Share

Chapter 6

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-10-16 13:32:12

"Ano ang dahilan ng pagkamatay ng una niyang asawa?" tanong ni Xavier habang sinisindihan ang sigarilyo.

"Ang taon na nagkaroon ng malaking gulo sa pagitan ng dalawang organisation namatay ang una niya pong asawa." Sagot ni Alex.

Bumuga ng usok sa bibig si Xavier saka naglakad patungo sa malaking glass window. "Kailangan ko ng kumpletong detalye."

"We try to dig deeper, boss." Pakitang gilas na sagot ni Alex. Ngunit mukhang nasayang ang english niya at wala na ang kausap sa kabilang linya.

"Ano ang sagot?" tanong ni Lucio na halos dumikit na ang mukha sa ulo ni Alex.

"Sagot saan?" Nairitang balik tanong ni Alex dito at saka lumayo.

"Sa english mo?"

Binatukan niya si Lucio at sa daming itanong ay iyon pa. Dinagdagan lang nito ang pagkaasar niya. "Magtrabaho ka na nga at huwag puro chismis!"

Napakamot sa ulo si Lucio at lumayo na sa kaibigan. Hinanap si Leo ngunit mukhang iniwan na sila at bumalik sa mansion ng boss nila.

Tama lang na naitigil ni Leo ang sasakyan sa parking area nang tumawag ang amo.

"Be ready, aalis tayo after half hour."

Tumango si Leo kahit hindi nakikita ng binata na nasa kabilang linya. Alam niya kung saang event pupunta ito. Maaga pa pero alam niyang sadyang maaga itong pupunta upang personal na mag matyag sa paligid.

....

Suot ang kulay maroon gown na hapit sa katawan at itim na maskara ay ngumiti si Kiana sa harap ng salamin. Tanging mapang akit na labi ang makikita sa kaniya at ang mapupungay na mga mata. Hindi siya basta makilala kahit pa ng kaanak. Kailangan niyang mag ingat lalo na at dalawang katauhan ang gamit niya ngayon.

"Kiana, are you ready?" Boses ng isang lalaki mula sa suot ni Kiana na maliit na headset.

"Yes, ituro mo sa akin ang taong kailangan kong makuha ang loob." Sagot niya sa kaibigan habang inaayos ang suot na kuwentas at may nakakabit doon na maliit na surveillance camera.

"Nakita ko na siya sa bulwagan." Imporma ni Ronald sa dalaga.

Tumango tango si Kiana kahit hindi siya nakikita ng ginoo. Marami siyang pinagdaanan upang maging malakas at makapasok sa ganitong circle. Isa si Ronald ang naging daan niya na maliit na tao lamang sa larangan ng ganitong associate ang ginamit niya. Pero alam niyang marami itong alam at madaling makalapit sa mga taong target niya upang isakatuparan ang misyon na paghihiganti.

Mula sa itaas ay tinanaw ni Kiana ang bulwagan at hinanap si Ronald. Hindi siya maaring lumapit dito at malaman ng iba na magkakilala sila ng lalaki. Kailangan niyang makilala ang taong sinasabi nitong may alam sa pamilyang naka link sa pagkamatay ng kaniyang ina. Hindi pa totally bumanalik ang iba niyang memorya noong bata pa siya pero gumagalaw na siya at hindi makapaghintay. Ang tagal din niyang nangapa tungkol sa tunay niyang pagtakato noon. Mabuti na lang at natagpuan siya ng kanilang yaya noong nahulog siya sa bangin kaya buhay pa siya ngayon. Ilan lang sa naalala niya ay may kakambal siya at ang hindi magandang nangyari sa ina.

"Nasa right side siya at kausap ang ilan sa kaibigan." Imporma ni Ronald sa dalaga gamit ang headset.

Bumaling ang tingin ni Kiana sa taong tinutukoy ni Ronald. Ngunit ganoon na lang ang sikdo ng dibdib niya nang masalubong ang matiim na tingin ng isang lalaking mukhang kanina pa siya napapansin. Pareho sila ng kulay ng maskarang suot at labi lang din ang nakikita dito saka mga mata. Ewan ba niya pero parang pamilyar ang madilim na mga mata ng lalaki kung maningin.

