Pinatawag ako ni dad kanina sa opisina niya dahil may sasabihin daw siya na importante. May binigay siyang isang files sa akin at gusto niya na pag-aralan ko 'yon mabuti. Sinabi rin niya na aalis kami bukas para pumunta sa Korea.
Pagtapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin at maibigay sa akin 'yong files pinaalis na niya ako sa opisina niya dahil kumukulo na ang dugo niya.
Ayaw na ayaw ako makita ni dad, tuloy palagi lang akong nakakulong sa kwarto ko tuwing narito ako sa mansyon namin para hindi niya ako makita.
Hindi ko rin siya kasabay kumain dahil palagi akong kumakain sa kwarto ko. Nakakasabay ko lang kumain si dad pag may espesyal na okasyon.
Tinignan ko 'yong binigay ni dad na files sa akin at hindi ko alam kung para saan yun. Mukhang hindi naman ito tungkol sa company namin tuloy hindi ko alam kung bakit gusto niya pag-aralan ko ito.
Pagbalik ko sa aking kwarto binuksan ko ang files na binigay ni dad at napasimangot ako dahil tungkol sa magiging asawa ko ang ang files na binigay niya.
Mukhang sasakit ang ulo ko dahil sa kan'ya. Isa siyang sikat na P-pop at kilala ang grupo nila hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Hindi ko na binasa ang tungkol sa ibang member ng Labyrinth dahil hindi naman ako interesado sa kanila. Saka alam kong hindi ko naman sila makakasalamuha palagi dahil masyado silang sikat.
Hindi ako mahilig sa mga boy band kaya hindi ako pamilyar sa grupo nila pero fan nila ang isa sa mga kaibigan ko at kung hindi ako nagkakamali siya ang bias ng kaibigan ko dahil sobrang gwapo, talented at sobrang bait daw. Sana magkasundo kaming dalawa dahil ayoko ng sakit sa ulo.
Incheon International Airport
15 minutes na ang lumipas pero wala pa rin ang sundo ko, ayoko naman magtext kay dad dahil alam kung busy siya ngayon. Hindi ko rin matext si kuya Rey dahil ayokong makaabala sa trabaho niya.
Kaya hanggang ngayon narito pa rin ako sa airport hinihintay ang susundo sa akin. Hindi ko alam kung bakit wala pa rin siya kase dapat kanina pa niya ako nasundo.
Hindi kami magkasabay na dumating sa Korea ni dad dahil ayaw niya ako makita at makasama sa private plane namin. Nagbook si kuya Rey ng first class kahit sinabi kung ayoko dahil sayang sa pera.
First class is too expensive, I don't want to waste a lot of money, I'm just practical kasi para sa akin, kahit economic flight ako, makakarating pa rin naman ako sa Korea at konti lang ang gastos.
Maglalaro na lang mo na ako ng Mobile Legend habang nagpapalipas ng oras para hindi ako mainip sa paghihintay sa sundo ko.
Habang naglalaro ako biglang namatay ang phone ko kaya napamura ako sa inis dahil konti na lang mananalo na kami. Binuksan ko ang aking bag para kunin sana ang power bank ko pero nanlaki mata ko dahil wala ito sa bag ko.
Nanny packed my things yesterday at mukhang sa isang maleta niya nailagay ang power bank at charger ko. Ang masama pa nito, hindi na ako nagdala ng wallet dahil inaasahan ko na pagdating ko dito ay nandito na ang sundo ko.
Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata ko dahil halos apat na oras na ako sa airport. Hindi ko namalayan ang oras dahil naglalaro ako ng Mobile Legend kanina.
Naiirita na ako dahil hanggang ngayon wala pa rin ang sundo ko. Bakit wala pa siya? Huwag nilang sabihin nakalimutan na nila akong sunduin kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong sundo.
Bakit ba ang malas ko ngayon araw? Bakit?!Lowbat phone ko, wala rin akong dalang wallet. Paano na ako ngayon?!
