Share

Chapter 12

Kasalukuyang nag hahanda si Vincent ng mga armas. Nakatanggap na siya ng tip kung saang lugar dinala si Shariena.

Bitbit ang malaking itim na bag at lumabas siya ng kanyang bahay, buo ang loob na sasabak sa panibagong pagsubok sa kanyang buhay.

Kung noon ay pumapatay siya para mabuwal ang mga gumagawa ng masasamang tao, pero ngayon ay isusugal niya ang kanyang buhay sa babae. Ang babaeng natutunan na niyang mahalin sa ilang mga araw na kasama niya ito.

Determinado siyang iligtas ang babae sa kamay ng mga kalaban, kaya niyang makipag patayan para kay Shariena.

Isang malawak na bakante ng lupa na puro damo at sa gitna nito ay mayroong abandonadong mansyon na pinag dalhan kay Shariena.

Pumwesto siya sa hindi kalayuan sa abandonadong mansyon at nagtago sa isang puno. Inihanda niya ang sniper rifle at nilagyan ng silencer para hindi ito gumawa ng ingay, plano niyang isa isahin barilin ang mga kalaban na makikita.

Nang maayos na niya ang mga kagamitan ay umakyat siya sa malaking puno.
บทที่ถูกล็อก
อ่านต่อเรื่องนี้บน Application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status