CLAIRE'S POV
As I walked in the aisle my tears started to flow. Masaya ako dahil ito ang araw na hinihiling ko ang maikasal sa lalaking pinapangarap ko mula pagkabata. Bakas sa mga nakadalong tao ang tuwa dahil sa mga nangyayari. Pero habang unti-unti akong nakakarating sa harapan ay nababakas ko ang galit at matalim na tingin ng magiging asawa ko. Drake. Natapos ang seremonya at nakahawak ako ngayon sa braso niya. Nakangiti habang pinasasalamatan ang mga bisitang lumalapit sa amin. Ramdam ko ang masamang awra ng aking asawa. Dumating ang oras na kailangan na naming umalis at umuwi sa sarili naming bahay. Bago pa kami makapasok sa kotse ay may ibinulong sya sa akin. "Siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan ang sinimulan mo." Napalunok ako, alam kong mahihirapan ako pero hindi ako susuko lalo na pagdating sa kanya. 10 MONTHS LATER "DID I FUCKING TELL YOU TO TOUCH THAT?!" Nakakarinding boses ng kabet ng asawa ko. Yumuko ako, kailangan kong pigilan ang galit ko. "Sorry". Hinging paumanhin ko sa kanya. After naming ikasal naging impyerno ang buhay ko. Sinasaktan ako ng asawa ko araw-araw at walang palya, dinadala niya din ang babaeng mahal niya dito sa bahay. Pero sa lahat ng yun hindi ako tumutol dahil mahal ko sya. Nagulat nalang ako ng may kamay na biglang sumampal sa'kin, napahawak ako sa kanang pisnge ko dahil sa sakit, inangat ko ang tingin at nakita ko ang galit kong asawa. "Sino ang nagsabi sayong pwede mong pakialaman ang gamit ni Joy?!" Bulyaw niya sa harapan ko. "H-hindi ko naman alam". Nauutal kong sabi at yumuko. "I told you already, right?" "I didn't even touch her.." Baka sakaling maniwala sya sakin. "He touch me love!" nagmamakaawang saad ni Joy tsaka lumingkis sa asawa ko na agad din naman nitong niyakap. Hindi ko maiwasang dumaan ang sakit sa mga mata ko. I wish I can hold him like that. "Get out bago mo pa sirain ang buong araw ko." Matalim na tingin ang binigay nito saakin. "D-Drake ako naman yung asawa mo ah b-bakit ako pa ang kailangang makaramdam nito?" Mahinahon kung sabi sa kanya. Pinipigilan kong tumulo ang taksil kung mga luha. "You're not his wife, duh!" Biglang sabat ni Joy pero naagaw ng atensyon ko ang biglang pagtawa ni Drake. "Asawa?" Saad nito na sinundan nya ng pagak na tawa. Damn, ang sakit pakinggan ng tawa nyang parang isang kalukohan lang ang kasal naming dalawa. Well maybe for him. I'm the one who take it seriously. "Unang-una sa lahat hindi kita asawa, sa papel lang kita asawa." Sunod na sabi niya. May mas sasakit pa ba? "Kung hindi ka sana ganun ka desperada ay masaya kami ngayon, kung hindi ka sana nagpakatanga dyan sa putanginang arrange marriage na yan!!". Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko lalo na sa mga susunod nya pang sinabi. "Hindi ikaw ang mahal ko, Claire. Si Joy ang mahal ko." Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kailan paba ako masasanay? Ngayong halos araw-araw ko silang nakikita. "Drake m-mahal kita kaya ko ginawa yun". Nagsusumamo kong saad. Tanga na kung tanga. "Selfish ka, Claire Alam mong mahal ko si Joy una palang." Mapangutyang hinarap ako ni Joy na mas ikinayuko ko. "Kung hindi lang din dahil sa tatay mo hindi to mangyayari." Huling sabi niya bago hinatak si Joy na nakangisi nang nakatingin sa akin. Tangina, parang hindi din sya nakinabang sa kasal na to! Natawa nalang ako habang nakahawak sa naninikip