Magtaxi na lang kaya ako? at pagdating ko sa mansyon doon ko na lang babayaran dahil wala akong dalang wallet ngayon.
Napahinto ako sa paglalakad dahil may lalaking humarang sa harapan ko, kaya napataas kilay ako dahil nakaharang siya sa daan.
"Miss, I noticed that you are a Filipino. You seem to have a problem, so I approached you. Pinoy rin ako katulad mo. Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao gusto lang talaga kita tulungan," sabi niya.
"Why should I believe you? Sa suot mo pa lang kahinahinala ka na." seryosong sabi ko.
"Ganito ang suot ko dahil I don't want my fans to recognize me. Hindi ako nagmamadali ngayon kaya I can help you. If I do something bad to you, you can kick me,"
"I've been waiting here for almost four hours pero hanggang ngayon wala pa rin ang sundo ko. You want to help me right?"
"Syempre, tutulungan kita,"
"Pero baka hindi mo magustuhan ang tulong na gusto ko. I need you to be my personal butler but don't worry, babayaran kita ng triple pag-uwi ko,"
"Masyadong mataas ang talented fee ko kaya baka hindi mo ako mabayaran ng triple pero 'wag ka mag-alala ihahatid pa rin kita sa inyo,"
Inabot ko sa kanya ang bag ko at ngumiti. "Don't worry I can pay you back. Hindi halata pero mayaman ako,"
Kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako. "I'm too handsome to be a butler, so let's change my role now. Single ako at never pa akong nagka-girlfriend, so why don't we do the Jowa Challenge?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Nasisiraan ka na ba ng bait? Sabi mo kaya ganyan ang suot mo dahil ayaw mong makilala ka ng fans mo tapos ngayon gusto mong gawin ang Jowa Challenge?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko kaya inapakan ko ang paa niya pero hindi siya na saktan.
"Siguro tama ka, nasisiraan na ako ng bait (he laughed). Gusto ko lang maranasan na magka-girlfriend, kahit minsan lang. I'm too busy with work so I don't have time for my love life,"
"Huwag ka ng mag-inarte payag na ako sa kalokohan mo. Ako si Isla Madison Buenaventura, pwede mo akong tawaging Isla o di kaya Madison,"
"Kasing ganda mo ang pangalan mo. Ako si Isaac Owen De La Vega pero kilala ako bilang Isaac. (tumingin siya ng seryoso sa akin) Wala kang reaksyon?"
"Dapat ba magulat ako?" takang tanong ko.
Tumawa siya kaya napangiwi ako. Nababaliw na ba ang lalaking ito? "I can't believe na hindi mo ako kilala. Now I know why I'm comfortable with you because you don't know me and you have no idea how popular I am,"
"Ano naman kung sikat ka? Makakain ko ba iyon? Alam mo Isaac, sikat ka man o hindi ikaw pa rin si Isaac. My idiot boyfriend."
"Huh? Boyfriend?"
"Sabi mo ayaw mo ng butler na role dahil masyado kang gwapo kaya gusto mong mag Jowa Challenge tayong dalawa. Ang gulo mong kausap,"
"Our Jowa Challenge has started and the Jowa Challenge will end when I bring you to your house. Sabi ko kapag nagka-girlfriend ako, gusto kong tawagan namin Wife and Hubby. Okay lang ba sa'yo na iyon ang tawagan natin?"
"Ok lang, walang problema. Maaga pa naman at wala akong gagawin sa bahay kaya mag-date na lang tayo at ihanda mo na ang bucket list mo dahil sabay nating gagawin ang ilan sa bucket list mo." nakangiti kung sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko."Are you ready for our date Wife?"
"Yup, I'm ready Hubby,"
Syala naka Mercedes-AMG GT ang lolo n'yo. Mukhang bigatin nga siya pero hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako mahilig manuod ng tv.
He opened the car door for me kaya napangiti ako dahil gentleman siya. May mask pa kaya siya na dala? Mahirap na baka magkaroon pa siya ng scandal dahil sa akin.
