Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 2: Chasing A Star Out of Reach

Share

Chapter 2: Chasing A Star Out of Reach

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2024-12-24 00:18:23

Aligaga siyang iniahon ang sarili sa tubig, mabuti nalang at nabasa ng tubig ang mukha niya at di mahahalata ang luhang tumulo sa mata niya. Yinakap niya ang sarili at humingi ng paumanhin.

Hindi lumapit sa kanya si Sigmun ngunit mahinahon siya nitong sinabihan ng “Magpalit ka muna doon.”

Yumuko si Cerise at patakbong naglakad. Dagli siyang nagpalit ng isang pastel green na t-shirt at puting shorts. “Sorry, Young Master-”Dagli siyang bumalik at lininis ang nagkalat na tubig nang mahulog siya sa bath tub. Huli na nang mapagtanto niyang naghuhubad pala ito.

Natulala siya nang dalawang segundo bago tumalikod at naglakad palabas ng pintuan. Tinanggal ni Sigmund ang pantalon nito at kaswal na sinabing “Pakisabit nito.”

Akward na kinuha ni Cerise ang pantalon nitong may nakabitin na sinturon. “Gusto mo pa bang manood?”

Tanong nito mula sa kanyang likuran. Kinuha ni Cerise ang polo nito at tumakbo palayo. Napasinghap naman si Sigmund pero hindi niya sinarado ang pinto at naglakad lamang papunta ng shower at in-on ang tubig.

Tinupi ni Cerise ang damit ni Sigmund bago ilagay sa kama, at bumaba. Naisip niyang dito magpapalipas ng gabi ang asawa. Napangiti siya sa salita.

Asawa.

Kaunting araw nalang at wala na siyang karapatan gamitin ang salitang ito.

Habang nasa malalim siyang pag-iisip, biglang nagring ang cellphone niya.

Amara Celeste.

Ang nag-iisang kaibigan niya.

Lumaking m*****a at arogante si Cerise dahil sa nakalakihan niyang labis na atensyon. Madalas siyang iwasan ng iba dahil sa tingin nila’y hindi naman nito kayang makipagkapwa-tao, ngunit sa paglipas ng panahon, sa kabila ng lahat ng kuwentong umiikot tungkol sa kanya, ay may isang babaeng nasa tabi niyang kasama niya sa kabila ng lahat.

Si Amara ay ang kabaligtaran ni Cerise. Masiyahin ito at mabait. Lahat ng tao ay gugustuhin siyang maging kaibigan pero nanatili siyang tapat kay Cerise. Sa mata ni Amara, si Cerise ay isa lamang batang nais din ng kaibigan ngunit namamali lamang dahil sa estado ng kanyang pamilya.

Kilalang makapangyarihan ang Pamilya Harrod, hanggang sa magpakamatay ang tatay ni Cerise na naging daan upang mapagtanto niya ang mga pagkukulang niya at magbago.

“Hindi ka pa ba aalis? You know, that divorce thingy.” Ani Amara.

“Hindi pa yata.”

“I’m still short of someone here. What if tulungan mo ‘ko?”

“Okay. Hindi naman na ako magtatagal.” Pagsang-ayon ni Cerise.

“Alam mong papakasalan ni Sigmund si Vivian?”

Pag-iiba nito ng topic.

“Sabi niya.” Sagot naman ni Cerise habang naglalakad papuntang bintana at pinagmasdan ang kadiliman ng kalangitan. Gabi na pala, parang kanina lang ay maliwanag pa ang langit habang nagpipinta ito ng iba’t ibang kulay.

“Ah, Ceri? Mahal mo pa ba siya?”

Nabigla naman siya sa tanong nito.

Nagsisimula nang maglitawan ang bituin sa kalangitan. Bituin. Kung mailalarawan niya si Sigmund, siya ay isang bituin. Kumikinang, at mahirap abutin. Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan ang ganda nito mula sa malayo. Kahit noong bata pa lamang sila mahal na niya ito pero alam niyang hindi niya kailanman maabot ito.

“Gusto mo bang lumipat pagkatapos ng divorce? Tutulungan kita.” Alay nito.