"Mukhang interesado na rin siya sa iyo kaya grab the opportunity." Nanunuksong ani Ronald.

Nagulat siya nang marinig muli ang tinig ni Ronald mula sa kabilang linya. Kung ganoon ay ito na nga ang lalaking kailangan niyang makuha ang loob. Pero bigla siyang nag alinlangan na lapitan ito. Kung makatingin kasi sa kaniya ay parang kilala siya? "Ano ang pangalan niya?" Wala sa loob na naitanong niya kay Ronald.

"Xavier Smith."

Parang biglang nabingi si Kiana nang banggitin ng ginoo ang buong pangalan ng binata. Kilala niya ang lalaki at hindi pa ito ang oras upang mag krus muli ang landas nila. Agad siyang tumalikod at balak nang umalis sa bulwagan ngunit napatda siya nang may magsalita sa likuran niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
naku po Kiana, nakilala ka ata ni Xavier
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
yari ka Kiana kay Xavier
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 137

    "Great, tamang tama at maraming kalat sa room natin ngayon." Tuwang tuwa na ani Karen at ngumiti kay Gladys.Napilitan si Gladys na sumama sa hipag sa silid ng mga ito. Gaganti siya at doon ay walang ibang makakita. Napangisi siya habang pumapasok sa silid. Lalo siyang napangiti nang makita makitang wala naman gaanong kalat sa loob.Pagka upo sa gilid ng kama ay ngumiti si Karen, "tiklupin mo na ang kumot ay ayusin kobre kama.""Hindi ako marunong kaya ituro mo sa akin kung paano." Nakangising ani Gladys. Tingnan niya lang kung sino sa kanilang dalawa ang unang mapahod, ang nagtuturo o ang tinuturuan."Sure!" Nakangiti pa ring ani Karen saka binuhay ang television. Unti unting nabura ang ngiti sa labi ni Karen nang makita ang palabas sa tv. Ang akala niya ay naisahan na niya si Karen. Ngunit mukhang dinagdagan niya lamang ang kaniyang trabaho. "Watch it properly, mula sa paano palitan ang cover ng unan at bed sheet." Nakangiting ani Karen."What? Are you serious? Ang akala ko ba ay

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 136

    "Tinuturuan ko naman ang kapatid mo, hijo at marunong siya pero alam mo naman ang kapatid mo at gustong maglaro minsan." Mukhang nahihiyang paliwanag ni Rosita "Maari ko siyang turuan kung hindi mo masamain." Ngumiti pa si Karen sa asawa. Gusto niya makita kung hanggang saan siya pagbigyan nito."No!" Magkasabay na bigkas nila Rosita at Gladys."Salamat pero ayaw kong mapagod ka." Sarkastikong ani Gladys at ngumiti sa hipag."Hindi ako napapagod pagdating sa gawaing bahay kaya huwag kang mag alala." Gumanti siya ng ngiti sa hipag."Karen, ako na ang bahala sa hipag at ayaw ko rin napapagod ka." Malumanay na kausap ni Rosita sa dalaga. Pero sa kaloob looban ay gusto ng sabunutan ito dahil obvious na gusto siyang ipahiya sa harap ng anak niya. "Huwag na po tayong mag plastikan dito. Naalala ko na ang lahat maging ang kung paano ninyo ako e trato noon kapag wala si Denver. Ang sabi niyo pa nga ay palamunin lang ako ng asawa ko kaya dapat na mag trabaho ako dito sa bahay at pag silbiha

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 135

    "Ano pa ang itinatayo mo riyan? Tanghali ka na ngang gumising gayong alam mong darating ang pamilya mo! Kumilos ka na riyan at tulungan mo kami dito nang magkaroon ka naman ng silbo!" Sermon ni Rosita sa babae nang makita ito. Bubuka pa sana ang bibig niya upang magpasalitaan nang hindi maganda ang babae ngunit naudlot ang balak nang bumulong si Gladys."Ma, nasa likod mo si Kuya." Kabadong ani Gladys sa ina.Parang biglang natuof si Rosita sa kinatayuan at hindi alam kung paano bawiin ang mga dinani sa asawa ng anak. Sa sobrang inis niya ay nakalimutan na niyang hindi siya nag iisa sa kusina. Lalo siyang nanigas na sa kinatayuan nang marinig ang malagom at galit na tinig ng anak."Kailan niyo pa po tinuturing na katulong ang asawa ko?" malamig na tanong ni Denver sa ina at napatiim bagang. Pagtingin niya sa asawa ay mukhang sanay na itong makarinig nang hindi maganda mula sa ina. Mabilis niyang inagaw sa kamay nito ang walis na hawak."Ok lang ako, magaan na trabaho lang naman ito.

