Share

Chapter 3 - Cant say No

tuluyan na nga ang muling pagkikita nina KIRA at SHEY,

sa di inaasahan nilang pagkikita ay nabigla si kira ng malamang ang SHEYRON IBASCO na kaharap nya ngayon ay si SHEY na kasama nya kagabi at nakaniig nito.

at isa pa nyang ikinagulat ng malamang si SHEY ang may ari ng pinagtatrabahuan nyang RESTO.

si shey rin naman ay nabigla sa pagkikitang ito.

SHEY'S POV

bumuLong sakin si jiro na katabi ko sa upuan dito sa table na inuupuan namin,

"SHEY , MR. DELA FUENTES ARRIVED"

lumingon ako sa door ng resto at

nakita ko ng pumasok si Mr. dela Fuentes dito.

napahinto Pa ito sandali sa cashier area ngunit tumalikod din kaagad para lumapit sa pwesto namin nila dylan.

kakaupo pa lamang nito ay parang may sinusulyapan sa gawing likod na inuupuan ko.

"GOODAFTERNOON mr. dela fuentes " bati ko rito

at Tumingin ito saakin para bumati rin, ngunit binalik ang sulyap sa gawing likod ko.

napansin din naman ni kuya ang ikinikilos ni mr.dela Fuentes

at may kinawayan ito na mistulang may pinapalapit na kung sino.

hindi ako lumingon

nang may narinig akong yabag na papalapit, at nang ito ay makalapit agad naman na nagsalita si kuya

" MR. DELA FUENTES I INTRODUCE TO YOU OUR CASHIER STAFF - sya si KIRA MONIQUE vergara

Kanina kapa sinusulyapan ni mr, dela fuentes monique kaya naman ay ipapakilala na kita sakanya. pabiro nitong sabi

hindi ko masyadong nadinig ang unang pangalan na binanggit ni kuya dahil humigop ako ng tsaa. ang naabot lang ng pandinig ko ay monique vergara

at maya maya pa ay ipinakilala na kami ni kuya sa tinawag nitong babae.

at laking gulat ko ng tumigin sya saakin, nakilala ko kaagad ito kahit nakapusod ang buhok nito ng maayos at may kaunting make up Alam ko na si KIRA itong kaharap ko.

napaubo ako ng mahina ng malaman kung sino ang ipinakilala ni kuya saamin ni mr.dela fuentes

napansin ko din ang pagkabigla ni kira, na wari'y gusto ng umalis sa kinatatayuan nito.

at biglang nagsalita si Mr.dela fuentes.

" Meron pala tayong napakagandang Staff sa resto na ito" sabi nito na nakatingin kay kira

mahilig si mr. dela fuentes sa bata at magaganda. kahit may asawa sya ay sobrang babaero nito.

" Yes mr.dela fuentes Isang taon na rito si monique , hindi nyo lang sya napapansin dahil bihira ang pagdalaw nyo rito" saad ni kuya

parang naiilang na nakangiti si kira.

Hello Mr. dela fuentes and Mr. Ibasco . Nice to meet you po. sabi nito ng nahihiyang tinig

"kira Monique kung di mo naitatanong ' SHEYRON is my Younger brother" sabi ni kuya

Nice to meet you Sir sheyron. sabi nito nang nakayuko

" Gusto ko ako ang ipakilala mo ng lubos sa magandang binibining ito Dylan , " pabirong turan ni mr.dela fuentes

nagtawanan sila at ipinikilala naman ito ni kuya.

"Kira, si mr. dela fuentes ay nagmamay ari ng malalaking establishment dito sa pilipinas, naging business partner namin sya 2years ago" pagpapakilala rito ni kuya

at siya naman si jiro ang assistant ni Sheyron turo nito sa katabi ko.

IKINAGAGALAK KOPO KAYONG MAKILALA, maari na po ba akong bumalik sa aking pwesto . tanong ni kira

dahil mayroon ng dalawang costumer sa cashier area na marahil ay magbabayad.

"Okay kira , back to your work- i introduce my self to you in another day" sabi ni mr. dela fuentes

Aba ' gusto pa ulit siguro nitong matandang to makita si kira sa ibang araw .

at nang tumalikod na si kira ay sinundan ko ito ng tingin nagmamadali itong naglakad.

KIRA'S POV

pagkabalik ko sa pwesto ko ay agad kong hinarap ang mga costumer, at di mawari ay nagkakamali mali ako saaking ginagawa. pagkuha ko ng card ng costumer ay ipinasok ito sa kaha imbis na i sLide.