Napasinghap naman si Cerise. “Doon nalang ako sa bahay namin ni Mama.”

“Ah Ceri…”

“Bye!” Biglaan niyang binaba ang tawag matapos makitang pababa na si Sigmund na nakasuot lamang ng silver nightgown. Hindi na siya tumitig at dagling umayos ng tindig. Hindi naman talaga mapagkakailang guwapo ito, sa pagkakakilanlan man o ang kanyang hitsura. Alam na alam niya ito bata palang sila pero sa iba naman nakalaan ang mga mata nito.

Limang taon ang tanda nito sa kanya. Naging mag-asawa sila dahil lamang sa kanilang Lolo at sa sakit ng taong gusto nito. Ang Beauch Family ay hindi kailanman tatanggap ng babaeng hindi kayang magbunga ng sanggol bilang manugang kaya siya ang naging malakas na pambato ng Beauch Family, at para kay Vivian, ay kinausap naman ito ni Sigmund.

Asawa lang siya ni Cerise sa pangalan. Tinulungan nitong maresolba ang problema ng pamilya Harrod, at pinagamot ang kanyang ina pagkatapos. Sa paraang ito, lahat sila ay nagkaroon ng benepisyo sa kasal.

“Nakasulat sa agreement na ang condo na ito ay para sa’yo.”

Ang condong binigay sa kanilang mag-asawa na may malinaw na tanawin ng dagat kung saan bawat sentimetro ng lupain ay pera, ano pa bang mas malaking katumbas nito? Napangiti na lamang siya.

“Baka ayaw ni Ate Vivian.”

Biglang nakaramdam ng pagkairita si Sigmund nang marinig niya ito. Napalingon siya sa kusina at kumuha ng red wine.

“Have a drink.”

“Pero uuwi na ako.”

“No?”

“…”

Naglakad si Cerise papunta sa kanya at kinuha ang baso.

‘Bakit naman niya iisipin na di ko kayang uminom?’ Tanong niya sa sarili.

“You are…twenty this year…”

“Twenty-three.” Pagtatama niya.

Tumango naman si Sigmund. Suot niya ang paborito niyang green, at shorts nitong kita ang tuhod niyang nang mga bata pa sila’y madalas may sugat. Pero ngayon, makinis at walang lamat ng sugat-sugat nitong tuhod noon dahil sa kakulitan. Ang green nitong suot na dati ay naaalala pa niyang madalas ay palaka ang print ngayon ay isang burda na ng bulaklak na para bang mas nagbibigay diin sa kanyang pagiging dalaga. Alam niyang maganda si Cerise, sobrang ganda, na sa puntong lahat ng tao ay titingin dito.

Di niya namalayang ubos na pala ang nasa baso nito. Napagtanto niya lang nang magsalita ito.

“It’s late Young Master Sig. Matulog ka na at di na kita didisturbohin.”

Paalis na sana ito nang mapako ito sa kanyang kinatatayuan.

“Nasa labas ang tauhan ni Lolo. Let’s sleep together. Wala kang ibang pupuntahan.”

Dismayado namang napatingin sa kanya si Cerise. Pero hindi man lang ito natinag. “Same as before.”

‘Anong same as before?’ tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang papaakyat na pigura ng lalaking kausap niya kanina lang.

‘Siya sa sofa tas ako sa kama?’ Tanong niya ulit sa sarili niya. Masyadong malaki ang sofa sa sala para matulog siya kaya pwede siyang matulog dito. Pangungumbinse niya sa sarili.

“Hindi mo naman iniisip na matutulog ako katabi mo, do you?”

Tila nahalata yata nito ang kanyang iniisip at bumalik sa may hagdan upang tingnan siya. Napag-isip-isip niyang baka ito na ang huling beses na magkakasama silang dalawa, pero hindi niya makumbinse ang sariling hindi sumama sa kanya.

Kalagitnaan ng Mayo kaya hindi malamig. Wala siyang ibang pwedeng maidahilan kung sakali man.

Matapos nilang mahiga, naramdaman niyang katulad rin ito nang gabing ikinasal sila.

