Ednalyn“Chairman!? Dahan-dahan lang po sa pagbaba,” saway ko rito ng makita kong halos dalawang hakbang ang lakad sa engrandeng nilang hagdan.Sa sobrang taas noon panigurado mababaliin kung sino man ang mahuhulog sa baba. Kaya agad kong sinabihan si Chairman na mag dahan-dahan at ilang baitang pa siya upang makarating sa baba.“Sorry hija, nagmamadali talaga ako nasa ospital daw si Everette,” malakas ang boses niya, marahil sinadya upang marinig ko.Napamulagat ako at pinuntahan ko na upang salubungin at pagdating nito sa dulo ng hagdan inalalayan ko siyang bumaba.“Anong nangyari sa kaniya, Chairman? Bakit po nasa ospital si Everette? Katawagan ko pa siya kanina ‘lo,” usisa ko sa kaniya.“Hindi siya hija, ang kapatid niya dinala sa ospital nakita na ni Everette,”“Wow! Talaga po? Maganda balita ito ‘lo. Sandali maari po ba akong sumama, ‘lo?” natuwa kong paalam sa kaniya.“Sure” wika ni Chairman sa akin. Naalala ko ang dalawang bata kaya nga pala ako bumaba kasi sila ang sadya ko u
Ednalyn“Everette, kumusta?” humahangos na tanong ko rito pagdating namin ni chairman ng ospital.Sa sasakyan pa lang panay na tawag ni chairman dito. Kung hindi lang ako kasama baka mag-breakdown ang Lolo ni Everette. Kasi paglabas ko ng bahay nang inaantay niya ako. Napansin kong panay nito punas sa pisngi. Umiiyak pala si chairman.Sinisisi kasi nito ang sarili kaya ganito ang sinapit ng kapatid ni Everette, dahil sa pangingialam niya sa relasyon ni Nanay Erna at sir Lucio. Mabuti nga huminahon ng dumating ako iyon nga lang maya't maya ang check sa phone nito.Nasa labas pa si sir Lucio. Kanina kasi hindi sumabay sa amin sa kotse ni chairman. Nagmaneho ng kaniya at nasa labas lang ito ng ospital ayaw pumasok.“Apo, ang kapatid mo,” namumula ang mata at pinipigilan na iyak ni chairman.“Magiging ayos siya ‘lo, ‘wag po kayo mag-alala,”“Salamat apo, makakasama na natin ang kapatid mo,” wika ni chairman.Sabi ni Everette, baka mga apat na araw lang lumabas na ng ospital ang kapatid ni
EdnalynUmabot ng gabi ang pag-uusap namin ni chairman. Hindi mo talaga akalain na mabait ito kasi sa EA group seryoso ito lalo na kapag mga employee ang kaharap. Kaya nga labis na nangingilag dito si Lucinda at Maryjane dahil sa feature ng mukha nito na puno ng awtoridad kung hindi mo kilala si chairman. Titig pa lang nito titiklop ka agad hindi pa man 'to nagsasalita.“Sir Lucio?”Nakita ko siya sa pinto paglingon ko. Tila ba nahihiyang pumasok ang ama ni Everette. Nagpaalam ako kay chairman na pupuntahan ko sumang-ayon naman agad ito.Pagtayo ko sa sofa tumayo rin si chairman upang magtungo sa bed ng kambal ni Everette. Umupo roon hinawakan ang palad nito habang nanatili lang ito walang imik nakaupo mataman pinagmamasdan ang apo.“Sir Lucio,” bati ko at sumenyas na pumasok kahit hindi pa ako nakarating sa pinto.Nginitian ko ito ng dumating ako ng pinto. Tila alanganin pa ito nanatili lang nakasilip sa loob ng nakaratay niyang anak na kambal ni Everette.“Sir pasok po,” wika ko nil
Chairman Emilio PovPaglabas ni Ednalyn nagkahiyaan pa kami ng anak kong si Emilio, mag-usap. Wala 'tong imik gano'n din naman ako na para bang bago lang kami magkakilala sa aming kinikilos.Hindi ako nakatiis ako ang unang bumasag sa katahimikan dahil tingin ko wala itong balak magsalita nanatili ang tingin sa apo ko na hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog.“Anak dito ka,” kapagkuwan wika ko.Unti-unti napunta ang tingin nito sa akin. Lihim akong napangiti ng tumayo ito at humakbang lumapit sa akin.Pagdating nito sa tabi ko mabilis ko itong hinila sa balikat at inakbayan ng parang payakap.“Sorry, I'm really sorry son,” I whispered. I have not noticed nag-stammer na pala ang boses ko.“Alam mo aminado akong naging makasarili noon kaya ito ang naging resulta muntik ng mawala ang isa ko pang apo,”Walang sagot galing kay Lucio kaya ipinagpatuloy ko ang paliwanag sa kaniya.“Hindi pala talaga sa lahat ng oras pera ang nagpapasaya,”“Bakit nga ba Dad? Hindi pa ba kayo kuntento noon sa
