Share

Chapter 3

Author: sung_sungie
last update Last Updated: 2023-05-01 10:19:57

Katulad ng sinabi ni Gavin, dumating nga si tito Oscar sa bahay ngayong araw.

Mga pasado alas dyes na sya dumating kaya nag handa narin ako sa pagluluto ng tanghalian namin.

I cooked menudo and kare-kare.

Gusto ko sanang lutuin yung isa pang paborito ni Gavin pero baka hindi na naman namin maubos kaya sayang lang.

Kagaya kahapon. Hindi naubos yung niluto ko kaya pinamigay ko nalang sa kapit bahay namin.

Mababait naman kasi sila at minsan, sa twing may selebrasyon ay iniimbinta rin nila kami.

Nakaupo kami ngayon sa hapagkainan dito sa kusina.

Tumabi saakin si Gavin ngayon dahil nga nandito si tito Oscar. Siguro nagtataka rin kayo kung ba't tito ang tawag ko sakanya at hindi daddy.

I know I'm being martyr here.

Kahit gustuhin ko man kasi o kaya meron akong karapatan para dun, hindi ko nalang ginagawa dahil alam kong magagalit saakin si Gavin.

Alam ko rin na arrange lang naman 'tong marriage namin kaya mas mabuting wag nalang gawing komplikado ang lahat.

I don't want to make Gavin mad at me anymore.

"So, Gavin, Florence" Napatigil ako sa astang pagsubo ng pagkain sa kutsara ko ng bigla kaming tawagin ni tito Oscar.

Maging si Gavin ay napahinto rin at mataman na tinignan ang kanyang ama.

"What is it Dad?" Tanong ni Gavin.

Ngumiti si tito Oscar at maingat na binitawan ang hawak nyang kubyertos. Tumingin sya saaming dalawa bago muling nagsalita.

"Kumusta naman kayo dito sa bahay? Maayos ba ang trato nyo sa isa't-isa?" Hindi maalis ang ngiti nyang tanong.

Napalunok ako at nag-aalalang tinignan si Gavin. Kumunot lang ang noo nya na parang hindi naintindihan yung tanong ni tito saamin.

"What do you mean by that, dad?" He calmly asked.

"You know, you two were just forced to do this marriage, so I hope you two are okay with each other. Ano? Kamusta naman ang buhay mag-asawa nyo?"

Wala saaming dalawa ni Gavin ang naglakas loob na sumagot. Natahimik lang kami at pinakiramdaman ang isa't isa.

Ano nga ba ang dapat naming isagot?

Alam kong masama ang magsinungaling kaya mas pinili kong manahimik nalang at yumuko.

Akala ko nga mabibingi na kami sa katahimikan pero mabuti nalang at nagsalita narin si Gavin makalipas ang tatlong minuto.

"We're fine dad. Don't worry." Casual nyang sagot at muling bumalik sa pagkakain.

Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos at pakiramdam ko ay nangilid na naman ang luha sa mga mata ko.

We're fine? Ba't mukhang hindi ko napapansin yun? Kung fine na pala kami ngayon, pa'no pa kaya kung hindi?

"Good to know." Sabi ni tito at nagpatuloy narin sa pagkain.

His jolly face is back.

Nabawasan kahit papano ang tensyon sa table na ako lang ata ang nakakapansin.

Nagsalin nalang ako ng malamig na tubig sa baso at ininom iyon.

After almost five minutes, I thought wala ng magsasalita at tatapusin nalang ang kinakain pero muli akong natigilan at muntik ng mabulunan sa sunod na sinabi ni tito. Pakiramdam ko ay pinagpawisan rin ako ng wala sa oras.

"Oh! Before I forgot. May meeting pala akong pupuntahan malapit dito bukas so.. I guess I can stay here for tonight. May guest room naman kayo dito diba?" Parang wala lang sakanyang tanong kaya bigla akong nataranta.

What? Mag-i-stay sya dito at gagamitin nya yung guest room--which is unfortunately, yung kwarto ko?

Hindi naman kasi kalakihan ang bahay namin.

Yeah, Gavin is rich same as his parents. Pero hindi ibig sabihin nun ay titira na kami sa mala mansyon.

Teka paano yan? Saan ako matutulog ngayong gabi kung gagamitin ni Tito Oscar yung kwarto ko? Hindi pwede 'to.

"Ah, Tito Oscar, ang totoo po kasi nyan--"

Hindi ko na napatuloy yung sasabihin ko ng bigla akong hawakan ni Gavin sa kamay na parang pinapatigil ako.

I looked at him questioningly. Hindi gaya saakin ay kalmado lang ang awra nya.

He's still serious.

Ano kayang iniisip nya?

He held my hand tighter and smiled at tito Oscar.