Hindi sila magkatabi, pero magkasama. At kahit sa ngayon, hindi man lang nagbago ang pagtingin niya dito, o ang pagtingin nito sa kanya.

-------

Pinaalam na ni Sigmund sa kanya bago palang ang pagkikita nila ni Vivian kaya handa na siya nang makita ito sa tanghalian sa Café Manila.

Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti at hinawakan ang kanyang kamay. “Ilang taon na mula nung huli kitang makita? Ang laki mo na!”

Napangiti naman si Cerise. “Opo.”

“O ba’t naman magpo-po? Ang laki-laki na ng Ceri namin, napakaganda pa. Siguro maraming poging lalaki ang nagkakagusto sa’yo sa abroad ‘no?”

Masasabing lumaki si Cerise na bubuntot-buntot sa kanila mula noong bata pa siya, pero dahil nga nakasama mo silang lumaki, sa paningin nila, bata ka pa rin.

“Syempre. Pero isa lang ang gusto ko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 165: All Eyes But His

    Hindi mapigilan ni Cerise ang mapatingin sa binata. Tahimik itong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, tuwid ang pagkakaupo, tila ba isang sundalong laging handa. Ngunit hindi ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang mabasang emosyon, tila wala itong nararamdaman, ngunit para kay Cerise, iyon ang mas nakakabahala. Nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring abala.Kinuha niya ang tsarera na nasa gitna ng mesa at isa-isang nilagyan ng tsaa ang tasa ng mga nakatatanda. Una kay Mamita, sunod kay Papito, at sa dulo, kay Ginang Beauch. Pilit niyang iniiwasang pansinin ang tensyon na nagsisimulang bumalot sa silid. Parang unti-unting nababawasan ang hangin sa paligid, at hindi niya alam kung bakit.Napansin niyang nakatingin sa kanya si Mamita, may bakas ng paglalambing sa mga mata nito. Nang marinig niya ang bulong ng matanda, ramdam niyang may kakaiba sa tono nito.“Napakabait talaga ng apo namin,” sabi ni Mamita, ang boses ay malam

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 164: Coming Home

    Walang ekspresyon sa mukha ni Sigmund. Tulad ng nakasanayan, malamig at maamo ang anyo nito, ngunit ang pagkakatali niya ng ribbon ay perpekto; malinis, pantay, at may kung anong alaalang ibinubulong."Okay na," anito matapos ang ilang saglit, saka dahan-dahang binitiwan ang ribbon.Gustong magsalita ni Cerise, isang payak na ‘salamat’ sana ang lalabas sa kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita. Sa halip, tahimik siyang tumuloy sa loob, bagama't parang nakalimutan niya kung alin sa mga paa ang dapat unang iangat. Ang pakiramdam niya’y may kung anong anino ang susunod sa kanya, handang habulin siya at pabagsakin sa sahig.Sa loob ng bahay, nakaupo ang matandang mag-asawa sa sofa, pareho silang may hawak na tasa ng tsaa. Nang marinig nila ang mga yapak, sabay silang tumingin sa pintuan. Lumuha agad ang matandang babae, agad nitong tinawag si Cerise, "Apo, hindi mo na yata mahal si Mamita!"Biglang lumambot ang puso ni Cerise. Bago pa man siya tuluyang makalapit, iniunat na niya a

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 163: The Softness That Matters

    Pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan. Kaya nang muling bumalik siya sa bansa, sumakay agad siya ng taxi papunta sa radio station.Tahimik lang ang biyahe, ngunit hindi rin mapigilan ng drayber na lingunin siya paminsan-minsan sa rearview mirror.“Sa TV ka ba nagtatrabaho, Miss? Parang nakita na kita dati.”Napatawa si Cerise. “Baka kamukha ko lang ‘yon.”Hindi pa rin nakuntento ang drayber. Mas pinagmasdan siya nito habang bumababa ng taxi at pumasok sa gusali. Nang tuluyang mawala ang babae sa loob, saka lang siya napa-"Aha!"“Cerise?” bulong niya habang agad na inilabas ang cellphone.Agad siyang nag-record ng maikling clip habang papasok si Cerise, saka tinawag muli, “Cerise!”Luminga si Cerise at kumaway ng isang magalang na ngiti, tila walang ideya sa paparating na gulo.Ngumiti ang drayber, parang fanboy na kinikilig. Kumaway pabalik, saka walang patumpik-tumpik na in-upload ang video sa social media.Nag-viral ito agad.—Banda hapon, papunta sana si Cerise sa din

