MABILIS na nakaalis si Pam sa bahay para puntahan nga ang kuya Primo nito at ang ate Deiah nito. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nito sa kanila ay sigurado siyang mabilis niyang mararating eto.
At ilang sandali pa nga ay natatanaw niya ang malaking bahay.
“Oh, si Ate Deiah iyon ah!” Bulong niya nang makita si Deiah na sumakay sa isang mamahaling kotse.
“Wow it's a roll royce phantom VIII car? Shock! bigatin ang may-ari ng kotse.” Paghangang saad niya saka mabilis na napahinto. Mahilig at may alam sa sasakyan si Pam kaya marunong itong kumilatis pagdating sa mga ganitong klaseng sasakyan.
“Pero sino iyon? Hindi kotse ni kuya, at mas lalong hindi kotse ng tatlong kuripot na ugok iyon.” Dagdag pa ulit niya na ang tinutukoy ay ang tatlong kaibigan ng kuya niya na sina Blue, Jette at Felix.
Palaisipan man kay Pam, mabilis niyang itinabi na muna ang kotse saka lumabas.
“Kung hindi sila, sino?” Pagtatakang tanong niya sa sarili. Pahakbang na siya nang mapansin naman niya ang iilang mga basura sa labas, kasama na duon ang malaking frame na pumukaw sa atensyon niya.
“Wedding frame yata ito ng kasal nila.” Napapakunot na binusisi ni Pam ang nakataob na frame.
“Oh no! Why?” Tanging naibulalas na lamang niya ng makumpirma niya ngang wedding picture nito ang nandoon. Hindi niya mapigilang mapatingin pa sa iilang basura, at nakita niya ang lahat ng mga gamit ni Deiah, kaya bigla siyang kinabahan.
“What’s happening?” Dagdag niyang bulong habang napapahimas sa dibdib niya. Madaming katanungan na ang nagsimulang mag-unahan sa isipan niya.
Kilala niya ang dalawa, alam niya ang history ng dalawa kaya mas lalo siyang kinabahan ngayon at sa nakita niya. Akmang tatawagan niya na sana si Deiha nang biglang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likuran niya.
“What are you doing here?”
“Ku-kuya!” Gulat nitong saad pagkalingon.
“Why are you here?” Madilim ang awra ni Primo habang nakatingin sa kapatid na mas lalong ikinatakot nito.
“A-ano ka-kasi, si, si lolo pinapa—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Pam ay napasuntok sa hangin na sa hangin si Primo nang makita ang mga gamit ni Deiah sa harapan niya.
Napakuyom ng kamao si Primo sa sobrang galit hindi niya maintindihan kung bakit nakabalandra na sa labas ang mga gamit ng babaeng iyon pati wedding pictures nila hindi din pinalagpas at itinapon, ano nalang kaya ang sasabihin ng mga taong nakakita na? Baka mabalitaan pa ng lolo niya ito. Tila gusto pa yata ng babaeng ipagsigawan na gusto niya na itong hiwalayan sa ginawa nito.
Ang mas lalong nagpagalit pa sa kaniya ay ang makita ang kapatid nito dito.
“Tinawagan ka ba ni Deiah?”
“Ah-huh? Hin-hindi, si-si lolo kasi. Nagp-pasabi na by-by next week babalik na dito.”
“What?”
Napaigtad si Pam sa gulat sa boses na pinakawalan ng kaniyang kapatid. For the first time yata sa buong buhay niya na nataasan siya ng boses nito kaya napakagat siya sa labi.
“Ku-kuya.”
“Look, I’m so sorry. Nabigla lang ako.” Saad ni Primo saka napatingin sa kabuuan ng bahay. Bigla tuloy siyang kinabahan, kaya dali-dali siyang niyang binuksan ang gate ng bahay at ang pintuan saka mabilis na pumasok habang si Pam, naguguluhan man ay sumunod sa kapatid sa loob ng bahay.
“F”ck!” Napamura sa hangin si Primo nang malibot ang kabuuan ng bahay. Malinis na ang bahay, wala na ang mga gamit nito sa banyo, sa closet room.
“Ku-kuya!” Tawag sa kaniya ni Pam na nuon ay nasa sala. Napahilot sandal sa sintido si Primo bago magtungo sa kapatid.
Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang akapatid na may hawak-hawak na kapirasong papel. Isang papel na pamilyar sa kaniya.
“Sa-saan m-mo nakuha iyan? Sa-saan mo nakita?” Pagtataas ng boses na tanong ni Primo kay Pam.
