LOGINBiglang natahimik ang paligid at parang nabingi si Leo sa narinig. Pahamak talaga lagi ang bibig ni Lucio. Pero totoo ang sinabi nito at nakalimutan niyang iyon ang conflict na nasa isipan bago pa naibigay ang file sa binata. Nag iisip pa siya kanina nang magandang intro sana sa pagsabi sa amo pero inunahan siya ni Lucio. Ang gago at nagtatanong pa ang tinging ipinukol sa kaniya. Nagtatanong kung may nasabi ba itong mali dahil biglang natahimik ang amo nila.
"Asawa?" pag uulit ni Xavier sa narinig habang mahigpit na hawak ang larawan. Sabay na napalunok ng sariling laway sina Leo at Alex saka tumango. Si Lucio ay mukhang inosinteng nakatayo lang sa likod ni Xavier. Saka lang ito nakaramdam ng takot tulad nila nang suntukin ng boss nila ang lamesa. Patakbo itong lumapit kina Leo. "Ano pa ang alam mong information tungkol sa kaniya?" Pabulyaw na tanong ni Xavier lay Lucio. "Li-limang buwan po siyang buntis at naaksidente siya, two weeks ago kaya nagkaroon ng amnesia. Ang asawa niya po ay nasa business trip." Kabadong sagot ni Lucio. "No!" Galit na nasuntok muli ni Xavier ang lamesa kaya angkalata ang mga nakapatong doon. "Hindi siya ang babaeng iyan!" Parang napapasong binitiwan niya ang larawan ni Karen. Nagkatinginan sina Leo at Alex at nagugulohan sa inaakto ng amo nila. "Hanapin ninyo ang kamukha ng babaeng iyan at alamin ang iba pang impormasyon sa pamilya nila!" Galit na utos ni Xavier sa tatlo. Napakamot sa ulo si Lucio habang nakatingin sa larawan ng babae. Hindi alam kung bakit nagagalit ang amo sa kaalaman na may asawa na ang nasa larawan at naisip pang kamukha lamang iyon ng babaeng parang gagambang umakyat sa pader at—natigil sa pag iisip si Lucio at napapitik ang daliri sa hangin. "Tama po kayo, boss!" Tumaas ang mga kilay nila Leo at Alex dahil sa biglang naibulalas ni Lucio. "Tama kayo na hindi nga siya iyang nasa larawan dahil ang nakita kong umakyat sa pader ay sexy, samantalang ang nasa larawan na iyan ay buntis." Napatango tango si Leo at may punto ang kaibigan. May utak din pala ito at mabilis na naisip ang bagay na iyon. Umangat ang isang sulok ng labi ni Xavier habang matalim ang tingin sa kawalan. "Kailangan kong malaman kung ano ang kaugnayan niya sa pamilyang ito ngayon din!" Tukoy sa naging kaanak. Sabay na napaigtad ang tatlo dahil sa lakas ng boses ng amo nila. "Masusunod po, boss!" Sabay ding bigkas ng mga ito at nag unahan na sa paglabas ng opisina. Nang mapag isa na lang ay muling dinampot ni Xavier ang larawan ng babae. Kamukha talaga ito ng babaeng nakatalik pero alam niyang hindi buntis ang babae. Siya ang nakauna sa pagkababae nito kaya imposible ang nasa report. Habang tumatagal ay lumalalim ang paghahangad niyang mahanap ang babae. Ilang sandali pa ay tinawagan niya ang isa sa kakilala upang alamin ang ilan sa event na kailangan niyang puntahan. "Mamayang gabi ng six ay mayroong masquerade event at sure na darating ang mga taong nagtatago sa isang anino lamang. Makahulogang turan ni Sergio. Napatingin si Xavier sa golden card na natanggap kanina. Mukhang iyon ang invitation para sa event mamaya. "Ok, see you later." Napangiti si Sergio at natuwa sa naging sagot ng kaibigan. Tiyak na matuwa sa kaniya ang ama kapag nalaman na nagawa niyang papuntahin si Xavier, ang big shot sa loob at labas ng bansa. Kilala si Xavier na malinis ang organisation na hawak pero masamang kalaban. Sadyang kinaibigan niya ito para sa connection at vice versa lang silang dalawa. Pagkababa sa tawag ay napatitig muli si Xavier sa larawan. Nakapagtaka at hindi niya nakita ang babaeng nasa larawan kasama si Denver. Minsan na nakita niya si Denver sa isang pagtitipon pero bakit ibang babae ang nakikita niyang kasama nito sa event na dinalohan? Alam niyang may kailangan siyang alamin