Beranda / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 159: Silent Reckoning  

Share

Chapter 159: Silent Reckoning  

Penulis: Lyric Arden
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-08 21:39:11

“Boss, tungkol po sa mga tsismis sa Internet...” Mahinang pumasok ang boses ni Secretary Lee mula sa pintuan.

Hindi siya nilingon ni Sigmund. “Huwag kang mag-alala. Umalis ka na muna.”

Tumango si Lee at maingat na isinara ang pinto sa kanyang paglabas, hindi na naghihintay ng karagdagang utos.

Naiwang mag-isa si Sigmund sa opisina. Inilapag niya ang hawak na panulat, saka malalim na naupo sa itim na leather chair. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na alingawngaw ng lungsod sa labas ng salaming bintana.

Nakatitig siya sa hindi pa nabubuksang bote ng alak na iniwan ni Vivian, isang paanyayang baka makagaan kahit paano sa bigat ng loob.

Bumalik sa isip niya ang gabing iyon, ang pulang mantsa sa kumot bago siya lumisan. Isang tahimik ngunit mapanuyang paalala na hindi niya mabura. Isang tanong ang paulit-ulit na gumulo sa isip niya: Paano ko siya haharapin pag gising niya?

Inasahan niya kahit isang salita mula rito, kahit galit, kahit paninisi. Pero ang ibinalik lang sa kanya nito a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 161: What We Never Said

    Tumunog ang anunsyo sa paliparan, isang malamig, mekanikal na paalala na panahon na para magpaalam. Nagkatinginan ang dalawang pares ng mata, sandaling nagtagpo ang paningin, bago sabay na umiwas. Para silang dalawang pulong dati’y magkadugtong, ngayo’y tuluyang inihiwalay ng karagatang imposibleng tawirin.Umupo si Cerise sa loob ng eroplano, ngunit kahit pa umaandar na ito, hindi rin umusad ang kapayapaan sa kanyang isip. Parang sirang plaka, paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga salitang binitiwan ni Vivian.Isang saksak na walang dugong tumulo, pero dama ang hapdi.Napangiti si Cerise, pilit, malamig. Ngiting pinipilit takpan ang dati niyang sarili, ang babaeng madaling bumigay sa kahit anong pangakong siya ang pipiliin. Noon, sapat na ang kahit anong dahilan. Basta siya. Pero ngayon, hindi na.Ayoko nang magmahal nang gano’n kahina.Pagbalik niya sa bansa, sinalubong siya ni Kara. May kislap ng pagkabahala sa mga mata nito, punô ng tanong.“Nagkita kayo, ’di ba? Sa Pearl Pav

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 160: Shadows Between Us

    “Pero umuwi na si Cerise sa Pilipinas.” Mahinang sabi ni Kara habang inaanyayahan siyang pumasok sa bahay. Maingat niyang inilapag ang isang tasa ng tsaa sa harapan ni Sigmund. “Kakaalis lang niya.”Mapait ang ngiti ni Sigmund habang palabas ng apartment. Ilang ulit na niyang sinubukang buuin sa isip ang mga salitang dapat niyang sabihin, pero ni isang letra ay walang lumabas sa kanyang bibig. Nakakatawa, sa dami ng taon, hindi pa rin niya kayang harapin si Cerise.Umuwi rin siya kaagad nang malaman iyon.Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Nakatingin siya sa pangalan sa screen, “Asawa.” Napalalim ang tingin niya. Tatawagan ba niya? Makakaya ba niyang marinig ang boses nito nang hindi natitinag?Mainit ang araw sa kalangitan, parang pasensya niyang nauupos. Marahil dahil sa init kaya parang nahihilo siya sa sarili niyang damdamin. Tumingala siya sa langit, inayos ang suot na amerikana, at tumawid sa kabilang kalye. Nakahawak pa rin sa cellphone ngunit hindi niya ito mapindot.Mula

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 159: Silent Reckoning  

    “Boss, tungkol po sa mga tsismis sa Internet...” Mahinang pumasok ang boses ni Secretary Lee mula sa pintuan.Hindi siya nilingon ni Sigmund. “Huwag kang mag-alala. Umalis ka na muna.”Tumango si Lee at maingat na isinara ang pinto sa kanyang paglabas, hindi na naghihintay ng karagdagang utos.Naiwang mag-isa si Sigmund sa opisina. Inilapag niya ang hawak na panulat, saka malalim na naupo sa itim na leather chair. Tahimik ang paligid, maliban sa banayad na alingawngaw ng lungsod sa labas ng salaming bintana.Nakatitig siya sa hindi pa nabubuksang bote ng alak na iniwan ni Vivian, isang paanyayang baka makagaan kahit paano sa bigat ng loob.Bumalik sa isip niya ang gabing iyon, ang pulang mantsa sa kumot bago siya lumisan. Isang tahimik ngunit mapanuyang paalala na hindi niya mabura. Isang tanong ang paulit-ulit na gumulo sa isip niya: Paano ko siya haharapin pag gising niya?Inasahan niya kahit isang salita mula rito, kahit galit, kahit paninisi. Pero ang ibinalik lang sa kanya nito a