“D-dito lang sa table. I’m sorry hindi ko sinasadya. Napansin ko kasi. I thought it was just a letter but it—”
“Akin na nga iyan.” Mabilis na kinuha ni Primo ang papel sa kapatid saka inilagay sa envelope.
Habang si Pam ay tila nanigas ang katawan sa kinatatayuan sa nadiskubre. Nasagot na sa isipan niya kung bakit niya ito nakita kanina, at kung bakit maraming gamit nito sa labas.
Napatingin siya sa kuya niya na halos magusot ang envelope sa tindi ng pagkakakapit nito.
“Kuya, is—is that true? Tama ba ang nabasa ko sa papel?” Tanong ni Pam na may panginginig pa sa boses nito.
Sandaling napapikit si Primo, hindi niya alam kung paano niya ilalabas ang galit sa harapan ng kapatid niya. Hindi niya maalis sa isipan niyang sisihin si Deiah ngayon dahilan para mabisto ito ng kapatid niya. Pakiramdam niya, muli na namang sinira nito ang nakaplano na sa buhay niya.
Inunahan na naman siya nito sa pamilya niya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Primo, kailangan niyang mag-isip ng maayos ngayon. Hindi pwedeng makarating sa kaniyang lolo ang lahat ng ito. Hindi rin naman niya inaasahan nag anito kadaling mapipirmahan ni Deiah ito, mas lalong hindi niya inaasahang darating ang kapatid niya at masaksihan pa ng kapatid niya.
Pinilit niyang maikalma ang sarili, kumuha siya ng tubig saka uminom habang sinusundan lang siya ng tingin ni Pam. Hindi pwedeng malaman ng lolo niya ito ngayon.
Ilang saglit pa nang makabuo na ng lakas ng loob si Primo ay hinarap na ang kapatid nitong nakatitig lang sa kaniya na naghihintay pa din ng kasagutan.
“Yes. But please—don’t tell na muna to lolo about this.”
NANGINGINIG ang mga tuhod ni Don Sebastian na bumababa sa hagdanan. Agad namang sinalubong ni Manang nang matanaw niya itong hirap sa pagbaba upang maalalayan."Don Sebastian--""Kasawiang palad--kasawiang palad talaga sa pamilya ko ito, Manang! Isa-isa, ang mga lalaki sa pamilya ng angkan ko ay pinapabagsak lamang ng mga kababaihang iyon. Mga babaeng may tinatagong lihim na layunin, may mga mata sa yaman, hindi sa puso! At dahil lamang sa kagandahang may lason, masisira pa ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na pinundar ko ng napakatagal na panahon." Hinaing nito saka umupo sa couch."Sandali ho, at ikukuha ko muna kayo ng tubig." Paalam saglit ni Manang Corazon saka humakbang papalayo. Hindi naman maiwasan ang lungkot sa mga mata ng matanda habang nakatingin ito sa paligid. Tandang-tanda niya pa kung paano niya pinangarap ang mundong kinabibilangan niya ngayon. Lalo na ang villa na ito. Itinayo niya ito hindi lang sa kagustuhan niya kundi dahil sa kaniyang namayapang asawa
PAGKARATING na pagkarating ni Primo sa Villa, agad niyang naramdaman ang bigat ng paligid. Parang may bumalot na malamig na ulap sa buong bahay, at ang dating tahimik na kapaligiran ay tila pinanawan ng ginhawa. Mabigat ang hangin, parang bawat paghinga ay may kasamang pangamba. Napahinto siya sandali sa may pintuan, pinakiramdaman ang paligid.Sinalubong siya agad ni Manang, halatang balisa."Nako hijo, mabuti at dumating ka," ani Manang, nanginginig ang tinig at mabilis ang kilos. "Pigilan mo ang daddy at lolo mo. Nasa taas sila, sa study room.""Huh? Anong ginagawa nila doon?" tanong niya, nanlalaki ang mata."Nako sila na ang tanungin mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya tinawagan na talaga kita, baka kung ano pa ang mangyari—baka mapano ang lolo mo!" May halong takot at pag-aalala ang tono ni Manang habang hinahawakan ang braso ni Primo, halos itulak paakyat sa hagdan.Mabilis na kumabog ang dibdib ni Primo. Kilala niya ang dalawang iyon—ang kanyang ama at lolo—mga lalaking
