Share

Chapter 4 - COMPANY OUTING with the BOSSES

nang makalabas kami ni kuya ng restobar ay napansin nito na kanina pa ako tahimik.

"Hey bro? may problema ba ? kanina ko pa napapansin na matipid ka magsalita- hindi ako sanay" sabi ni kuya

wala naman kuya. pagod lang siguro ako, sagot ko rito

sya nga pala kuya. simula bukas ay ikaw muna ang sumama kay mr. dela fuentes sa mga meeting. naisip ko kasi yung alok mo nung nakaraan na magpagawa ng Bar sa restaurant natin na ikaw ang namamahala. sabi ko pa rito

" Nice , Goods yan bro , mas maganda yun dahil madaming tao ang nanabik sa muli mong pag hahalo ng mga alak sa harap nila . kahit matagal ka nang nahinto ay isa ka paring sikat na barista" sabi nito

napakasupportive talaga ng kuya ko saakin, kaya sobra din ang care ko sa anak nito. nakatira si kuya at asawa nito sa katabi ng condo ko. may mga sarili naman kaming lupat bahay ngunit mas pinili namin na tumira sa condo.

Thanks kuya, sabi ko rito

di tumagal ay dumating na sila pat at kira.

di ko maipagkakaila napakaganda talaga nito kaya naman ng sinabi ko kanina na ipapaalala ko sakanya para maalala nya ko. ay balak ko syang halikan gaya ng ginawa kong halik sa kanya nung gabing iyon. ngunit naudlot iyon ng dumating si kuya.

" Sir shey Sir dylan magpapaalam na po kami maraming salamat po sa masarap na dinner" sabi ni pat

Ah sir shey sir dylan Thankyou po , saad naman ni kira

Okay girls mag iingat kayo.

kira drive safely, okay? di ka naman lasing noh. pabirong sabi ni kuya

ah sir hindi po ito lasing si kira, ni hindi nya nga po halos nabawasan ang drinks na inorder mo. sambit ni pat na nakita ko naman ang mahinang pagsiko rito ni kira.

natawa ako ng palihim sa reaksyon na yun ni kira ang cute nya kasi.

O sya , Goodnight girls. see you . saad ni kuya na kumaway bago tumalikod .

at ng ako naman ang humarap sa mga ito ay nagpaalam na si pat para sumakay ng sasakyan.

nakatayo lang si kira na hinihintay na tumalikod ako. at nagsalita ako

magkikita tayo ulit kira , madiin kong salita

Mag iingat kayo. dagdag ko pa atsaka ako tumalikod.

--

kinabukasan ay may natanggap akong message mula kay mr. delafuentes.

"Sheyron, please do me a favor. gusto ko ng dalawang araw na pahinga na kasama kayo ni dylan at ang mga staff"

magpa book tayo ng resort sa bandang Aurora .

set it on this coming friday. sabi nito sa mensahe nya.

agad ko naman naisip na gumagawa lang ito ng move para makasama si kira. halatang halata ko na sobra ang interes ni mr. dela fuentes kay kira.

kaya naman hindi ko alam kung sasang-ayon ako dito o hindi.

naisip ko na wag muna ito replyan. kailangan ko na munang magprepare papuntang resto kung san nagtatrabaho si kira. saka ko magdedecide kapag nandun na ako. dahil sa pakiusap ko kay kuya na ako na ang mamamahala doon at mapapagawa ng bar sa loob ng resto maaga dapat ako makarating doon bago ito magbukas.

nang makarating ako ng resto ay nandoon na ang kausap kong manggagawa na mag dedesenyo ng ipapagawa kong bar. sadyang malawang ang branch na ito kaya naman naisip ko na maganda ang kalalabasan nito.

KIRA'S POV

pagtunog ng alarm clock ang nagpagising sakin ngayong umaga. labis akong napuyat kagabi pag uwi ko ng bahay kakaisip ng mga sunod sunod na kaganapan sa muling pagkikita namin ni shey.

saglit pa kong napatulala sa kisame ng patayin ang alarm.

iniisip ko simula ba ngayon ay ganito na palagi ang takbo ng buhay ko na laging iisiping umiwas at magkunwari , dahil ang shey pala na nakilala ko nung isang araw ay isa pala sa nagmamay ari ng resto kung saan ako nagtatrabaho.

