Share

Unwrapped by the Wrong Twin Brother
Unwrapped by the Wrong Twin Brother
Author: Huxeia

Chapter 5

Author: Huxeia
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-05 14:40:04

The anniversary dinner was lovely, and she hated every second of it.

Pagdating nila sa elevator, tinakpan nito ang mga mata ni Yumi. “Ready, babe?”

Pag-alis ng mga kamay nito, bumungad sa kanya ang rooftop na napalilibutan ng mga kandila. Sa isang tabi, may violinist na tumutugtog ng paborito niyang love song.

Biglang namuo ang luha sa kanyang mga mata. River had thought of everything, pati ang kantang alam nitong magpapasaya sa kanya.

Ini-slide nito ang isang slim box sa mesa. Isang silver bracelet ang nasa loob.

Napaluha siya. Ngumiti naman si River, kumbinsidong dahil iyon sa saya.

Hindi nito alam na ibang dahilan ang nasa likod ng mga luha niya.

Pagbalik nila sa penthouse, hinalikan siya ni River ng goodnight sa may pintuan ng guest room. Gentle gaya ng nakasanayan nito.

“Next time,” bulong nito, habang nakadikit ang noo sa noo niya. “When you are ready. No rush.”

Pagkasara ng p***o, nahiga si Yumi sa ibabaw ng kumot, nakabihis pa rin, at nakatitig sa kisame. Her conscience, meanwhile, was holding the loudest press conference of the century.

Anniversary night ngayon. ANNIVERSARY. Ang gabing dapat para sa boyfriend mo, na natutulog sa kabilang kwarto. Tapos pupunta ka sa kwarto ng kapatid niya? Girl, do better. Seriously.

She told herself it was the only way. Protection lang. Damage control ganun. At ang emotional devastation ni River, naka-schedule nalang for another day. Iyon lang ang dahilan.

By midnight, nasa hallway na si Yumi, nakasuot ng robe at nakayapak, at naglalakad papunta sa pintuan sa pinakadulong bahagi ng pasilyo.

Stop Yumi, bumalik ka. Magdasal ka, kahit mag-rosaryo pa. Anything gawin mo, basta huwag kang tumuloy.

Pero iba ang desisyon ng mga paa niya. Patuloy ang mga itong naglalakad, bawat hakbang ay lalong naglalapit sa kanya sa bagay na alam niyang dapat niyang iwasan.

She knocked once.

Bumukas ang p***o bago pa man niya maibaba ang kamay.

Nakatayo si Ridge sa harap niya, suot ang dark shirt na bahagyang bukas ang kuwelyo. May hawak itong baso, pero mukhang hindi pa naiinuman.

He said nothing. Tumabi lang ito para papasukin siya.

Pagkasara ng p***o, narinig niya ang pag-click ng lock sa likuran niya. Parang tunog ng nahustisyahan.

Amoy cedar ang kuwarto. Inilapag ni Ridge ang baso sa mesa at humarap sa kanya. Matagal itong nakatitig, walang sinasabi.

Walang smirk at walang yabang. Hindi rin ito mukhang natutuwa sa sitwasyon.

At somehow, mas lalo iyong nakakapagpakaba kay Yumi. Ang katahimikan nito ay halos nakakasakal, dumidiin sa balat niya hanggang sa gusto na niyang umatras.

“This morning,” sabi nito sa wakas, mababa ang tinig. “Was that your first time?”

Naramdaman niyang uminit ang buong mukha niya.

She could have lied. Isang simpleng denial lang, tapos na ang usapan. Pero walang pangungutya sa mga mata nito. May kung anong bigat sa titig na iyon, isang uri ng pag-iingat na hindi niya maipaliwanag. Para bang talagang mahalaga rito kung ano ang isasagot niya.

“Oo,” pabulong niyang sagot. “Dapat surprise iyon. Para sa anniversary namin. Three weeks ko iyong pinaghandaan.”

May tumakas na tawa sa labi niya, pero basag iyon at halos maging hikbi. “Only to find out na maling lalaki pala ang nasa kuwarto.”

Umigting ang panga ni Ridge. May kung anong emosyon ang sumilay sa mukha nito—pagsisisi, pagnanasa, or both. Ngunit mabilis din iyong naglaho bago niya pa maintindihan.

Nanatili itong tahimik. Dahan-dahan nitong itinaas ang kamay, hindi nagmamadali, para bigyan siya ng pagkakataong umatras. Nang hindi siya gumalaw, marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi at pinunasan ang luhang hindi niya namalayang tumulo.

"You can still leave," sabi nito ng marahan. "I'll keep your secret either way."

Napatingin si Yumi sa kanya. ‘Kung gano’n, bakit…”

"Because I wanted to see if you'd come."

Dapat galit siya. At galit naman talaga siya but she did not step away.

