Share

Kabanata 5

"Anyway, when do you plan to leave?"

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako? Hindi mo ba ako na-miss?"

"Insane. Kung pwede ka nga lang dito na tumira kasama namin ni Liam…" I smirked as I started to see shining diamonds in her eyes. "Syempre hindi ako papayag. Doon ka na sa bahay n'yo, 'wag ka na manggulo rito, 'no!"

"Aba!" I literally made her jaw drop. "Baka gusto mong sabihin ko--"

"Halika na. Ihahatid na kita."

Niyakag ko na siya palabas ng bahay namin dahil alam kong naibalita naman na niya sa akin ang ipinunta niya.

"As much as I want you to stay here, alam kong hindi pwede. Sana sa susunod na dumalaw ka rito, payagan ka na ng mama na mag-overnight kahit na isang gabi lang dito."

Because the bitter truth is that… Liam's mother doesn't permit Lucile to stay at our house longer than an hour. Maybe sometimes… pero 'pag may special occasions lang. 'Pag mga ganyang dalaw lang at may mahalagang sasabihin, she must not exceed staying at our house to an hour.

"Maybe in our next life." Natatawa siyang b****o sa akin bago tuluyang pumasok sa nakaparada niyang kotse.

Hinintay kong makaalis na siya nang tuluyan sa lugar namin bago ako nagdesisyong pumasok na ulit sa loob.

As soon as I'm planning to walk inside after closing the gate, bigla akong nakarinig ng kakaibang tunog na parang may inihulog sa mailbox. As I checked it, may mail akong natanggap na halos kahuhulog lang ngayon… and it was a mail from Logan.

Dahil ang mayroon lang akong gadget as of now ay isang keypad na phone na ang tanging laman lang ng phonebook nito ay number ni Lucile, through these mails only was our communication.

Wala naman din kasi akong number ni Logan at kahit na subukan ko man 'yong hingin sa kanya, I still couldn't reach him sa sobrang takot ko na mahuli ng asawa ko at masaktan na naman… lalo't sa kalagayan ko ngayon ay mayroon akong iniingatan na sanggol.

Kris, 

I'm writing this to ask you for an update about my request to you. Pwede ko bang malaman kung kailan mo madadala sa akin ang asawa mo, Kris? Para na rin makapag-schedule na ako since during this month, magiging busy rin ako sa mga appointments at seminars na kailangan kong attend-an

Send me a letter, asap. I'll be waiting.

- Logan

Oh, no. How could I do that now?

Hanggang ngayon nga ay nangangamote pa rin ang utak ko kung anong palusot ang gagana para mapapayag ko ang asawa ko na magpatingin kahit hindi na kay Logan. Kahit kanino na lang, basta may alam tungkol sa mental health. 

I want my husband's health to be fine… but how?

*****

"Are you busy?" Nasa loob ako ng kwarto namin habang nagtitiklop ng mga damit nang dumating si Liam. "Kris--"

"Use your eyes. Kita mo namang may ginagawa ako, 'di ba?" Dala na rin siguro ng pagbubuntis ko kaya biglang nagbago ang mood ko.

Ikinalundag ng puso ko nang kumalabog nang malakas ang pinto, at walang ano-ano'y umangat ang katawan ko nang si Liam ay hinatak ang buhok ko na nagdulot ng sobrang sakit sa anit ko.

"L-Liam, nasasaktan a-ako--"

"Akala mo ba hindi mo ako nasaktan sa ginawang pagsagot mo sa akin, Kris?! Balewala na ba ako sa iyo?!"

Iniharap niya ang inosente kong mukha sa kanya, upang magulat nang matunghayan kong bumabaha ng luha ang pisngi niya.

"Wala ka na bang gana sa akin, Kris?"

"L-Liam…"

Nanginginig man ang kamay ko, pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa pagkakakapit sa buhok ko. But it was not enough as I let myself be too stunned by just looking at my husband… now that he's acting as someone I don't know… again.

