Share

CHAPTER 5

Lou Vannilli's POV:

Kumunot ang noo ko nang makitang nakapatay lahat ng ilaw sa bahay. Nandito si Sam kaya nakapagtatakang hindi nya nagawang buksan ang ilaw sa loob. Nagmamadali akong pumasok ng gate at patakbong lumapit sa pintuan para buksan ito ngunit mas lalo pa akong nagtaka nang hindi naman pala nakasara ang pinto. Nakabukas lang ito ng kunti kaya dahan dahan ko itong tinulak.

Nang tuluyan akong makapasok sa loob ay hinanap ng mga mata ko ang switch ng ilaw para buksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang paligid. Nagkalat ang mga throwing pillows sa sahig, wala sa ayos ang mga sofa, nakatabingi ang divider na naglalaman ng mga picture frames at kung anu ano pa.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansing may mga yapak ng paa sa sahig, pero may bahid itong putik. Nagtataka akong sinundan ng tingin ang mga yapak na iyon, papunta ito sa kusina. Naguguluhan man ay tinungo ko ang direksyon ng kusina, madilim pa ang bahagi nun kasi hindi ko pa nabubuksan ang ilaw doon.

N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status