Marahang dumapo ang palad ni Ridge sa batok ni Yumi. Mainit ang haplos nito, steady, habang unti-unti siyang inilalapit hanggang sa magkadikit ang kanilang mga noo. She felt his breath, uneven, as though he’d been holding it in for too long.

Wala sa sariling kumapit ang mga daliri niya sa harap ng suot nitong shirt.

The first kiss was barely a kiss. Isang bahagyang pagdampi ng mga labi nito sa kanya, tila naghihintay ng pahintulot.

Ang ikalawa ay mas matagal. Ang ikatlo naman ang tuluyang nagpahina sa kanyang mga tuhod. Isang munting ungol ang kumawala sa kanya, hindi niya napigilan. Saglit na dumiin ang mga daliri ni Ridge sa batok niya, bago muling naging banayad ang haplos nito.

Marahang hinanap ni Ridge ang sinturon ng robe niya at dahan-dahang kinalag ang pagkakabuhol. Pagkatapos, tumigil ito at tumingin sa mga mata niya.

Tila naghihintay ito ng pagtanggi o pahintulot niya bago pa man muling gumalaw.

Wala sa sariling tumango siya.

Dahan-dahang dumulas ang robe hanggang sa malaglag ito sa paanan niya. Nang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang balat, nangilabot ang kanyang mga braso. Agad siyang niyakap ni Ridge at inilapit sa katawan nito.

Mabagal ang lahat. Binuhat siya ni Ridge. Walang pag-aalinlangan at kusang pumulupot ang mga hita niya sa baywang nito habang dinadala siya patungo sa kama.

Marahan siya nitong inihiga sa kama. Naramdaman niya ang mainit at banayad na bigat ng katawan ni Ridge sa ibabaw niya. Ngunit hindi ito agad gumalaw. Tinitigan lamang siya nito na para bang nais isaulo ang bawat kurba at detalye ng kanyang mukha.

Hinalikan ng mga labi ni Ridge ang bawat bahaging kanina pa pinagmamasdan ng mga mata nito. Ang gilid ng kanyang panga paakyat sa tenga. Bumaba ang halik nito mula sa baba at sa kahabaan ng kanyang leeg at huminto sa puno ng kanyang dibdib. Bawat halik ay mabagal at punong puno ng nakakapasong init. Dahan-dahang pinag-aaralan ng mga kamay nito ang kurba ng kanyang baywang at ang bawat panginginig ng kanyang katawan. Sa tuwing napapasinghap siya sa mga haplos nito, mas nagtatagal roon ang mga kamay nito, tila isinasaulo ang bawat bagay na nagpapahina sa kanya. Kusang umarko ang katawan niya palapit kay Ridge, habang nakabaon ang mga daliri niya sa buhok nito. May kung anong impit na bulong ang nakawala sa kanyang labi, isang tunog na hindi niya mismo maintindihan.

Saglit itong huminto at tumingin sa kanya.

"Okay lang," hinihingal niyang bulong. "Please."

Muling nagtagpo ang kanilang mga labi, at sa pagkakataong ito, wala nang pag-aalinlangan sa halik ni Ridge. It was deep, lingering, and almost unbearably tender, as though he was making a promise with every breath. Sumabay si Yumi sa bawat galaw nito, kapwa nila unti-unting hinayaan ang sarili na matangay ng init at pananabik. Ngunit sa kabila ng tumitinding pagnanasa, nanatiling maingat si Ridge—marahang hinahalikan ang noo, pisngi, at labi niya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at ikinulong sa unan, their fingers laced, kapwa naghahabol ng hininga sa gitna ng kanilang mga halik hanggang sa tuluyan na silang lamunin ng pananabik. Sa isang iglap, tila gumuho ang lahat ng natitira niyang pagpipigil, at naiwan siyang nanginginig sa mga bisig nito.

Nakalimutan niya ang oras pati ang hiya. Maski ang konsensiya niya ay tila natunaw sa gilid ng kamalayan niya, unti-unting natabunan ng init at damdaming hindi niya kayang pangalanan. Ang tanging naramdaman niya ay ang mga bisig ni Ridge na mahigpit na nakayakap sa kanya, hindi siya binibitawan sa gitna ng lahat.

Pagkatapos, hinila siya ni Ridge palapit hanggang sa nakasandal na ang ulo niya sa dibdib nito. Itinaas nito ang kumot at tinakpan silang dalawa. Marahan nitong hinaplos ang buhok niya, paulit-ulit na sinusuklay iyon gamit ang mga daliri.

None of them said anything.

Perhaps they both knew that once they did, they would have to acknowledge what had happened. At hindi pa handa ang sinuman sa kanila na harapin ang katotohanang iyon.