"Sure dad, no problem. You can stay here for tonight."

Natigilan ako at napatitig sa maamo nyang mukha dahil sa sinabi nya.

Is he serious?

Ngumiti nalang saamin si Tito Oscar at hindi na nagsalita pa.

Natapos narin kami kumain kaya hinugasan ko na agad ito.

Pagkatapos, kakausapin daw muna ni tito si Gavin na sila lang dalawa kaya umakyat muna ako sa guest room para ayusin yung tutulugan nya.

Tinago ko yung ibang gamit ko at kumuha narin ng damit pantulog mamaya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng kama.

Agad ko yun kinuha at sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Pangunang bati ko.

"Hello Florence! Si Bryan 'to. Kumusta? Anong ginagawa mo ngayon?" Sunod-sunod nyang tanong na akala mo ay meron kaming quiz bee.

Saglit akong natahimik at natulala ng malaman kung sino ang tumatawag. Even on the phone, his voice is still clear to me.

"Oh, Bryan! Ikaw pala yan, ayos naman ako. Ikaw kamusta ka narin? Bakit ka nga pala napatawag?" I asked.

Syempre, sinunod sunod ko rin yung mga tanong.

Umupo ako sa may kama habang hinihintay yung sagot nya.

Hindi naman ako nabigo dahil agad rin syang nagsalita sa kabilang linya.

"Uhm, ayos rin ako. Gusto ko lang sana itanong kung may free time kaba ngayon. Nakausap ko na kasi si Alea, miss na miss ka na daw nya. So ayun, kinukulit nya ako na ngayon nalang daw kita yayain lumabas dahil gusto nyang sumama. Ano? Pwede ka ba ngayon?"

Saglit akong napaisip kung anong gagawin ko dito sa bahay. Tapos narin naman ako maghugas at nakapagluto narin ako ng tanghalian.

Siguro ayos narin na makipagkita ako sa kanila. Na mi-miss ko narin kasi si Alea. Kamusta narin kaya ang isang yun?

"Ah, sige ba! may free time ako ngayon. Itext mo nalang saakin kung saan tayo magkikita-kita. Anong oras ba?" Tanong ko ulit.

"Really? Yes! Ah.. Mga mamayang alas tres. Itetext ko nalang sayo kung saan. Thank you Florence! Panigurado matutuwa nito si Alea."

"Walang ano man.. sige, nag-aayos pa kasi ako ng kwarto ko eh, kitakits nalang mamaya."

"Hmm! See you later, bye Florence!"

Then he hung up.

Mabilis kong tinapos ang ginagawang pag-ayos sa kwarto at napagpasyahang maligo na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unwanted Marriage    Chapter 51

    [FLORENCE's POV]I already talked to Gavina over the phone and she told me something when I asked her if she noticed something going on between her tita Alea and tito Bryan.Sinabi nya saakin na noong isang linggo daw ay merong kasamang ibang lalaki ang tita Alea nya at yung dalawa daw ang nagbantay sakanya noon kaya nang makita ito ni Bryan ay panay daw ang tanong sakanya nito kung ito daw ba ang bagong boyfriend ng tita Alea nya. Nang itanong nya kung bakit, hindi daw sumagot agad ang tito Bryan nya. Gavina said she thinks her tito Bryan likes her tita Alea. I asked her why she thought about that and she answered, “It’s because tito Bryan cares for tita Alea even though tita always scolds him.”Tama ang hinala ko na merong gusto si Bryan kay Alea. Pati ang anak ko ay nahalata ito. But it seems like Alea also likes him. Bakit hindi pa sila nagkakaaminan na dalawa? Dahil ba sa natatakot sila na baka masira ang pagkakaibigan nilang dalawa at maipit ako sa kung sino ang kakampihan kapag

  • Unwanted Marriage    Chapter 50

    Days have passed quickly, it's already our last day on the hotel.Pinuntahan namin ni Gavin ang mga lugar na gusto naming puntahan. Pumunta kami sa Museum at kumuha rin kami ng maraming pictures para sa memories. Naging maayos ang isang linggo naming bakasyon sa Canda at talagang sinulit namin iyon.Pagkabalik naming dalawa sa Pilipinas, binigyan namin ng pasalubong sina Gavina, Alea, Bryan pati narin yung mga bata sa lumang bahay at ang parents namin.Isang linggong nawala sa trabaho si Gavin kaya pagkabalik sa Pilipinas ay diretsyo agad sya sa opisina. Marami daw kasi syang kailangang asikasuhin. Naawa tuloy ako kasi kagagaling nya lang sa bakasyon pero balik trabaho nanaman. I told him na baka pwedeng bukas nalang sya bumalik sa trabaho pero sabi nya hindi na daw nya pwedeng ipagpabukas yun.Habang nasa opisina si Gavin at nagpaiwan naman sa lumang bahay si Gavina, napagdesisyonan namin nila Bryan at Alea na gumalang tatlo. Ito ang unang beses na gagala kami na kaming tatlo lang si