kong dibdib. "Don't worry, Drake. Once that I can't survive magiging masaya na kayo." LUMIPAS ang isa pang buwan at tanging sakit lang ang pinaparamdam nya sakin. He didn't even dare to look at me, kahit kausapin man lang ako ng hindi pagalit. Mabilis kong hinanda ang sarili ng marinig ko ang mga yabag papasok sa front door at ng marinig ko ang pag unlock ng pinto ay masaya ko siyang sinalubong ng hawak kong cake. "Happy birthday hubby!!" Masaya kong saad sa asawa ko pagkapasok nya agad sa bahay. Hindi niya kasama si Joy na mas ikinatuwa ko. Agad kong tinapat sa harap nya ang cake para ipablow sa kanya ang candle. "Make a wish hubby!". Masigla kong saad. Hindi naman siya nagreklamo at hinipan ito na mas ikinatuwa ng puso ko "Ano iyong wish mo?!" "You want to know?" Biglang tanong niya. "A-Ahh kung pwede sana." Nag-aalinlangan kong saad. Sinundan ko sya ng tingin ng ilapag niya ang phone niya sa table at mariin akong tiningnan. Ramdam ko iyon pero bigla akong nagtaka ng ngumiti sya saakin. "I wish that you'd gone Claire." Saad niya at umakyat papuntang kwarto. Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko at paninikip ng dibdib ko. Parang mga patalim ang binitawan nyang salita at halos madurog na ang puso ko sa paulit ulit na pagdaan nito sa isip at puso ko. Kailangan ko na bang tuparin ang nais mo Drake? Halos hindi pa kami nag iisang taon, gusto ko pang bumuo ng masayang pamilya kasama sya pero sino nga ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko lang. Wala ako sa isang teleserye para maranasan lahat ng to. I want him to be happy pero sinabi kong hindi ko sya iiwan dahil ganun ko sya kamahal. Patuloy ako sa pagluha at pagpapakalma ng sarili ng biglang umilaw ang cellphone ni Drake. Naiwan niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tingnan at kunin iyon at ng makita kong tumatawag si Joy ay hindi ko napigilang sagutin dahil na din sa nanginginig kong mga kamay. "Hello, honey! Kyaaaahhhh it's positive!! We have our first baby na!!" Parang natuod ako sa kinatatayuan ko. B-baby? Anong ibig nyang sabihin? M-Magkakaanak naba sila? "I'm soooooooo excited honey!!". Dugtong nito. "Hello honey?" Mas nanikip ang dibdib ko ng marinig ang mga yabag na alam kong galing sa asawa ko kasabay nun ang pag end ko ng tawag pero halos hindi ko man lang magawang bitawan ang telepono dahil sa narinig. Walang tigil na umaagos ang luha ko. Napaupo ako sa sahig. Ang sakit sobrang sakit. "Anong pakulo na naman yan at may pa upo upo kapa sa sahig tsked tanga." Nahihirapan akong huminga, gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko na magawa pa. "And why the fuck are you holding my phone?!" Biglang saad nito "D-Drake..". Bigkas ko sa pangalan niya. Naramdamang kong luumapit sya sa pwesto ko at inangat ang mukha ko. Alam kong namumutla ako ngayon. Nalipat Ang tingin niya sa braso ko. "What the fuck is this?!" Pagtukoy nito sa umiilaw na bagay sa braso ko. Siguro ay umiilaw na ang pacemaker ko dahil nakakapusan na ako ng hininga. Tumingin sya sa akin and for the first time. Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya. "W-What is happening to you Claire?" Nauutal niyang sabi habang nakahawak sa pisnge ko. My heart can't take it anymore, it's already tired. Inangat ko ang kamay ko. "I-I love you so damn much,.Drake. Tinupad ko yung pangako natin sa isat-isa nang b-bata pa tayo". Nakangiti kong banggit sa kanya. Sya ang kababatang nangako at sinabing kami ang ikakasal para sa isat-isa. And before we separate our ways, alam ko sa sarili kong pangako ko din yun. "And that is to m-marry you, and now for the second time, Drake...." halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa nararamdaman pero mas pinili ko pa ding sabihin sa kanya na sa pangalawang pagkakataon ay handa akong tuparin ang nais nya. "Fuck! I'll call the d-doctor, hold on Claire!" Hindi ko sya hinayaang umalis marahil sa kabila ng panghihinang nararamdaman ko ay mahigpit kong kinuha ang kamay nya at dinala sa labi ko upang marahan ko itong mahalikan. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay. "Y-Your wish is my command love.""Gusto niyang hanapin ko kayo...ang pamilya niya, at sabihing namuhay sya sa m-maikling panahon. Sinubukan ko kahit pangalan at apelyido niya lang ang gamit ko." humugot sya ng malalim na hininga. "N-Nahirapan ako at ngayon ko lang nalaman dahil tanging yun lang ang alam nya, ang pangalan niya." Pumatak ang luha sa mga mata niya at sa tuwing pupunasan niya ito ay meron na namang susunod. Ramdam ko ang bawat sakit, lungkot at pangungulila sa bawat salitang binitawan niya, sa bawat boses na naririnig ko sa kanya. "Sobrang mahal ko ang Kuya mo, Chase, kaya ginawa k-ko lahat para...p-para mahanap kayong pamilya niya. At...ikaw lang pala ang magiging daan para magawa ko yun, Claire." Nanlalabo ang matang nagtagpo ang tingin naming dalawa at hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang damdaming nararamdaman ko ngayon! Hinarap nito si Joy. "Ngayon sa tingin mo, s-sa tingin mo...ate, ha! Sino ang dahilan?" tanong nito sa kapatid. Mapangutyang tiningnan nito si Joy. "Huwag kang magsalita na
Masakit, masakit na marinig kay Allison yun lalo na't alam kong mahal niya ang Kuya ni Chase na walang ibang minahal kundi si Joy, ang ate niya. Sumulyap ako kay Chase at kita ko ang sakit sa mukha niya, sa bawat salitang naririnig niya mula kay Allison. "W-What?.." naguguluhang sambit ni Joy. Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga narinig maging si Chase ay napapailing na hindi makapaniwala sa napapakinggan. Alam kong mabigat sa kanya ito, ang malaman ang katotohanan sa ibang tao. "Kayo ni Drake noon pero may nangyayari sa inyo ni Chris...mahal ka nya ate, mahal ka ng taong mahal ko! At alam mo yun!" Hinarap niya ang katabi ko. "Inampon ng tita ko si Chris nang makita sya nito sa kalsada, walang malay, may sugat sa ulo at nang magising walang ibang alam kundi ang tanging pangalan at apelyido niya. Sabay kaming lumaki hanggang sa sabay kaming lumipat dito sa manila at nakilala niya ang half sister ko." pagtukoy nito kay Joy. "Mahal ko na sya nang panahon na yun pero ib
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya at muli...sinisi ko na naman ang sarili ko. "Bakit? Nakalimutan mo na ba na ang babaeng yan ang dahilan kung bakit hindi mo na makikita pa ang Kuya mo?" "Ate!" Kumuyom ang kamao ko sa narinig at para bang sinipa lahat ng lakas ko nang maramdaman kong binitawan ni Chase ang kamay ko. "Bakit ko nagawa yun? Why did I do all that, Claire? Because I'm jealous! I'm jealous of you! You're rich, you have money, samantalang ako wala!" puno ng hinanagpis niyang saad. "I first saw and met Drake when we were kids, I wanted to be friends with him, but he chose to approach you first! And if I didn't befriend you, I wouldn't have been able to get close to him." sumbat niya sa harapan ko. I wished I'm hearing it all wrong. Inggit? Sa loob ng mga panahong pinagsamahan namin ay hindi ko naisip yun, at kahit pa ngayong malalaki na kami. "You fucking have it all, Claire! Beauty, money, and him. And yes, I considered you as a friend for a short time, but it wasn't
