Home / Romance / Until Divorce Do Us Part / Chapter 41: The High Society

Share

Chapter 41: The High Society

Author: Lyric Arden
last update Last Updated: 2025-01-22 21:20:28

Nainis si Cerise dahil naisip niyang bata parin ang turing nito sa kanya.

Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ni Sigmund, hindi niya ito sinagot sa halip ay in-on lang nito ang silent mode.

Agad namang naisip ni Cerise na si Vivian ito kaya hindi niya mapigilang hindi magtanong, “Hinahanap ka ni Ate Vivian, tama ba?”

“Kung ayaw mong tawagin siyang Ate Vivian, you can call her Vivian. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo,” seryoso nitong sabi.

Napaisip naman si Cerise kung ano ba ang pinagsasabi niya kagabi. Posible bang nagreklamo siya tungkol kay Vivian? Kung sakaling oo man, bilang na ang mga araw niya. Baka sa paningin ngayon ni Sigmund ay isa siyang kawawang babae na hindi man lang tumatanaw ng kabutihan.

Napayuko nalang si Cerise at nagpatuloy sa pagkain sa lugaw.

“By the way, tumawag si Percy at sinabing magpapalit kayo ng shift ngayon, kaya magpahinga ka muna,” ani Sigmund.

Natulala naman si Cerise at naalalang sinagot pala nito ang tawag para sa kanya, “Oh.”

Pagtango
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 42: Her Priceless Treasure

    “Cerise,” tila pagsaway sa kanya ni Sigmund, tila hindi niya inaasahan ang tanong na ito galing sa dalaga.Ngumiti naman siya, “Biro lang. Alam ko naman kung ano ang halaga ko sa’yo, bakit ka pala pumunta dito? Paalala ko lang, hindi kita papatulugin ngayon dito.”Bigla namang humangin at linipad ang buhok ni Cerise kasabay ang paglapit ni Sigmund sa kanya, “Curious lang rin ako, alam mo ba talaga kung gaano ka kahalaga sa akin?”Ang mukha nito’y napakaamo at tila hindi ang karaniwang mabagsik na Sigmund.Tiningnan lang naman niya ito hanggang sa makalapit ito sa kanya. Huminto ang pag-ihip ng hangin habang ang puso naman niya’y lalong uminit.“Hmm?” Paalala nito ulit sa kanya.Binuka niya ang bibig niya, at dahil sa kaba ay kumalma muna siya at kalmadong tumugon, “Baka mga ilang piso!”Nagalit naman sa sinabi niya si Sigmund, at lumapit sa kanya, ang sapatos nito’y tumatama sa sapatos niya.Nawala naman sa balanse si Cerise at natumba. Agad naman siyang nasalo ni Sigmund, yakap nito

    Last Updated : 2025-01-24
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 43: What He Couldn’t Name

    Tila nabingi naman si Cerise sa sinabi ni Sigmund, “Ano? Anong mag-asawa?”Hindi nagsalita si Sigmund, kaya hindi na rin nangulit si Cerise.“Hindi ko pa nalalabhan ang mga damit mo, kokontakin nalang kita kung tapos na,” ani Cerise sabay tulak kay Sigmund pero hindi man lang ito naapektuhan sa pagkakatayo nito.“Ihahatid na kita sa pintuan.”Hindi na siya nakipag-alitan dahil alam niyang hindi ito magpapatalo. Nang makasakay sila ng elevator ay tinugon niya itong maghintay, “Ihahatid ko nalang sa’yo dito, hintayin mo nalang ako.”“Pintuan,” pag-uulit nito. “Sa pintuan kita ihahatid.”Nang bumukas ang elevator ay nauna pa itong maglakad sa kanya.“Dito ka lang, okay?” Saad niya bago i-enter ang passcode.“Buksan mo ang pintuan.”“Sigmund!”“I promise I’ll leave right away!” Hindi niya alam kung naiinis na ba ito, pero ramdam niyang seryoso ito kaya binuksan niya ang pinto.“Bumalik ka na sa condo ko, mahigpit sila sa mga sasakyan, hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino.”Hindi ma

