Habang nasa bar sina Lyka hindi inaasahan na naroon din si Lukas. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan ng napansin niya ang isang babae na sumasayaw na tila ba kilala niya tinignan niya itong mabuti at tama siya kilala niya ang babae si Michelle ang matalik na kaibigan ni Lyka na sumasayaw sa dance floor. Kaagad niyang hinanap kung sino ang kasama nito. Nilinga niya ang kanyang mga mata sa paligid malapit kay Michelle at nakita niya si Lyka at Bryan sa table na di kalayuan. Nagpaalam si Lukas sa kanyang mga kaibigan upang puntahan sina Lyka. "Michelle!" Malakas na tawag ni Lukas.Napalingon naman kaagad si Mitch sa pinanggagalingan ng boses."Lukas! Wow! Nice seeing you here! Sino kasama mo?" Sigaw ni Mitch. Sobrang lakas ng tugtugan sa loob ng bar kaya naman kailangan nilang sumigaw para mag karinigan."I'm with my friends! I saw Lyka and Bryan over there!""Magkakasama kami. Si Lyka kasi may problema gusto magpakalasing!"Natigilan si Lukas sa narinig, "What? Bakit anong nangyari?
Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ni Vladimir kasama si Wendy at Mr. Belmonte. Nagmamadali si Vladimir patungo sa exit ng airport. Kanina pa niya tinawagan ang kanyang driver na sunduin siya. Tinanong niya kung nasaan si Lyka hindi alam ng driver kung nasaan ito na labis niyang kinainis."Vladimir, wait! Sabay na ako sayo!" Sigaw ni Wendy.Ngunit hindi man lang siya pinapansin ni Vladimir pero sumakay pa rin siya sa sasakyan nito. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata ang pag aaway nina Lyka at Vladimir. Dahil may isa pa siyang alas na ilalabas mamaya para tuluyan na niyang mabawi si Vladimir.Hindi mapakali si Vladimir ngayon pa lang ay nanginginig na siya sa galit at selos na kanyang nararamdaman. Samantalang lasing na lasing na si Lyka at nakatulog na sa hotel kung saan sila nag inuman. Sa kabilang kwarto naman matutulog sina Mitch at Bryan upang magpahinga."Bro Lukas, may tiwala ako sayo kaya ikaw na muna ang magbantay kay Lyka ah. Lasing na rin itong si Mitch at n
Umaga na nang magising si Lyka. Sobrang nahihilo pa siya at masakit ang ulo. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng silid at bumungad sa kanya ang matalik na kaibigan."Beshie good morning. How do you feel?" Tanong ni Mitch."I'm not feeling well. Nahihilo ako at masakit ang ulo.""Eh paano hindi sasakit ang ulo mo eh wala kang pakundangan kung maka inom ng alak kagabi. Jusko ka naman Lyka maawa ka naman sa sarili mo!" Sermon ni Mitch.Nakahiga pa rin si Lyka sa kama at nakapikit ang mga mata, "Mitch, can you please stop your nagging. Lalo sumasakit ulo ko eh.""Concerned lang ako sayo kaibigan. Walang magandang maidudulot ang araw-araw na pag inom mo ng alak ng dahil dyan sa walang hiya mong asawa!"Hindi sumagot si Lyka. Dahan-dahan siyang tumayo kahit nahihilo at nagtungo sa banyo upang maligo."Lalabas muna ako ah," paalam ni Mitch.Nilublob ni Lyka ang kanyang katawan sa bathtub upang ma preskuhan. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa hangover. Hindi niya narinig ang pagpasok