MAG RESIGN nalang kaya ako? sabi ko sa isip ko.

Oo tama magreresign nalang ako , pagka sambit ko noon ay agad kong kinuha ang cellphone ko para i dial ang number ni pat

HELLO BESH?!

" oh bes ? bat ka napatawag?" tanong nito na mukang kagigising lang

MAGRERESIGN NA KO BES! sabi ko at biglang parang nagising ang natutulog pang diwa ni pat ng napasigaw ito

"ANO ? bakit? anong meron ? bakit ka magreresign " sunod sunod nitong tanong

Besshyyhy , ganto kasi yun !! Uurghhh! di ko alam pano uumpisahan eh. pano ba to? sagot ko rito,

"Wait me there for 10mins, wag kang aalis at pupunta ko jan, bye" walang pasabi na binaba nito ang tawag

gusto kong ikuwento kay pat ang lahat . kahapon pa sana ako magsasabi rito ngunit naging busy ito dahil nasa resto ang mga boss. di kalayuan ang bahay ni pat dito sa nakuha kong rent to own. kaya dito ang napili ko dahil nga malapit lang ako kay pat. sya ang nag iisang bestfriend ko at sya lang din ang napagsasabihan ko ng mga hanash ko sa buhay. simula kasi ng umalis ako sa puder ng tiyahin ko kung saan ako iniwan ng parents ko ay bihira nalang ako makadalaw rito. ang mommy at dad ko naman ay madalas busy kaya sa chat lang kami nakakapag usap.

ilang sandali pa ay may kumakatok na sa may pintuan.

pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin si pat na magulo ang buhok at nakapantulog pa may bitbit lang itong bag at paperbag na marahil ito ang mga gamit nya.

nakita ko pa ang papaalis na taxi na sinakyan nito.

hingal itong pumasok sa bahay at binaba ang gamit sa sofa. dumiretsio ito ng kusina na kumuha ng baso at nagbukas ng ref para uminom ng tubig. pagkainum ng tubig ay pumunta ito sa sofa at may kinuha sa bag nya na toothbrush. tumuloy na ito ng banyo. nakatingin lang ako dito sa mabilis nitong pagkilos. ilang sandali pa ng matapos magtoothbrush ay lumakas na ito pabalik saakin.

"So now besh GAME ? tell me why ? bakit ka magreresign? dahil ba kay mr. dela fuentes? ayaw mo ba ng trato nya sayo ? ano ba talaga ang dahilan ?" sunod sunod nanaman nitong tanong.

besh , besh ! KALMA ! hindi yun ang mga dahilan okay? halika maupo tayo at mag inhale exhale ka muna bago ako mag umpisa. sabi ko rito na pinaupo ko pa sa sofa

bes? ganto kasi yun. naalala mo nung nagpunta ako ng rizal dahil may pinuntahan akong magandang view spot roon. that night kasi sobrang lakas ng ulan. kwento ko dito

"Oh tapos " tanong nya

kasi bes may nakilala akong lalaki na isinabay ko papunta sa hotel dahil naubusan to ng gasolina sa gitna ng malakas na ulan. pero ng malaman ko na fullybooked ang hotel i let him stay sa room ko kasi malaki naman ito at may sariling room pa sa loob. naisip ko nalang na dun sya sa sala. dont get me wrong besh nagmagandang loob lang ako dahil mukang mapagkakatiwalaan naman sya, sambit ko ng nakayuko na alam kong papagalitan nya ko

"Ano? dun mo pinatulog sa kwarto ang hindi mo kilalang lalaki ? ano kaba naman kira. bakit mo naisipan yun ha ! baliw kanaba. at wait ng gabi na yun naalala ko na habang kausap kita sa phone ay para kang lasing. uminom ka ba kasama ang lalaking yun" sabi nito na galit ang boses

iyon na nga beshy ! kasi ano . nag inuman kami . i mean humingi lang ako sakanya ng isang bote pero nalasing ako e. taposs

"Tapos ano???" tanong nito na bitin na bitin na sa kwento ko

tapos besh .... yumuko na ko at pumikit .. MAY NANGYARI SAMIN . sabi ko rito

"ANAK NG PUSA KA KIRA MONIQUEE !!! Kailan ka pa naging pakawalang babae? hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo! at never ka pang nagkaboyfriend and you are a virgin mary girl , tapos ibinigay mo lang sa kung sinong ponsyopelato ang mahalagang bagay na yun! " madiin na mga salita nito na talaga namang sabon na sabon ako sa mga sermon nito.

