LOGINHinawakan ko si Alex sa kamay at dahan-dahan siyang inihatid sa silid niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa batang ito. Kanina lang, para siyang maliit na demonyong handang manggulo ng buong mansion. Pero nang makita ko siyang nakatayo sa sulok habang pinapagalitan ako ng sarili niyang ama, parang biglang nawala ang lahat ng kalokohan sa mukha niya.
Para siyang batang sanay na masisi kahit hindi pa alam ang buong pangyayari.
Pagdating namin sa silid niya, pinaupo ko siya sa gilid ng kama.
“Alam mo, Alex, sa sobrang dami ng nangyari ngayon, ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain nang maayos.”
Tumingin siya sa akin.
“Parang kung anu-ano na ang naririnig ko dahil sa gutom. Pasensya ka na, ha?”
Ngumiti ako nang pilit habang inaayos ang magulong buhok niya.
“Gusto mo bang kumain tayo?”
Bago pa siya makasagot sa pamamagitan ng pagtango o pag-iling, may narinig akong boses mula sa likuran.
“Master, ano pong nangyari? Inabot ka ba ni Bossing?”
Napalingon ako.
Walang tao.
Si Shadow lang ang naroon, nakaupo sa tabi ng kama. Nakatungo ito kay Alex na para bang talagang nag-aalala.
Kasunod na nagsalita ang pusa.
“Nasaktan ka ba niya, Master? Sabihin mo lang sa amin. Kalmutin ko ang pantalon niya mamaya.”
Napatigil ako sa paghinga.
Sandali.
Ano raw?
Dahan-dahan akong tumingin sa paligid. P***o. Bintana. Aparador. Ilalim ng kama.
Wala namang ibang tao.
Napatingin ako kay Alex. Nakatingin din siya sa akin, pero mas malaki ang mga mata niya kaysa kanina. Pagkatapos, bigla niyang tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay.
Si Shadow naman ay mabilis na sumuot sa ilalim ng kama.
Si Duchess ay parang multong naglaho papasok sa aparador.
Napakurap ako nang ilang beses.
“Hindi maaari,” bulong ko sa sarili.
Baka pagod lang ako. Baka gutom. Baka dahil sa stress na dulot ng ama ng batang ito, nag-iilusyon na ako. Kelan pa nakapagsalita ang mga hayop, ano ka ba Veronica anong klaseng kahibangan ka ba naman meron, unang araw palang praning ka na.
Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti kay Alex.
“Huwag na kayong mag-alala. False alarm lang.”
Pagkasabi ko niyon, natigilan ako.
Sino ang kausap ko?
At bakit ko sinabi yun?
Hindi pa ako nakakabawi sa sarili nang may gumalaw sa gilid ng silid. Napalingon ako sa aquarium.
Doon, dahan-dahang lumabas mula sa maliit na taguan nito ang clownfish.
“Madam, oras na po ba ng kain? Dalawang takal po ang sa akin. Gutom na gutom na ako.”
Napaatras ako ng isang hakbang.
“HAH?!”
Hindi ako sigurado kung talagang narinig ko iyon o tuluyan nang nasira ang utak ko.
Isang aso. Isang pusa. Ngayon, pati isda?
Ano ang susunod? Yung mga halaman sa hardin, hihingi rin ng fertilizer?
Napahawak ako sa sentido ko.
“Hay naku, Alex. Kailangan ko na talagang kumain. Iba na ’to.”
Tumayo ako at itinuro ang p***o.
“Babalik ako, ha? Dadalhan kita ng meryenda.”
Tumango si Alex.
Bago ako tuluyang lumabas, muli kong sinulyapan ang aquarium. Tahimik na lumalangoy si Bubbles na para bang wala siyang ginawang kakaiba.
Napailing ako.
“Gutom lang ’to. Gutom lang.”
Pagkasara ko ng p***o, saka lamang lumabas si Shadow mula sa ilalim ng kama.
“Master, naririnig niya rin ba kami?”
Lumabas din si Duchess mula sa aparador. Umupo ito sa harap ni Alex at matamang pinagmasdan ang bata.
“Sure ka, Chief? Baka nagkataon lang.”
Umiling si Alex at nagkibit-balikat. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari.
Biglang lumitaw si Bubbles sa harap ng aquarium glass.
