Share

WSS 3

Chapter 3

Agent QUATRO Pov

"Singko, nasa kaliwa mo ang target," mahina at pasimple kong pagbibigay alam sa isa kung membro sa grupo.

"Copy, " sagot niya, habang sumasayaw. Nasa gitna siya ng dance floor, habang ako ay nasa isang mesa sa madilim na bahagi ng bar.

Maigi kong pinag-aaralan ang kabuohan ng bar na ito. At sa loob nito ay ang mga naka-disguise na kasamahan ko. May isang mission kami at iyon ang protektahan ang matanda at retired na Police General.

Narito siya para mag-aliw, at kanina pa nga namin napapansin ang isang matabang lalaki na nakasunod sa kanya, kahit saan magpunta.

"Hi ma'am here's your order." Hindi ko pinansin ang lalaking waiter na naglapag ng inorder kong beer. Hinayaan ko ito na umupo sa tabi ko.

"Tauhan 'yan ng heneral," sabi nito sabay yumuko para kunwari ayusin ang pagkakabuhol ng sintas niya.

"Kakarating niya lang ng bansa galing Russia."

Tumayo ito bitbit ang tray ng alak at yumuko sa akin.

"Ma'am may ibang order pa po ba kayo?" tanong nito paglaun. Kinindatan ako, tila sinasabi na sakyan ko ang drama niya.

"Wala na thank you," magiliw kong sagot dito. Umalis ito. Tinunga ko ang isang bote ng beer. Sinulyapan ko si Singko, wala na ito sa intablado.

"Singko, nasaan ka?" tanong ko dito.

"Q, check the man in mint green. Kanina pa siya nakatingin kay Singko," Aspin in the line.

"Nasa dressing room ako. Aspin, that man in mint green ay pulis. Nakasunod din siya sa target." Singko, informing us.

"Standby guys," utos ko sa kanila.

"Copy," they answered in chorus except for Aspin.

"Tumayo, ang target Q. Mukhang papunta ng banyo,"

"Sundan mo," utos ko dito habang hinuhubad ang suot na jacket.

Gusto kung magpalit ng p'westo at do'n sa malapit lang sa heneral, para kung may magyari man, ay maprotektahan ko agad ito.

Pagkatayo, nakisali ako sa isang grupo ng mga kababaihan na nag-sasayawan. I know one of them, kaya hindi ako nahirapan mapasama sa kanila.

DRIX ADAMS POV

"Ohhh yeahhhh," hiyawan ng kababaehan sa likuran ng akin kinauupuan.

Kanina pa sila nagsisigawan at mukhang may mga tama na nga ito. Hindi ko nga sana sila papansinin dahil iba ang sadya ko ngayon sa bar, subalit ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na kasama ng grupong ito, ay sa kanila na nakatutok ang mga tainga ko. Ayaw kong may makaligtaan ako sa hiyawan at usapan nila.

"Oh God Arsen, that's so hot!" rinig kong komento ng isang babae sa likuran ko.

"Go Arsen, igiling mo pa, " hiyaw ng isa pa.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata, bago tinunga ang baso ng alak na aking hawak. That woman,—no! That girl, is making me crazy! Wala na talaga siyang magawang matino. Laging sakit ng ulo!

"That so hot babe."

Parang nabingi ako sa boses ng lalaki. Ang bilis ng paglingon ko sa aking likuran, para tingnan ang nagsalita no'n.

"Fuck! Get off," tulak ni Arsenia dito. Natatawa naman ang gago sa ginawang pagtulak sa kanya, na tila ba mas ginanahan siya.

"Common, babe," nakangising anas ng lalaki at lumapit ito. Tumayo ako. At sabay sa paghakbang ko ang pagkabasag ng bote sa ulo ng lalaki. Kasabay ng pagbagsak ng lalaki ang pagkataranta ni Arsenia at ng mga kasamahan niya. Napasigaw pa ito, 'di makapaniwala sa kanyang ginawa. At bago pa tuluyan magkagulo ay namagitan na ako.

"Are you okay?" tanong ko dito. Agad naman akong niyakap ng mapagsino ako.

"Drix napatay ko ba siya?" nag-aalalang tanong niya. I caressed her hair to calm her down.

"He'll be okay," pag-aalo ko sa kanya. Kahit ang totoo ay gusto kung matuluyan na sana ang lalaki. Dahil kong ako ang nakaharap niya ay 'di lang mababasag ang isang bote sa bungo niya. Arsenia irritates me, often, pero 'di ko gusto ang pagaligid ng sino mang lalaki sa kanya.

"I'll drived you home," pagpresenta ko sa kanya. Nang kumalma kasi ito ay nagyaya ng umuwi.

"Can I stay at your place, tonight? " natigilan ako sa pagsara ng pinto.

"Wala si Daddy, nasa Cebu, "she continued. I nodded, get into the car and start the engine.

Pagkarating ng condo ay pinaligo ko na siya. Pinaghanda ko siya ng t-shirt ko at boxer short na 'di pa naisusuot. Wala akong ibang damit na maipapahiram sa kanya maliban 'yong sa akin. 'Di na rin naman puwede ang suot niya kanina dahil madumi na iyon.

