Share

Kabanata 1

"Father, you can't do this to Isla!!! She's still young. She can't marry that kind of man! This time. I will not just sit back and watch you manipulate us!" galit na sigaw ni kuya Ian kay dad at hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas sa opisina ni dad.

Napatigil si kuya sa paglalakad dahil sa sinabi ni dad.

"Are you sure that you could do that, Ian? I know you have an affair with Miss. Marshall. Any wrong move of you will trigger me to tell your big secret to your wife. You knew well what Michelle, can do to you. Once she knew that you were having an affair with one of her friends, don't you?" pagbabanta ni dad kay kuya Ian habang nakangiti.

"H-How could y-you... You can't say anything to her! You're a living Demon! You don't have a soul! You bas---" napatigil si kuya Ian sa pagsasalita dahil binato siya ni dad ng laptop.

Napanganga ako sa gulat dahil hindi ako makapaniwala na ihahagis ni dad kay kuya Ian ang laptop. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pulang likido na tumutulo sa ulo niya.

Sinugod ni kuya Ian si dad at sinuntok niya ito sa mukha. Gumanti naman ng suntok si dad at ngayon nagsusuntukan na silang dalawa.

"Stop!" sigaw ko pero hindi nila ako pinansin pareho at patuloy pa rin silang dalawa sa pagsusuntukan.

Lumapit ako sa kanilang dalawa habang nanginginig ang buong katawan ko dahil sa halo-halong imosyon na nararamdaman ko ngayon.

Buong lakas kung tinulak si dad. "How could you, father? We do everything you like, and don't complain because we love you, dad. But, this is too much." sigaw kung sabi kay dad, para akong bulkan na sumabog sa sobrang galit.

Sinampal ako ni dad tuloy hindi ko na napigilan pumatak ang mga luha ko. "You have no right to yell at me! You're just my child! My worthless child!" galit na sabi ni dad.

"Worthless daughter?! She does everything you told her even though you treat her like a puppet. You don't hear any complaints. Don't call her useless because you're the one useless here." seryosong sabi ni kuya Ian kay dad.

Lalo naman ako napahagulgol sa pag iyak dahil nagsusuntukan na naman silang dalawa.

"This is enough!...I-I will m-marry him, dad.."umiiyak na sabi ko, at ngumiti naman si dad.

Hinila ko na papalabas si kuya Ian sa opisina ni dad dahil hindi ko na kayang manatili sa kwartong iyon habang kasama ko si dad.

Nakarating na kaming dalawa ni kuya Ian sa aking kwarto pero hanggangg ngayon ay tulala pa rin ito kaya kinakabahan na ako sa kinikilos niya.

Lumapit ako sa kan'ya pero napatili ako sa sobrang gulat dahil bigla na lang niya akong hinawakan.

"WTF!" bulalas ko.

"Kuya, papatayin mo ba ako sa gulat." pabirong sabi ko para mabawasan ang tensyon sa aming dalawa.

"Isla, you can't marry him! He is not the guy for you. He will just hurt you." seryosong sabi ni kuya Ian at mababakas ang pag-aalala sa boses niya.

"I have to do this kuya Ian, for the sake of our family." nakangiti kung sabi habang pinipigilan kung tumulo ulit ang aking mga luha.

"Isla, you don't have to do this. Come on, pack your things, and I will send you back to Japan right now. I don't want you to do the same mistake I did before." malungkot na sabi ni kuya Ian at halata sa mukha niya ang sobrang pagsisi dahil sa ginawa niyang desisyon noon.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at ngumiti ako sa kan'ya. "I can handle this kuya. I will marry him." tumulo ang mga luha ni kuya at niyakap niya ako, kaya niyakap ko rin siya.

"Sorry....I'm really sorry Princess... I failed to protect you." malungkot na sabi ni kuya habang umiiyak.

"It's not your fault... You don't have to say sorry... You didn't fail to protect me because you always protect me. Now, you don't need to protect me anymore kuya Ian. I will take care of myself, so don't worry too much. I can handle this, and I promise I will be fine." masayang sabi ko pero sa totoo lang gusto ko na humagulgol sa pag-iyak.

Nang kumalma si kuya Ian ay nagpaalam na siya na uuwi dahil siguradong hinahanap na siya ng kambal. Nang makaalis na si kuya Ian, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Humagulgol ako sa iyak dahil sa sobrang sama ng loob ko ngayon. Saksi ang apat na sulok ng kwarto ko sa lahat ng sakit, hirap, at lungkot na naranasan ko dahil kay dad.

Sabi nila masayahin at mapagmahal na tao si dad noon pero nagbago ang lahat nong mawala si mom. Malaki ang galit sa akin ng sarili kung ama dahil ako ang dahilan kung bakit wala na ang taong mahal niya.

Namatay si mom noong ipinanganak ako, kaya labis na kinasusuklaman ako ni dad. Ilang beses na akong sinubukang patayin ni dad pero kaibigan ko yata si kamatayan dahil lagi akong nakakaligtas sa bingit ng kamatayan.