Beshy . wait ! stop ! sabi ko rito

"oh ano pa kira meron pa? jusko mahahighblood ako sayo " napahawak pa ito sa ulo habang nag sasalita

BESHHHHH. si Mr. Sheyron Ibasco kasi yung lalaki ! saad ko dito na parang maiiyak na ?

"WHATTTTT ???? Kira teka ! nabingi ako. sino ulit ??

mr. sheyron ibasco ba kamo??? tanong nito

tumango lang ako at sumagot ng mahina, Oo .-

"Oh My Gulayyy , nalintikan ka ! si mr. ibasco? seryoso ka? o baka nangangarap ka lang dahil gwapo sya. nako besh ha hindi magandang biro yan ang tinutukoy mo ay ang may ari ng pinagtatrabahuan nating dalawa" sabi nito na napatayo na

sya nga beshy . sya talaga yun . kaya nga gusto ko na magresign bes kasi ng magkita kami ulit kahapon nagkunwari akong hindi ko sya kilala at ito pa , iniwan ko lang sya sa hotel kahapon ng natutulog at hindi ako nagpaalam dito sa pag aakalang hindi ko na ulit to makikita. saad ko rito

"iniwan mo? ang napaka gwapong nilalang sa kama ? ano kaba kira hindi ko na talaga alam ang tumatakbo jan sa kokote mo. at bilang parusa ko sayo hindi kita papayagang magresign! harapin mo yang consequence na yan" sabi nito ng may pagbabanta

Beshy naman ! malungkot kong sabi rito

"Hindi ka magreresign okay ! harapin mo yan and this time kasama mo na ko. maghanap tayo ng paraan para makahingi ka ng tawad kay mr. sheyron, wag ka mag alala bihira lang yun magawi sa resto natin tiyak na makakakuha tayo ng tyempo kapag mag punta ulit sya sa workplace natin . " sabi nito na pinapalakas ang loob ko

Thankyou Beshy ha , salamat at may patricia na laging nasa likod ko pag nagkakaproblema ako. sabi ko dito na paiyak na

"Yayks Girl ayoko ng Drama , Go ! tayo na sabay tayo magshower , after natin magshower mag padeliver ka ng Chicken , burger at fries ha. sabi nito na tumayo na at tumuloy ng banyo

pagkatapos namin magshower at magbihis ay may kumatok na sa pintuan ng bahay' dahil bago ako sumunod dto para magshower ay nag order muna ako ng makakain.

nang makakain kami ay lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse para pumasok sa trabaho.

Bakit pala nakataxi ka lang pag punta mo sa bahay kanina ? nasan ang kotse mo. tanong ko dito habang nagmamaneho

" dala kasi ng kapatid ko ang kotse ko ' at di nanaman nagpapaalam ! lagot sakin yun pag uwi ko " sagot nito

tatlong magkakapatid sila pat at sya lang ang babae , ang panganay nila ay nasa abroad at may pamilya na . pangalawa si pat sa magkakapatid. may boyfriend ito na ang pangalan ay Dominic na kaklase namin nung highschool at may kapatid itong lalaki na nag aaral na sa koleheyo na mahilig sa party. ang mga magulang naman nya ay kasama nya sa kanilang bahay na magkatuwang na nagnenegosyo ng milktea at cake.

ng makarating kami sa RESTO ay 12:50pm na .

laking gulat namin ni pat ng madatnan kung sino ang nasa bandang dulo ng resto na nakatayo habang nakatingin sa lalaking nag aayos ng kung ano doon.

