Share

Chapter 10

Author: Alwida Alem
last update Last Updated: 2025-08-03 09:05:29

Aria's Pov

Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang malamig na simoy sa katawan. Napatingin sa akin si Damian, saka niya pinababa ang temperatura ng kaniyang sasakyan.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa isang kilalang Luxury Restaurant. Madalas kami dito ng aking pamilya, kaya kabisado ko na kung ano ang gusto kong i-order.

Naunang bumaba si Damian. Bababa na rin sana ako nang bigla siyang umikot sa harapan ng sasakyan at pagbuksan ako ng pinto. Napakunot ang noo ko pero hindi niya napansin dahil nakatingin na siya sa unahan.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman ko nang pinag-angkla niya kamay ko sa braso niya. May kung anong init at kaba ang gumapang sa katawan ko, pero hindi ko na iyon inintindi. Basta, sumunod lang ako sa kanya.

Pagpasok namin, agad akong sinalubong ng malamig na temperatura ng lugar—pero mas malamig ang tingin ng ina ni Damian. Ramdam ko agad.

Nakipagkamay kami sa ama niya. Magbebeso sana ako sa ina niya, pero iniwas niya ang pisngi niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 30

    Aria's POV"Wala ka bang business meeting?" tanong ko habang hinihiwa ang beef steak na niluto ko.Napahinto siya at tumingin sa akin, para bang sinusukat ang reaksyon ko."Why?""Madalas ka na kasing umuuwi dito," sagot ko, sabay iwas ng tingin. Hindi naman sa ayokong nandito siya... pero parang nalilimitahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Still, masaya rin ako kasi natututo na akong mangabayo sa farm niya.We even argued about that once kasi hindi na niya ako pinapabalik doon after the accident. Hindi ko siya pinansin after, tapos kinabukasan, inaya niya agad akong mag-ensayo. Hanggang sa naging routine na namin—linggo sa pangangabayo, Sabado dito lang sa bahay. Kung anu-ano ang mga ginagawa."You don't want me here?" tanong niya. May kakaibang tono, parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko at himig pagtatampo.Sige, Aria. Umasa ka na naman. Napatingin ako sa kanya ng matagal, bago ako tumawa ng pilit para ma-lighten ang mood. Mukhang na-take niya kasi in a negative way ang

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 29

    Aria's POVGutom na ako. Pero hindi ko masabi kay Damian dahil nakatutok lang siya sa ginagawa niya. Napapikit ako sa inis. Para tuloy akong nililimitahan—halos hindi makagalaw, halos hindi makahinga ngayong magkasama kami sa iisang opisina.Ang sikip. Parang nakukulangan ako ng hangin.Kumalam na naman ang sikmura ko, at sigurado akong narinig iyon ni Damian, pero ni hindi siya sumulyap sa akin. Ni hindi man lang nagtanong kung gutom na ba ako.Anong oras na kaya!He was busy typing and scanning documents habang ako nama'y kunwari ring may ginagawa. Hanggang sa tumunog ang orasan—12 PM. Tumayo siya, huminto sa tapat ko, saka nagsalita."Do you want to grab lunch?" mababa ang boses niya, parang pinipilit gawing kalmado.Dahil kumakalam na ang tiyan ko, mabilis akong ngumiti at inayos ang bag."Sure."Nauna akong lumabas ng opisina. Maglalakad na sana ako papunta sa cafeteria nang hawakan niya ang kamay ko.Mainit, magaspang, and warm hands enveloped mine. Napatitig ako doon—parang hin

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 28

    Aria's POV"Do you think this will be a good idea?" halos mabitawan ko ang laptop nang bigla akong tanungin ni Damian.Kanina pa ako nakayuko sa mesa, abala sa pagtitipa ng ilang email para sa mga suppliers namin—mga producers ng materyales na kailangan para ipagpatuloy ang paggawa ng bagong restaurant. Kailangan naming kumilos agad dahil iyong naunang branch ay biglang nalugi, at hindi na alam kung paano malulusutan ang problema."Why are you asking me?" tanong ko, kita ang pagtataka sa mukha. Hindi ko inasahan na tatanungin niya ako tungkol sa business decisions—lalo na't parang walang kinalaman ang posisyon ko rito sa ganoong bagay."Because I know you're good at this," sagot niya, diretso ang tingin.Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Bahagya kong iniling ang ulo at tiningnan ang ipinapakita niyang design, agad napansin ang ilang hindi praktikal na detalye."I think masyadong malaki ang hallway, at 'yung design ng hagdan, hindi siya friendly para sa lah