EdnalynNagising ako ng umaga dahil sa mainit na labi pahalik halik sa pisngi at labi ko. Nakiliti kasi ako ng maging leeg ko ay hindi nakalampas na hinalikan nito kaya kahit nakapikit nagtayuan ang balahibo ko sa leeg maging sa batok ko. Napangiti ako dahil kilala ko naman kung sinong taong 'yon sa amoy pa lang hindi ako maaaring magkamali.Umuwi pala ngayon si Everette. Hindi ko kasi ito pinauwi kagabi dahil walang kasama ang chairman sa hospital kaya sabi ko manatili muna sa hospital at okay na naman kami ng mga bata. Nariyan ang mga kasambahay at dumating din ang Nanay Erna. Pinapunta ni Everette, para daw may kasama ako at mga bata. Iba kasi kapag Nanay raw niya ang aming kasama panatag siya kahit wala siya sa aming tabi.Problema maya't maya sa akin tumatawag kung ayos na ako. Kasi nga naman masama ang pakiramdam ko ng iwanan niya kahapon at wala pa nga sanang balak akong iwanan kong hindi ko pa itinaboy patungo sa hospital.Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko tama nga bumungad
Ednalyn“Tobias, Siobeh. H'wag magpasaway sa Lola Erna, okay?” bilin ko sa mga anak ko ng magpaalam ako paalis patungo sa check-up ko.“Yes mommy,” sabay nilang sagot sa akin.Nasa living room silang tatlo ni 'nay Erna, pagkatapos namin kumain ng almusal, dito na silang tatlo nagtambay.Ako naman umakyat din agad upang gumayak patungo sa clinic upang magpa check-up iniwan ko silang tatlo na busy manood ng TV.Pag-alis kasi ni Everette kanina, hindi na rin ako dalawin ng antok. Minabuti ko na lang bumangon upang maghanda na rin patungong sa clinic na recommend ni Everette, dahil nag-text ito kung tuloy ba ako.Imagine, kakaalis lang nito ay nag-ask agad kung mabuti na ba ang aking pakiramdam. I'm sure nasa byahe pa iyon ng tumawag sa akin sadyang makulit lang talaga ang asawa ko. Hindi ko mapigilan ngumiti pag sabi ko ng asawa.“Nay Erna, patungo na po kami ng clinic ngayon. Hindi po ba makakaabala ang kambal pag-iwanan ko muna sa inyo? Baka may gagawin ka po?”“Aysus na batang ‘to! S'
Ednalyn“Congrats Mrs. Altamerano, three weeks ka ng delayed—”“Doktora?” wika ko sa kanya. Natawa ito sa naging reaction ko kasi nagulat nga talaga ako hindi dahil ayaw ko pang mabuntis ngunit isang beses lang naman nangyari sa amin ni Everette, nakabuo kami agad.Ngataka pa ako, eh dati rin sa kambal. One time lang naman pero nabuo si Tobias at Siobeh. Isang beses lang din naman may nangyari sa amin noon ni Everette. Ako na rin ang sumagot sa aking sariling tanong.Nag-angat ako ng tingin. Nakayuko na pala ako nagbibilang sa daliri ko habang si doktora Acosta nakangiting pinanonood ako sa aking ginagawa.Uminit ang mukha ko baka iniisip ni Dra. Acosta, hindi ko nagustuhan ang balita. Dahil doon lihim akong napangiwi.“Buntis nga talaga ako binilang ko po,” saad ko kay Dra. Acosta na ikinangiti nito.“Yes, Mrs Altamerano, you heard correctly,” naaliw na sad nito sa akin. Itatama ko sana hindi pa naman ako totoong Altamerano bakit ‘yon ang tawag niya sa akin ngunit muli itong nagsalita
EDNALYN Nagising si Ednalyn sa mahinang tawag at tapik ni Sir Everette sa kaniya mukha.Kahit inaantok pa at gusto pa niyang matulog ay pinilit ni Ednalyn na idilat ang kaniyang mata."Sir Everette?" paos n'yang tanong dito."Baby, I'm sorry for disturbing you. Pero kailangan mo nang bumangon. Tatakas tayo habang kakaunti ang bantay natin," bulong ni Sir Everette sa kaniya."Huh? P-paano?" mahina rin niyang sagot dito."Basta ako ang bahala," he answered. Mahina lang ang pagkakabigkas nito pero ramdam ni Ednalyn ang mainit nitong hininga na tumatama sa mukha niya ngunit ipinagsawalang bahala iyon ni Ednalyn dahil ang nasa isip niya ay kung paano ba sila makakaalis ng tuluyan sa lugar na iyon.Kahit hirap siyang kumilos, dahil sa kumikirot pa niyang pagkab*b* pinilit n'yang dahan-dahan bumangon, upang umupo sa tabi ng binata.Hindi naman siya nahirapan dahil inalalayan siya ni Sir Everette. Nakaalalay ang isang palad nito sa baywang niya habang nakaunat din ang isang hita nito sa kani