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 158: What Remains After the Storm

    Samantala, sa bahay, nakaupo si Vivian sa gitna ng kaguluhan. Nagkalat ang mga basag na plorera, nabaligtad na upuan, at nalaglag na mga larawan sa sahig. Hinihingal siya, dama ang bigat ng galit na hindi maibsan. Nakaharap niya si Craig, tahimik lang na nakatayo, tinatanggap ang bawat salitang isinisigaw niya.“Umalis ka na!” bulyaw ni Vivian, nanginginig ang balikat. “Hindi kita kailangan dito. Ayokong makita ang mukha mo!”Ngunit nanatiling kalmado si Craig. Hindi siya gumalaw, hindi rin siya tumingin sa kanya. Ang ulo niya’y bahagyang nakatungo, at ang tinig niya’y banayad ngunit matatag. “Hindi ako aalis,” aniya. “Ipinadala ako ni President Beauch para bantayan ka. Hangga’t hindi siya ang nagsasabing umalis ako, mananatili ako.”Napatingin si Vivian, ang mga mata’y nagliliyab sa galit at hinanakit. “Bodyguard ka raw ng presidente?” Napatawa siya ng mapait. “Bakit ka nga ba nasa kama ko, ha? Anong klase kang tao, Craig? Nakakadiri ka. Galit na galit ako sa’yo!”Bigla niyang sinugo

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 157: Departures and Unspoken Words  

    Sa kalagitnaan ng gabi, nagigising si Cerise na naaalimpungatan nang biglang may humiga sa ibabaw niya. Nawala ang kanyang hininga at nagsimula siyang kumawala.Hinawakan ng lalaking nakahiga sa kanya ang mga kamay niya, iniuwi ang mga daliri. “Babe...”“Sigmund?”“Hmmm… Ako ‘to.”-Mahigpit siyang niyakap at nilambingan ng isang matinding halik sa dilim.Nang muling magising si Cerise, siya na lang ang naiwan sa kama. Ang puting kumot ay may tuyong pulang mantsa na agad siyang napansin. Bigla siyang binaha ng mga alaala ng nakaraang gabi, ang kanyang haplos, ang kanyang presensya, na parang bumaha sa dibdib niya. Akala niya ay sasakal siya.Malamig ang kanyang paligid at nag-iisa na lamang siya sa silid ngayon. Wala na ang taong nakasama niya buong gabi ng nakaraan. Ang nagmamay-ari ng malalakas na ungol at halinghing nang bumalot ang kanyang bibig sa kabuuan nito.Napayakap siya sa kanyang sarili. Tila may namumuong emosyon sa kanya na ayaw niyang aminin. Ang gabing pinagsaluhan nil

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 156: The Unveiling

    Suot ni Cerise ang espesyal na disenyo ni Mrs. Beauch na mataas na takong na may mga bituin. Medyo mataas nga, pero komportable sa kanyang paa.Lumabas sila ni Sigmund, kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Kara.“Nandiyan ka ba sa labas?” mabilis na sagot ni Kara.“Tulungan mo akong dalhin ang bag ko sa taas. Nasa loob ang regalo ko para kay Papito.”Habang nakikipagbati si Sigmund sa isang business partner, naglakad si Cerise nang mag-isa at nagpaliwanag kay Kara.“Oo, gets ko,” sagot ni Kara bago patayin ang tawag.“Ceri, dito ka,” tawag ni Sigmund.Lumapit si Cerise at tumayo sa tabi niya habang ipinapakilala siya.“Ito ang asawa ko, si Cerise. Cerise, Chairman ng League City, siya ang may-ari ng gumagawa ng paborito mong meryenda.” malambing na bulong ni Sigmund sa tenga niya.Namula si Cerise, tinitigan si Mr. Lane ng may pagkamausisa, at ngumiti. “Narinig ko na po ang pangalan niyo dati.”Ngumiti si Mr. Lane nang may pagmamahal. “At matagal ko na ring naririnig tungkol sa d

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status