“Wala pa ba ang pagkain? Dalawang takal ang order ko!”
Napalingon si Shadow sa aquarium.
“Pahamak ka talaga, Bubbles.”
Samantala, napangiti si Alex. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang araw na iyon, tila may bago siyang dahilan para maging masaya.
Ilang minuto ang lumipas bago ako bumalik sa silid dala ang isang plato ng meryenda.
Pagbukas ko ng p***o, para bang walang kakaibang nangyari.
Nakahiga si Shadow sa sahig at kunwari'y natutulog. Abala naman si Duchess sa pag-aayos ng balahibo nito. Si Alex ay tahimik na nakaupo sa kama, habang si Bubbles ay paikot-ikot lamang sa aquarium.
Napahinga ako nang maluwag.
Buti naman.
Baka nga gutom lang talaga ako.
Inilapag ko ang plato sa maliit na mesa sa tabi ng kama.
“O, Alex. Kumain ka na. Baka mamaya pati ikaw, kung anu-ano na rin ang marinig mo.”
Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.
Kumuha ako ng isang pirasong tinapay at nagsimulang kumain. Sinadya kong huwag nang pansinin ang mga hayop. Ayokong bigyan ng pagkakataon ang utak kong gumawa na naman ng kung anu-anong kalokohan.
Tahimik ang buong silid.
Hanggang sa—
Tok. Tok. Tok.
Napalingon ako sa aquarium.
Nakatayo si Bubbles sa harap ng salamin, paulit-ulit na itinatama ang munting ulo nito sa glass.
“Madam! Hello po! Yung dalawang takal ko!”
Napatayo ako.
Dahan-dahan akong lumingon kay Bubbles.
Nanlaki ang mga mata ko, at agad kong binaling ang ulo ko sa kaliwa at kanan,dahil malamang talagang malala na ang pagod ko kasi, naaapektuhan na pati pandinig ko.. Muli akong tumingin sa aquarium, akyat baba na lumalangoy ang isda na parang di siya napapagod...
At tumigil ito , biglang timingin sa akin...Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong binabalikan ang huling pangungusap sa notebook.“Paano kung may nakakaalam na ng sikreto ko bago ko pa man ito lubusang maintindihan?”Kung tutuusin, wala naman akong patunay na may nagmamasid sa akin. Baka nadadala lang ako ng mga nababasa ko. Pero pagkatapos makita ang mga tala ng aking ina, hindi ko na kayang ituring na simpleng pagkakataon ang lahat.Binuksan ko ulit ang notebook at sinuri ang mga pahinang hindi ko pa nababasang mabuti. May ilang bakanteng pahina sa gitna, habang ang iba naman ay may mga guhit ng hayop at maiikling tala.May isang pahina na may nakasulat na petsa, pero halos hindi na mabasa ang mga numero.Sa ilalim nito, may pangungusap.“May dumating sa bahay ngayon. Sinabi niyang gusto lamang niyang magtanong tungkol sa mga hayop. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako mapalagay sa kanya.”Napa
Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong binabalikan ang huling pangungusap sa notebook.“Paano kung may nakakaalam na ng sikreto ko bago ko pa man ito lubusang maintindihan?”Kung tutuusin, wala naman akong patunay na may nagmamasid sa akin. Baka nadadala lang ako ng mga nababasa ko. Pero pagkatapos makita ang mga tala ng aking ina, hindi ko na kayang ituring na simpleng pagkakataon ang lahat.Binuksan ko ulit ang notebook at sinuri ang mga pahinang hindi ko pa nababasang mabuti. May ilang bakanteng pahina sa gitna, habang ang iba naman ay may mga guhit ng hayop at maiikling tala.May isang pahina na may nakasulat na petsa, pero halos hindi na mabasa ang mga numero.Sa ilalim nito, may pangungusap.“May dumating sa bahay ngayon. Sinabi niyang gusto lamang niyang magtanong tungkol sa mga hayop. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako mapalagay sa kanya.”Napa
