LOGINHindi pa man ako nakakapag-ikot nang maayos sa mansion, pakiramdam ko ay may malaking kalokohang naghihintay sa akin.
At hindi ako nagkamali.
Habang naglalakad ako sa pasilyo, may narinig akong dalawang babaeng nag-uusap malapit sa kusina.
“Magkano tayaan natin?” tanong ng isa.
“Isang araw lang. Sigurado akong hindi aabot ng bukas ’yan,” sagot ng kasama niya.
Napahinto ako.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
“Dalawang araw ang ibibigay ko. Mukhang matapang siya, pero hindi pa niya nakikilala nang husto si Young Master Alex.”
“Ang dali mong magtiwala. Labindalawang yaya na ang umalis. Ano sa tingin mo ang ikinatatangi niya?”
“Wala. Gusto ko lang manalo.”
Napailing ako. Hindi man nila sabihin ang pangalan ko, malinaw kung sino ang tinutukoy nila.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.
“May pustahan pala rito?” biglang tanong ni Gustavo mula sa likuran nila.
Halos mapatalon ang dalawang babae.
“G-Ginoong Gustavo! Wala po kaming ginagawa!”
“Talaga? Akala ko ba may pustahan kayo kung gaano katagal ang bagong yaya?”
Nagkatinginan ang dalawa, hindi alam kung paano sasagot.
Umubo si Gustavo at kunwaring nagseryoso.
“Hindi ba kayo nahihiya? Dapat ay nagtatrabaho kayo sa halip na magpustahan.”
“Opo, Ginoong Gustavo.”
“Magkano ang taya ninyo?”
Nagulat ang dalawa sa tanong.
“Ha?”
“Para malaman ko kung magkano ang mapapanalunan ko.”
Napanganga ang mga babae.
Maya-maya, narinig ang pigil nilang pagtawa habang inilalabas ni Gustavo ang sarili niyang pustang halaga.
“Isang linggo,” aniya. “Sa tingin ko, mas matibay ang babaeng iyon kaysa sa inaakala ninyo.”
Samantala, sa silid ni Alex, may sarili ring pustahan ang mga hayop.
“Dalawang araw,” tila ipinahayag ni Shadow habang nakahiga sa sahig.
Tatlong araw naman ang itinaya ni Duchess.
“Malamang hindi isang buwan? Hindi siya aabot ng isang buwan,” dagdag ni Shadow.
Mula sa aquarium, biglang lumabas si Bubbles.
“Isang buwan na bakasyon po ba? Sama ako! May pagkain ba roon?”
Napalingon si Shadow sa isda.
“Walang bakasyon, tulog-mantika!”
“Ah, ganoon ba? Pero may pagkain naman, hindi ba?”
Napailing si Duchess. “Hindi talaga nauubos ang gutom ng isang ito.”
Samantala, nasa sala ako at tahimik na kumakain ng tsokolate. Sa wakas, may ilang minutong katahimikan akong natamasa.
Akala ko ay ligtas na ako.
Hanggang sa may maliit na kamay na biglang dumukot sa hawak ko.
“Hoy! Alex!”
Mabilis na tumakbo ang bata palayo habang hawak ang tsokolate.
“Bumalik ka rito! Hindi pa ako tapos!”
Humabol ako sa kanya sa sala, paikot sa sofa at paliko sa pasilyo. Nakakainis dahil maliit siya, pero ang bilis niyang tumakbo!
“Alex! Hindi ko naman aagawin lahat! Ibalik mo lang!”
Pero hindi siya huminto.
Sa halip, mas lalo pa siyang bumilis.
Hanggang sa bigla siyang bumangga sa isang taong palabas ng pasilyo.
Si Roman.
Napahinto ako sa pagtakbo.
Nakita ko ang tingin ni Roman na bumaba sa kamay ng anak niya. Nandoon ang balot ng tsokolate.
“Alex,” malamig niyang tawag.
Napatingin ang bata sa ama niya.
“Binigyan mo ba siya ng tsokolate?” tanong ni Roman habang nakatingin ng matalim sa akin
“Hindi!”
“Kung gayon, bakit nasa kanya iyan?”
“Dahil inagaw niya sa akin!”