  • Unwanted Marriage    Chapter 49

    Carl Jonathan.That name is so familiar. Parang narinig ko na ang pangalan na yun noon pa man pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig at kung kailan. Baka rin nagiging oa lang ako dahil marami namang tao sa mundo na Carl Jonathan ang pangalan. Baka nga pamilyar lang yun saakin dahil meron akong kaklase noon na ganun rin ang pangalan, pero kasi nang magpakilala saakin ang lalaki, pakiramdam ko ay hindi iyon ang unang beses na nagpakilala sya saakin.Parang nangyari narin iyon noon pero hindi ko lang masyadong matandaan.Did we meet each other before? That's what I wanted to ask him, pero dahil kailangan ko ng pumunta sa banyo at ayaw kong paghintayin si Gavin ng matagal ay nag excuse lamang ako sakanya at iniwan na sya doon.I don't wanna think about him. I also don't wanna think kung nagkita na ba kami dati bukod sa pagkikita namin sa restaurant kanina pero hindi ko mapigilan dahil sa t'wing iniisip ko na 'wag ko syang iisipin ay naiisip ko parin sya. His face.. i just realiz

  • Unwanted Marriage    Chapter 48

    Maganda at malinis ang hotel na napili ni Gavin kung saan kami mananatili sa loob ng isang linggo. Meron itong malaking bintana na tanaw na tanaw ang mga sasakyan sa ibaba pati narin ang mga nagtataasang building sa buong lugar. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag gabi. Dahil nakakain na kaming dalawa ni Gavin ay ang una naming ginawa pagkadating sa hotel ay matulog.Pareho kaming nagising bandang alas tres na ng hapon. Naligo kami at nagbihis, pupunta kasi kaming sinehan dahil maganda daw ang mga pelikula na pinapalabas ngayon.I’m not actually fond of not anime-related movies. Masyado akong nasanay sa Japan na nanonood ng anime kaya huli na ako sa mga pelikula na sumikat noon. Si Gavin ay hindi rin naman masyadong mahilig manood ng mga movies kaya ngayong araw ay napagkasunduan naming dalawa na gawin ang mga hindi namin hilig na gawin nang sabay.Pagdating sa sinehan, ako ang pinapili ni Gavin sa kung ano ang papanoorin namin. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko pero sigurado na

  • Unwanted Marriage    Chapter 47

    Sa loob ng halos tatlong minuto, para akong mabingi sa katahimikan na bumalot sa paligid pagkaalis ng babae at pagkatapos nun ay dumating ang asawa ko galing sa banyo at nakita kami ng lalaki na nakatayo doon na parang tanga. Nang magtama ang paningin namin ni Gavin ay agad kong inagaw ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakakapit nung lalaki na dapat ay kanina ko pa ginawa. Totoo na nawalan ako ng lakas kanina kaya hindi ko agad ito naalis. Ngayon ko lang nagawa dahil ngayon lang ako muling nakabawi. But I don't want to speak as I don't want Gavin to think that I am just starting to make an excuses. Naglakad sya palapit saamin, sinalubong ko sya at sinabit ang dalawang kamay ko sa braso nya."Gavin..." I called him.I know that I said I don't want to speak up dahil magtutunog lang yun na parang palusot pero mas pinili ko parin magsalita dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano si Gavin. I wanted to explain to him that what he saw was only a misunderstanding, but he didn't let me finish m

  • Unwanted Marriage    Chapter 46

    The next day, bumyahe kami ni Gavin papuntang airport para sa flight namin papuntang Canada. Gavina was pouting, complaining that she wants to come with us as well pero sinabi sakanya ni Gavin na isang linggo lang naman kaming dalawa mawawala at pagbalik namin ay marami syang pasalubong para dito. I also saw him whispering something in our daughter’s ear, making Jayel’s eyes sparkle with excitement at hindi na nagpumilit pang sumama saamin.“Ano bang binulong mo kay Gavina kanina?” takang tanong ko kay Gavin nang makapasok kaming dalawa sa eroplano at makaupo sa upuan malapit sa may likuran. It’s been 3 hours since we left the house and said our farewell to Gavina pero ngayon ko lang naisipan na itanong sakanya kung ano ang binulong nya dito.“It’s a secret between us sweetie, you don’t need to know about it.” he answered with a teasing smile Agad na tumaas ang isang kilay ko sa narinig at mas lalong napaisip. Why do they need to keep it from me? Tungkol ba saakin ang sekreto nila? A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status