    Last Updated : 2025-01-25
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 44: The More You Do It, The More It Causes Trouble

    “Sandali,” saad ni Cerise bago tumungo sa opisina ni Percy. Pinanood sila ng mga katrabaho nila mula sa labas nito.“Alam mo bang magkababata ang anak ko at si Sigmund, noon palang ay gusto na nila ang isa’t isa, at itong babaitang ito ay biglang pumasok sa buhay nila. Ginawa niyang imposibleng ikasal ang dalawang tao na dapat kasal na. Kailangan mo akong tulungan!”Iniabot ni Percy ang tubig sabay ngiti, “Uminom po muna kayo.”Kumatok nang dalawang beses si Cerise bago pumasok at binuksan ang pintuan, “Director Colton, gusto ko pong ako mismo ang kumausap kay Mrs. Prescott.”Naramdaman ni Percy na mas mainam kung si Cerise ang kumausap dito. Nasa pribadong espasyo na sila at hindi rin naman basta-basta masasaktan ni Mrs. Prescott si Cerise kaya lumabas siya.Napatingin naman si Mrs. Prescott sa pumasok, at bago pa man niya mainom ang tubig na binigay ni Percy ay inilapag na niya ito.“Cerise kung gusto mo pang magtagal sa lugar na ito at tumira dito, lumayo ka kay Sigmund,” pagbaban

    Last Updated : 2025-01-25
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 45: The Weight of Ownership

    Labag man sa kanyang kalooban ay lumapit parin si Cerise, “Young Master!”“No need to call me that, they know.”Makahulugang sabi ni Sigmund nang makalapit siya. Nagsilbi naman itong masamang hangin kay Cerise at kinuha ang inalok nitong braso, hanggang sa napalapit sila sa nagkukumpulang grupo ng mga lalaki.“Our Cerise works at our provincial TV station, balita ko ay maraming manliligaw siya. Halos lahat ay gusto siya. Maganda siya pero…”Tumingin ito sa kanya bigla at ngumiti hanggang sa maningkit ang mga mata, “…paborito siya ng dalawang matanda ko, kaya hindi siya para sa lahat.”Matapos ang mga katagang iyon ay para namang isang banta ang binitawan ni Sigmund, halos walang nagtangkang huminga dahil pakiramdam nila ay hindi ni Sigmund papalampasin. Mas lalo naman ang boss na nag-alok sa kanya ng presyo kapalit niya.Ang ibig sabihin ng hindi para sa lahat ay pagmamay-ari na siya ng Beauch Group, pero paano naman ang nababalitang kasintahan ni Sigmund? Marami man ang tanong ng baw

    Last Updated : 2025-01-25
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 46: Let’s Get Divorced

    “Eri, hindi ko alam ang gagawin ko. Sabihin mo kung ano ba ang dapat kung gawin,” ibinaon ni Sigmund ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ni Cerise at bumulong.“Kung ano ang dapat mong gawin noong una palang, divorce me and marry Vivian,” pakiramdam ni Cerise ay sinaksak niya ang sarili sa puso, pero sa isip niya, ito ang nararapat.Ang tawag na natanggap ni Sigmund ay maaaring galing kay Vivian. Naguguluhan ba ito sa kanilang dalawa? Hindi naman nito kailangang mag-isip pa, sana ay ipagpatuloy nalang kung ano ang dapat talagang mangyari noong una palang.Natawa naman si Sigmund nang marinig ang sagot nito, “At paano kung ayaw ko?”“E di hindi, pero makokonsensya at magsisisi ka sa gagawin mo.”Ikiniskis naman ni Sigmund ang labi sa leeg ni Cerise, “Talaga ba?”“Oo. Matagal niyo nang gusto ang isa’t isa, at mahal na mahal mo na siya noon pa man. Isinakripisyo mo ang sarili mong ikasal sa akin para lang hindi nila kayo guluhin, at maging tahimik ang pagsasama niyo.”“Ganun?” Palali