Habang sa kabilang dulo ng pasilyo, mahimbing na natutulog si River—the man that Yumi was supposed to love—dreaming of a future where she was still his.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 10

    Naglakad si Yumi.Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Maingat ang bawat hakbang niya, gaya ng isang babaeng may dalang tray ng mga basong punong-puno at kailangang siguraduhing walang mababasag. Nanlalamig ang mga paa niyang nakatapak sa sahig. Sa mga bintana, sumisilip ang mga ilaw ng siyudad, parang mahahabang gintong guhit na unti-unting dumudulas sa dilim. Self, ano 'to, horror movie? Bakit parang ang haba ng hallway? Dati tatlong hakbang lang 'to.Ang tibok ng puso niya lang ang tanging naririnig niya sa katahimikan ng penthouse. Mayumi. Modest. Graceful. Hindi tumatakbo papunta sa kwarto ng ibang lalaki. Sige, hindi naman siya tumatakbo. Naglalakad lang, technically.Nilampasan niya ang unang pinto, ang kuwarto ni River—madilim, maayos, at puno ng mga gamit na walang anumang kakaiba. Sumunod ang guest room, kung saan minsan siyang natulog na para bang walang anumang kailangang pagbayaran kinabukasan.Bahagyang nakabukas ang pangatlong pinto. Isang manipis na guhit ng liwa

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 9

    Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilos na maaaring magpahiwatig na gusto nitong lumabag sa mga kundisyong itinakda niya.Ang tanging lamat sa maayos nilang pag-iIwasan sa isa't isa ay dumating noong Biyernes, sa warehouse sa Valenzuela.Pumasok si Yumi sa malamig na malamig na storage room, suot ang hiniram na parka. Umuusok ng parang puting ulap ng kanyang hininga sa hangin. At doon niya nakita si Ridge sa pinakadulong bahagi ng silid, kasama ang mga trabahador. Nakatupi hanggang siko ang mga manggas nito habang may buhat na mabig

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 8

    Ang hindi inaasahan ni Yumi ay ang makumpara ang kambal at kung gaano karami ang mapapansin niya.Si River, buong mukha ang nakangiti kapag tumatawa. Habang si Ridge ay bihira lang matawa. Usually, isang maikling buga lang ng hangin sa ilong, with the faintest hint of amusement in his eyes. Kapag nasa penthouse, si River madalas naghu-hum ng sintunado sa halos lahat ng ginagawa niya. Si Ridge naman kung wala sa study, nakatayo sa bintana na may hawak na baso ng tubig, looking at the city like it owed him an explanation. Si River, babe ang tawag sa kanya, magaan at walang kahirap-hirap. Si Ridge naman, Mayumi. Buong pangalan niya, binibigkas ng mabagal at maingat na para bang pinag-iisipan pa nito ang bawat letra bago pakawalan.Pagkatapos ng unang linggo, may listahan na siya ng mga pagkakaibang hindi naman niya sinadyang mapansin at maalala.Si River, kung makaupo, nakahilata at halos nakahiga na sa furniture. Si Ridge naman, umuupo ng diretso ang likod na para bang bawat upuan ay

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 7

    Yumi worked at Villarama Cold Chain, her job is simple to explain: siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga freezer at truck ng kumpanya, at nananatiling malamig ang mga ito. She had earned it on her own merit, bago pa niya makilala si River. She repeated that to herself every morning like a mantra, lalo na ngayon.Buong Sunday night siyang nagpakahirap ayusin ang mga reports niya, siniguradong kahit bagyo, lindol, o kung anumang disaster, hindi matitinag ang mga iyon.At 8:42 a.m. ng Monday nang sa wakas ay pindutin niya ang send button. Eleven seconds later, may reply na agad sa inbox niya. Received. Briefing at nine. Conference Room A.Eleven seconds. Wala ba siyang buhay?Nasa twelfth floor ng isang glass tower sa Pasig ang company head office. Amoy coffee at ambition ang buong opisina. Aligaga ang lahat dahil noong Biyernes may isang email ang natanggap ng lahat ng empleyado na nagsasabing: Mr. Ridge Villarama will lead the quarterly restructuring. All department heads and staff

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 6

    Nagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.Nang huminto siya sa may pinto, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit.

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 1

    Mayumi Cruz had been planning this morning for three weeks. Waxing, check. Lingerie bought with her entire 13th-month pay, check. Courage? Teka, nasaan na ang courage? She found it somewhere between the lobby and the elevator of River Villarama's penthouse building, and she held on to it like a free Wi-Fi password.Mang Berto, the guard in the lobby, gave her a knowing smile. "Good morning Ma'am Yumi, ang aga niyo po." "Surprise po," she whispered, and he gave her a thumbs-up like she was marching off to war. Grabe, pati si Kuya Guard, supportive.In the elevator, she stared at her reflection and counted to ten. Kaya mo 'to, girl. One year kang naghintay. Her mother had once told her that Mayumi meant modest and graceful, mahinhin, a name for a quiet girl who never raised her voice. Sorry, Ma. Today your mahinhin daughter will finally become a lady na.One year with River. Twelve months of dinners, slow kisses beside his car, and "I can wait, Yumi. Kahit gaano katagal." He never pushe

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status