Hindi napigilan ni Vladimir ang galit nang makita si Lukas. Kaya naman kaagad niya itong sinugod at sinuntok sa mukha. Nataranta si Lyka at natakot sa nakikita na suntukan ng dalawa.Lihim naman na natutuwa si Wendy sa kanyang nakikita na kaguluhan.โVladimir! Tumigil ka!!!โ Sigaw ni Lyka.Ngunit hindi ito nakikinig sa kanya. Patuloy ito sa pakikipag suntukan kay Lukas. Kaya naman ipinatawag niya ang mga bodyguard upang umawat sa dalawa.โWalang hiya ka Lukas! Tarantado ka! Bakit si Lyka pa!โ Galit na sigaw ni Vladimir.โI donโt know what youโre talking about! Wala kaming ginagawang masama ni Lyka!โ Sigaw ni Lukas sabay ganti ng suntok.โWalang ginagawa? Ano ibig sabihin ng mga litrato na yun ah!โDumating ang mga tauhan ni Vladimir at inawat silang dalawa. Kaagad naman na lumapit si Lyka upang magpaliwanag.โVladimir, wala kaming ginagawang masama ni Lukas! Ikaw nga itong gumagawa ng katarantaduhan sakin! Kayo ni Wendy! Tapos ngayon babaliktarin mo ako! Ang kapal din talaga ng mukha
Masakit ang buong katawan ni Lyka ng siya ay magising. Inilinga niya ang kanyang mga mata at nakita ang orasan sa pader ng kwarto. Hating gabi na pala. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam nilalagnat siya at puno rin siya ng pasa sa katawan dahil sa pwersahan na ginawa sa kanya ni Vladimir.Hindi niya na pigilan ang pagtangis. Ang sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman ay pilit na nangingibabaw sa sakit ng katawan na kanyang nararamdaman ngayon. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nagtiwala siya sa katulad ni Vladimir. Nagsisisi siya kung bakit ibinigay niya ang kanyang puso at pagmamahal sa isang tao na sasaktan lang pala siya kalaunan.Wala siyang lakas para kumilos pa. Nanatili siyang nakahiga at tahimik na umiiyak. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Vladimir kasama ang kanilang kasambahay. May dalang pagkain, inumin at damit pamalit ang kasambahay.โLyka, get up. You need to eat and after that clean your filthy body.โ Sarkastikong sabi ni Vladimir.โ
Nakapag pahinga na ng maayos si Lyka. Nanumbalik na rin ang kanyang lakas at nawawala na ang mga pasa sa kanyang katawan. Isang linggo na ang nakalipas ng dalhin siya ni Vladimir sa basement ng mansyon at ikulong sa malaking kwarto. Laging may bantay sa labas ng silid at hindi siya maaaring lumabas ng walang pahintulot mula kay Vladimir.Tumingin siya sa orasan alas otso na ng gabi at wala pa rin si Vladimir. Pumasok ang kasambahay sa loob ng silid na may dalang pagkain para kay Lyka. Hindi naman siya binabalewala ni Vladimir sa pagkain. Alaga siya sa masasarap na lutong pagkain.Ngunit hindi na niya matatagalan ang manatili pa ng matagal sa loob ng silid. Kailangan niyang makalabas. Kaya naman napagpasyahan niya na kausapin si Vladimir tungkol dito. Naghintay siya sa pagdating ni Vladimir ngunit nabigo siya at nakatulog na lang sa paghihintay sa asawa.Naalimpungatan siya at dahan-dahan na nagising dahil sa halik na dumadampi sa kanyang leeg. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay naki
Nakipagkita si Lukas kay Wendy. Dahil ito lang ang naisip niyang paraan para matulungan si Lyka na makatakas sa kamay ni Vladimir. Kahit hindi siya sigurado sa magiging resulta ay nakipagsapalaran pa rin siya."Lukas, bakit gusto mo akong makausap?" Tanong ni Wendy habang nasa coffee shop sila."I'll be honest Wendy, I need your help and you need my help too," sagot ni Lukas."Help? Go on, I'm listening.""Well it's about Lyka. Tulungan mo ako na maitakas si Lyka sa mansyon at pinapangako ko sayo ilalayo ko siya kung saan hindi siya makikita at mahahanap ni Vladimir.""What make you think na tutulungan kita sa plano mo?""Wendy, alam ko naman na kaya mo ito ginagawa upang mabawi si Vladimir. Pareho tayo ng kagustuhan. You want Vladimir so badly and I want Lyka so badly. It's a win for both of us kung makikipagtulungan ka sa akin."Hindi nagsalita si Wendy. Pinag iisipan nito ang mga sinabi ni Lukas at may point si Lukas. Pero dahil sa huling sagutan nila ni Lyka ay alam niya na mahal