BESH?? sabi mo hindi nagpupunta rito ng madalas. tanong ko rito ng di inaalis ang tingin kung saan naron si shey

"bakit nandito si mr.sheyron" bulong nito

"lika lumapit tayo at mag uusisa ako " dagdag pa nito

pagkasabi nya nun ay parang ayaw naman humakbang ng paa ko.

dali dali ay naglakad na nga ito palapit kay shey.

at napalingon ito saamin.

"Goodafternoon Sir Sheyron" bati ni pat dito

ako naman ay tahimik lang sa likod nito .

"Goodafternoon din sainyo " sagot naman nito kay pat

"Sir, ano po yan? turo ni pat sa ginagawa ng mga lalaki roon

"Ah sya nga pala itong ginagawa na to ay magiging bar, ang mga istante na yun ay lagayan ng mga alak , simula ngayon ay ako na ang mamamahala ng Resto dahil marami akong dapat asikasuhin dito" saad nito

"NAKO patay kang bata ka ! " lingon na sinabi sakin ni pat habang nilakihan pa ang mata

"Ah ganun po ba sir, sge po mag aayos na po kami para makapag open na po tayo" sabi ni pat

" Ah wait, by the way mr. dela fuentes set a company outing this coming friday let our staff knows about it" wika ni shey

"Biglaan naman po yata? pero sige po ipapaalam ko po sa ibang staff sir" sagot ni pat dito.

ng matapos kami sa pag aayos ay pumunta na kami sa kankanyang pwesto para maghintay ng mga papasok na costumer. ang ginagawang bar naman ay tinabingan ng silky black na tela para mukang elegant padin ang resto. at hindi tanaw sa telang iyon ang mga gumagawa rito.

ilang saglit pa ay nagpasukan na ang mga costumer, at sa ilang oras pa ay dumarami na ito at naging busy na ang lahat.

kahit abala ako sa kaha ay napansin ko na pasulyap sulyap sakin shey na nakaupo sa gilid ng cashier area habang naglalaptop. hindi ito nagsasalita . tamang masid masid lang sa mga kilos ng mga tao sa paligid. hindi kagaya ni sir dylan na nasa loob ng opisina ng resto kapag gantong working hour na. kaya naman ang mga staff ay maingat sa mga kilos at pati na rin si pat.

natapos ang araw na iyon na sobrang awkward ng pakiramdam ko.

paguwi ko ng bahay ay agad kong nilapat ang katawan ko sa higaan

iniisip ko ang mga araw pang dadaan na makakasalamuha ko si shey.

(COMPANY OUTING)

SHEY'S POV

ilang araw ang dumaan simula ng ako ang mamahala sa isang Resto na pag mamay ari ko ay para lamang akong hangin kay kira pero nandun parin ang pag galang nya sa pagbati at pamamaalam pag tapos na ang trabaho parang normal na amo at staff lang kami sa isa't isa .

ito na ang araw ng aming company outing, nakaready na lahat sa meeting place at 6am na ng umaga kasama ang iba't ibang staff ng iba pang branch ay nandito na rin kaya naman tatlong bus ang nakahilera ngayon dito sa main branch .

habang nag uusap kaming tatlo sa loob ng office ay nabanggit ni mr. dela fuentes na kung maari daw ba ay hikayatin ni kuya si kira na dito na sumabay sa kotse nito.

ngunit tinawanan lang ito ni kuya na pabirong sinabi na wag masyadong magpahalata sa iba pang mga staff at baka makarating pa ito sa kanyang asawa. sumang ayon naman si mr.dela fuentes

pagkalabas naming tatlo nila kuya at mr.dela fuentes sa resto ay nagkakanya kanya na kaming punta sa aming mga sasakyan. dahil kasama ang asawa ni kuya ay hindi na kami nagsalo sa isang kotse. si jiro na lamang ang aking kasama para sya na rin ang mag drive dahil anim na oras ang byahe.

nang umandar ang kotse ay natanaw ko pa si kira na nakasakay na sa na uunang bus(bus no.1). nasa gilid ito. ng bintana kaya natatanaw ko ang pambirang ganda nito.

kada isang bus may tatlong branch staff ang nakasakay rito. nasa Bandung unahan nakaupo ang magkaibigan na si kira at pat.

hindi ko namalayan na ako ay nakatulog. nang magising ako ay nasa kalagitnaan palang kami ng aming byahe . huminto muna kami para mag stop over sa isang gasolinahan na may mga kainan at kapehan.

pagkaparada namin ay sunod sunod ng nagsidatingan sila kuya at mr. dela fuentes . kasunod ang mga bus.

bumaba muna ako saglit para magkape inaya ko si jiro ngunit magjijingle daw muna sya kaya nauna na ko.

sa di kalayuan ay natanaw ko naman ang magkaibigan na papalapit sa aking pwesto.

