ISANG mahigpit na yakap at mainit na halik ang iginawad ni Yuri Takahashi nang mga sandaling iyon nang salubungin ito ni Vincent sa arrival area ng paliparan.Pasado alas singko ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nito buhat sa Japan. At makaraan ang maraming pagbusising pinagdaanan, bago mag-alas siyete ng gabi’y nagkita na ito at ang kasintahang si Vincent.Bakas sa anyo ni Yuri ang pagkasabik sa nobyo. Katunayan ang bugso ng damdamin na hindi nito napigilan dahil kahit sa harapan ng maraming tao, hinalikan nito sa labi si Vincent.“Oh, Vincent! How I miss you, honey! How are you?” anito matapos hagkan ang binata habang nakatitig sa guwapong mukha nito.Ang mga mata ni Yuri ay tila ba laging nakatawa bagama’t paminsan-minsan, noong magkasama sila ni Vincent sa Japan, ang mga mata na iyon ay madalas ding kabakasan ng kalungkutan ng binata. At batid niya na iyon ay dahil sa mga trahedyang pinagdaanan nito sa buhay na alam din ng binata na hindi pa nito lubusang nakakalimut
NAPADILAT si Yuri nang marinig ang sinambit na iyon ni Vincent.Tama ba ang kan'yang narinig? Pangalan ba ng babae ang binigkas na iyon ng kasintahan niya? O, baka naman nakakaringgan niya lang?Nakapikit pa rin si Vincent. Kasalukuyan pa rin nitong ninanamnam ang luwalhating hatid ng pagniniig nilang iyon. Hindi pa ito ‘tapos.’ Nasa ‘kainitan’ pa rin ito. Buong sigasig pa rin itong ‘bumabayo’ sa kaibuturan niya. Ramdam na ramdam ang sensasyong umaalipin dito. Lulong na lulong ito sa luwalhating nalalasap sa kandungan ng kasiping.At sa huling silakbo ng ‘nasa’ ng laman nito, muling narinig ni Yuri ang hindi pamilyar na pangalang binibigkas nito – na sinambit na namang muli sa pagkakataong iyon habang siya ang buong panggigigil nitong inaangkin.“Andreaaa…! Aaahhh…!!! Here I comeee…!!! Ooohhh...!!!BIGLANG itinulak ng Haponesa ang katipan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Sa iglap ay nawala ang init niya. At may talim ang mga matang tinitigan nito si Vincent.Si Vincent na n
ANG SUMUNOD na mga araw ay pinili at pinilit ni Vincent na makapagbigay nang kasiyahan kay Yuri. Kusa siyang nagpahinga sa pag-aasikaso sa kan’yang negosyo at muli ay ipinaubaya ito sa assistant niya kasabay din ng pagtuturo nito nang pasikot-sikot kay RJ sa larangan na iyon upang mas matuto pa ang binata, sa negosyong isa ito sa magiging tagapagmana pagdating ng araw. At saka, isang buwan lang naman si Yuri sa bansa. Bibigyan niya na ito nang sapat na panahon upang ma-enjoy nito ang pananatili rito. Obligasyon niya rin iyon sa nobya na kailangan niyang gampanan. Bagama’t madalas pa ring sumasagi si Andrea sa isip niya, pilit niya na lang itong iwinawaksi. Siya na rin ang nagsasabi, hindi pa niya tiyak ang kan’yang damdamin dito. Maaaring bunga lang iyon ng katuwaang umusbong sa kan’yang puso dahil sa pagkakaroon niya ng anak dito. Paminsan-minsan ay tinatawagan niya pa rin ito para kumustahin si Vince. Isang obligasyon din iyon na dapat niyang gampanan dahil responsibilidad niya
“WOW!” Bunghalit ni Gino sa telepono. “Biglang-bigla yata ‘yan, pare? Kahapon lang uli kayo nagkahiwalay ni Yuri, at kahahatid mo lang sa kan'ya sa airport, tapos ngayon, ibang babae na naman ang kakalantarien mo?”“Gago! Kalantarieng ano? Dadalawin ko ang anak ko. At alam ni Yuri ‘to. ‘Andami mo nang sinabi, ikaw na nga ‘tong niyayaya ko eh…! Ano? Sasama ka ba o hindi?”“But of course! Hindi ko pa nararating ang Catanduanes, pare. Ba’t ako tatanggi? Anong oras ba ang flight natin?”“Mamayang tanghali. Alas 12 empunto!”“Agad-agad? Mamaya agad?”“Ayaw mo?”“Sinabi ko ba? Pero bakit nga agad-agad?”“Dahil ngayon lang na-confirm ni Edna ang booking ng ticket. Kaya gumayak ka na. Kailangang maaga tayo sa airport.”Sinulyapan ni Gino ang wrist watch. pasado alas siyete pa lang ng umaga. Mahaba-haba pa ang oras nang igagayak nila. “Alam na ba ng dalawang kolokoy!”“Kanina pa.”“Ibig sabihin, ako ang huli mong in-inform? Lagi talaga akong huli pare, ha?” kunwa’y tampo pa ni Gino.“Huwag ka
