KINABUKASAN NG UMAGA…Bumangon na rin ng maaga si Vincent kahit hindi sapat ang naging tulog niya nang nagdaang gabi. Siguro’y talagang naninibago lang siya makaraan ang isang taon na inilagi niya sa Japan.Doon kasi, tila nasanay na siya na may katabi siya lagi sa pagtulog. At sa paggising niya, nasa tabi pa rin niya ang presensiya ng kinakasama roon na si Yuri.Lumabas na siya ng kuwarto matapos maghilamos at mag-toothbrush sa sarili niyang banyo. Magkakape na siya para maalerto na nang tuluyan ang kamalayan niya pagkatapos ay pupunta na siya ng opisina at uumpisahan uling tutukan ng personal ang kan'yang negosyo.Gising na rin pala si RJ at hindi nito namalayan ang paglapit ni Vincent sa likuran niya nang mga sandaling iyon.Seryoso ito sa pakikipag-usap sa kan’yang telepono sa mahinang boses. Parang sadyang hinihinaan lamang talaga ang boses niya para hindi siya marinig ng kung sinuman o hindi siya marinig ng Papa Vincent niya.Pero nang malingunan na nito ang ama, para bang bigl
UMALIS si RJ na masamang-masama ang loob. Kay Vincent, kay Liz, sa nalaman nitong katotohanan. Kayhirap tanggapin ng natuklasan niya.Sa loob ng labingsiyam na taon, ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na may mali sa pagkatao niya. Sa isip, sa puso, itinimo niya na dugo’t laman siya ni Vincent. Na ito ang pinagmulan niya. Na ito ang tatay niya.At si Liz? Bakit iyon nagawa sa kan’ya ng sarili niyang ina? Ang ipagkaila siya nito, ang ituring lang siyang ‘anak-anakan’ gayong ito pala ang tunay niyang pinagmulan?Napakasakit…Lalo at dinanas niya sa piling ni Liz at ng asawa nito ang hirap ng katawan. Para siyang naging trabahador lang ng mga ito. Ngayon niya higit na naramdaman ang kawalan niya ng lugar sa poder ng mga ito. Ikinahiya siya ng sarili niyang ina! Mas inisip at mas pinaboran nito ang asawa kesa sa kan’ya na sarili nitong anak.PILIT namang sinansala ni Vincent ang pakiramdam na nagsisisi siya sa pagsasabi kay RJ ng totoo. Tama lang ‘yun, aniya sa sarili. Para magising din
“S-SORRY…” Isang salita lang iyon na binigkas ni Vincent sa anak-anakan pero nagmula iyon sa kaibuturan ng kan’yang puso.Buong pagmamahal na niyakap niya ito nang mahigpit. Ipinararamdam dito na kahit isinambulat niya na rito ang katotohanan, walang magbabago. Mananatili siyang ama para rito. Mananatili siyang nagmamalasakit at nagmamahal dito. Pinagmasdan niya si RJ matapos itong ihiwalay sa kan’yang bisig. Isang araw pa lang ang lumipas matapos ang naging argumento nila, pero heto ito ngayon. Hapis ang anyo. Nangangalumata. Indikasyon na hindi ito napalagay at nakatulog nang nagdaang gabi.“U-umuwi na tayo?” aniya rito. Naniniyak ang damdamin ni Vincent kung mapapahinuhod niya ba uli itong sumama sa kan’ya. Kung pipiliin ba siya nito sa pagkakataong iyon kumpara kay Liz na tunay nitong ina.Hindi sumagot si RJ. Iniwas nito ang mga mata sa kan’ya.Maagang-maaga pa kanina nang sadyain niya na agad ito kina Roy. At okay lang kahit hindi na siya mag-report sa opisina, ilalaan niya an
“VINCE! Naku naman, anak! Bakit ba kaylikot-likot mo?!” ani Andrea na nahawakan ang damit ng anak na magda-dalawang taong gulang na sa kasalukuyan.Agad niya itong nahila bago pa nakatakbo patungo sa dalampasigan. Kinarga niya ang bata at inilapag sa mesa ng kamalig na malapit sa dagat. Iyon ang nagsisilbing pahingahan nila nina Meldy pag ganoong dapithapon na. Doon sila tumatambay lalo pag ganoong weekend na walang pasok kinabukasan ang kan’yang kaibigan.“Ang tigas naman talaga ng ulo ng baby ko na ‘yan, ah? Gusto mo ng palo, ha? ‘Di ba sabi ko, behave ka na lang at huwag nang pupunta ng dagat? Bukas tayo maliligo, anak. Okay?"Humagikgik si Vince. Sa halip na sumagot, pinupog nito ng halik ang pisngi ng ina na para bang iyon ang paraan nito nang paghingi ng ‘sorry.’“Hays! Paano ba ako magagalit pa sa baby na ‘yan pag gan’yang hinalikan na si Mama?” si Andrea naman ang pumupog ng halik sa anak na ikinahagikgik uli ng bata.Tumunog ang cellphone niya pagkuwan. Ang katiwala niya sa g
