Share

CHAPTER 2

"Are you okay now ?" Napalingon ako kay Maureen nang magsalita sya. Tinanguan ko lang sya saka ako napatingin sa braso kong ginagamot ni Matt. 

"Hon, ano ba talagang nangyari ?" Bakas sa boses ni Matt ang sobrang pag aalala nang takpan nya ng gauze ang sugat ko. He's my boyfriend and Maureen's cousin. Maureen is one of my circle of friends. Magpinsan sila at nasa iisang bahay lang sila nakatira. Their both parents are in Hongkong kaya sila na lamang dalawa ang nandito sa Pilipinas.

"I don't know," Napailing ako habang iniisip ang nangyari kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang kinikilos ni Sam. "She's acting different. She became aggressive. Hindi ko na sya maintindihan. "

" Van you know your sister, she's in the state of depression. She has anxieties. Sigurado akong nadala lang din sya sa emosyon nya. " sabi ni Gail na kakalapit lang sa amin habang bitbit ang isang tray na puno ng glass of juice.

Umiling ako. "Kilala ko ang kapatid ko. Kahit galit yun sakin, hindi sya nananakit."

" Well, people do really change dude. " Napatingin kaming lahat kay Patrick na kakarating lang din.

Anim kaming lahat sa grupong ito. Ang bahay nina Maureen ang ginawa naming headquarters. Kumbaga, tambayan namin palagi. Maureen is an aspiring journalist, si Matt naman engineering ang kinuha. Si Gail ay nasa ikatatlong taong pag aaral ng psychology. Si Patrick, gaya ng parents nya ay nag aaral din ng business. Ako, I'm a law student.

"Iba talaga eh. Sigurado akong may nangyari sa Villa na hindi natin nalalaman." deretso kong sabi sa kanila. 

" What do you mean ?" si Matt.

"Days after their retreat, nagbago si Sam. Mas naging malala sya. Akala ko nung una, normal lang sa kanya yun. Pero kanina," Napatigil ako sa pagsasalita para mag isip ng susunod na sasabihin. " I really can't explain it. She's.. she's so strong. You guys know my sister, mahinhin sya."

Habang iniisip ko yung nangyari kanina, paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang eksenang pagtulak nya sakin. Hindi ako makapaniwalang sobrang lakas nya, parang tatlong tao ang tumulak sakin dahilan para bumalibag ako ng todo. Napailing ako habang hinihilot ang bridge ng ilong ko. I really don't understand what was happened, nakakalito.

" I still don't get it, what's your point ?" nakataas ang kilay ni Gail habang nakasipsip sa juice na hawak nya. 

" I'm pretty sure something suspicious happened there. It's very impossible for a person to change for that two days na nasa Villa lang sya." I explained. 

" I agree." Napalingon kaming lahat kay Maureen nang magsalita ulit sya. Nakaharap sya sa laptop nya at bahagya pang itinaas ang reading glasses na suot nya. "5 years ago, nagkaroon din ng retreat ang University nila sa Villa Erlinda. Days after their retreat, a student from the University killed herself. Nag suicide sya."

" And you find it suspicious ?" Mataray man ang tono ng pagkakatanong ni Gail ay bakas sa boses nya ang curiosity. 

"A very close friend of her tumangging magpa interview pagkatapos ng incident na yun." she added habang nanatiling nakatitig sa screen ng laptop nya. " We have to find this girl named Alexis Montero. Sigurado akong may alam sya sa nangyari sa kaibigan nya. It's just that something stops her to talk about the incident. Or should I say, someone."

" Napakalaki ng Pilipinas, mahirap maghanap ng taong hindi man lang natin kilala." reklamo ni Patrick. 

" Well, I know someone."

Napalingon kaming lahat sa pintuan nang may magsalita. It's Chantel, the last member of our group. Pero mas natuon ang atensyon ko sa isa pang babae na kasama nya. 

"Ate Van," deretso akong napatayo sa kinauupuan ko nang makilala ko sya. 

" Clea, what are you doing here ?" tanong ko sa kanya nang makalapit sya. She's my sister's bestfriend. Magkasama sila sa retreat sa Villa Erlinda. 

"Nakwento sakin ni ate ang nangyari. Nag aalala ako kay Sam, how is she ?" Bakas sa boses nya ang pag aalala nya pero mas nahahalata ko ang takot na pilit nyang tinatago. 

"I'm not sure if she's okay." deretsong sagot ko. "Pwede mo bang sabihin sakin ang nangyari sa villa ?"

Alam kong nag aalinlangan pa syang magkwento. Napapansin ko rin na kinakabahan sya dahil pinipisil pa nya ang mga kamay nya. 

"May napapansin ka bang kakaiba sa bahay na yun ?" si Gail na mismo ang nagtanong. 

Umiling sya saka deretsong tumingin sa mga mata ko. "Wala, pero si Sam meron."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean ?" Nakataas ang kilay ko habang naghihintay sa susunod nyang sasabihin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status