Tinungo ko na rin ang kusina. I don't know if she will eat but, i cooked for two of us. Babalikan ko na lang siya ulit sa kwarto kapag natapos ko ang paghahain.

"Hey, wake up," mahina kong tinatapik ang braso niya. Nakatulog na ito na basa ang buhok. Nakalapat ang lkalahating katawan sa kama at ang kalahati ay nasa sahig. Tanging suot ang t-shirt ko na pinahiram sa kanya. Nang dumako sa mga hita niya ang mga mata ko, ay bigla akong may napagtanto. I checked immediately the cotton short I prepared for her. Nasa ilalim no'n ang boxer short. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na ito doon. Mabuti na lang at naisuot niya 'yon. Minsan pa naman ay subrang ang kapilyahan ng babaeng 'to.

Naiiling hinawakan ko ang magkabilaang niyang kamay at dahan-dahan na hinahatak siya pabangon sa kama.

"Ahhhhmm, " ungol niya.

"Wake up, lets eat," nagmulat siya ng mata at maliit na ngumiti.

"Can I eat here?" inaantok niya pang tanong.

"No!"

"Why?" gulat niyang balik tanong sa akin.

"It's because, this is my bedroom," sagot ko. Ngumuso siya at umayos ng upo.

"Lalamig ang pagkain bilisan mo." I leave after saying those to her. Napangiti naman ako ng maramdaman ko ang pagsunod niya.

We eat quietly. Siguro dahil inaantok siya o 'di kaya wala siya sa mood para sa mga kapilyahan niya. She presented to wash the dishes, but I did not allow. Pinagpahinga ko na ito dahil bukod sa may tama pa sa alak ay mukha itong pagod na pagod.

I stretched my arms bago dahan-dahan nagmulat. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa pagmulat ko ang mukha ni Arsenia. Nasa ulohan ko siya. Nakayuko at magkalapit ang aming mga mukha. Tila biglang naglaho ang lahat ng nakapaligid sa amin at siya lang ang nakikita ko. I can see clearly how her eyes blink in slow motion. How clear and smooth her pinkish cheeks and lips. How calming the minty scent of the soap she uses, and even her breath.

"Good morning aking asawa, " pilyang bati niya . At mukhang iyon na din ang hudyat ko sa sarili para bumalik sa katinuan. Agad akong bumangon at naupo ng maayos sa sofa na tinulugan ko. Naglakad siya palapit sa akin. Pinagmasdan niya muna ako bago tumabi sa kinauupuan ko.

'Di na nga ako nagulat ng yumakap na lang ito bigla. 'Di ko nga lang napaghandaan ng amoy-amoyin nito ang leeg ko. Para akong nakukuryenteng lumayo sa kanya.

Tumawa siya ng malakas na tila ba, nagustuhan niya ang naging reaksyon ko sa kanya.

"Ang sarap mo pa din amoyin kahit amoy laway at pawis ka." Ngumiti siya.

Pinasadahan ako ng tingin. Kinilabotan ako. Para kasi siyang manyakis at minamanyak niya ako. Nayakap ko ang sarili dahil sa kilabot. Tinawanan niya ako ng malakas. Para bang nanunuod siya ngayon ng comedy at subrang nakakatawa ang eksena.

Nagmartsa ako palayo sa kanya. Naisahan na naman ako ng kapilyahan niya. Nakakainis na kahit araw-araw niya akong ginugulo at inaasar ay 'di ko pa rin mahuli ang susunod na mga gagawing niyang kapilyahan.

"Shower fast, love. I'll make breakfast."

Nailing ako sa sigaw niya. Masisira lang ang araw ko kung papatulan ko siya.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nagtungo ako sa dining area. Nakahanda na ang almusal na niluto niya. Ipinagtimpla niya din ako ng black coffe na gusto ko. Umuusok-usok pa iyon kaya tiyak kagagawa niya lang. Nagpalinga-linga ako, hinahanap siya. Minsan kasi may pagkamulto ang isang 'yon. Nawawala at lilitaw na lang bigla paggustuhin niya. Tulad na lang ngayon, wala na siya. Paano ko nasabi? Dahil sa maliit na papel na nakadikit sa basong tinimplahan niya ng kape.

"Something came up, so I need to go. Eat the breakfast I made. Guguluhin kita araw-araw kapag 'di mo kinain yan."

' Nanakot pa siya eh, lagi niya namang ginagawa!' Lumawak ang ngiti ko sa labi ng may pahabol pa pala ito.

"Ps. May mga matang nakatingin sayo, so watch out." Sa ilalim no'n ang dalawang mata na iginuhit niya. Minsan kahit nakakainis siya ay natatawa pa rin ako sa mga kapilyahan niya. Siya lang ang may kakayang galitin ako at patawanin at the same time. Kaya minsan nasisita ko na rin ang sarili dahil sa pagpapaapekto sa dalaga.

At tulad ng utos niya ay kinain ko lahat ng hinanda niya. 'Di ulit ako nagulat ng makita ko ang lahat ng itlog na puro kinagatan niya. Maging ang bacon at sinangag na nakahain na sa plato ko ay bawas na. Pati nga ang kape ko, na may bakas ng lipstick niya ang baso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status