media.Nag-viral ito agad.—Banda hapon, papunta sana si Cerise sa din
Maaga pa lang ngunit tila hinugot mula sa bangungot si Sigmund nang bigla siyang magising. Basang-basa ng malamig na pawis ang kanyang katawan habang mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Isang mukha ang nananatili sa isipan niya, duguan, baluktot sa hirap, parang nananaghoy sa pananakit. Halos hindi siya makahinga habang pilit inaalis ang imahe sa kanyang ulo.Kumaripas siya ng abot kamay sa cellphone, kinapa ito sa dilim, saka agad nag-dial ng pamilyar na numero. Sa kabilang linya, may sumagot na boses, mababa, paos, tila gising mula sa luha kaysa sa antok. Napahinto si Sigmund sa kinatatayuan niya, tila pinutol ng tinig na iyon ang pag-inog ng oras sa paligid niya. Hinayaan niyang lamunin ng katahimikan ang pagitan nila bago siya muling nakapagsalita."...Wrong number," mahinang bulong niya, saka dahan-dahang ibinaba ang cellphone.Ngunit hindi ganoon kadaling mapawi ang narinig niyang tinig.Nana
Tumunog ang anunsyo sa paliparan, isang malamig, mekanikal na paalala na panahon na para magpaalam. Nagkatinginan ang dalawang pares ng mata, sandaling nagtagpo ang paningin, bago sabay na umiwas. Para silang dalawang pulong dati’y magkadugtong, ngayo’y tuluyang inihiwalay ng karagatang imposibleng tawirin.Umupo si Cerise sa loob ng eroplano, ngunit kahit pa umaandar na ito, hindi rin umusad ang kapayapaan sa kanyang isip. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga salitang binitiwan ni Vivian.Isang saksak na walang dugong tumulo, pero dama ang hapdi.Napangiti si Cerise, pilit, malamig. Ngiting pinipilit takpan ang dati niyang sarili, ang babaeng madaling bumigay sa kahit anong pangakong siya ang pipiliin. Noon, sapat na ang kahit anong dahilan. Basta siya. Pero ngayon, hindi na.Ayoko nang magmahal nang gano’n kahina.Pagbalik niya sa bansa, sinalubong siya ni Kara. May kislap ng pagkabahala sa mga mata nito, punô ng tanong.“Nagkita kayo, ’di ba? Sa Pearl Pav
“Pero umuwi na si Cerise sa Pilipinas.” Mahinang sabi ni Kara habang inaanyayahan siyang pumasok sa bahay. Maingat niyang inilapag ang isang tasa ng tsaa sa harapan ni Sigmund. “Kakaalis lang niya.”Mapait ang ngiti ni Sigmund habang palabas ng apartment. Ilang ulit na niyang sinubukang buuin sa isip ang mga salitang dapat niyang sabihin, pero ni isang letra ay walang lumabas sa kanyang bibig. Nakakatawa, sa dami ng taon, hindi pa rin niya kayang harapin si Cerise.Umuwi rin siya kaagad nang malaman iyon.Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Nakatingin siya sa pangalan sa screen, “Asawa.” Napalalim ang tingin niya. Tatawagan ba niya? Makakaya ba niyang marinig ang boses nito nang hindi natitinag?Mainit ang araw sa kalangitan, parang pasensya niyang nauupos. Marahil dahil sa init kaya parang nahihilo siya sa sarili niyang damdamin. Tumingala siya sa langit, inayos ang suot na amerikana, at tumawid sa kabilang kalye. Nakahawak pa rin sa cellphone ngunit hindi niya ito mapindot.Mula
“Boss, tungkol po sa mga tsismis sa Internet...” Mahinang pumasok ang boses ni Secretary Lee mula sa pintuan.Hindi siya nilingon ni Sigmund. “Huwag kang mag-alala. Umalis ka na muna.”Tumango si Lee at maingat na isinara ang pinto sa kanyang paglabas, hindi na naghihintay ng karagdagang utos.Naiwang mag-isa si Sigmund sa opisina. Inilapag niya ang hawak na panulat, saka malalim na naupo sa itim na leather chair. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na alingawngaw ng lungsod sa labas ng salaming bintana.Nakatitig siya sa hindi pa nabubuksang bote ng alak na iniwan ni Vivian, isang paanyayang baka makagaan kahit paano sa bigat ng loob.Bumalik sa isip niya ang gabing iyon, ang pulang mantsa sa kumot bago siya lumisan. Isang tahimik ngunit mapanuyang paalala na hindi niya mabura. Isang tanong ang paulit-ulit na gumulo sa isip niya: Paano ko siya haharapin pag gising niya?Inasahan niya kahit isang salita mula rito, kahit galit, kahit paninisi. Pero ang ibinalik lang sa kanya nito a