Share

Villa Erlinda
Villa Erlinda
Author: Seirra

PROLOGUE

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng isang bulong na nanggagaling sa kung saang sulok ng kwartong aking tinutulugan. Napatingin ako sa wrist watch ko nang tuluyan akong makaalis sa kama. It's 12  in the midnight. 

Hindi ako sigurado na sa ganitong oras ay may mga kasamahan akong gising pa. Dahan dahan akong humakbang papalapit sa pintuan nang makarinig ako ng mga yapak sa labas mismo ng kwartong ito. Nang tuluyan akong makalapit sa pintuan ay saka ako lumuhod para silipin ang hallway sa labas gamit lamang ang maliit na espasyong namamagitan sa pinto at sahig.

Kumunot ang noo ko nang mapansing wala namang tao sa labas kaya dali dali na rin akong tumayo at babalik na sana sa kama nang makarinig ulit ako ng bulong. Medyo malabo ang salitang binibigkas ng taong iyon, pero pakiramdam ko naririnig ko ang pangalan ko mula sa mga sinasabi nya. 

Dahan dahan kong inangat ang kamay ko para buksan ang pintuan. Nang tuluyan akong makalabas ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakapalamig na hangin. Nilibot ko ng tingin ang madilim na hallway na aking kinatatayuan ngunit wala akong napansing kakaiba maliban lamang sa nag iisang kwartong nakakandado.

Sabi ng care taker ng bahay, naglalaman lamang ang kwartong iyon ng mga bagay na hindi na mapapakinabangan pa. Ginawa iyong stock room, pero nakapagtataka kung bakit kailangan pa itong ikandado. Habang nakatitig ako sa kwartong iyon, na katapat lamang ng kwartong aking tinutuluyan ay pakiramdam ko tinatawag ako doon.

Kusang gumalaw ang aking mga paa at tinahak ang daan papunta sa kwartong iyon. Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lalong naging malakas ang bulong na kanina ko pa naririnig. Ngunit hindi lamang bulong ang narinig ko sa mga oras na ito, isang halakhak ng hindi ko makilalang boses.

Nang tuluyan akong makalapit sa pintuan ng kwartong iyon ay saka ko nilapit ang tenga ko sa pinto para marinig ko kung anong meron sa loob. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng hindi lamang halakhak at bulong ngunit isang iyak ng babaeng parang nanghihingi ng tulong. 

Nagmamadali akong hinawakan ang kadenang nakakabit sa pintuan saka sinubukang sirain ang kandado ngunit laking gulat kong makita na bukas na pala iyon. Lumingon muna ako sa paligid para siguraduhing walang tao bago ako tuluyang pumasok sa loob. 

Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad na hinanap ng mga mata ko ang babaeng nagmamay ari ng tinig na aking naririnig pero wala akong nakitang tao sa loob ng silid na ito. Hindi naman gaano kadilim ang silid dahil may liwanag na nagmumula sa maliwanag na buwan kaya naaaninag ko ng kunti ang kabuuan nito. 

Nang mapansing walang tao sa loob ay napag desisyunan kong lumabas na lamang ngunit hindi pa nga ako tuluyang nakalabas ng pinto ay nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa direksyon ko. Pakiramdam ko mas lumamig pa ang hangin na nararamdaman ko ngayon dahil sa presensya ng taong ito. 

Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang marinig ko ang malaming na boses nya mula sa likuran ko. She's calling me by my name, at iyon ang ipinagtataka ko. 

Who are you ? Tanong na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko bago ako tuluyang humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang itim na anino sa harapan ko. Pakiramdam ko hindi ito ordinaryong tao dahil sa laki nito. 

May mga sinasabi sya na hindi ko maintindihan dahil sa lenggwaheng gamit nya. Habang nagsasalita sya ay mas lalong lumakas ang hangin dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa pader na aking nasasandalan. 

"Tu nunc mea, Samantha." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status