Nakakatawang isipin sariling magulang mo kaya kang patayin ng walang pag aalinlangan. Subalit kahit ganon si dad mahal na mahal ko pa rin siya.

Nagagalit ako kay dad ngayon pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa kan'ya. Palagi kung sinusunod ang sinasabi ni dad dahil ayokong madisappoint siya sa akin.

Alam kung hindi niya ako mahal, pero umaasa pa rin ako na matutunan niya akong mahalin balang araw. Kanina, nong sinabi niya sa akin na kailangan kong pakasalan ang anak ng business partner niya, halos gumuho ang mundo ko.

Lahat ng gusto ni dad ginagawa ko dahil ayokong madisappoint siya sa akin pero hindi ako makapaniwala na gagawin rin niya sa akin 'yong ginawa niya kay kuya Ian noon.

Alam ni dad na ayaw ko sa arranged marriage dahil naniniwala akong sagrado ang kasal. Hiniling ko noon kay dad na sana hayaan niya ako pumili ng taong papakasalan ko pero wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Ayokong pakasalan ang isang tao dahil sa kapangyarihan nila, gusto kong pakasalan ang taong mahal at pinagkakatiwalaan ko. Isang taong igagalang ako at aalagaan ako.

Tututol sana ako sa unang pagkakataon kay dad dahil ayoko talaga makasal sa taong hindi ko naman mahal. Subalit wala akong magagawa kundi pumayag dahil kay kuya Ian.

Mula pa noong bata pa ako, ang aking kapatid na si Ian ay tumayo bilang isang magulang sa akin, at ngayon gusto kong ako naman ang tumulong sa kan'ya.

Saka, kasalanan ko ang lahat ng ito. Namatay si mom dahil pinanganak niya ako, kaya naging mesirable ang buhay ni kuya Ian.

Dahil sa pagkawala ni mom nagbago si dad at doon nagsimula ang pagiging masama niya. Naging sakim siya sa kapangyarihan at kayamanan.

Pinilit niya si kuya Ian na magpakasal sa taong hindi naman niya mahal dahil lang sa company merged. Nagdurusa si kuya Ian ngayon dahil nagpakasal siya sa taong pinilit lang sa kan'ya at hindi niya mahal.

Ayaw niyang magdusa ako sa kasal na ito katulad niya, kaya sobrang tutol siya sa desisyon ni dad. Subalit ayokong masaktan si kuya Ian at ate Alex dahil mahal ko silang pareho, kaya papayag ako sa gusto ni dad.

Ayokong sabihin ni dad kay ate Michelle yong affair ni kuya Ian kay ate Alex dahil maraming masasaktan. Sa oras na malaman ni ate Michelle ang lahat, hindi na makikita ni kuya Ian ang mga anak niya at manganganib din si ate Alex at ang sanggol na dinadala niya.

Alam ni kuya Ian at ate Alex na mali ang kanilang ginagawa, ngunit ang unang nagtaksil ay si ate Michelle dahil nakikipagtalik siya sa iba't ibang babae kahit kasal na sila ni kuya Ian.

Hindi alam ni kuya Ian na isang lesbian si ate Michelle, nalaman lang niya ng mahuli niya itong nakikipagtalik sa isang babae sa opisina nito.

Una at huli nilang p********k ni ate Michelle ay iyong unang gabi nila na mag-asawa. Simula noon hindi na ulit sila nagtalik pero wala naman poblema iyon kay kuya Ian dahil hindi niya mahal si ate Michelle.

Subalit masyadong makasarili si ate Michelle ayaw niyang magkaroon ng affair si kuya Ian pero gusto niyang ipagpatuloy ang mga affair niya sa iba't ibang babae.

Nung nalaman ko 'to, galit na galit ako kay ate Michelle at gusto ko siyang atakihin at kalbuhin dahil sa ginawa niya sa mahal kong kapatid.

Nagalit din ako kay kuya Ian dahil nagtaksil din siya sa asawa niya pero sa huli binigay ko rin ang blessing ko sa kanila ni ate Alex dahil kitang-kita ko na sobrang mahal nila ang isa't isa.

Kung hindi nakialam si dad kung sino ang papakasalan ni kuya Ian paniguradong sa simula pa lang sila na ni ate Alex ang nagkatuluyan. Masaya ako dahil magkakaroon na ako ng bagong pamangkin pero kunting pagkakamali lang pwedeng mapahamak si ate Alex at ang sanggol na dinadala niya.

Sana huwag na sabihin ni dad ang tungkol sa affair nila kuya Ian dahil sa oras na masaktan ang mag-ina niya, panigurado akong mapapatay ni kuya Ian si dad. Ayokong mangyari iyon dahil pareho ko silang mahal.

Isasakripisyo ko ang sarili kung kaligayahan para hindi sabihin ni dad kay ate Michelle ang lahat at para maging masaya din si dad. Sana maging ok na ang lahat at sana makasundo ko ang magiging asawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status