Ayon sa napag usapan nina Lyka at Mitch ay kaagad na kinausap ni Mitch si Bryan na tulungan siya sa kanilang plano ni Lyka. "Bryan, please! Tulungan mo naman kami ng bff ko. Naawa na ako kay Lyka Bryan. Please!!!" pagmamakaawa ni Mitch. "Pero Mitch, alam mo naman na matalik ko rin na kaibigan si Vladimir. Paano ko siya magagawang traydurin? Hindi ko yata kaya Mitch." "Bryan, please! Sa tulong nโyo ni Lukas tiyak ako na maliligtas natin si Lyka. Hindi ka ba naaawa sa kanโya ah Bryan?" "Naaawa ako sa kanโya. Peroโ" "Bryan, kailangan ko ba lumuhod sa harap mo para lang tulungan mo kami." naiiyak na sabi ni Mitch. Hindi naman matiis ni Bryan si Mitch dahil mahal niya ito, "You don't need to do that okay, I will help you." "Really? Thank you, Bryan! Tatanawin ko itong malaking utang na loob sayo!" Niyakap ni Mitch si Bryan dahil sa kasiyahan. "Now we have to talk to Lukas. Hindi natin 'to kaya kung tayo lamang dalawa. You know how powerful a person your friend is. Sigurado ako na la
Maraming nainom si Samantha dahil sa labis na sama ng loob at galit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang nalaman. Sinisisi niya ang sarili na bakit hanggang ngayon ay hinahayaan niya pa rin na masaktan ang kanโyang puso. Napagpasyahan niyang umuwi mag-isa. Nais niyang mag-isip at pakalmahin ang sarili. Kahit na nagpilit si Lukas na hindi siya iwan ay siya pa rin ang nasunod. Inihinto niya ang kaniyang kotse sa may gilid ng kalsada kung saan nasa gilid ito ng kahabaan ng Manila Bay at umupo sa malapit na upuan doon kung saan nakatambay rin ang mga tao sa gabi.Habang pinagmamasdan ang mahinahon na dagat ay unti-unting pumatak ang mga luha niya na kanina pa nais kumawala.โBakit hindi kita makalimutan? Bakit hanggang ngayon ay minamahal pa rin kita? Bakit?โ mahinang sambit niya kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.โS-Samantha? . . .โNagulat siya nang marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa kaniyang tagiliran. Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali.โV-Vladimir . . . A
NATAPOS na ang kasiyahan at party. Pagod si Wendy at medyo lasing kaya maaga itong nakatulog kaagad ngunit, hindi si Vladimir. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang isang pamilyar na mata na kahit kailan ay hindi niya makalimutan.Nasa isipan pa rin niya si Samantha. Nagtataka rin siya na hindi man lang nabanggit ni Lukas na may nobya pala ito. Kahit na nakamaskara si Samantha ay alam ni Vladimir na sa likod nito ay isang magandang mukha. Nahihiwagaan talaga siya sa babae na pilit na gumugulo sa kaniyang isipan.KINABUKASAN ay nagising si Vladimir sa mainit na sikat ng araw na dumarampi sa kaniyang mukha. Nagmulat siya ng kaniyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtanto niya na sa beranda pala siya nakatulog. May isang bote ng alak sa may lamesa. Doon niya naalala na nagtungo siya sa beranda upang uminom dahil sa hindi siya makatulog.โHoney, gising ka na pala. I made breakfast for you,โ sabi ni Wendy at inilapag ang dalang pagkain sa may lamesa.โThanks, Wendy.โโVladimir, bakit