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 134

    "No, that's not true, babe. I'm sorry kung ganyan ang naramdaman mo noon at hinayaan kung isipin mong may relasyon kami ni Trexie. Pero kung ano man ang sinabi sa iyo nila mommy tungkol sa amin ni Trexie ay hindi totoo iyon. Oo at inaamin ko na malaki ang pagkukulang ko sa iyo noon. Pero maari mo ba akong bigyan ng isa pang pagkakataon at bumawi sa mga pagkukulang ko?" Pakiusap niya sa asawa.Hindi malaman ni Karen kung ano ang dapat namaramdaman nang marinig ang pakiusap ng binata. May bahagi ng puso niya ay masaya dahil mahalaga rin siya sa buhay ng asawa. Na hindi lamang dahil sa awa kaya nanatili ito sa tabi niya noon. Ang sarap sa pakiramdam pero hindi pa niya kayang magpakasaya nang tuluyan. Naiisip niya rin na baka nakukunsensya lamang ang asawa sa pagkawala ng anak nila kaya nasabi nito ang mga bagay na iyon. Muling napabuntong hininga si Karen at tuwid na sinalubkng ang tingin ng asawa. "Kailangan ko ng space sa pagitan nating dalawa. Masakit pa rin sa akin hanggang ngayon a

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 133

    "Huwag kang mag alala, hindi magalaw ng boss ninyo ang pamilya mo dahil nasa mabuting kamay sila." Ngumiti si Kiana sa lalaki saka ipinakita dito ang larawan ng pamilya nito. "Pero kapag hindi ako natuwa sa iyo ay hindi rin sila ligtas sa mga kamay ko."Nanatiling tikom ang bibig ng lalaki at napaisip."Pare, huwag kang maniwala sa babaeng iyan. Tiyak na hindi niya nagawa ang banta dahil inosinteng tao, lalo na ang nga bata!" Hindi pa rin napigilan ng lalaking magsalita. "Gago!" Sinuntok niya sa sikmura ang lalaki. "Tama ka, hindi ko kayang kumitil ng buhay ng mga bata pero kaya ko silang ibinta sa mga halang ang bituka!"Namilipit ang lalaki dahil sa sakit ng tiyan st hirap sa kalagayan dahil hindi makagalaw mula sa pagka tali sa upuan na bakal.Mukhang kinalabutan ang payat na lalaki at natakot para sa mga anak. "Paano ako makasigurong bubuhayin mo ako at hindi saktan ang pamilya ko kapag kumaNgumiti si Kiana sa lalaki. "Wala akong bibitiwang pangako o salita dahil tiyak na pag

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 132

    Pagkalabas ng patalim ay ngumiti si Kiana sa dalawa habang pinadaanan ng daliri ang talim niyon. "Kailangan ko pa ba kayong pag laruan baho kumanta?"Matigas na umiling ang malaking lalaki. "Hindi mo magagawa iyan sa amin!" Tukoy niya sa masamabg balak ng babae. Alam niyang tinatakot lamang siya nito.Lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Kiana at pinisil ang baba ng lalaki. "Huwag mong maliitin ang kakayahan ng babaeng tulad ko dahil nagawa na kitang patulugin noon nang walang kahirap hirap."Napalunok ng sariling laway ang lalaki at nanatiling matigas. Ilang sandali pa ay ngumisi, " miss, kapag sinaktan mo kami ay maari kang makulong."Umawang ang mga labi ni Kiana at unti unting natawa. "Are you serious? Ako, makukulong? Naniniwala ka pa pala sa batas?" Nang iinsulto niyang tanong dito.Napatiim bagang ang lalaki at napahiya. Ang kasama ay alam niyang kabado kaya nanatiling tahimik."Kilala mo ba siya?" Turo ni Kiana sa kaibigan na tahimik lang nanonood sa kanila habang nakasandal sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status