at mahanap ang babaeng naka one night stand. Ilang sandali pa ay tumawag si Alex. "Boss, hindi po makita ang family background ng unang pamilya ni Mr. Troy. Mukhang may pinagtatakpan o itinatago kaya naging confidential. Bukod sa anak niya si Karen sa namatay na niyang asawa ay wala nang makuhang information."Nangunot ang noo ni Xavier nang makita ang ginawa ng asawa. Lahat ay nakatingin sa kanila at curious din sa dinukot ng asawa."Close your eyes."Agad niyang sinunod ito at na excite na rin siya."No, open your eyes." Nakangiting ani Kiana saka inilahad anv hawak sa harapan ng asawa.Muling nangunot ang noo ni Xavier at hindi alam kung ano ang dapat ika surprised sa hawak na maliit na stick ng asawa."Wow, buntis ma?"Nagulat si Kiana nang biglang magsalita sa likod niya si Deborah. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanila para lang unahan siya magsabi kung ano ang hawak niya."Opps sorry!" Tabingi ang ngiti ni Deborah saka itinaas ang mga kamay nang mahinuhang naging spoiler siya sa moment ng mag asawa.Saka lang parang nag sink sa isipan ni Xavier kung ano ang ibig sabihin ni Deborah. Halos walang kurap na napatitig siyang muli sa hawak ng asawa. Nang makita ang two res lines sa parang stick ay parang may fireworks na sumabog sa paligid niya. First time niyang makakita
Binasa ng taga hukom ang result ng hearing sa harap ng lahat. Si Sergio ay makukulong habambuhay at wala ng apila mangyayari. Si Tanya ay 10 years na makukulong na ikinatuwa ni Shane. Napaluha si Ronald dahil sa tuwa matapos parawan ng sentensya ang mga kriminal na siyang pumatay sa asawa niya at sa anak na hindi manlang nasilayan ang mundo.Napaluha si Tanya at nagpasalamat dahil hindi siya tatanda nang husto sa kulungan. Sana lang ay kayanin niya ang sampung taon sa kulungan na maaring mabigyan pa ng parol kapag nagpaka bait siya sa loob. Pagtingin niya kay Troy ay walang emosyon siyang nakikita sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Hindi na rin nito idinagdag sa kaso niya ang ginawa niyang panlalason dito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng kunsensya lalo na at mukhang wala nang buhay ang mga mata nito kung maningin. Ang laki din ng ibinagsak ng katawan nito. "Sa paglabas mo ay wala na ako kaya ikaw na bahala kay Shane at sa sarili mo."Lalong napaluha si Tanya nang marinig ang s
"Gusto ko lamang maranasan ninyo ang kalupitan ni Trexie upang matauhan kayo." Makahulugan na turan ni Karen.Namilog ang mga mata ni Gladys, "ang ibig mong sabihin ay ikaw talaga ang nakasama ni Kuya sa room nang gabing iyon?"Tumango si Karen at hindi na niya sinabi ang details. Tama si Denver na siya ang kasiping nito nang gabing iyon. Pinalabas nila na si Trexie upang iparanas sa mag ina kung paano makasama ang taong gusto ng mga ito.Napangiti si Rosita at totoong masaya siya sa narinig. "Tama ka ngang totoo ang karma. Alam ko na hindi na maibalik ang dati at kahit kailan ay wala kang magandang memories na kasama kami at kasalanan ko iyon. Ang gusto ko na lang ngayon ay maging masaya ang anak ko. Hindi ko na ipilit na bumalik sa bahay ang anak ko lalo na kapag nagka mabutihan kayong muli. Ang tanging hangad ko na lang ngayon ay maayos ang pagsasama ninyo ni Denver at maging masaya na makasama ang isa't isa."Ramdam ni Karen na totoo ang mga sinabi ng ginang pero hindi siya naaawa