Hindi siya nakinig. Hinawakan niya ang braso ko at mariing nagsalita.
“Alam mo bang bawal sa kanya ang tsokolate dahil lalo siyang magiging hyper? Sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot na bigyan siya?”
Napasinghap ako sa inis.
“Sa tingin mo ba binigay ko ’yan? Kung binigay ko ’yan, hindi ko sana siya hinahabol para bawiin!”
“Kung ikaw ang kumakain, bakit nasa bibig ng anak ko?”
“Inagaw niya sa akin! Hindi ko ibinigay!”
“Wala ka ring kuwenta. Hindi ka marunong sumunod.”
Napatawa ako nang mapait.
“Mas wala kang kuwenta, kasi hindi ka marunong makinig!”
Nanigas ang mukha niya.
“Anong sinabi mo?”
“Ang sabi ko, hindi ka marunong makinig! Bata ang anak mo. Natural na magiging mausisa siya sa mga bagay na ipinagbabawal mo. Ilang beses mo na siyang pinagbawalan, pero nabawasan ba ang pagiging malikot niya?”
“Lumayas ka. Hindi ko kailangan ng taong lalason sa anak ko.”
“E di lalayas ako! Hindi ko rin kayang makita ang alaga ko na may amang katulad mo ang pag-iisip!”
Sa sulok, nakatayo si Alex. Hindi na siya tumatakbo. Tahimik siyang nakatingin sa amin.
Habang mariin pa ding hawak ni Roman ang braso, lumapit c Alex at bigla niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko.
Napahinto ako.
Iniabot niya sa akin ang balot ng tsokolate.
Napatitig ako rito.
Nandoon pa ang tsokolate, buo at hindi naman niya kinain.
Napatingin ako kay Roman.
“O, ayan. Hindi niya kinain. Bago ka magalit, sana alamin mo muna ang buong kuwento.”
Hindi siya nakasagot.
Kinuha ko ang tsokolate at inilagay sa palad niya.
“Sa susunod, makinig ka muna bago ka magbintang, dahil aminin mo man o hindi napakadaming namamatay sa maling akala"
Tinignan ko si Roman ng matalim, at inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin.
Pagkatapos, tumingin ako kay Alex inayos ko ng bahagya ang buhok niya at pinisil ang kanyang pisngi.Tahimik siyang nakahawak pa rin sa damit ko.
“Halika na, Alex.”
“Ikaw na naman?!”Napatingin ako sa aquarium nang marinig ko ang tila pamilyar na boses na kanina ko pa naririnig sa isip ko.Napailing ako.Pagod lang ako. Gutom. At malamang, sobra na ang stress ko sa unang araw ko sa mansiyong ito.Kaya sa halip na patulan ang sarili kong imahinasyon, kumuha ako ng pagkain para sa isda at naglagay ng dalawang takal sa aquarium.“Ayan. Dalawang takal. Sana naman tumahimik na ang lahat dito.”Napahinto ako.Bakit ko ba sinabi iyon? Isda lang naman ang kausap ko.Tiningnan ko si Bubbles. Abala na ito sa pagkain at wala nang anumang tunog na nagmumula sa kaniya.Sinubukan kong maghintay. Baka may marinig na naman ako.Wala.“Hay, salamat,” bulong ko sa sarili ko.Baka nga guni-guni lang ang lahat. Baka sa sobrang pagod ko, pati mga hayop sa mansiyong ito ay naiisip kong nagsasalita.Kung ganoon, kailangan ko talagang matulog nang maayos.Napatingin ako kay Alex. Nakaupo pa rin siya sa kama, tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Nang mapansin niyang nak
Hinawakan ko si Alex sa kamay at dahan-dahan siyang inihatid sa silid niya.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa batang ito. Kanina lang, para siyang maliit na demonyong handang manggulo ng buong mansion. Pero nang makita ko siyang nakatayo sa sulok habang pinapagalitan ako ng sarili niyang ama, parang biglang nawala ang lahat ng kalokohan sa mukha niya.Para siyang batang sanay na masisi kahit hindi pa alam ang buong pangyayari.Pagdating namin sa silid niya, pinaupo ko siya sa gilid ng kama.“Alam mo, Alex, sa sobrang dami ng nangyari ngayon, ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain nang maayos.”Tumingin siya sa akin.“Parang kung anu-ano na ang naririnig ko dahil sa gutom. Pasensya ka na, ha?”Ngumiti ako nang pilit habang inaayos ang magulong buhok niya.“Gusto mo bang kumain tayo?”Bago pa siya makasagot sa pamamagitan ng pagtango o pag-iling, may narinig akong boses mula sa likuran.“Master, ano pong nangyari? Inabot ka ba ni Bossing?”Napali
