Mag-log in"Sorry!" Mukhang labas sa ilong na paghingi ng tawad ni Shane sa kapatid habang hawak ang kamay nitong humihila pa rin sa buhok niya."May sinasabi ka?" tanong ni Kiana at muling hinila pababa ang buhok ng kapatid. "A-ouch! I said sorry!' Pasigaw na sagot ni Shane at napatingala nang husto ang ulo dahil sa ginagawa ng kapatid sa buhok niya."Hindi iyan ang gusto kong marinig!" Matigas na turan ni Kiana."Shane, say it at nang hindi ka na nasasaktan pa!" Pagalit na utos ni Troy sa anak.Pakiramdam ni Shane ay lalong dumugo ang bibig niya dahil sa mariin na pagkalapat ng mga labi. Ang pagsabi ng sorry ay labag na sa kalooban na, what more ang bawiin ang sinabi kanina na ikinagalit ng kapatid?"Karen, bitiwan mo na ang kapatid mo at baka mabalian siya ng buto." Pakiusap na ni Tanya at naaawa siya sa anak. Tinulungan na rin siya ng asawa na makatayo at mukhang hindi rin kayang awatin ang anak nito sa pananakit kay Shane."Let's see kung sino ang mas matigas sa ating dalawa!" Nakangisi la
Napangisi si Shane nang makita ang dugo sa kamay ng kapatid. "Bitch, hindi lang iyan ang matikman mo mula sa akin kapag–argh!" Pumaling sa kaliwa ang mukha niya at hindi na natapos ang pagsasalita. Nakaramdam din siya ng hilo nang dumapo ang sampal ni Kiana sa kaniyang pisngi. Hindi nakuntinto si Kiana sa isang sampal lamang. Kung lalaki lang ang kaharap ay suntok ang matitikman nito sa kaniya. Magkasunod na sampal pa ang pinadpo niya sa magkabilang pisngi ni Shane saka hinila muli ang buhok upang patingalain ito. "Sino ang malandi, ang ina ko na legal na asawa o ang ina mong kabit?""Ahh, mommy, help me!" Hiyaw ni Shane at hindi alam kung alin ang unang sapuin, ang pisngi na ramdam niyang namamaga na o ang buhok na halos mabunot sa anit niya dahil sa higpit na pagka sabunot doon."Bitiwan mo ang anak ko!" Galit na sinugod ni Tanya ang babae at balak na hablutin din ang buhok nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagtaas ng isang paa at yumama iyon sa tiyan niya. "Ahhhh!"Nanlaki ang
"Ituloy mo na ang panakot kay Tanya upang ma distract ang isipan niya." Basa ni Ronald sa message ni Kiana."Ok." Maiksing reply ni Ronald saka tumingin sa paligid. Abala si Alex sa pakipag usap sa apat pa nilang kasama. Pasimple siyang umalis sa kinatayuan at mabilis na ginawa ang matagal ng gustong gawin."Saan ka galing?" tanong ni Tanya nang makita si Karen na kababalik lang sa sala."Sa kusina?" Patanong ding sagot ni Kiana sa ginang at nilingon ang pinanggalingan. Pagtingin niya kay Shane ay nagtataka ito. Ang alam kasi nito ay galing siya sa kaniyang silid at nasa second floor iyon. Sanay siyang kumilos ng mabilis at hindi nakakalikha ng ingay kaya hindi nito napansin kanina ang pagbaba niya ng hagdan. Pero nakita siya ni Xavier, hindi nga lang pinansin ang ginagawa niya."Di ba pumunta ka sa silid mo?" nagtatakang tanong ni Shane.Ininum muna ni Kiana ang tubig na nasa hawak na baso saka nag kibit balikat. "Ano ang problema at ipinagtataka ninyo kung saan ako nagpunta?"Tumik
"Mom, tama na at pinagtatawanan na tayo ng babaeng iyan!" bulong ni Shane sa ina at nahihiya rin siya sa binata dahil obvious na hindi nito pagbigyan ang gusto ng ina niya. Kahit nga siguro masolo niya ito sa sala ay never siyang tapunan ng tingin at kausapin. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit hindi na sinasabi ng binata na cancel na ang engagement nila. Patuloy kasi siyang umaasa dahil engage pa rin sila.Inis na itinikom ni Tanya ang bibig saka sinamaan din ng tingin ang asawa dahil wala itong ginagawa."Maiwan ko na muna kayo at may aasikasuhin lang ako sa library." Paalam ni Troy kina Xavier saka tinapunan ng malahulugang tingin ang asawa bago umalis.Pinalipas lang ni Tanya ang ilang minuto bago tumayo na rin. "Excuse me."Parang walang narinig si Kiana at hinayaang umalis ang ginang. Alam niyang susundan nito ang ama niya upang mag complains. "May kukunin lang ako sa room ko."Umaliwalas ang mukha ni Shane at natuwa dahil ma solo niya si Xavier. Hinayaan na ni Xavier na maka
"Salamat sa laging pag secure sa kaligtasan ng anak ko. Nakakahiya na sa iyo kaya may kinuha akong bodyguard para sa anak ko at ibalik na sa iyo ang tauhan mo." Kausap ni Troy kay Xavier."Wala dapat na ikahiya at hindi kailangang ibalik ang tao ko sa akin. Ipinadala ko sa ibang bansa ngayon si Denver at sa akin niya ipinagkatiwala ang kaligtasan ng asawa niya." Pormal na tugon ni Xavier sa ginoo.Hindi natuwa si Troy sa narinig pero hindi niya ipanakita kung ano ang nadarama sa binata. Bumuntong hininga siya, "pero hindi na siguro kailangan na hanggang dito sa loob ng bahay ay nakabantay sila dahil safe dito ang anak ko.""Tama si Dad, pakisabi sa tauhan mo po na huwag na akong sundan hanggang dito upang bantayan dito sa loob ng bahay." Sang ayon ni Kiana sa ama. Gusto niyang malaman kung ano ang nais nitong gawin sa kapatid niya."Kung iyan ang gusto mo." Mukhang napilitang ani Xavier. "Pero dito lang sa bahay mo sila manatili sa labas nilang bantay mo."Nakangiting tumango si Kiana
Lalong nagngitngit sa inis ang kalooban ni Shane nang makitang bumulong si Karen sa binata. Halatang nilalandi nito si Xavier pero hindi niya masita dahil tiyak na magalit lang sa kaniya ang binata. Mabilis siyang humanol sa binata at sumabay dito. Lunukin na lang niya ang pride ngayon at hindi isusuko ito."Xavier, hijo." Nakangiting bati ni Tanya sa binata nang makita ito. "Mabuti at napadalaw ka, miss ka na ng iyong fiancee." May diin ang huling salita na anito na para bang ipinamumukha kay Karen kung para kanino si Xavier. "Hinatid ko si Karen." Maiksing sagot ni Xavier za ginangTahimik lang si Kiana dahil iyon ang character ng kaniyang kakambal harap ng mga ito. Siya ang may gusto na huwag munang putulin ni Xavier ang pagiging fiancee nito kay Shane kung gusto nitong maka punta kahit anong oras sa bahay nila na hindi sila napaghinalaan."Bakit, nasaan pala ang asawa mo, Karen? Nakakahiya kay Xavier at naabala mo na diya nang husto. Sana ay tumawag ka sa akin at nasundo kita ku