    Last Updated : 2025-01-27
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 47: To Divorce

    Natulala naman si Cerise sa tanong sa kanya ni Sigmund, ano kaya na naman ang ibig sabihin nito?“Kung ganun, pinagawa lang niya ang wedding dress sa iba?” Sarkastiko niyang tanong habang puno ng paninisi ang mga mata niyang nakatingin sa kausap.Napasinghap si Sigmund, “Hindi naman sa ayokong maghiwalay tayo, pero kita mo naman kung ano nakita kanina ni Mommy. Kung maghihiwalay tayo, titipunin niya ang buong pamilya para baliin ang hita ko. Alam mo kung gaano sila kaistrikto.”Totoo man ang sinabi nito, pero wala namang nangyari sa kanila para parusahan siya nang ganun.Inosente naman siyang tiningnan nito, ngayon ay balot na siya ng galit. “E bakit hindi mo ako pinakawalan kagabi?”Ano nalang ang gagawin niya ngayong namali ng akala ang mommy ni Sigmund?“Hindi ko sinabing hindi kita papakawalan,” pagtanggi nito.Inis na inis naman si Cerise sa kawalang-hiyaan nito. Ngayon naiinis rin siya sa sarili niya, masyado siyang naging pabaya, “Hihintayin kita sa Civil Affairs Bureau. Kahit

    Last Updated : 2025-01-28
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 48: Divorced  

    Nagmamadaling pumunta si Sigmund matapos makatanggap ng importanteng tawag mula sa ospital. Sa tahimik na corridor ay naririnig ang mahihinang hikbi ni Mrs. Prescott at ang singhap ng daddy ni Vivian.Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad lumuhod sa harapan niya si Mrs. Prescott, “Sigmund, kung talagang mahal mo siya, ibigay mo na ang huling kahilingan niya.”Tumayo lang at malamig na tumingin si Sigmund. Nakikita naman ang dahan-dahang pagtayo ni Vivian mula sa hospital bed, dahil nais nitong pigilan ang inang nakaluhod sa bukana ng ward.“Tumayo ka nga dyan. Ano nalang ang sasabihin nila kapag may nakakita sa’yo? Nag-order na si Sigmund ng wedding dress, sa tingin mo ba hindi niya pa rin tutuparin ang pangako niya?” Saad ng daddy ni Vivian.Tumingin lang si Mrs. Prescott kay Sigmund na puno ang mata ng mga luha. Matapos ang ilang sandali ay napatingin si Sigmund sa kanyang relo, “Ano na ang ginagawa mo ngayon? Pagkatapos kay Cerise, ako naman ang pipilitin niyo?”Nang marinig ito ni

    Last Updated : 2025-01-29
  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 49: Emergency

    Malamig namang tiningnan ni Sigmund ang mediator sa binitawan nitong pangungusap. Samantalang sobrang saya naman ni Cerise, pero kalmado lang ang kanyang pagkakaupo, “Thank you.”Tumayo ang mediator upang kunin ang kanilang mga dokumento na kailangan sa pagsasapormal ng divorce, at hindi naman ito pinalampas ni Sigmund, “Hindi ko inaasahan na gustong-gusto mo talagang maghiwalay.”Totoo namang hinihintay niya ang araw na ito. Matapos marinig ang mga sinabi ni Sigmund ay lito siyang napalingon, at kalaunan ay tumugon nang buong kasiguraduhan, “Huwag ka nang masyadong mag-alala, ang lahat ay babalik na sa dati, kung saan sila nararapat.”Napatingin naman sa kanya si Sigmund habang nakangiti, “Ang sabi mo gusto mo ako noon, pero hindi yun totoo, tama ba?”Napakunot ang noo ng mediator na nakikinig sa usapan ng dalawa sa likod niya, dahan-dahan siyang humarap sa direksyon ng dalawa para hindi mahalatang nakikinig siya.“Totoo yun noon, noong bata pa ako at ignorante. Ngayon, alam ko na an