"Ay sorry sir, sorry po sabi ko rito "

at nang ma sLide ko na ang card at isoli ito sa costumer ay umalis na ito sa harap ko .

di ko alam ang pakiramdam ko. kinakabahan naiihi at pinagpapawisan ako kahit malamig sa loob ng resto.

inikot ko ang aking mata at hinanap si pat.

ng matanaw ko sya ay tinaas ko ang kamay ko at winagayway ng bahagya para mapansin nya ako.

at nang tumingin ito sa direksyon ko ay tinuro ko ang banyo senyales na pupunta ako doon.

tumango naman ito.

pag dating ko ng banyo ay agad ako pumasok sa cubicle.

at naupo.

"BOSS ? MAY ARI ? SI SHEY? - BAKIT SYA ? BAKIT SYA PA!" paulit ulit kong sabi habang pumapadyak

ANO nang gagawin ko ??? dagdag ko pa

Kumilos ka ng normal kira , kunwari ay hindi mo sya kilala, okay ! Hindi mo nakilala . hindi hindi hindi.

at tumayo ako at lakas loob lumabas sa cubicle.

pagtingin ko saaking sarili sa salamin muka akong stress kaya naman ay nag bukas ako ng gripo at nagwisik wisik ng tubig sa muka ko.

nang lalabas na ako ng banyo ay kumuha ako ng tissue paper para ipunas sa mga butil ng tubig sa muka ko.

naglakad na ako palabas ng bigla akong madulas !

Aah !! sigaw ko

ngunit may humawak sa braso ko para hindi ako tuluyang bumagsak.

"Okay ka lang kira ? "

at alam ko na agad saaking sarili kung sino ito.

"Hobby mo ba madulas, pabiro nitong sabi"

agad kong binawi ang braso ko, at yumuko.

sorry po sir, madulas po kasi itong sandals na suot ko. hindi ako tumitingin sakanya ng sinabi iyon.

KIRA MONIQUE VERGARA, nice name . sambit nito na ikinginig ng kalamnan ko

its nice to see you again ms. vergara. baritonong boses nito na parang nang aasar

" ahHm NO sir Sorry po , ngayon lang po tayo nagkita baka nagkakamali lang po kayo" sabi ko na tatalikod na sana ng nagsalita ito.

You can't say No kira. alam mo at alam ko na nagkita na tayo. sabi nito

at tuluyan na kong naglakad papalayo.

Sa Area ko ay hindi ako mapakali. dadampot ng coupon dadampot ng ballpen, magbubukas ng kaha magsasara ng kaha.

di ko nalang namalayan na nakalapit na pala saakin si pat.

"Nyare sayo girl? tanong nito"

ah.eh ., wala naman beshy may hinahanap lang ako. pagsisinungaling kong sagot rito

"BES lakas ng tama sayo ng boss , he invited us magdinner after work. " saad nito

alam ko na si mr,dela fuentes ang boss na tinutukoy nito. dahil pansin ko ang mga tingin nito kanina na interesado sa akin.

"Ops ! wag kang tatanggi ' boss yun ! " sabi pa nito

tumango tango nalang ako na plastic ang ngiti.

sige na na sige na . sagot ko pa

napa YES ito na may pasuntok pa sa hangin at tumalikod na.

(8pm in the evening ay maaga kaming nagclosed

dahil sa dami ng tao kanina ay naubusan na kami ng ibang ingredients , usually kasi ay 10pm kami nagsasara)

nasa Locker kami ni pat at iba pang staff na nag aayos ng gamit.

Bes buti kapa may dalang pamalit ako kasi hindi nagdadala diba , kasi after work ay diretsio uwi na ko " sambit ko kay pat

"okay lang yun bes , nakakotse ka naman ako kasi kailangan magpalit palagi tuwing closing alam mo namang kung saan saan pa kami nakakarating ng jowawit ko. pero nakapagpaalam na ko sa kanya na may dinner tayo with the bosses" saad nito

Saan pala ang punta natin bes? tanong ko

"ito teka nagsend ng location sakin si sir dylan" at binuksan nito ang cellphone para tignan ang lugar kung saan kami magdidinner.

isang sikat na Restobar sa Pasay ang lokasyon ng pupuntahan namin.

Bes ? pwede bang dumaan muna tayo sa bahay magpapalit lang ako. tanong ko sakanya

" Sure bes, nakakotse naman tayo " sagot nito

nang makapagbihis na kami ay lumabas na kami ng resto at nagpaalam sa ibang staff.

akala ko kasama natin ang ibang staff bes? nandoon kasi si sir dylan diba.

" hmm , i dont know din bes e , tayong dalawa lang kasi ang binanggit ni sir dylan "

pinaandar ko na ang kotse pauwi sa bahay ko.

mabilis nalang namang ang byahe dahil gabi na .