Hindi pa man ako nakakapag-ikot nang maayos sa mansion, pakiramdam ko ay may malaking kalokohang naghihintay sa akin.At hindi ako nagkamali.Habang naglalakad ako sa pasilyo, may narinig akong dalawang babaeng nag-uusap malapit sa kusina.“Magkano tayaan natin?” tanong ng isa.“Isang araw lang. Sigurado akong hindi aabot ng bukas ’yan,” sagot ng kasama niya.Napahinto ako.Ako ba ang pinag-uusapan nila?“Dalawang araw ang ibibigay ko. Mukhang matapang siya, pero hindi pa niya nakikilala nang husto si Young Master Alex.”“Ang dali mong magtiwala. Labindalawang yaya na ang umalis. Ano sa tingin mo ang ikinatatangi niya?”“Wala. Gusto ko lang manalo.”Napailing ako. Hindi man nila sabihin ang pangalan ko, malinaw kung sino ang tinutukoy nila.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.“May pustahan pala rito?” biglang tanong ni Gustavo mula sa likuran nila.Halos mapatalon ang dalawang babae.“G-Ginoong Gustavo! Wala po kaming ginagawa!”“Talaga? Akala ko ba may pustahan kayo kung ga
Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan sa tapat ng mansion, may nakita na akong babaeng nagmamadaling lumabas ng gate.Lukot-lukot ang damit niya, magulo ang buhok, at ang pinakanakakatawa sa lahat—iisa lang ang suot niyang tsinelas. Hawak niya ang bag sa isang kamay habang galit na nakaturo sa malaking aso sa likod niya.“Hindi ako bayad para maging yaya, tagalinis, bantay ng aso, at taga-alaga ng pusa! Tao ako! Tao!”Napahinto ako sa pag-aayos ng bag ko.Lumapit ang babae sa gate at sinipat ako mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba ang kapalit ko?”“Kung ako po, mukhang oo.”Napahawak siya sa dibdib na para bang nakatanggap ng masamang balita. “Anak, tumakbo ka na. Huwag ka nang pumasok!”“Bakit po?”“Dahil ang aso rito, magnanakaw ng tsinelas! Ang pusa, parang reyna kung umasta! At ang batang aalagaan mo…” Napalingon siya sa mansion. “Tahimik. Sobrang tahimik. Minsan mas nakakatakot pa ang katahimikan kaysa sigaw.”Mula sa may hagdan, tumahol ang malaking aso. May hawak itong tsin
“AYOKO NA! MAG-RESIGN NA AKO!”Napahinto ang mga katulong sa mansion nang marinig ang malakas na sigaw mula sa ikalawang palapag.Hindi iyon ang unang pagkakataong may yaya na nagwala sa loob ng bahay ng mga Valtieri. Sa katunayan, halos naging pang-araw-araw na palabas na iyon sa tuwing may bagong empleyadong sumusubok alagaan ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya.May mga tumatagal nang isang araw. May iba namang hindi man lang umaabot ng tanghalian. Ang ilan ay umaalis na umiiyak, ang iba nama’y nagmumura habang bitbit ang kanilang mga gamit. Pero lahat sila ay may iisang dahilan: si Alex Valtieri.“IBALIK MO ANG TSINELAS KO!”Tahol ng aso ang sumagot.“Shadow! Bitiwan mo nga!”Mula sa hagdan, nakita ng ilang katulong ang isang malaking aso na tumatakbo habang may nakasabit na tsinelas sa bibig nito. Sa likod niya, habol nang habol ng bagong yaya na halos maiyak na sa inis. Nakataas ang laylayan ng kanyang uniporme, magulo ang buhok, at halatang pinagsisisihan na niya ang pag-a-a