    Last Updated : 2025-01-29

Latest chapter

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 143: The Outsider  

    Hindi inakala ni Cerise na darating sa ganito si Sigmund, na paparusahan pa mismo nito si Mr. Prescott para sa kanya.Para sa kanya, sapat na ang baliin ang mga buto nito bilang ganti. Pero dahil siya ang ugat ng lahat ng ito, hindi siya pwedeng manatiling tahimik.Lumakad siya papasok, mahinang nagsalita, “Papito, Mamita, Mommy, Daddy, nandito na po ako.”Kaagad na nag-iba ang atensyon ng mga matatanda na nakaupo sa sala. Kitang-kita ang pagkainis nila kay Mr. Prescott, at nang makita si Cerise, para bang nawala ito sa eksena.“Anak,” malambing na tawag ng matanda, sabay tapik sa tabi niya, “halika rito sa tabi ni Mamita. Kung hindi pa sinabi ni Mr. Prescott, hindi ko malalaman ang tindi ng pinagdaanan mo.”Umupo si Cerise at marahang hinaplos ng matanda ang pisngi niya, puno ng pag-aalala. “Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Ang ganyang kabigat na bagay …”“Okay lang po ako,” sagot niya, mahinahon pero matatag. “Hindi ko lang inakala na pupuntahan pa kayo ni Mr. Prescott.”Nang lum

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 142: Pride and Petals

    Makalipas ang isang linggo, nakaupo si Sigmund sa kaniyang opisina nang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag at agad na sinagot ito.Isa sa mga kakilala niya sa korte ang nasa kabilang linya, nagsalita nang mahaba-haba, nagpaliwanag ng maraming bagay—pero sa dinami-rami ng sinabi nito, dalawang salita lang ang tumatak sa isip ni Sigmund:“Bahala na!”Talagang nagsampa ng demanda si Cerise.Hindi niya inakalang kaya ng babae na gawin iyon nang walang pag-aalinlangan. Ganoon nga talaga ito ka-desisido kung ayaw na nito sa isang tao.Kinahapunan, naglaro siya ng tennis kasama si Izar. Habang nagpapahinga sa gilid ng court, inabot ni Izar ang tuwalya sa kaniya.“Totoo namang lagi siyang tense kapag kasama ka,” ani Izar habang pinupunasan ang pawis. “Pero ngayon, idedemanda ka niya? Anong meron?”Napangisi si Sigmund na may halong pangungutya. “Nagpapanic lang siguro para sa direktor ng TV station nila. Baka gusto lang niya akong kausapin para ili

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 141: A Ring Between Us  

    Pasandal na umupo si Sigmund sa kanyang upuan, halatang naiinip. Mariin ang tingin niya kay Cerise, na tila ba inis na inis sa presensya nito.Tahimik na tumayo si Cerise, ang tinig niya’y kalmado ngunit may bigat. “Hindi na natin kailangang ipaalam pa sa iba ang tungkol sa kasal natin.”Napangisi si Sigmund sabay malamig na sumagot. “Talaga ba? Akala mo ba ganun lang ‘yun? Alam na ng lahat.”“Marami na akong nakita,” sagot ni Cerise. “Kapag nabuking, nagpapapress release lang para linawin ang isyu. Ngayon, ang mga tao naniniwala sa kung anong gusto nilang paniwalaan.”“I told you,” matigas ang tinig ni Sigmund, “hindi ako nagsisinungaling.”Nakuha ni Cerise ang ibig sabihin nito. At sa kaibuturan ni Sigmund, parang may tumusok sa dibdib niya.“Puwede bang ako na lang ang magbigay-linaw?” tanong ni Cerise, ang mata niya’y diretso sa kanya.Hindi agad sumagot si Sigmund. Sa halip, binuksan niya ang laptop sa harapan at malamig na bumigkas, “Bahala ka.”Napangiti si Cerise nang bahagya.