Hawak nya ang kamay ko habang palabas kami ng kwarto, naririnig namin ang iyak ni Zaya kaya dumiretso kami pababa ng hagdan dahil nagmumula ito sa sala. Nakasunod lang ako kay Drake at nakayuko dahil tinitingnan ko ang hagdang nilalakaran ko nang bigla syang mapatigil saktong nakababa kami sa hagdan. Napakunot noo ako dahil hindi sya naglakad ulit at humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya hindi inaalis ang tingin sa kanya ay lumipat ako sa gilid niya. "Chase?" pagtawag ko pero wala sa akin ang atensyon niya at nasa unahan. "Finally!" Nakarinig ako ng palakpak, kusang pumihit ang katawan ko paharap. Then...I saw her. "The one who ruined everything." matigas nitong saad. "Joy..." "Wow! Gulat na gulat ka ata?" Nakatayo sya sa harapan ko ngayon, maayos pero napansin kong parang may nagbago sa kanya at hindi ko lang yun maipaliwanag. "Ilayo mo nga sakin ang batang yan!" "Don't you fucking dare hurt her!" galit na sigaw ni Chase sa gilid ko nang winaksi ni Joy si
Umiling ako. Ngayong gumulo ang utak ko ay hindi ko alam kung sino ba ang dapat paghinalaan. "W-Wala akong ginawa..." pangungumbinsi ko sa kanya. "I know, baby. But I have...someone in mind." Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Sino?" Bumuntong-hininga sya at sumubsob sa tyan ko, pinulupot ang mga kamay sa bewang ko, kusang bumalik sa paghaplos ng buhok nya ang kamay ko. Siguro kung wala akong ibang iniisip ay matutuwa ako, pero ngayon, hindi. "I'll take care of that, baby." Muling umangat ang tingin nito saakin. "But for now, you need to answer your Manager's email, I'm sorry nakita ko sa notification mo." he said before giving me the phone. Umupo ako sa tabi niya at kinuha yun sa kamay nya. He looked at me intently. Ngayon lang nagkasignal at alam kong galit na sa akin ang manager ko at hindi nga ako nagkamali ng mabasa ang sunod-sunod na reklamo nya, kesyo nasaan na daw ako. Hindi ko maiwasang malungkot habang nagtitipa ng mensahe. I loved my job so much but now I needed t
Nakakaramdam na din ako ng gutom lalo na sa naaamoy kong fried rice ni Tita Alma, pinigil ko lang talaga ang sarili ko dahil gusto kong makasabay si Chase. Bumalik ako sa kwarto para gisingin sya, hinahaplos ko pa ang tyan ko dahil nagugutom na talaga ako. Maliit pa man at halos hindi pa halata pero pakiramdam ko malaki na sya sa loob ng tyan ko. Hindi pa din ako makapaniwala na nakabuo agad kami, talagang tinotoo nga ni Chase ang sinabi niya. Hindi ko din naisip na baka buntis ako noong hindi ako dinatnan, ang buong akala ko ay delayed lang ako pero buntis na pala. Pumasok ako ng dire-diretso sa kwarto nang bigla akong napatigil sa kinatatayuan. Hawak ni Chase ang cellphone ko habang nakatayo sa gilid ng kama, tabi ng bedside table dahil doon ko yun nailapag kagabi. "C-Chase..." pagkuha ko ng atensyon nya. Maliit akong humakbang palapit sa kanya pero agad na naman akong napatigil nang humarap saakin ang hindi niya maipintang mukha. I suddenly felt a lump in my throat. What h