Magarbo ang selebrasyon para anibersaryo ng Barameda Cruise Ship. Tinawag ng MC si Vladimir upang magbigay ng speech sa harap ng kaniyang mga bisita.โGood evening everyone. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagdalo sa kasiyahan ngayong gabi. Masaya ako na makita kayo at makakuwentuhan. Another year for Barameda Corporations na akala ko ay aking mapababayaan noon. Malaki ang pasasalamat ko sa aking partner na si Wendy dahil sa kaniya kaya akoโy nakabangon muli.โNagbulungan ang lahat ng naroon. Dahil hindi naman lingid sa lahat ang nangyari noon kay Lyka. Malaki naman ang ngiti sa labi ni Wendy sa mga sinabi ni Vladimir.Si Samantha at Lukas ay nasa malayo lang at nakikinig. Sumulyap si Lukas sa kapareha at โdi nakaligtas sa kaniya ang luha na nais pumatak mula sa mga mata ni Samantha. Kaagad niya itong inaya na lumabas muna ng venue. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Vladimir ang pag-alis ng dalawa.โSamantha, Are you alright?โ nag-aalala na tanong ni Lukas.โIl
Sinamantala ni Wendy ang pagkakataon. Kapag ganitong lango sa alak si Vladimir saka lang niya nagagawa ang kanโyang gusto sa lalaking labis na minamahal. Inutusan niya ang bodyguards nito na buhatin si Vladimir sa kโwarto. Nang nasa kโwarto na sila ay hinubad niya ang damit pang-itaas ni Vladimir saka tinitigan ng mabuti ang mukha nito."Vladimir, kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka magkakaganito ngayon, hindi ka masasaktan ng husto."Hinaplos niya ang mukha ni Vladimir at dinampian ng halik ang labi nito. Mahal na mahal niya si Vladimir lahat kaya niyang gawin ma pa sa kanya lamang itong muli."Lykaโฆ" mahinang sambit ni Vladimir."Hindi ako si Lyka. Wala na ang babae na 'yon. Ako na lang ang mahalin mo, Vladimir. Pangako ko sa'yo paliligayahin kita higit pa sa kayang gawin ni Lyka."Hinalikan niya si Vladimir sa labi ng buong init. Sa paningin ni Vladimir ay si Lyka ang kanโyang nasa harapan, kaya naman walang alinlangan na tinugunan niya ang mainit na halik ni Wendy. Ip
Isang linggo ang nakalipas mula ng ma pa-balita na patay na si Lyka. Hanggang ngayon ay hirap ang kanโyang pamilya na tanggapin ang nangyari pero kailangan para matahimik si Lyka sa kabilang buhay. Ganoโn din si Mitch buti na lang at nandโyan si Bryan na naka-alalay sa kanโya. Si Vladimir naman ay araw-araw dinadalaw ang puntod ni Lyka na lasing at emosyonal. Pinasubaybayan ni lukas si Vladimir ganoโn din si Wendy sa utos na rin ni Lyka.Si Lyka naman ay isa-sa-ilalim na sa operasyon. Nang dahil sa aksidente ay labis na naapektuhan ang kanโyang mukha, halos kalahati ng mukha niya ay may damage. "Lyka, ano ang desisyon mo sa operasyon sa mukha mo?โ tanong ni Lukas."Pinag-isipan ko na mabuti ang desisyon kong ito, Lukas. Magpapabago ako ng mukha, I need plastic surgery. Kapag bago na ang aking mukha ay hindi na nila ako makikilala pa. Sa ganoโng paraan ay magagawa kong alamin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.""Sigurado ka ba diyan sa desisyon mo na โyan? We need to go abr
Inuusig man si Lukas ng kanโyang konsensโya dahil sa paglilihim niya ng katotohanna sa pamilya at kaibigan ni Lyka ay wala na siyang magawa kunโdi ang panindigan ang kanโyang naging desisyon.Naisaayos na nila ang mga dapat gawin sa burol ng abo ni Lyka. Nagpaalam si Lukas na uuwi muna ngunit ang totoo ay nagtungo siya sa ospital kung nasaan si Lyka. Maganda na ang kalagayan ni Lyka. Nag-normal na ang kanโyang vital signs ,kaya naman nakahinga na si Lukas dahil ligtas na si Lyka.Dalawang araw na ang burol kay Lyka at pinag-pasyahan ng kanโyang pamilya na mailibing na ito kinabukasan. Bago pa man ang araw na iyon ay nagising si Lyka mula sa pagka-comatose."Lyka! Lyka!"Natataranta na sigaw ni Lukas nang imulat ni Lyka ng kanโyang mga mata habang binabantayan siya ni Lukas.Kaagad niyang tinatawag ang Doctor ni Lyka upang suriin ang kondisyon nito. Maayos naman ang lahat. Dahan-dahan na umupo si Lyka sa kama."Lukas, nasaan tayo? Ikaw ba ang nagligtas at tumulong sa akin?""Nasa ospi
