Share

CELEBRATION

Nilabas ni Elaine ang kanyang cellphone at pinakita sa akin ang ilang mga pictures ng ibang mga employees kasama si sir Adrian. Pero wala akong pakialam sa kanila. 

"Please ayaw kong makita ang pagmumukha ni Sir Adrian kahit sa pictures."

"Sis, ano ba ang pakiramdam ng makipag one night sa boss natin? Daks ba siya o juts?"

Anong pakiramdam? Hindi ko alam kasi wala na talaga akong maalala sa nangyari dulot ng aking kalasingan. 

"Sa totoo lang, wala siya kagana gana pagdating sa sex. Pero kung gusto mo, pwede ka namang makipag one night stand sa kanya."

"Sana nga!" sambit niya sabay balik sa kanyang pwesto. 

Sa kaibuturan ng puso ko, sana lang talaga ay hindi ako lasing ng may mangyari sa aming dalawa. Maaring magaling sa kama si Sir Adrian pero ginagawan ko lang siya ng kwento. Pero ngayon, kailangan ko nang kalimutan ang nangyari dahil boss ko na siya. 

Hapon, bago mag uwian, nag ring ang cellphone ko. Tumatawag pala ang nanay ko. Sigurado ako na tumatawag siya sa akin para kulitin ako na umatend ng birthday party ni Uncle Gerald. Kailangan ihanda ko ang sarili ko kung ano man ang mangyayari ngayong gabi. 

----------------------------

----------------------------

8 pm nang makarating ako sa Crimson Hotel. Nang makababa ako sa van, nakita ko na labas pa lang ay maganda na ang hotel. Nag simula akong maglakad bitbit ang regalo sa kamay ko. Nang makapasok ako sa venue, sobrang ganda ng decorations ng buong paligid. 

Nang nakita ko si Tita Minda, nilapitan ko siya at niyakap. 

"Ariana, mabuti na lang at dumalo ka!" masigla niyang sabi. 

Pagkatapos naming magyakapan, binigay ko kaagad ang regalo ko sa kanya. 

"Baka pwedeng kayo na po ang mag abot nito kay uncle?"

"Maraming salamat sa regalo mo, sige ako na ang bahala," Kitang kita ko ang spark sa mga mata ni tita ng matanggap nito ang regalo ko. 

Dinaanan ko rin ang nanay ko at ang iba pa naming kamag anak para batiin ang mga ito at nakisalo pa ako sa aming intimate dinner. At dahil sa ayaw kong makita ang Uncle ko, naisipan ko na kaagad na umuwi. 

"Ma, kailangan ko na pong umuwi," pagpapaalam ko sa kanya. Hininaan ko lang ang boses ko para 

"Anak, hindi mo nga masyadong ginalaw ang pagkain mo. Kakarating mo lang dito tapos gusto mo kaagad umuwi, hintayin natin ang Uncle Gerald mo. Balita ko mayroon siyang kasamang bisita."

"Ha? Mayroong kasamang bisita si Uncle? At sino naman?"

"Ang sabi ng tita Minda mo, anak ng kaibigan ni Gerald ang dadating rito. Ang sabi pa sa akin ni Minda, siya raw ang bago mong boss. If I am not mistaken, Adrian yata ang pangalan niya."

"Ha? Bakit si Adrian pa?" tila napalakas ang boses ko dahil nagsipag lingunan lahat ng tao sa paligid. 

Bakit ang liit liit talaga ng mundo? Nananadya ba ang panahon at tila ay pinag ku krus nito ang landas naming dalawa? Sabagay, mahilig talagang makipag kaibigan si Uncle Gerald sa mga mayayaman kaya malamang siya ang nag first move para maging kaibigan niya si Adrian. 

Bago pa man ako muling makapag salita, pumasok bigla sa loob ng venue si Uncle Gerald kasama si Adrian. Kailangan kong umalis ngayon, lalo na't papunta na sila sa direksyon namin. Napaupo ako at nakipag plastikan ng ngiti kay mama. 

"Bakit dito pa sila pupwesto?"

"Dahil tayo ang family ng Uncle mo Ariana, ano ka ba naman? Umayos ka ng hitsura mo, wag mong sirain ang araw na ito please!"

Inayos ko ang facial expression ko at itinago ang inis sa isang maaliwalas na ngiti. Nang maupo si Adrian sa harapan ko, nakita kong halos wala itong karea-reaksyon ng makita ako. The same with Uncle Gerald, para lang akong stranger sa paningin niya. 

I decided na mag focus na lang sa pagkain sa harapan ko. At habang busy ako sa pagkain, nakikinig ako sa usapan nila. 

"By the way, si Adrian Lorenzo nga pala. Anak siya ng bago kong kaibigan. Siya lang naman ang nag iisang tagapag mana ng kanilang kumpanya. Marami kaming napag uusapang mga projects in the future. Kaya simula ngayon, ituring niyo na siya bilang parte ng ating pamilya."

Isa isang nagpakilala ang bawat miyembro ng pamilya namin hanggang sa tita Minda ko na ang nagsalita. 

"It's finally nice to meeting the most handsome Lorenzo," ani niya. 

"Thanks Ma'am!"

"Oh come on, just call me tita. We don't need to be formal, wala naman tayo sa corporate world."

Nagtaas ako ng kilay, nayayamot kasi talaga ako sa mga nangyayari. Lumalim pa ng lumalim ang usapan nila. 

"Adrian, how can I reach you in case mayroon tayong business deals in the future?" 

"Tita, pwede po kayong tumawag sa office ko kung may kailangan po kayo."

Medyo napahiya ang tita ko sa naging sagot ni Adrian. Pero imbis na tumahimik, tila ay wala sa bokabularyo nito ang sumuko. Deep inside, natatawa na lamang ako sa mga nangyayari. 

"Ariana, talaga bang tatahimik ka lang dito at di mo man lang ako babatiin ng happy birthday? Ganito ka na ba kabastos sa taong nagpa aral at tumulong sa inyong mag ina?"

Natahimik ang lahat sa pagsasalita ni Uncle Gerald, nag iinit na ang mga mata niya sa galit. Pero bastos na pala ang pananahimik ko ngayon? Kaharap ko lang naman ang dalawang lalaking kinaiinisan ko, natural lang sa akin na wag silang kibuin. 

At kagaya ng ipinangako ko, matapang kong ipinagtanggol ang sarili ko laban sa kanya. 

"Talaga ba?" taas kilay kong sabi. 

Napatingin si Uncle Gerald kay mama at para bang mayroon itong kahulugan. 

"Anak mag sorry ka sa Uncle mo!" sabi ni mama na may seryosong tono ng pananalita. 

Ako manghihingi ng sorry sa Uncle ko? Nahihibang na yata siya! Hinding hindi ko ito gagawin, lalo na't nandito pa si Adrian. 

Sinasabi ko nga ba, ipaparamdam na naman sa akin ng Uncle ko na hindi ako parte ng pamilyang ito. Na isa lamang akong dumi sa paningin niya at gusto niya pa akong maging sunod sunuran sa lahat ng gusto niyang mangyari. 

"Please anak manghingi ka na lang ng sorry sa Uncle mo," sambit ulit ni mama na halatang takot na takot sa mga pwedeng mangyari. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status