SA init at hindi maipaliwanag na pakiramdam, nagpasyang umalis si Primo kasama si Eric dala-dala ang isang box. Habang napapalunok naman si Eric, na halos mabilaukan ng sarili nitong laway sa sobrang kaba.Kilala niya ang amo niya kapag galit ito. Pero sa pagkakataong ito hindi niya malaman kung galit pa ba ang awrang kaniyang nakikita at nararamdaman dito.Tahimik ang buong biyahe, hanggang sa biglang.."Sa tailor shop tayo." Matipid at mabigat ang tono ng boses nitong utos kay Eric na napalunok na lamang ng sarili nitong laway saka tahimik na napatango.Nang marating nila ang patahian, walang pagdadalawang isip na agarang bumaba sa sasakyang itong si Primo bitbit ang isang kahon.Marahang itinulak ni Primo ang pintuan at pumasok. Ang kaniyang matangkad na katawan ay halos pumuno sa pintuan, tila isang dambuhalang dayuhang pumasok sa isang maliit na silid.Samantala, abala naman ang matandang mananahi sa pagpaplantsa ng mga damit. Nang makita niya ang kahanga-hangang lalaking pumasok
GALIT na galit pa din si Jared, nakakuyom ang mga kamao. Gusto pa niyang magsalita, ngunit isang matalim na tingin mula kay Deiah ang pumigil sa kaniya. Napalunok siya at hindi na muling naglakass-loob pang magsalita."Ano?! Teka nga, mabanatan ko nga muna. " Agad na pumalag si Aeviah, handang sumugod upang ipaglaban ang amo. Ngunit mabilis siyang pinigilan ni Deiah."Kalma lang, baka ikaw pa ang ibalibag sa liit mong 'yan. Dating sundalo iyan, kaya malamang baka maging isnag punching bag ka lang niyan." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, bahagyang bumaba ang kaniyang boses. "At saka...hindi naman niya sinasadya. Gan'n talag 'yon-hindi marunong maging banayad, wala sa bokabularyo ang maging gentleman sa mga taong hindi niya kalibel."Napakunot ang noo ni Aeviah habang pinagmamasdan si Deiah na mahahalata ang mga matang malungkot. "Ayos ka lang ba, Young Madam? Bakit parang matagal mo na siyang kakilala?"Napasinghap si Deiah at saglit na natigilan, bago marahang pinagdikit ang ka
NAKAPAG-ARAL sa pinakamataas na akademyang militar sa bansa noong kolehiyo si Primo at nagsilbi sa hukbong sandatahan sa loob ng tatalong taon. Ngayon ay nasa mundo na siya ng negosyo, ang katawan niyang nakatago sa ilalaim ng mamahaling suit ay nanatiling matatag at matibay. Kaya't kahit malakas ang suntok sa kaniya ni Jared, bahagyang nagdugo lamang ang gilid ng kaniyang labi, ngunit hindi man lang natinag ang kaniyang matangkad at matipunong katawan. "Sh**! Another karibal sa pag-ibig." napamurang sambit nitong si Onyx sa isip, pero hindi niya magawang isigaw ito nang malakas. Galit na galit si Jared na sumugod kay Primo at muling sinusubukang suntikin si Primo, ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ng lalaki. Mabilis at maliksi itong umiwas, parang isang bihasang mandirigma. "Primo, hindi ba't sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Deiah?! Wala ka na ba talagang hiya?" Hingal na hingal si Jared, namumula ang kaniyang mga mata sa matinding galit. "Kapag may nangyaring masam
SA HOSPITAL, Walang nagawa si Deiah nang tuluyang dalhin siya sa ospital ni Primo. Kahit pa kasi siya magsisisigaw at magpupumiglas ay wala siyang kawala sa lakas ng lalaki kumpara sa lakas na meron lang siya bilang isang babae. Manghihina lang siya at mapapagod. Agaran siyang dinala sa loob ng silid-gamutan, habang si Primo at Onyx ay tahimik na naghihintay sa pasilyo. Kapwa kinakabahan sa magiging resulta, halos malunod ng limang minuto sa katahimikan ang paligid ng dalawa hanggang sa tuluyang basagin nitong si Onyx. "Tol, ang tindi mo talaga no? Hinila mo siya nang walang awa! Ang liit-liit kaya ng braso niya, paano niya kakayanin 'yon? Tsk..ano ba kasi ang iniisip mo, ha?!" Napabuntong-hininga si Onyx at umiiling, halatang hindi natutuwa saka napasandal. Ngunit sa halip na sagutin ang puna ni Onyx, malamig lang siyang tinitigan ni Primo. Ang malalim niyang mga mata ay nagdilim, at sa likod ng kaniyang matikas at maringal na mukha, may natatagong galit. "Pa'no mo nalaman kung