Napakabilis ng oras kapag nag-eenjoy ka na kaya hindi namin namalayan ni Isaac na malapit na pala mag gabi. Walang problema kung gabihin ako dahil wala naman akong curfew at tumawag naman ako sa mansion kanina.
Papunta kami ngayon sa restaurant na na-book niya at magdi-dinner kami bago niya ako ihatid pauwi. Pinabook daw niya yung buong restaurant para sa aming dalawa, akala ko nagbibiro lang siya pero nung nakita ko yung reservation niya nabatukan ko siya dahil gumastos siya ng malaki.
Hindi ako makapaniwalang napakalaki ng ginastos niya para lang kumain ng hapunan. Lalo akong nagulat sa dahilan kung bakit niya pinabook ang buong restaurant. Ito raw ang unang date sa buong buhay niya kaya gusto niyang maging memorable ito.
Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang boses na iyon. Nakinig ako kagabi sa mga kanta niya at ng grupo nila dahil sabi ni kuya Rey para maging pamilyar ako sa kan'ya.
"Kayden?" bulalas ko.
"Hindi mo ako kilala pero kilala mo si Kayden?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hindi ko siya kilala." sabi ko dahil hindi ko naman talaga siya kilala.
"Huh?" naguguluhan niyang sabi.
"Kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa kan'ya at hindi ako natutuwa sa kan'ya,"
"Wife, hindi kita maintindihan,"
"Kayden is my fiance." iritang sigaw ko.
Nagulat ako kasi bigla siyang nagpreno. Tangina! Buti na lang naka-seatbelt ako.
Sisigawan ko na sana siya pero parang nalunok ko ang dila ko dahil nakita ko ang mukha ni Isaac. Halata sa hitsura niya ang pagkagulat sa sinabi ko.
Tiningnan niya ako ng blanko. "Nagsasabi ka ba ng totoo?" walang emosyon niyang sabi kaya kinilabutan ako kase nag iba aura niya.
"Oo." halos pabulong na sabi ko pero sapat na para marinig niya.
Hindi na siya kumibo at nagmaneho ulit. Ang awkward ng atmosphere dito ngayon, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi kami nagkikibuan dalawa hanggang makarating kami dito sa restaurant.
Mamamatay ako sa katahimikan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Isaac. Lumapit sa amin ang isang waiter at binigyan kami ng menu pero hindi ako umorder dahil hindi ko maintindihan ang nakasulat sa menu dahil lahat ay nakasulat sa Korean.
Nakatingin lang ako sa menu na parang tanga tapos yong waiter salita ng salita hindi ko naman maintindihan kase nagsasalita siya ng Korean. Nagulat ako kase bigla na lang nagsalita si Isaac at sa tingin ko nag order na siya ng pagkain namin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nakita kung ngumiti na si Isaac.
"I'm sorry kung ang awkward ng atmosphere natin kanina. I just can't believe what you said,"
Ngumiti naman ako sa kan'ya."Ok lang yon! Kahit sino naman siguro magugulat sa sinabi ko. Hindi ko gusto ang arranged marriage na ito pero wala akong magagawa kundi sundin ang dad ko." nakangiting sabi ko pero halata sa boses ko na malungkot ako.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya. "Isla, our Jowa Challenge isn't over yet so I'm still your boyfriend until now. Ang dami kong tanong pero marami pa tayong pagkakataon para sagutin ang mga tanong ko kaya kalimutan muna natin si Kayden." nakangiti niyang sabi.
"Ok, Hubby,"
Nagkwentuhan kaming dalawa habang kumakain puro tawanan lang kami dahil masyado siyang palatawa. Hindi ako nagsisi na pumayag ako sa Jowa Challenge na ito dahil kahit sa konteng oras lang nakalimutan ko ang tungkol sa Kayden na iyon.
Pagkatapos naming kumain, hinatid niya agad ako dahil hinahanap na siya ng mga kagrupo niya. Natapos ang Jowa Challenge namin pero dun nagsimula ang pagkakaibigan namin.