"A-Are y-you okay?"

"You're asking me if I'm okay after what you've said to me?! What do you think?!" Ang kaninang malumanay niyang boses ay bumagsik at tumalim.

"Sabihin mo nga sa akin, may iba ka na, 'no? Sawa ka na sa akin dahil may iba ka nang lalaki, tama ba?!"

"Huwag mong sabihin na 'yong lalaking patago mong kinita ang lalaki mo--"

"No!" matapang na sagot ko. "How could you say that--"

"Care to explain what this is?!" Ipinakita niya ang ibabang bahagi ng liham na natanggap ko kay Logan kanina lang. 

Send me a letter, asap. I'll be waiting.

- Logan

Ang alam ko kasi ay sinunog ko na 'yon sa likod dahil lahat ng mga letters na natatanggap ko from him as our communication, lagi kong sinusunog para hindi na makita ni Liam.

Papaanong nakaligtas pa 'yon?

"Hindi ka ngayon makasagot, Kris? Kasi ano? Totoo? Totoong kinikita mo nang patago 'yong lalaki mo at talagang nagsusulatan pa kayo! Ni hindi mo man lang ako nirespeto bilang asawa!"

Itinulak niya ako patungo sa pader para mauntog doon nang husto ang likod ko, ramdam na ramdam ko ang sakit ng matigas na pader.

"Ano pa bang kailangan kong ibigay sa iyo para hindi ka na maghanap ng iba?! Kris… hindi mo na ba ako mahal?"

Ilag ang mga mata ko sa kanya nang hindi pinipigilan ang sariling bumaha ang luha. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata niyang alam kong hindi niya pag-aari…

Dahil sa kabila ng ilang linggong pagiging normal niya sa paningin ko at sa pag-aakalang wala naman siyang deperensya, muling nanumbalik 'yong anyo niyang lubos kong kinatatakutan.

"G-Gusto ko ng kalayaan…" ang naibulong ko, sapat na upang marinig niya dahil na rin malapit siya sa akin. 

Kalayaan mula sa asawa kong ang hirap ispelingin… at kalayaan na makapagsalita… na makapagpaliwanag.

"Kris…" Unti-unting lumuwag ang mahigpit niyang kapit sa braso ko tiyaka lumayo.

Naaawa niya akong tinapunan ng tingin na tila hindi siya makapaniwalang muli na naman niya akong napagbuhatan ng kamay.

"I-I'm sorry--" Nagtangka siyang hawakan ang mukha ko, ngunit ako na ang kusang lumayo.

Para saan pa ang sakit ng mga ibinigay mong sugat kung pwede ang sorry, Liam?

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko, Kris. Hindi ko sinasadya…"

As he finally reached to hold my shoulders, he motioned me to face him. "Gusto sana kitang sorpresahin sa damit na isusuot mo bukas para sa wedding anniversary natin… pero ako 'yong nasorpresa mo."

Oh… wedding anniversary nga pala namin bukas… and nothing have changed though. Lagi't lagi akong humaharap sa mga bisita namin nang may pasa sa katawan at mukha na tinatakpan na lang ng concealer.

Binatak ko ang labi ko para bigyan siya ng ngiti, just so I could also breathe my pain and worries out that Liam ceased the demon inside him to cause violence against me.

"O-Okay."

I love him. I love him so much that I'm no longer loving myself for keeping myself as his punching bag para saktan kung kailan niya gusto.

Masyado ko siyang mahal to the point na isandaang beses na akong sinasampal ng mga dahilan para iwan ko na siya at mag-file ng divorce. 

But I'm still holding on, hoping that everything about him will change if I could give him a child.

Kaya lang naisip ko… if I would ever let him know we're having a baby in nine months… para ko na ring inihahatid ang anak ko sa kaharian ng demonyo. 

No. If Liam can't treat me well as his wife, pagiging ama pa kaya sa anak namin? That's ridiculous.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status