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 140: Whispers Behind Closed Doors

    “Wag kang magalit... sabi ni Kuya Izar, bawal kang ma-stress...” halos pabulong na ang kanyang tinig.“Cerise,” sabi ni Sigmund. “Sana hindi na lang kita nakilala.”Mula sa malamig ay naging isang mapait na lamig ang bumalot sa silid. Wala na siyang nasabi.At gaya ng eksenang walang pasabi, bumukas ang pinto.“Sigmund!”Pamilyar ang boses, malakas, sabik. Pumasok si Vivian, dala ang sariling pag-aalala. Kasunod niya si Craig, pero hindi ito lumapit.Napatingin si Cerise sa kanila. Hindi maipinta ang naramdaman niya.“Ceri, nandito ka rin pala,” magiliw na bati ni Vivian. Walang halong init o panunumbat, pero may pagitan ang tono. Tumabi ito kay Sigmund at agad hinawakan ang kamay nito.“Kumusta ka na? Mas okay ka na ba ngayon?”Hindi sumagot si Sigmund. Tiningnan lang niya si Vivian, at saka bahagyang napangisi. Isang malamig na ngiti na mas masakit pa kaysa sa kanina.Hindi alam ni Cerise kung bakit nakangisi si Sigmund. Wala naman itong sinasabi. Kaya’t marahan niyang paalala, “’Wa

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 139: When Pain Won’t Speak

    “Kuya Izar?” may halong gulat ang boses ni Cerise.“Sakto ang tawag mo,” ani Izar. “Hinahanap din kita. Naaksidente si Sigmund kagabi... nasa ospital siya ngayon.”Nabigla si Cerise. “Ano?” Mabilis siyang napatayo. “Nasaan siya? Anong ospital?”“May bali sa isang braso. Nagising kaninang madaling-araw, pero nawalan ulit ng malay. Baka mas mabuti kung pumunta ka rito. Kailangan nating mag-usap.”Hindi na siya nagtanong pa. “Pupunta na ako ngayon.”-Kasabay ng malakas na pagbugso ng hangin ang mabilis na takbo ng kotse. Tahimik si Cerise sa likuran ng sasakyan ng direktor, hawak pa rin ang kanyang, habang paulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Izar.Pagbaba sa ospital, sinalubong siya ng malamig na hangin. Inayos niya ang buhok na ginugulo ng hangin habang nagmamadaling tumakbo papasok.Sa labas ng silid ng pasyente, tumingala si Izar sa naririnig niyang yapak. Nang makita niya si Cerise, bahagya siyang ngumiti, alanganin, pero malinaw ang pagkaunawa sa nararamdaman nito.“Kuya Izar, k

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 138: Behind A Single Yes

    Kita ni Cerise ang pagsabog ng emosyon sa mata nito. Disappointment. Inis. Galit na pilit pinipigil. Pero kahit naramdaman niyang unti-unting bumibitaw si Sigmund sa kanya, kailangan niya itong sabihin.Huminga siya nang malalim, parang pagsuko pero puno ng layunin.“Young Master… pakiusap, hiwalayan mo na ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. Tumigas ang ekspresyon nito, at may sagot siyang buo na bago pa man niya mapigilan ang sarili:“Imposible.”Tumalikod siya at umalis.Naiwan si Cerise sa kinatatayuan, parang naligaw sa gitna ng makakapal na ulap.Buti na lang at kailangan nitong umalis kinagabihan. Nang makatiyak siyang wala na si Sigmund, tahimik siyang lumabas ng suite.Diretso siya sa hotel lobby. Wala namang sagabal sa kanyang pag-alis. Tumango ang mga staff at magalang siyang binati.“Ingat po kayo, Madam.”Napahinto si Cerise. Sandaling nagulat… pero tinuloy ang lakad na may matatag na hakbang.Sumakay siya ng taxi at dumiretso sa bahay.Nag-file siya ng leave at nagkulong s