Mabilis na humarang si Trexie sa daraanan ni Denver at ngumiti. "Maari kang tumira sa bahay if you—"Huwag mo akong itulad sa ina at kapatid ko na madaling masilaw sa pera." Malamig na tingin ang ipinukol ni Denver sa babae.Nakagat ni Trexie ang ibabang labi at nainsulto sa sagot ng binata. Pero hindi niya ito masisi, nagbaka sakali lang siya ngayon at baka mabago niya ang isip nito at piliin na siya. Napabuntong hininga siya at nagbigay na daan na sa binata. Alam niyang hindi na niya mabago ang isip nito."By the way, huwag ka na ring pumasok sa kompanya dahil pijuputol ko na ang pagiging business partner natin." Malamig na bilin ni Denver sa dalaga bago nilampasan ito.Nanlaki ang mga mata ni Trexie habang nakasunod ang tingin sa binata. Hindi maaring madamay ang kompanya nila sa gulo na ginawa niyang ito dahil malaki rin ang mawala sa kanila. Tiyak na magagalit sa kaniya ang ama dahil sa pasya na ito ni Denver. Hindi ito natatakot na mawala ang kompanya nila dahil suportado ni Xav
"No anak, please huwag mong sabihin iyan. Ang asawa ay mapapalitan ng ilang beses pero kami ng kapatid mo ay nag iisa lang kami!" Lalo lamang na dissapoint si Denver sa sinabi ng ina. Inakis niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya upang pigilan siyang umalis. "Hindi ko kailangan ng kapatid at ina kung katulad niyo lang din." Malamig na aniya sa ina.Nagpanting ang tainga nj Rosita at nagalit kaya hindi napigilan ang pagtaas ng kamay at nasampal ang anak. "Kahit ano pa ang mangyari ay ina mo pa rin ako at utang mo sa akin ang buhay mo!"Napaiyak si Gladys habang pinapanood ang ina at kapatid. Alam niyang nasaktan ang kapatid sa sampal ng ina nila pero nanatili itong emotionless sa kinatayuan. Talagang nasagad na nila ang pasensya ng kapatid.Sorry, anak!" Paghingi ni Rosita ng apology sa binatang anak nang mahimasmasan.Sa halip ba sagutin ang ina ay tinalikuran ito ni Denver. "Mula ngayon, ang laman ng credit card ninyo ay tama lang sa gastusin dito sa bahay. Iyan lang ang maga
"Sinasabi ko na nga ba at set up ang lahat!" Mabilis na lumapit si Gladys sa ina at takot na kumapit sa braso nito. Sobra siyang natakot sa kapatid na kulang na lang ay bugahan sila ng apoy kung maningin."A-anak, hayaan mong magpaliwanag kami!" Kabadong pakiusal ni Rosita sa binatang anak."Sobrang dissapointed ako sa ginawa ninyo, ma! Nilamon na ng pera ang puso't isipan mo. Wala ka nang natitirang pagmamahal sa akin at ang mahalaga na lang sa iyo ay pera at ang kaligayahan ninyo!"Parang sinaksak sa puso si Rosita dahil sa mga sinabi ng binata. Napahawak siya sa dibdib at naiiyak na nakatitig sa anak ngunit walang awa siyang nababanaag sa mga mata nito para sa kaniya. Galit at dissapointed lang ang tanging nararamdaman ng anak para sa kanila ni Gladys."Kuya..." hindi alam ni Gladys kung ano ang sunod na sabihin sa kapatid at nahihiyang nagyuko ng ulo nang pukuling siya nito ng nagtatanong na tingin. "Matanda ka na, Gladys. Hindi habam buhay ay iasa mo sa akin ang lahat ng pangan
Naipadyak ni Shane ang isang paa dahil sa inis nang wala na ang binata sa harapan niya. Ang akala niya ay ok na silang dalawa ngunit naging malamig naman ito sa kaniya ngayon."Huwag natin siya biglain, ang mahalaga ay lumalambot na ang puso niya sa iyo." Pang aalo ni Tanya sa anak.Ngumiti si Sha
Tinakbo na ni Troy ang kinaroonan ng anak at napigilan ito sa nais gawin sa asawa niya. "Karen, calm down. What happened?"Kumawala siya mula sa pagkahawal ng ama sa braso niya. "Let me go, dad, I hate you!" Nagulat si Troy sa sa ginawang pagtulak sa kaniya ng anak at pagpakita ng matinding galit.
"Mom, sobrang sakit po ng likod ko at walang maayos na tulog!" Naiiyak na reklamo ni Shane sa ina habang hinahaplos ang brasong nanakit at ngalay."Hinaan mo ang boses mo at tulog pa ang daddy mo." Suminyas si Tanya sa anak na huwag maingay saka ito hinila palayo sa silid nilang mag asawa.Inis na
"Hey, ano ang ibig mong sabihin? Kasalanan ko kung bakit nagkakaganyan ang anak mo?" Mukhang gulat na ani Kiana sa ginang.Sandaling natigilan si Tanya lalo na at nasa paligid lang ang asawa niya. Hindi maaring magka idea ang asawa sa kung ano ang nangyayari kay Shane."Ahh, mommy, sobrang sakit n