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 27

    Aria's POVTulala pa rin ako nang makarating sa kwarto namin. Hindi mawala sa isip ko ang kanyang labi—ang lambot, ang pula. Parang gusto ko pa.Umiling ako nang mabilis. Hindi. Hindi maaari. Hindi ito tama.Wala sa sarili kong hinaplos ang sariling labi, inaalala ang mainit na pagdampi noon sa akin.Shit. Pilit ko itong tinataboy sa isip pero bumabalik lang. Kahit habang naliligo ako, naroon pa rin ang alaala ng kanyang halik—ramdam ko pa rin ang init.Pagbukas ko ng pinto mula sa banyo, halos lumipad ang kaluluwa ko nang makita si Damian na nakaupo, tahimik lang na nakatitig sa akin. Para siyang isang predator na matiyagang naghihintay sa paglabas ng kanyang target.Sinubukan kong magpaka-normal, pero hindi ko magawa. Kahit noong pumasok ako sa walk-in closet, ramdam ko pa rin ang bigat ng titig niya sa likuran ko.Damn it.Paglabas ko, agad niyang sinalubong ang isang masamang balita."Mom's going to dine here," maiksi niyang sabi.Kumunot ang noo ko. Paano nalaman ni Mrs. Valtor a

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 26

    Aria's POVTanga ko talaga! Tanga, tanga! Sigaw ko sa utak ko habang nagmamaneho si Damian. Halos sabunutan ko na sarili ko sa sobrang kahihiyan.Umiyak ako. Sa harap niya.Diyos ko... bakit ko ipinakita 'yon?May sakit ba ako sa utak?Gusto ko na ngang iuntog ang ulo ko sa dashboard, pero baka isipin niyang sira-ulo ako—kaya tiniis ko na lang at nilunok ang hiya.Bwisit.Hindi ganito ang gusto kong mangyari.Nakatutok lang siya sa kalsada, parang kinukuhit ng liwanag ang gilid ng mukha niya. Ako naman, todo iwas ng tingin, kasi baka makita niya sa mukha ko na gusto ko nang magpalamon sa lupa.Pinilit kong tumingin sa daan, inuulit-ulit sa isip ko na makakalimutan din niya 'yon. Wala lang 'yon. Pero sa gilid ng mata ko, nakikita ko pa rin—pa-simple siyang sumusulyap sa akin.At sa bawat sulyap na 'yon, mas lalo kong gustong maglaho.Pagdating namin sa kwarto niya, umiikot pa rin sa ulo ko 'yong eksena kanina. Napatingin ulit siya sa akin, bahagyang nakakunot ang noo—parang may iniisip

  • Valtor Series 1: The Wrong Bride   Chapter 25

    Damian's POV"Uuwi ka sa inyo?" Johann asked when I got up.Tapos na ang ilang business meetings na kailangan kong puntahan ngayong araw, at bukas naman ay wala na akong masyadong gagawin—kaya naisipan kong umuwi na lang.Besides, I was always curious how Aria won the hearts of my household staff. At... hindi ko alam, pero parang may kung ano sa akin ang bumubulong na umuwi na ako. Na may tahanan na akong mauuwian.Hindi ko nga alam na may matatawag pa rin akong tahanan, kasi pakiramdam ko, everything was just for show—something that needed to be fulfilled. But fuck it. That woman was something else.The feeling of having someone to embrace me—even if just for show—makes me want to be home any minute now. Her sweet smile. Her fragrance that lingers on my skin.Hindi ko alam. Nababaliw na ata ako."Bro, akala ko ba sa club tayo ngayon dahil ayaw mong umuwi sa asawa mo?" Yves looked at me full of confusion.I shrugged it off and stepped out of the room.Gusto ko na lang umuwi at alamin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status