15mins lang ay nasa bahay na kami.

nagpalit na ko ng damit at naiwan si pat sa kotse dahil sabi nya ay dun na sya maghihintay at dalian ko daw.

isang black top ang suot ko na may mesh sa dibdib nito at nagsuot ako ng palda short na knitted stripe black and white. terno ng bag ko na white at rubber shoes.

pagdating ko sa kotse ay nadatnan ko si pat na nagliliptint.

" May sakit ka girl? bakit walang kulay yang labi mo. ganda ng suot mo pero mukha ka namang pasyente, lika nga rito " saad nya

at pinahiran nya ako ng liptint para magkakulay ang aking labi.

"ayan ! perfect! TaraLets" sabi nito

binaybay na namin ang daan papuntang pasay mga 20minutes mula sa bahay namin.

pagdating namin sa restobar ay nakita namin agad si sir dylan sa entrance na sa tingin ko ay kami ang inaabangan.

oh there you are , Common Ladies nandun na si mr. dela fuentes nag aabang satin. saad nito

pagdating namin sa isang VIP room ay nandoon na nga ang matandang mayaman na sumisimsim ng alak sa glass na may yelo at katapat nito si Shey.

what ? nandito sya sabi ko sa isip ko.

akala ko eh isang boss lang ang kasama ni sir dylan siko ko kay pat

"ha? sino may sabi? " sagot nito at tumuloy na sa pag upo katapat ni sir dylan

Kiraaa ! paunlak na bati ni mr. fuentes

hello po, pabalik kong bati rito

come here ! hatak nito sa upuan na katabi nito.

lumapit naman ako at naiilang na umupo. hindi ko binati at sinulyapan si shey.

"How's the beautiful angel come down here and wearing like a devil hotchick" sabi ni mr. dela fuentes

konting ngiti na may pagkaplastic lang ang sagot ko dito.

at maya maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito ang magkasunod na waiter na may dalang dalawang tray sa mga kamay nito bale apat na tray.

nang ilapag nito ang mga pagkain ay napatulala ako dito dahil bukod sa mga steak ay may nakasepate na tray na ang laman ay chicken , chapsuey, bulalo at blueberry cheesecake at may mango juice pa.

napansin ni mr. dela fuentes na nakatingin ako sa mga nakaseparate na food . kaya bigla itong nagtanong

"gusto mo ba nun kira?" turo nya sa mga ito

order yan ni mr. sheyron marahil ay paborito nya ang mga iyan. if you want ay oorderan din kita. tanong sakin ni mr. dela fuentes

ah hindi po. okay na po ako dito kabig ko sa steak na nasa harap ko.

"kumaen na tayo- " sabi ni sir dylan

habang kumakain kami ay napansin ko na ang kinakain ni shey ay ang mga pagkaing inorder nito. na pinagtataka ko kung bakit iyon ang kinakain nya sa mamahaling restobar na ito.

nagsalita si sir dylan -

Shey ' humingi ng dispensa yung may ari ng restobar wala kasi sila ng isa pang order mo na caldereta . sabi nito

na ikinasamid ko .

"Are you okay , ?" sabi ng matandang katabi ko na hinagod hagod pa ang likod ko

nakita ko na nakatingin si shey sa kamay ni mr. dela fuentes habang hinahagod ang likod ko.

nagpunas ako ng tissue at tumango tango lang sa matanda.

After we eat gusto nyo bang uminom? tanong ni sir dylan kay pat .

" Okay lang sakin sir, pero ewan ko lang po kay kira. mahina po kasi sa alak yan " sambit ni pat na patawa tawa

"Goodgirl pala itong si kira" sabi ni mr.dela fuentes

kuya can you order me 4 bottle of beer ? tanong ni shey

na nagpainit ng muka ko ng maalala na apat na beer din ang order nya sa hotel room na tinuluyan namin.

ano ba ang binabalak ng lalaking to? gusto nya ba kong asarin. sabi ko sa isip ko na nakatingin dito.

nang matapos kaming kumain ay dumating na ang mga alak na inorder ni sir dylan.

apat na beer kay shey

1 bottle of chivas kay sir dylan

at ladies drink naman ang samin ni pat.

girls here's your drink.

inabot samin ng waiter ang kulay blue na ladies drink na tag isa kami ni pat. ang matanda naman ay may alak na sa tabi nito habang kumakain kaya hindi na omorder.

habang kanya kanya kami ng kwentohan si shey ay tahimik lang na pasulyap sulyap at nakikinig samin ni mr.dela fuentes.

" So, mag isa ka lang pala dito sa manila " tanong ng matanda.

opo , nasa canada po ang parents ko.

"eh san ka naman tumutuloy" muling tanong nito

ah jan po sa bang itramuros nakakuha po ako ng rent to own house dun.