BAKIT ganoon? Bakit may nabago na naman sa damdamin niya? At bakit sa mga sandaling iyon ay parang ayaw niyang mawala si Andrea sa buhay niya? Lalo na nang marinig niya ang mga litanya ni Meldy kanina, na anito’y itinataboy na nito si Andrea upang buksan ang puso sa iba. Teka sandali, parang hindi niya yata iyon matatanggap…!At saka, bakit ganoon ang dayalog ni Meldy? Na ayon pa dito’y may pinapangarap si Andrea ngunit nasaktan dahil nabigo diumano?Mahal ba siya ni Andrea? Siya ba ang pinapangarap nito? Kung kaya, siya ang pinili nitong maging ama ng anak niya kasi may pagtingin ito sa kan’ya?Iyon ang mga bagay na nagsasalimbayan sa utak ni Vincent nang mga sandaling iyon habang patungo siya sa mall kung saan naroroon daw ang mag-ina.At teka, bakit ba ganoon na lamang ang pagkataranta niyang iyon ngayon? Anong ibig sabihin noon? May pagtingin na rin ba talaga siya kay Andrea kaya ayaw niya itong i-give up at hindi niya gustong umibig ito sa iba?Ipinilig ni Vincent ang ulo. Napa
NAGKAKATUWAAN at nag-iinuman sina Toto at ang mga kaibigan ni Vincent nang dumating sina Andrea sakay ng tricycle.Kahit anong tanggi ng dalagang ina, pilit silang isinama ni Vincent sa bahay nina Meldy. Doon sila tumuloy sa halip na ihatid na lamang sila nito sa bahay nila ni Vince.“Please, Andeng. Gusto kang makilala ng mga kaibigan ko. At gusto kong ipagmalaki sa kanila ang anak natin.” Sabi pa ni Vincent kanina.Napahinuhod din nito ang dalagang ina matapos ang ilang sandaling pakiusapan.NAGING speechless ang tatlong kaibigan ni Vincent nang makaharap na ng mga ito sina Andrea at Vince. Tila ba walang gustong magsalita o magbitiw ng mga salitang angkop sa babaeng ‘naanakan’ ng kanilang kaibigan.Si Andrea man ay ganoon rin. Matapos siyang maipakilala ni Vincent sa mga ito, wala siyang malaman na sabihin o i-approach sa mga kaharap.Ang isang sulok ng utak niya’y nagtatanong. Ano kaya ang iniisip ng nga ito sa kan’ya? Baka, mababa ang tingin nito sa pagkatao niya?Sinawata niya a
MAY LUMAGABOG nga sa kusina! Ang lintek na pusa!Wagas ang ‘pag-miyawww’ nito nang magulantang sa biglang pagbukas ng pinto at ilaw. Bising-bisi kasi sa inuupakang pagkain sa mesa kaya hindi naging matalas ang pakiramdam na heto na pala at dumating na ang may ari ng ulam na nilalantakan niya.Kung nagulantang si muning, si Andrea nama’y nagulat din ng wagas. Palibhasa kasi’y tinatambol pa ng labis na kaba ang dibdib dahil nga sa presensiya uli ng tatay ng anak niya, kaya hayon. Nakadagdag pa sa tensyon niya ang ingay na ginawa ng salbaheng pusa. At kaybilis nitong nakatakas! Kung saan pumasok, doon din lumabas!Kaya heto si Andrea. Sa senaryong ikinabigla rin ni Vincent. Bigla ba naman siyang yakapin, eh…!“S-sorry…! H-hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako…!” paghingi pa ng dispensa ni Andrea kay Vincent kasabay nang pagbitaw niya ng yakap dito.“Okay lang naman kahit sinadya mo pa.” napangisi ang binata.Inirapan ito ni Andrea. Bigla niya na itong tinalikuran at pabuntong-hiningang ti
“BAKIT ako ang pinili mong ‘gumalaw’ sa ‘yo noong gabing iyon, para mabuntis ka at magkaroon ng anak?” Diretso ang tanong na iyon ni Vincent. Para bang walang pakundangan sa mararamdaman niyang – pagkapahiya, kung sakali…Napaawang nga ang labi ng dalaga. Ano ang isasagot niya? Diretsahang sagot din ba? Wala nang paligoy-ligoy? Hindi na siya magkukunwari?“N-naitanong mo na ‘yan sa akin, ‘di ba?”Umiling si Vincent. “Not really. Nagparamdam lang ako. Nagpahapyaw lang but, umiwas ka kasi sa very personal question.”“Bakit kailangang itanong mo pa ‘yan kung alam mo palang umiwas na ako dati?”“Baka sakaling sagutin mo na ako this time.” Seryosong sobra si Vincent. Ang mga mata ay matiim pa rin na nakatitig sa simple pero magandang mukha ng kaharap.“Ano ang mapapala mo and vice versa kung sasagutin ko ang tanong mong ‘yan?” seryoso rin si Andrea. Pilit na pinaglabanan ang dibdib na sumisikdo.“Hindi ko alam. Pero base sa magiging sagot mo, tatapatan ko ‘yon ng mga salitang parehong magp