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 137: Uncrossed Lines

    Napatingin sa kanya si Cerise. “Bakit?”“Sa nangyari sa’yo kagabi, wala ka bang gustong alamin? Sino ang nasa likod no’n? Magpahinga ka muna. Huwag kang pumasok.”“Eh ‘di uuwi na lang ako.”Tumitig si Sigmund sa kanya. “Hindi ka ba komportable kapag kasama ako?”“Hindi ko sinasabi ‘yon,” mahinang sagot ni Cerise. “Pero hindi ako pwedeng manatili rito habang-buhay.”“Naghihintay ang mga reporter sa labas ng bahay mo ngayon. Kung pipilitin mong umalis, iisa lang ang pupuntahan mo.”“Saan?”“Sa condo ko.”Ang kanyang sea-view unit.Hindi umimik si Cerise. Tumigil lang siya, nakatingin sa sahig. Tahimik. Pero sa loob-loob niya, naluha ang kanyang damdamin.Hindi ba’t ibig sabihin nito’y hindi pa rin siya makakawala sa kanya?Ayaw na niyang maging human pillow nito tuwing gabi.“Pupunta na lang ako kay Kara. Puwede?”“Alam kong anak siya ng abogado ng tatay mo, at matagal na kayong magkaibigan. Pero ako ang asawa mo. Mas pipiliin mo ba ang kaibigan mo kaysa sa asawa mo? Mas ligtas ka ba ka

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 136: Tangled in Silence  

    Sa kabilang bahagi ng lungsod, hindi tahimik ang umaga sa private apartment ni Vivian.Nakaupo siya sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang sarili. Ilang ulit niyang tinangkang mag-makeup, pero nauuwi lang ito sa pagkabigo. Sa huli, binato niya ang mga mamahaling cosmetics at skincare sa sahig.Tumunog ang mga bote. Nagkalat ang mga piraso.Pumasok si Craig na nagulat sa gulo. Napatingin siya kay Vivian, nakaupo pa rin sa upuan, tahimik pero naglalagablab ang mga mata.“Lumapit ka rito,” malamig na utos ng babae.Nagdadalawang-isip man ay lumapit si Craig.Tumayo si Vivian, at bigla na lang yumakap sa kanya. Hinalikan siya nito, mariin, puno ng poot at pangungulila. May luha sa mga mata nito at napakaagresibo ng galaw nito.Pagbitaw niya sa halik ay mahina itong nagtanong, “Tulungan mo akong kalimutan siya. Kaya mo ba?”“Vivian…”“Please.”Muling hinalikan ni Vivian ang kanyang leeg, labi, at dibdib. Habang hinahaplos siya, pinasok ng kamay niya ang loob ng suot ni Craig, binubuksan an

  • Until Divorce Do Us Part   Chapter 135: Secrets That Don’t Sleep  

    Bigla siyang hinila ni Sigmund pabalik at sabay silang bumagsak sa kama.Nataranta si Cerise. Napakapit siya sa braso nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, mahina siyang bumulong."Hindi yata tama 'to...""Bukas, may press conference. Sasabihin ko na asawa kita. At hindi ko na itatago."Ibinulong ni Sigmund iyon sa leeg niya—mababa, mariin, at puno ng paninindigan.“Hindi,” madiing sabi ni Cerise sa nanginginig niyang tinig. “Hindi tayo puwedeng magpa-press conference.”Bahagyang napatigil ang mundo. Nadadarang siya sa init ng katawan nito, sa seguridad ng yakap, ngunit nanaig ang katinuan.Dumikit si Sigmund sa leeg niya, at may bulong na dumaan sa balat niya gaya ng usok na may dalang apoy. “Ayoko nang maulit ang nangyari ngayon,” aniya, mariin ang tono.Ayaw na niyang hayaang harapin ni Cerise ang panganib nang mag-isa.Pumasok sa isipan ni Cerise ang nakaraan, ang araw na sinabuyan siya ng pintura sa harap ng media. Iyon ay isang kahihiyan, ngunit maituturing pang mabab

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status