"Hi Sir sheyron, ang gwapo mo naman po" bati sakin ni pat na nakangiti.

napansin ko na palinga linga lang si kira at hindi tumitingin saakin.

ahh thankyou pat , kamusta ang byahe . ayos lang ba kayo doon? tanong ko rito

"'ay opo sir komportable po kame at inferness malakas ang aircon ," magiliw na sagot nito

sir dito po muna kami . paalam ni pat sakin

tumango lang ako rito. pahabol kung tinignan si kira hanggang sa pagtalikod nito ngunit hindi manlang ako tinapunan ng kahit isang tingin.

nakita ko na sa katabi ng coffeeshop sila nagpunta, isa itong bilihan ng mga cosmetics. marahil ay bibili ang mga ito ng sunblock or anything na kailangan nila.

maya maya pa ay napansin kong patungo rin si kuya at asawa nito sa pwesto ko kasunod si mr, dela fuentes. naisip ko na makikita nanaman nito si kira.

ewan ko ba sa sarili ko ay kung bakit parang gusto kong ipagdamot si kira dito .

"SHEYRON, mukang napagod ka sa byahe" sabi sakin ni mr.dela fuentes.

hindi naman po. gusto ko lang po mag kape dahil naisip kong palitan to si jiro sa pagmamaneho, sagot ko rito habang itinuro si jiro na paparating na dito.

"Maganda ang araw mukhang hindi tayo mamomroblema sa byahe, ang iniisip ko lang ay yung babaeng iyon na talaga namang napakaganda" turo ni mr. dela fuentes sa palabas na si kira kasunod si pat na galing sa loob ng isang cosmetics store.

gusto kong mainis rito kaya tumayo na ako at nagpaalam. tara na jiro, give me the car key ako naman ang magmamaneho. sabi ko kay jiro

nang makasakay ako sa kotse ay nakita ko pa sa side mirror na kausap ni mr. dela fuentes si kira at pat.

napadiin ang hawak ko sa manibela at saka ko ito pinaandar.

nang nasa byahe na muli ang lahat ay napapaisip ako habang nag mamaneho kung paano ko muling makakausap ng matino si kira. yung pag uusap na may pag suyo. dahil simula ng magkahiwalay kami nito sa hotel ay palagi ko na tong naiisip. ngunit ng magkita naman kami nitong muli ay naging mailap naman ito saakin. gusto kung linawin din kung bakit nya ako iniiwasan at umaarteng hindi kami nagkakilala .

alas dose ng tanghali ng makarating kami sa aming destinasyon. napakaganda ng asul na dagat at ang nakapalibot na mga bundok dito ay talaga naman nakakawala ng stress kung pagmamasdan.

isa isang nagbabaan mga staff sa mga bus at kanya kanyang punta sa mga cottage na nandito sa resort.

bahay kubo style ang mga cottage dito at may vip trancient din na nasa tapat ay swimming pool.

syempre ang saamin nila kuya ay ang pang mayaman na kwarto .

naging masaya ang araw na ito para sa lahat , ang pagtatampisaw sa beach at paglalaro sa buhanginan ang mga pinagkaabalahan ng mga ito ang iba naman ay sumubok ng ibat ibang activities rito gaya ng banana boat , snorkling, jetski at island hopping at marami pang iba. masasarap din ang inihandang pagkain ng resort . mga seafoods at iba pang putahe na talaga namang masarap.

sa pagkain pa nga namin ay nakita ko na hindi nilalayuan ni mr. dela fuentes si kira na para bang ayaw na itong pakawalan.

WARNING RATED SPG po ang Next chapter. be ready ^^

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status