Share

Kabanata 3

"Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ni kuya Rey sa kabilang linya.

"Ano ang kailangan mo?" walang paligoy-ligoy na tanong ko dahil hindi niya ako tatawagan ng walang dahilan.

"Namiss lang kita kaya tinawagan kita," sabi niya sa kabilang linya kaya napakunot noo ako.

"Inaantok na ako kuya, so cut the crap and tell me what you need?" 

"Sorry, pero kailangan mong maghanda dahil susunduin ka ni butler Lee ngayon,"

"Huh?"

"Magpaganda ka ngayon dahil you will meet your future husband today. Dapat naka ayos kana bago dumating si butler Lee,"

"Fuck," I murmured.

"Isla, alam kong hindi mo gusto ang arranged marriage na ito pero pumayag ka na, kaya huwag ka nang mag emote diyan at mag ayos kana,"

Hindi na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag dahil hahaba pa ang usapan namin kung sasagutin ko siya dahil masyado siyang madaldal.

Hindi ko alam kung anong oras darating dito sa  mansyon si butler Lee para sunduin ako kaya mag-aayos na ako.

I brought a lot of vintage-style dresses dahil nabasa ko kahapon mahilig sa mga vintage dress si Mrs. Alcantara.

Kaya ang isusuot ko ngayon ay iyong Printing Floral Vintage Sleeveless 2022 New Style Summer Retro Dress. Gusto kong magmukhang matangkad kaya hindi ako magsusuot ng doll shoes ngayon.

Kinuha ko ang Champagne Open Toe Platform Chunky Heeled Sandals para ipares sa dress na suot ko. 

Wala akong intensyon na magdala ng bag pero si Mrs. Alcantara mahilig sa mga cute na maliit na bag kaya gagamitin ko ang aking Mini Croc Embossed Faux Pearls Evening Bag.

Nag-aral rin ako ng Go kahapon dahil paboritong laro iyon naman ni Mr. Alcantara.

Alam kung arranged marriage lamang ito pero gusto ko makasundo ang mga in-laws ko at syempre ang magiging asawa ko.

Katatapos ko lang mag-ayos ng makarinig ako ng tatlong beses na katok at paniguradong si butler Lee na ito. Alam ng mga maid na nagpapahinga na ako kaya malabong sila ang kumakatok sa pinto ko ngayon.

"Miss Madison, may I come in?" sabi ni butler Lee.

"Come in," sabi ko.

"Good evening Miss Madison I'm here to pick you up," nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. "Saan tayo pupunta butler Lee?" tanong ko kahit alam kong hindi siya sasagot.

"Malalaman mo rin mamaya Miss Madison," nakangiti niyang sabi kaya ngumiti rin ako.

Ngumiti na lang ako sa kan'ya dahil alam ko naman  'yon ang sasabihin niya. Matagal ng butler ni dad si butler Lee at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni dad at isa lang masasabi ko sa kan'ya masyadong tuso ang tao na ito.

May butler din ako kaso wala siya ngayon kasi nasa America siya, may aayusin siya doon. Si dad ang nagpapasweldo sa kan'ya pero hindi niya sinusunod ang dad ko.

Ako lang ang sinusunod niya kase ako raw ang master niya at hindi si dad. Buti nga hindi nagagalit si dad sa kan'ya dahil matigas ang ulo ng butler ko at ako lang ang sinusunod.

Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang butler ko, sobrang overprotective niya pagdating sa akin, mas malala pa siya kay kuya Ian.

Hindi ko alam kung gaano kalayo ang bahay ng mga Alcantara dahil isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin kami nakakarating sa aming destinasyon.

Huminto ang sasakyan sa dapat ay malaking mansyon at natulala ako sa ganda nito. Napakaganda ng mansyon nila kahit na ito ay isang lumang mansyon.

Iba ito sa mga mansyon namin dahil lahat ng mansion na pagmamay-ari ni dad at ng bahay ko, maging ang kapatid kung si Ian, ay masyadong moderno. 

