LOGIN"Si Aekim, wala pa ba?" tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. "Wala pa po, Ma'am Lala." "Bakit kaya wala pa siya? Alas nueve na ng gabi." nag-alala kong wika. Hindi ako sanay na sa ganitong oras wala pa si Aekim. Simula kasi ng magising ito palagi na itong umuuwi ng maaga.Nag-alala na dinial ko ang number ni Aekim ngunit out of coverage ito. “Saan ka, Aekim?” nag-alala kong wika saka palakad-lakad.“Lanie, pakitwag nga si Ramon, aalis kami ngayon.” utos ko sa isa kong kasama sa bahay bago naglakad paakyat ng kuwarto para magbihis. Ngunit bago pa man ako nakapagpalit ng damit bigla na lang tumunog ang SMS ringtone ko. Kinuha ko anv cellphone ko at binuksan ang message. Galing ito kay Aekim at sinabi nito sa text na niyaya siya ni Benny na kaibigan niyang mag-Tagaytay. Biglang nawala ang pag-alala ko kaya hindi ko na itinuloy ang pagbihis. Bagkus, lumapit ako sa intercom para ipaalam kay Lanie na hindi na kami tutuloy ni Ramon. “Lanie, pakisabi kay Ramon na hindi na kami aalis. N
"Lily, sa tingin ko unti-unti ng bumabalik ang alaala ni Aekim." wika ko kay Balaeng Lily na ina ni Valentina. Kausap ko siya ngayon sa telepono dahil tinawagan ko siya para ibalita ang mga galaw ng anak ko. Hindi sa tina-traidor ko ang anak ko, kundi pino-protektahan ko lamang siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari ngayong magaling na si Leona. Ang babaeng 'yon. Hinding-hindi ko siya palalampasin. Kapag naiisip ko si Leona umiiba kaagad ang tinpla ng utak ko, ang tibok ng puso ko. Gusto siyang magbayad sa ginawa niya kay Valentina. Hindi siya puwedeng makalaya pa. Idagdag ko sa kaso niya ang nangyari kay Aekim. Kung hindi dahil sa ginawa niya kay Valentina, hindi si Aekim na-coma at nagka-amnesia. "Hindi natin mapipigilan 'yan, Lala. As of now, hayaan muna natin siya sa mga gusto niyang gawin." sagot nito. "Kawawa din ang anak mo, Balae, pero mas kawawa ang anak ko sa kaniya." "Pasensiya ka na, Balae, ha. Siraulo kasi ang anak ko, kaya kung ano man ang desisyon ni
JULY 19, 2024."Mama, nasaan po kayo? May dala po akong cake para sa'yo!" tawag ko kay Mama Lala habang nakangiti na nilalapag ang dalawang layer na ng cake. Birthday kasi ngayon ni Mama Lala kaya heto ang anak niyang paborito. Bumili ng cake para sa paboritong Ina."Saglit lang anak!" sigaw ni Mama sa akin. Mukhang nasa kusina ito at nagluluto.Maya-maya ay sumulpot na si Mama habang nagpupunas ng kamay sa suot nitong aphron. “Nagluluto ka, Ma?” “Oo, anak. Gusto kita ipagluto. Isa pa kaarawan ko ngayon kaya nasa mood.” “Gano’n po ba?” wika ko saka inakbayan si Mama at sabay kaming naglakad patungo sa dining area. “Gusto mo kain tayo sa labas, Ma?” “Huwag na, Anak, baka mapagod ka pa. Dalawang taon kang na-coma at ng magising ka nagkaroon ka naman ng amnesia. Ayoko nang maulit pa iyon.” wika na Mama na naiiyak. Napahinga ako ng malalim saka pilit na winawaksi ang nakaraan.Wala man akong maalaa dati pero ngayon, naalala ko na ang lahat. Walang alam si Mama at hindi ko muna sasabih
Araw ng sabado ngunit wala akong ganang bumangon. Kagabi nga lang ako nakatulog kung hindi ako hinatak ni Mama Lala sa kuwarto. Kung hindi dahil kay Mama, wala na akong radon pa para magpahinga. Walang rasob para huminto ako sa paghahanap sa nawawala kong asawa. Bawat araw na lumilipas para sa akin ay parusa. Bakit ba buhay pa ako? Bakit kasi iniligtas pa nila ako ng mawalan ako ng malay sa tubig. Habang ang asawa ko ay hindi ko mahagilap kung saan. Paano na siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya ngayon? Umiiyak ba siya sa lamig? Hinihintay ba niya ako? Nakakatulog ba siya ng maayos? May nakahanap ba sa kaniya? Sana ligtas siya. Sana buhay ang asawa ko.It's been a week since Valentina is missing. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan ang asawa ko. My wife is still missing. Nang araw na nahulog si Valentina sa tulay ay siya ring araw ng aking unang kamatayan. Hinanap ko siya nang hinanap, hanggang sa mawalan ako ng malay. At sa araw din na iyon ay isinugod ako sa hospital
“Ma, Pa, uwmuwi ba dito ang asawa ko?” Nagtinginan muna si Mama at Papa bago sumagot sa akin. Parang may gusto silang ipa-abot sa isa't-isa na hindi ko ma-gets. "Ma, Pa, nandito ba ang asawa ko?" tanong ko ulit sa kanila."W-wala anak." si Mama ang sumagot sa akin."Kung gano'n, saan siya pumunta?" tanong kasabay ng pagbuo ng aking mga luha. “Kagabi ko pa siya hinahanap."H-hindi ko alam, Aekim. Nandito ba siya sa Madrid?” si Papa. "Sigurado po ba kayo? Baka naman tinatago n'yo lang po sa akin ang asawa ko. Baka nandito lang siya at ayaw n'yong ipakausap siya sa akin." wika ko sabay pahid ng isang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata. "Mama, naman e. Pa, baka naman nandito lang siya. Hindi pa naman niya alam dito. Hindi niya memorize ang babaan at sakayan. Hindi rin siya magaling magsalita ng Español." natataranta kong wika kay Mama at Papa. "Tumawag ka na ba sa Pulis? Nag-report ka na ba?” si Papa."Opo. Ang kaso hindi pa nila ako kinuhanan nang statement dahil wala pa daw
PAGKA-ALIS ni Leona umalis din kaagad ako para puntahan ang Rancho. Kukumustahin ko lang Tiyahin ko na siyang namamahala ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari, ayoko na paubaya sa kamag-anak ni Mama Lala, alanganin na ako sa kanila. Pati si Mama umaayaw na rin. Idagdag mo pa na pumunta daw sa rancho ang sugarol kong pinsan. Nabahala tulou ako, baka kung ano na naman ang gagawin nito doon. Baka maubos na ang ang mga kabayo at baka namin. Pagkarating ko sa rancho, wala na din ang pinsan ko. Kaya minabuti ko na lang na tingnan isa-isa ang mga alaga namin bago umuwi ng bahay. Pagdating ko hinanap ko ang asawa ko ngunit wala na si Valentina. Halos halughugin mo na ang buong bahay, ngunit hindi ko na si Valentina. Aside sa sulat na iniwan niya sa akin na kakikita ko pa lang. Kinakabahan na kinuha ko ang sulat at binuksan ko ito. Huminga muna ako nang malalim bago binasa ang sulat. To My Love, I'm sorry kung ikinulong kita sa isang pangakong kailanma'y hindi totoo. Pasensiya dahil sa