“TEAM VINCENT ba kamo, ‘To?” Ulit ni Meldy sa binigkas ng asawa. “Sigurado ka? Ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon sa abaka?”Napamaang din si Andrea sa pagkakatitig kay Toto. “A-ang Team Vincent ang kliyente mo ngayon?” paniniyak rin ni Andrea na inulit lang ang sinabi ni Meldy. Hindi makapaniwala ang tono at anyo nito.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Toto sa magkaibigan. “Narinig naman ninyo, ‘di ba? Ang Team Vincent ang bagong susuplayan ko ngayon ng abaka. Na ang may-ari ay si Mr. Vincent Valderama. Bakit? Anong problema ninyong dalawa? Pamilyar ba kayo sa kompanyang iyon? Kilala ninyo ang may-ari? Paano naman nangyari?” Sunod-sunod tuloy nitong tanong nang buong pagtataka.Nagkatinginan uli ang magkaibigan. “A-ah eh, kasi noong nasa Laguna pa tayo nakapag-order kami ni Andeng doon. Nakita kasi namin sa face&book ang mga produkto nila.” Sabi ni Meldy na siya namang tunay.Napatango na lang si Toto. Pero may bahagyang pagka-diskumpiyado ang rumehistro sa mukha. Hindi siya kumbin
NASA bahay na nina Toto ang Team Vincent nang mga sandaling iyon matapos na maikarga sa kanilang sasakyan ang mahigit dalawang tonelada ng abaka threads. At heto si RJ ngayon. Kasalukuyang titig na titig kay Mary na hayon naman at puno ng kainosentehang nakaupo sa tatlong baitang ng hagdanan sa bahay nila habang nagmamasid-masid lamang sa mga kaganapan.Tapos nang kumain ang Team Vincent sa kagandahang loob din ng mag-asawang Toto at Meldy. Nagpapahinga lang ng bahagya ang mga ito at mamaya ng konti’y bibiyahe na rin pabalik ng Maynila.Matapos kasing magkarga ng abaka, pilit pa munang pinabalik ni Toto sa bahay nila ang mga ito para nga makakain muna ng tanghalian. Nakaluto na umano si Meldy, aniya pa. Mga nahihiya ma’y napahinuhod na rin niya ang mga ito.“Nakakahiya ho ng sobra sa inyo, Boss Toto at Ma’m Meldy. Sinagot n’yo na ang almusal namin kanina, ngayon naman, pananghalian pa.” sabi ni Litoy, ang isa sa pinagtitiwalaan na tauhan ni Vincent.Napakasarap pa ng ulam namin. Ginat
NATUWA si Vincent nang makita ang abaka threads na dala ng kan’yang team matapos dumating sa Maynila ang mga ito. Hindi siya nagkamali ng pagtitiwala sa bagong supplier nila ng pangunahing materyales ng kan’yang kompanya.Halos labing-apat na oras din ang naging biyahe nina RJ mula sa lugar nina Toto sa Catanduanes, hanggang sa lokasyon nila sa Makati. Pagod na pagod ang tropa kaya pinagpahinga muna ni Vincent ang mga ito. Tutal ay totoong sulit naman ang naging pagod ng mga ito sa ginawang pag-angkat ng materyales nilang iyon.Siyang-siya si Vincent habang binubusisi ang mga hibla ng abaka. Kumpara kasi sa mga litrato o videos na si-nend sa kan’ya bago siya nakipagkasundo sa supplier nito, mas litaw ang katangian ng threads ngayong personal niya na itong nakita.Ispesyal itong maituturing kumpara sa ibang kauri nito, palibhasa siguro’y hinahabi pa rin ito sa tradisyunal na paraan ayon na rin kay Toto.Hindi talaga sila lugi sa mahabang kinunsumo sa biyahe ng kan’yang mga tao para m
“EDNA,” bahagyang sumilip sa pinto ng private office niya si Vincent at tinawag ang sekretarya. Sinenyasan niya itong pumasok sa opisina niya. Agad namang tumalima ang babae.“Yes, boss?” anito nang kaharap niya na ito.“Ah eh, gusto ko lang malaman kung may importante ba akong appointment this week? Baka kako nakakaligtaan ko?”“Wait, boss. Itsi-check ko.” Lumabas saglit si Edna at naupong muli sa tapat ng kan’yang computer. Pagbalik ay matamis ang ngiti sa amo. “Wala, boss. Walang gaanong importanteng mga ganap sa buhay mo this week maliban sa pagbusisi mo sa lahat nang natapos nating trabaho na ready for delivery na next week, at ang pagsalubong mo kay Miss Yuri sa makalawa. Iyon ang mas importante.” parang kinilig pa si Edna matapos ang mahabang sinabi.Natawa si Vincent. “Well, okay. Paki-book kaming dalawa ni RJ sa eroplano going to Catanduanes if possible, lilipad kami bukas ng umaga.”Napanganga si Edna.Tumaas ang kilay ni Vincent. “Do I need to explain to you the reason why,