Subalit mas moderno ang mansyon ko dahil ang mga device ng aking smart mansion ay konektado sa isa't isa at naa-access nito ang aking smartphone, tablet, laptop, o game console.  

Ang mga lock ng pinto, telebisyon, thermostat, monitor ng bahay, camera, ilaw, at maging ang mga appliances tulad ng mga refrigerator ay can be controlled through a home automation system.

Pinagbuksan ako ng pinto ni butler Lee tapos sinundan ko siya, sinalubong ako ng mga tauhan nila Mr. and Mrs. Alcantara at binati nila ako. 

Habang papalapit kami sa garden meron akong mga tawanan na naririnig. Nagulat naman ako ng makita kung nakangiti at tumatawa si dad ngayon.

Dati nakikita ko siyang tumawa at ngumiti, pero lahat ng iyon ay hindi nakakatuwa dahil mala-demonyo ang mga ngiti at tawa niya. Ngayon, ibang-iba ang mga ngiti ni dad dahil they are genuine smiles.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko si dad ng ganito, nadurog ang puso ko dahil never niya akong nginitian ng ganyan.

Sa bagay, pinatay ko ang taong mahal niya kaya hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin. Gayunpaman, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw ay mapapatawad at mamahalin ako ni dad.

Nang mapansin nila na nandito ako, tumayo si dad at niyakap ako kaya nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap sa akin pero hindi ko pinahalata na nagulat ako sa ginawa niya at niyakap ko rin  si dad pabalik.

"Pumpkin you're late, but I'm glad you're finally here." malumanay na sabi ni dad.

"I'm sorry dad." paghingi ko ng paumanhin.

Ngayon pa lang ako niyakap ni dad at kinausap ng malumanay kaya natutuwa ako, kahit alam kung isa lang itong pagpapanggap niya pero masaya pa rin ako.

Ipinakilala ako ni dad sa kanila at humingi ako ng tawad sa kanilang mag-asawa dahil sa pagiging late ko. Atleast na una ako sa kan'ya, hanggang ngayon wala pa rin ang magiging asawa ko.

Sikat na tao nga pala ang lalaking iyon, kaya paniguradong sobrang busy niya, kaya hindi nakakapagtakang wala pa rin siya hanggang ngayon..

Nagkwentuhan silang tatlo at nakikinig lang ako sa kanila at nanlaki ang mata ko ng malaman kong walang alam si Kayden sa kasal na ito.

Hindi ako makapaniwalang hindi pa nila sinasabi sa anak nila ang tungkol dito. Sana maging ayos lang ang lahat mamaya pag dating niya dahil ayoko ng gulo.

Natigilan ako sa pagdating ng isang matipunong lalaki na may maamong mukha, kahit na bakas sa mukha niya ang pagod ay hindi nababawasan ang kagwapuhan niya.

"I didn't know we had visitors today," nakangiting sabi nito at nagulat ako ng magmano ito sa mga magulang niya pati kay dad.

I can't believe na magalang siyang tao at hindi ko rin ineexpect na sobrang gwapo niya  sa personal, hindi na ako magtataka kung bakit siya ang bias ng kaibigan ko.

Ipinakilala ako ni dad kay Kayden at ipinakilala naman nina Mr. at Mrs. Alcantara ang kanilang nag-iisang anak sa amin ni dad.

Pinaliwanag nila kay Kayden ang tungkol sa kasal at hindi nga ako nagkamali nagulat siya sa sinabi ng mga magulang namin. 

Pinapanalangin ko na tumutol siya para hindi matuloy itong kasalan na ito pero nagulat ako ng ngumiti ito at sinabing payag siya sa gusto ng mga magulang niya kaya nanlumo ako.

Hindi ako makapaniwalang papayag siya sa gusto ng mga magulang niya. Pareho pala kaming dalawa na masyadong masunurin sa mga magulang.

"I think we should leave these two some privacy." nakangiting sabi ni dad.

Bigla naman tumawa si mom. "Yeah that's a good idea, so they can get to know each other more." malambing na sabi ni mom.