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 162: Shadows and Near Misses

    Maaga pa lang ngunit tila hinugot mula sa bangungot si Sigmund nang bigla siyang magising. Basang-basa ng malamig na pawis ang kanyang katawan habang mabilis ang pintig ng kanyang dibdib. Isang mukha ang nananatili sa isipan niya, duguan, baluktot sa hirap, parang nananaghoy sa pananakit. Halos hindi siya makahinga habang pilit inaalis ang imahe sa kanyang ulo.Kumaripas siya ng abot kamay sa cellphone, kinapa ito sa dilim, saka agad nag-dial ng pamilyar na numero. Sa kabilang linya, may sumagot na boses, mababa, paos, tila gising mula sa luha kaysa sa antok. Napahinto si Sigmund sa kinatatayuan niya, tila pinutol ng tinig na iyon ang pag-inog ng oras sa paligid niya. Hinayaan niyang lamunin ng katahimikan ang pagitan nila bago siya muling nakapagsalita."...Wrong number," mahinang bulong niya, saka dahan-dahang ibinaba ang cellphone.Ngunit hindi ganoon kadaling mapawi ang narinig niyang tinig.Nana

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 161: What We Never Said

    Tumunog ang anunsyo sa paliparan, isang malamig, mekanikal na paalala na panahon na para magpaalam. Nagkatinginan ang dalawang pares ng mata, sandaling nagtagpo ang paningin, bago sabay na umiwas. Para silang dalawang pulong dati’y magkadugtong, ngayo’y tuluyang inihiwalay ng karagatang imposibleng tawirin.Umupo si Cerise sa loob ng eroplano, ngunit kahit pa umaandar na ito, hindi rin umusad ang kapayapaan sa kanyang isip. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga salitang binitiwan ni Vivian.Isang saksak na walang dugong tumulo, pero dama ang hapdi.Napangiti si Cerise, pilit, malamig. Ngiting pinipilit takpan ang dati niyang sarili, ang babaeng madaling bumigay sa kahit anong pangakong siya ang pipiliin. Noon, sapat na ang kahit anong dahilan. Basta siya. Pero ngayon, hindi na.Ayoko nang magmahal nang gano’n kahina.Pagbalik niya sa bansa, sinalubong siya ni Kara. May kislap ng pagkabahala sa mga mata nito, punô ng tanong.“Nagkita kayo, ’di ba? Sa Pearl Pav

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 160: Shadows Between Us

    “Pero umuwi na si Cerise sa Pilipinas.” Mahinang sabi ni Kara habang inaanyayahan siyang pumasok sa bahay. Maingat niyang inilapag ang isang tasa ng tsaa sa harapan ni Sigmund. “Kakaalis lang niya.”Mapait ang ngiti ni Sigmund habang palabas ng apartment. Ilang ulit na niyang sinubukang buuin sa isip ang mga salitang dapat niyang sabihin, pero ni isang letra ay walang lumabas sa kanyang bibig. Nakakatawa, sa dami ng taon, hindi pa rin niya kayang harapin si Cerise.Umuwi rin siya kaagad nang malaman iyon.Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Nakatingin siya sa pangalan sa screen, “Asawa.” Napalalim ang tingin niya. Tatawagan ba niya? Makakaya ba niyang marinig ang boses nito nang hindi natitinag?Mainit ang araw sa kalangitan, parang pasensya niyang nauupos. Marahil dahil sa init kaya parang nahihilo siya sa sarili niyang damdamin. Tumingala siya sa langit, inayos ang suot na amerikana, at tumawid sa kabilang kalye. Nakahawak pa rin sa cellphone ngunit hindi niya ito mapindot.Mula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status