Nagpalitan kami ng contact number para lagi raw niya ako ma update dahil hindi na kami makakapagkita ulit kase magiging abala na ulit siya simula bukas.
Ang tawagan pa rin naming dalawa ay Wife at Hubby dahil wala lang pareho lang namin gusto. Saka, ayaw niya rin naman akong tawagin na Isla o Madison dahil iyon daw ang tawag sa akin ng mga kakilala ko.
Hindi pa naman sobrang gabi pero gusto ko na magpahinga dahil paniguradong bukas stress na ako dahil makikita ko na si Kayden. Tumingin ako sa orasan at 8:27 pm na pero wala pa rin si dad. Workaholic talaga siya, sana magbawas siya ng trabaho.
Hihiga na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko na ikinakunot ng noo ko. Sa susunod talaga hindi ko na kakalimutan eh silent ang phone ko para walang istorbo.
"What?" iritang sagot ko.
Tinago ko siya dahil ayokong malaman ni Luke ang tungkol kay Klaus. Wala siyang karapatan sa anak ko, at hindi siya kailangan ni Klaus. Limang taon nabuhay si Klaus na walang kinikilalang ama, at alam niyang matagal nang wala ang kanyang ama dahil lagi kaming bumibisita sa kanyang puntod.1 Year AgoMuntik ko pang mabitawan ang tea cup na hawak ko dahil nagulat ako sa sinabi ni Klaus. This is the first time he asked about his stupid father kaya hindi ko alam ang isasagot ko.Alam kong darating ang araw na tatanungin niya kung nasaan ang dad niya, pero hindi ko inaasahan na ngayon siya magtatanong tungkol sa gago na 'yon.Malungkot akong ngumiti para magmukhang mahal ko ang bwesit na lalaki na 'yon."Baby... Masyado ka pang bata kaya hindi ko alam kung maiintindihan mo ang sasabihin ko." malumanay kong sabi."I'm a big boy, mami." Nakangiting sabi niya, at napangiti ako ng mag-pout siya."Pangako bukas, sasabihin ko sayo ang totoo at makikita mo ang dad mo, pero sa ngayon kailangan na n
"Che! Umalis ka na nga at baka masuntok pa kita." Pagtataboy niya sa akin kaya natawa ako. Nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong may nakatingin sa akin na may intensyong pagpatay, napatingin ako sa butler ni Isla na nakatingin sa akin ng masama. Kung nakakamatay ang tingin, paniguradong patay na ako dahil sa mga titig niya. Lumapit ako kay Isla at bumulong."Pagsabihan mo ang butler mo, at baka malaman mo na lang patay na siya." Malamig kong sabi at umalis na, sumunod naman sa akin yong apat. Inabot ko kay Lincoln yong paper bag na binigay ni Isla at siya ang pinabuhat ko. Pagpasok namin sa loob ng sasakyan nagkakulo sila Lincoln, Dylan, at Isaac dahil curious sila kung ano yong pinadala ni Isla sa amin. Si Axel ang magdadrive ngayon at nakaupo ako sa front seat, nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Hunter. Agad niyang sinagot ang tawag ko."Sundan mo ang asawa ko at siguraduhin mong hindi sila mawala sa paningin mo, kundi malalagot ka sa akin." Malamig kong sabi at ibinaba ang
"Niklaus?! Baby, ikaw ba yan?" Tanong ko kahit sigurado akong si Klaus iyon dahil kilalang-kilala ko ang boses ng anak ko. (Yes mommy it's me, miss na miss na po kita at gusto na kita makita.) "Ako din baby, gusto kitang makita. Miss na miss na kita pero masyado akong busy ngayon kaya matagal pa bago kita makita ulit." (Mommy... I'm sorry po dahil sinuway kita.) "Ano?! Ano ang ibig mong sabihin?" (Nandito po kami dahil pinilit ko sila.) "Nandito kayong lahat?" (Yes, Mommy.) Napahawak ako sa sentido ko at napabuntong hininga. Sinabi ko sa kanila na bantayan maigi ang anak ko at huwag nilang pababalikin ito sa Pilipinas dahil masyadong magulo pa ang lahat. "Baby, alam kong gusto mo akong makita, pero alam mo ang sitwasyon natin, hindi alam ng grandpa mo ang tungkol sayo. Nong sasabihin ko na sa kanya ang lahat, biglang nagkaroon ng problema, kaya hindi ko nasabi sa kan'ya ang totoo." (Mommy ikinahihiya mo ba ako?) "NO! Hindi kita ikinahihiya, natatakot lang ako na baka hindi k
