Share

Unwanted Wife
Unwanted Wife
Author: Winter Mallow

Prologue

Hindi lahat ng nagpapakasal nagmamahal. Hindi lahat ng mag-asawa nagmamahalan. Hindi lahat ng nagsasama nagmamahalan.

Pareho kaming dalawa natali sa kasal na hindi namin gusto. Pareho kaming dalawa napilitan sa walang kwentang kasalan na ito.

Hindi kami magkasundong dalawa, para kaming sila Tom at Jerry na laging nag-aaway. Hindi yata matatapos ang isang araw na hindi kami magtatalo.

Marami akong tinatago at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito maitatago. Kilalang kilala ko siya at alam ko kung sino ba talaga siya pero hindi niya ako kilala.

Wala akong balak mahalin siya dahil hindi kami pwede magmahalan dalawa. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi ko namalayan sobra na akong nahuhulog sa kan'ya.

Sinubukan kung pigilan itong nararamdaman ko dahil hindi ito tama at alam kung may mahal na siyang iba. Dahil sa nararamdaman ko para sa kan'ya, parang naghukay na rin ako ng sarili kung libingan.

Asawa ko siya pero hindi ko siya matawag na akin dahil may nagmamay-ari na ng puso niya. Gusto kung ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kan'ya dahil mahal ko siya at asawa ko siya.

Subalit ang hirap ipaglaban ng taong kahit kailan hindi nakita ang halaga mo dahil para sa kan'ya ikaw ang sumira ng buhay niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga sa pagmamahal ko para sa kan'ya.

Asawa niya lang ako sa papel pero hindi sa puso niya. I am Isla Madison Buenaventura Alcantara the UNWANTED WIFE.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status