"oh really? kung gusto mo iha ay i fullypaid natin ang house mo para naman di ka na mahirapan pa sa pag huhulog nito pero isa lang ang kapalit isama mo ako sa mga travel mo" sabi nito

nabanggit ko kasi rito na ang hilig ko ay mag travel kapag walang pasok okaya naman ay kapag may kapalitan sa pagkakaha.

alam ko na nagbibiro lang ako kaya naman ay tumawa ako.

"why? hindi ba ako pwedeng sumama sa iyo " tanung ng matanda na seryoso ang boser

hindi naman sa ganun sir, alam ko po kasi na nabibiro lang po kayo. saad ko

pati sila sir dylan at pat ay nakikinig na sa pinag uusapan namin.

" Hindi ako nagbibiro iha, gusto ko rin makapagtravel minsan para makapagrelax " sabi nito

di ako makapaniwala na seryoso ito.

buti nalamang ay nag salita si sir dylan para maiba ang usapan

by the way mr. dela fuentes. magbibirthday ang anak ko sa susunod na linggo. baka maari ko kayo maimbitahan kung hindi kayo busy. sabi ni sir dylan

"Sige dylan i will check my schedule at tatawag kita " sagot ng matanda

si shey naman ang nagsalita.

nakita ko nga po pala si monina sa rizal kagabi mr. dela fuentes.

" ah really, sabi nya nga ay may bonding sila ng mga friends nya sa rizal, nagkita pala kayo "

- bakit napasok yung monina na yun sa usapan nila. bakit pati si mr.dela fuentes ay kilala to. siguro matagal na nagkarelasyon si shey at monina kaya marahil ay napakilala nya na ito dito. sabi ko sa isip ko

napansin naman ni mr. dela fuentes na parang nag iisip ako kaya humarap ito saakin at nagsalita

"iha the girl who mentioned ni mr. shey ay ang aking nag iisang anak, kasitahan nya ito noon ngunit di nagtagal ay naghiwalay din sila. pasaway kasi talaga ang only girl ko na yun saad nito na tumatawa

- Owkeyyy. now i know. anak nitong matandang to ang malditang babae na nakaharap ko sa lobby kaninang umaga. sabi ko sa isip ko

di nagtagal ay natapos na ang aming salo salo, nalasin na ang matandang dela fuentes kaya inihatid na ito ni sir dylan sa kotse nito. may driver naman ito kaya makakauwi ito ng ligtas.

ng tatlo nalang kami sa kwarto ay napansin ko si shey na nakaubos na ng mga ilang bote higit pa sa apat.

"Beshy and Sir shey, may i go out ? pupunta lang po akong banyo" paalam ni pat

gusto kopa sanang sumama pero tumayo na si pat at naglalakad palabas.

ang awkward nito. hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa bote ng beer.

minabuti kong kuhain ang cellphone ko sa bag ko para naman kunwari ay busy ako dito. ng bigla itong magsalita.

" Bakit di ka nagpaalam ng umalis ka kaninang umaga" sambit nito na nakatingin padin sa bote.

nadinig ko ang sinabi nito ngunit kailangan kong magpatay malisya, gusto kong panindigan na hindi ko siya kilal.

- po sir ? may sinabi ka po, sagot ko rito

tumingin ito saakin na walang reaksyon sa mukha nito.

SO? Plano mo bang magpanggap na hindi mo ako kilala kira. sabi nito

pwes ipapaalala ko sayo. at bigla itong tumayo sa kinakaupuan nito at na bigla naman bumukas ang pintuan ng pumasok si sir dylan.

" Tara na labas na din tayo, where's patricia" tanong nito

para naman akong napako sa kinauupuan ko. mabuti nalang at dumating si sir dylan. sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng sinabi ni shey na ipapaalala nya saakin.

di alam kong ano dapat ang gagawin nitong pag papaalala pero ayoko ng isipin iyon ang gusto ko nalang ngayon ay mawala sa paningin ko si shey dahil iba ang tensyon na nararamdaman ko kapag kaharap ito.

ah sir nagbanyo po si pat . sagot ko

at tumayo na ko.

pupuntahan ko lang po sya mauna na po kayong lumabas. sabi ko rito

agad akong naglakad ng mabilis at nagtungong banyo.

SHEY'S POV

Bakit nagkukunwari si kira na hindi nya ako kilala. marami akong katanungan na gustong malaman. kaya simula bukas ako na ang papalit kay kuya bilang big boss sa Restong pinapasukan nito

[ HANGGANG DITO MUNA GUYS, SUNDAN NATIN ANG KADA CHAPTER ANG EXCITING NA PANGYAYARI KAY SHEY AT KIRA]

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status