Isla's POVNagising ako dahil sa ingay ng mga alarm clock ko, kahit ayoko pang bumangon dahil inaantok pa ako, pinilit kong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha at magtoothbrush. Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko, bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng almusal. Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Theodore na gumagawa ng smoothie. Mahilig siya sa smoothies, hindi kumpleto ang araw niya kung hindi umiinom ng smoothie sa umaga. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya."Good morning Theodore." Nakangiting sabi ko, saka niya ako hinalikan sa noo."Good morning din Princess." nakangiti niyang sabi. "Bakit ang aga mong nagising ngayon? Hindi ka morning person Princess, hindi ka magigising kung walang gumising sayo," ani ni Theodore. Tama siya, hindi naman talaga ako morning person, ayokong ayoko ang gumigising ng maaga. Hindi ako magigising kung hindi ako naglagay ng 20 alarm clock sa kwarto ko. "M
"Hindi naman ako namatay, anong ikinagagalit mo?" bored niyang sabi."I am your husband, for god sake Isla! Pero umalis ka ng walang paalam at sumama ka sa butler mo. If something bad happens to you, I will be responsible because I am obliged to you as your husband."Tumawa siya na lalong ikinainis ko."Kailangan ka pa nagkaroon ng pakialam sa akin? Don't pretend that you care about me because I know na kahit mamatay ako ngayon wala kang pakialam." seryoso niyang sabi. Naikuyom ko ang mga kamao ko at lumabas ang mga ugat ko sa leeg at ulo dahil sa sobrang galit ko sa kanya ngayon."Tama ka, wala akong pakialam sayo, pero asawa mo ako, gustuhin ko man o hindi, obligado ako sayo. Nung umalis ka, maraming naapektuhan lalo na si Isaac. Halos hindi na siya kumakain o natutulog dahil sa paghahanap sa'yo Isla. Alam mo kung ano ang nakakatawa? Ako ang asawa mo, pero ang akala ng lahat si Isaac ang asawa mo."Nagulat siya sa sinabi ko kaya natawa ako, sinamaan naman niya ako ng tingin."Anong ib
"Pumpkin are you pregnant?" Seryosong sabi ni dad Wilson.Nasamid siya dahil sa sinabi ng dad niya tuloy inabutan ko siya ng tubig. "Dad! Hindi ako buntis." Nahihiyang sabi niya at namula ang kanyang mga pisngi.“Pasensya na pumpkin kung nabigla ka sa tanong ko, alam mo namang matanda na ako, at gusto kong makita ang paglaki ng mga apo ko habang malakas pa ako (tumingin sa akin ang dad niya) Kayden, sana babae ang panganay 'nyo dahil puro lalaki ang mga anak ni Ian." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng dad niya."Dad, you're still strong, so don't talk like that. Isla and I are still young at hindi kami nagmamadali dahil gusto naming makilala pa ang isa't isa." Nakangiting sabi ko."Tama si Kayden, hindi naman kami nagmamadali kasi gusto naming magkakilala ng husto ang isa't isa, pero napag-uusapan naman namin ang tungkol sa baby. Nagpatingin na rin kami sa doktor at sinabing, wala namang kaming problema dalawa. Huwag kayong mag-alala dahil makikita 'nyo rin ang apo 'nyo soon." Gusto ko