Hindi mawala sa isip ko ang pamagat na nakita ko sa huling pahina ng notebook.“Ang unang pagkakataon na may ibang nakapansin.”Bakit hindi ko iyon nabasa kagabi? At sino ang tinutukoy ng aking ina?Maaga akong nagpaalam kay Roman na gusto kong magpahinga sandali sa kuwarto. Hindi naman ako nagsinungaling. Kailangan ko talaga ng pahinga—lalo na sa dami ng tanong na paikot-ikot sa isip ko.Pagkasara ko ng pinto, inilabas ko agad ang itim na notebook mula sa bag ko. Umupo ako sa kama at binuklat ang pahinang may pamagat.Sa ilalim nito, may ilang talatang nakasulat sa mas maliit na letra.“Akala ko, ako lamang ang nakapapansin sa mga bagay na ito. Pero ngayong araw, may isang taong nagtanong sa akin kung bakit tila naiintindihan ako ng mga hayop.”Napahawak ako sa gilid ng notebook.Nagpatuloy ako sa pagbabasa.“Hindi ko alam kun
Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon.Nasa ibabaw ng aking bedside table ang itim na notebook. Ilang beses ko na iyong isinara at muling binuksan, umaasang baka may makita akong sagot na hindi ko napansin sa unang pagbasa.Pero habang tumatagal, lalo lamang dumarami ang tanong ko.Bakit hindi sinabi sa akin ng aking ina ang tungkol sa mga kakaibang karanasan niya? At kung pareho kami ng nararanasan, ibig bang sabihin ay alam niya ang dahilan kung bakit naiintindihan ko ang mga hayop?Huminga ako nang malalim at muling binuklat ang notebook.Sa mga sumunod na pahina, mas naging personal ang mga tala. Hindi lamang tungkol sa mga hayop ang isinulat ng aking ina. May mga kuwento rin tungkol sa mga araw na tila nauunawaan niya ang takot ng isang hayop kahit hindi ito gumagawa ng anumang tunog.May isang tala na agad nakakuha ng pansin ko.“Ngayong araw, nakita ko ang isang asong sugatan sa tabi ng kalsada. Hindi ito lumalapit sa mga taong sinusubukang tulungan ito. Nang tumigil ako a
Pagkabukas ng pinto, sinalubong kami ng amoy ng lumang kahoy at makapal na alikabok. Madilim ang silid, kaya kinailangan kong gamitin ang flashlight para makita ang mga estante, kahon, at lumang kabinet na nakapalibot sa amin.“Parang walang naglilinis dito simula pa noong panahon ng mga dinosaur,” bulong ko.“Kung ganoon, mag-ingat ka sa bawat hahawakan mo,” sagot ni Roman. “Hindi natin alam kung ano ang nasa loob ng mga kahon.”“Salamat sa napakagandang paalala. Lalo akong ginanahang maghalughog.”Bahagya siyang napangiti bago lumapit sa isang kabinet. Binuksan niya ang unang drawer at nagsimulang maghalungkat ng mga lumang papeles. Ako naman ay nagpunta sa kabilang estante, habang tahimik na nagmamasid ang mag-asawang daga sa isang butas sa dingding.“Bell,” tawag ng isa sa kanila.Lumingon ako nang bahagya.May itinuro itong maliit na drawer sa ilalim ng isang lumang mesa. “Tingnan mo ang nasa likod niyan.”Dahan-dahan akong lumapit at hinila ang drawer. May mga lumang sobre, kupa
Hindi ako mapakali mula nang marinig ko ang bulong ng babaeng daga.“Hindi pa dapat.”Ano ang hindi pa dapat? At bakit parang may itinatago sa amin ang dalawang maliliit na nilalang na iyon?Nasa silid ako, nakaupo sa gilid ng kama, nang makarinig ako ng kaluskos sa ilalim ng pinto.“Bell?”Boses iyon ng lalaking daga.“Bakit?”“Pwede ka bang lumabas sandali?”Bago pa ako makatayo, narinig ko ang mahinang pag-aaway sa labas.“Ikaw ang magsabi sa kanya,” bulong ng babae.“Bakit ako? Ikaw ang unang nagsabing dapat na nating sabihin!”“Dahil lalaki ka!”“Anong koneksiyon noon?”Napapikit ako. Diyos ko. Pati mga daga, may problema sa paghahati ng responsibilidad.Binuksan ko ang pinto.Nasa sahig ang mag-asawa, parehong nakatingala sa akin. Ang lalaki ay may seryosong mukha,