Sinabi niya sa akin kanina na hindi ko na siya dapat tawaging tita dahil ikakasal na kami ni Kayden kaya dapat tawagin ko na raw siyang mom.

Sinabi nila sa akin na tawagin ko silang mom at dad. Sinabi rin nila na tratuhin ko sila bilang tunay na magulang dahil magiging bahagi na ako ng kanilang pamilya.

Ngumiti naman si dad Kevin kay mom. "You're right honey, Winton's let's go to my office, let's talk about our business."napatawa naman si mom sa sinabi ni dad Kevin. "Masyado kayong workaholic." natatawang sabi ni mom.

"Magkwekwentuhan tayong tatlo at hindi mag-uusap ng negosyo dahil sobrang tagal nating hindi nagkitang tatlo kaya marami tayong pag-uusapan." nakangiting sabi ni mom.

Wala naman sila nagawa sa kakulitan ni mom tuloy pumayag na sila sa gusto ni mom. Nagpaalam silang tatlo sa amin ni Kayden tuloy ngumiti na lang kami sa kanilang tatlo. Ang kulit nilang tatlong tignan para silang mga bata

Ngayon ko pa lang nakita ang childish side ni dad dahil ang palagi kung nakikita na side niya ay hindi maganda. Nang makalayo na ang mga magulang namin napataas kilay ako dahil kay Kayden.

Nawala ang mga ngiti sa labi niya at tinignan niya ako ng masama. Halata sa mga mata niya na kinasusuklaman niya ako.

Nakatingin lang siya sa akin ng masama at hindi nagsasalita kaya naiirita ako pero pinipigilan ko ang sarili ko na magalit dahil ayokong gumawa ng eskandalo rito.

Kahit hindi siya magsalita, sigurado akong minumura niya ako sa isip niya ngayon. Gusto ko siyang bigyan ng standing ovation dahil ang galing niyang umarte.

Kanina, para siyang isang tupa sa harap ng kanyang mga magulang, ngunit ngayon na kaming dalawa na lang ang nandito, nilabas na niya ang kanyang mga pangil. Hindi siya tupa kundi isang mabangis na lobo.

"Listen Bitch! I don't want to marry you, but I don't have a choice. I hate you so much because you ruined my life. Once you marry me." galit na sabi niya at tumayo. "You will experience hell and you will never be happy... You ruined my life... I ruined your life too." galit niyang sabi at umalis na siya.

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon sa akin. Akala niya ba siya lang ang pinilit sa kasal na ito? Kung napipilitan siya, mas napipilitan ako sa kasal na ito.

Hindi pa siya nakakalayo, at dahil sa inis ko sa kanya, hinubad ko ang suot kung heels at ibinato sa kanya. Tumama sa kanyang ulo ang heels na binato ko.

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin siya sa akin ng masama kung nakakamatay ang tingin malamang patay na ako dahil sa mga titig niya.

"Don't blame me for this marriage because I don't like it. You are a fucking coward. Wala kang karapatang sisihin ako sa lahat dahil you agreed to this fucking marriage even though you didn't want to. At least I opposed my father because I don't want to marry someone I don't like, pero ano ang ginawa mo kanina? Ngumiti ka at nagpanggap na okay lang ang lahat. What's worse?  You agreed to what they wanted. Umaasa akong tututol ka to this bullshit marriage, but I was wrong because you are a hypocrite jerk. You hate me, but I hate you even more." galit kung sigaw at tumulo ang mga luha ko.

Wala na akong pakialam kahit may makaritig sa akin ngayon. Siya ang nagsimula kaya tatapusin ko. 

Tumalikod na ako at umalis dahil ayokong makita ang mukha niya. Nang makalayo na ako sa garden, huminto ako sa paglalakad at hinubad ang isa ko pang heels na suot dahil nahihirapan na akong maglakad.

Bigla akong nagsisi na binato ko siya ng heels kanina dahil isa iyon sa mga paborito kong heels. Pero ayoko nang bumalik sa garden para kunin ang heels ko dahil baka nandoon pa siya.

I want to go home and rest.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status