Kaagad na kumalat sa midya at balita ang nangyari kay Lyka dahil sa kanโyang kotse. Kinuha ng mga awtoridad ang lahat ng detalye kaya naman nalaman na pagmamay-ari niya ang sasakyan. Sumugod sa lugar ang kanโyang pamilya kasama ang kanโyang matalik na kaibigan na si Michelle. Naroon din si Bryan at ang hindi inaasahan ni Lukas, si Wendy.Nakita ni Lukas kung gaano ang pagtangis ng pamilya ni Lyka at ng kaniyang matalik na kaibigan, ang akala ng mga ito ay nasawi na si Lyka sa pagsabog kasama ng kanโyang sasakyan.Nagulat siya ng tumunog ang kanโyang telepono, si Michelle ang tumatawag sa kanโya. Kailangan niya ayusin ang kanโyang sarili."Hello, Mitch?"Isang malakas na pag-iyak ang narinig niya mula sa kabilang linya. Labis-labis ang pag-iyak ni Mitch na halos hindi ito makapagsalita. Kinuha ni Bryan ang telepono at kinausap si Lukas."Lukas! Nasaan ka?Alam mo na ba ang nangyari kay Lyka?""Bakit? A-Anong nangyari sa kanโya?" nauutal na sabi ni Lukas "Bro, Lyka isโฆLyka, run to an a
Muling nakabalik si Lyka sa trabaho. Pinuntahan siya ng kanโyang kaibigan ng mabasa ang kanโyang mensahe."Lyka, sigurado ka ba na nagbago na si Vladimir? Na hindi ka na niya sasaktan ulit?" tanong ni Mitch."Sa nakikita ko ngayon maayos naman ang lahat. Kay Wendy, ako kinakabahan.""Kay Wendy, bakit?""Alam naman natin kung gaano siya ka obsessed kay Vladimir. Natatakot ako na baka may gawin siya na hindi maganda.""Kung natatakot ka bakit hindi ka magdala ng bodyguard para mawala 'ang takot mo.""Ayoko masyadong takaw atensโyon.""Kung gano'n mag-ingat ka na lang lagi. O kaya naman make it sure na lagi kayo magkasama ng asawa mo."Ang hindi alam ni Lyka tama ang kanโyang kutob. May masamang pinaplano nga si Wendy laban sa kan;ya. Habang siya ay nangangamba si Wendy naman ay pinaplano na ang kanโyang mga gagawin laban sa kanโya.Ilang araw ang lumipas payapa naman ang lahat. Kinausap ni Lukas si Lyka at siniguradong maayos ang kanโyang kalagayan at pagsasama nila ni Vladimir.Nasa ba
Nagkaroon ng pag-asa si Lyka dahil alam niya na handa siyang tulungan ng kanโyang mga kaibigan. Kaya naman kailangan din niya mag-isip ng paraan para tuluyan na siyang 'wag ikulong ni Vladimir.Pagkatapos umuwi ng pamilya ni Lyka ay kaagad niyang kinausap si Vladimir, "Vladimir, p'wede bang 'wag mo na akong ikulong sa basement? Pangako susunod ako sa lahat ng gusto mo, I'll be good.""Totoo ba 'yan? Susundin mo lahat ng gusto ko?""Oo pangako, basta 'wag mo na akong ikukulong ulit."Hinawakan niya ang mga kamay ni Lyka, "You know what Lyka, I really don't mean to hurt you. Ayaw nga kita na nasasaktan eh. 'Yong tungkol naman sa amin ni Wendy maniwala ka wala kaming relasyon, Ikaw lang ang mahal ko."Naramdaman ni Lyka na sincere si Vladimir sa kanโyang mga sinasabi. Iniisip niya na marahil ay si Wendy talaga ang may gawa ng lahat upang masira ang kanilang relasyon."Okay, I will believe in you. Also, about me and Lukas maniwala ka rin sana na walang nangyari sa amin. Kasama namin sina