Share

INVITATION

ARIANA POV

Hindi ako lumingon at hindi rin ako tumigil sa pagtakbo. Kung nasa likod ko siya... marahil ay nainsulto siya sa mga sinabi ko. Nang maglakas-loob akong lumingon, napagtanto kong hindi pala niya ako hinahabol. Bumagal ako at nagsimulang maglakad palabas ng hotel. Hinahabol ko ang hininga ko.

Halos hindi ako makapaniwala na makikipag one night stand ako sa lalaking nakilala ko lang sa bar. At least ang mahalaga ngayon, wala na kaming pakialam pa sa buhay ng isa't isa. Nang makarating ako sa bahay, nagluto ako kaagad ng aking pagkain, ligo, sabay pasok sa aking trabaho. 

Nang nasa biyahe ako, nag ring bigla ang aking cellphone. Napangiti ako ng makita ko ang text sa akin ng aking mama. 

"Good morning anak," masigla niyang pagbati. Mukhang maganda ang gising ngayon ni Mama base sa tono ng pananalita niya. 

"Good morning din, bakit po kayo napatawag?" tanong ko pa. 

"Gusto ko lang ipaalala ang birthday ng Uncle mo ngayong gabi. Gaganapin ito sa isang venue malapit sa pinag tatrabahuan mo. Pupunta ka naman diba?"

"Hindi po!" mariin kong sabi. 

Galit ako sa Uncle ko dahil masyado siyang mahangin na tao at siya ang dahilan kung bakit nawala si Dad. Sa katunayan, palagi ko nga siyang iniiwasan kasi naalala ko si Dad.

"Anak naiintindihan ko na siya pa rin ang sinisisi mo sa pagkawala ng Dad mo pero ibaon na natin sa limot ang nakaraan. Gusto lang bumawi ng Uncle mo sayo, kaya pumunta ka na para hindi naman nakakahiya doon sa tao."

I don't want to go, pero para sa mama ko, gagawin ko ito. 

"Fine, pupunta po ako," sambit ko. 

"Please anak, wag mo rin sanang awayin ang Uncle mo kasi siya ang dahilan kung bakit ka nakapag tapos ng pag aaral," babala niya pa sa akin. 

"Of course Ma," pangako ko, pero deep inside, kapag may isang bagay lang si Uncle na hindi ko nagustuhan, aawayin ko talaga siya. 

Kahit na matagal na ang insidente, naalala ko kung paano kami mag makaawa kay Uncle na bigyan ang tatay ko ng pera pang gamot subalit kahit na singkong duling ay hindi ito nagbigay. Nabaon kami sa utang sa kanya kaya para lang kaming alila kung kanyang alipustahin.

Eksaktong 8 am ng umaga ng makarating ako sa aking desk. Ang katrabaho kong si Elaine, lumapit na lang bigla sa akin. 

"Hoy sis, ang blooming mo today. In fairness sayo, mukhang nakahanap ka na yata ng Afam jan. Wala na bang bakas ng sugat na iniwan si Michael sa puso mo?"

Close din kaming dalawa ni Elaine kaya alam kong honest lang ang opinion niya. 

"Wow, ang lalim naman ng huli mong sinabi! I rate mo nga kung gaano ako naging blooming ngayon?"

"Well! All I can say it, wala akong nababakas na lungkot sa mukha mo ngayon."

"Siguro dahil wild ang naging gabi ko. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero I just spent money para lang sa isang prostite na magdidilig sa bulaklak ko," bulong na sabi ko sa kanya. 

Tiningnan niya ako na para bang di ito makapaniwala sa kanyang narinig. Siguro iniisip niya na nagbibiro lamang ang pinaka maganda niyang kaibigan. 

"By the way, darating pala ang bago nating boss ngayong araw," pag iba niya bigla sa topic. 

"At ayon sa chismis na nakalap ko, mayaman ang bago nating boss. At ito pa ang pinaka bongga, ang sabi ng ilan, saksakan daw ito ng kagwapuhan."

Wagas na wagas ang kilig sa namumulang pisngi ni Elaine habang nagsasalaysay ito ng kwento. Unlike her, I am not excited na ma meet ang bago naming boss. For sure ako na dahil galing ito sa mayamang pamilya, masama ang ugali nito kahit pa saksakan siya ng gwapo. 

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Elaine, dumaan bigla ang aming supervisor na si Josh. 

"Everyone, we have a meeting today in my office. Walang male late!" 

Pumunta kami kaagad sa office ni sir Josh dahil matalim ang tingin niya nang mahuli niya kaming nagchi chismisan ni Elaine. Pero hindi pa ako masyadong nakapag suklay at lipstick kaya kailangan kong magpunta ng cr.

"Sige na Elaine, mauna ka na at susunod ako sa meeting," sambit ko sa kanya. 

"Ha? Okay sige, bilisan mo lang kasi baka mayari ka kay Sir pag na late ka."

Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yun pero ayaw ko naman magmukhang losyang sa meeting lalo na't may bago kaming boss. Nag ayos ako ng mukha sa cr at todo rin ang pagme make up ko. Nang makarating ako sa office ni Sir, nagtinginan lahat ng mga tao. 

Ako na lang pala ang hinihintay nila sa loob. Pero dedma na lang ako at naupo ako sa tabi ni Elaine. Pag upong pag upo ko, muling sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaking naka one night stand ko. I could not help but laugh kasi sobra siyang naiinis sa akin na ako pa ang nagbayad sa performance niyang walang kwenta. 

I was pulled away from my thoughts nang magsimulang magbukas ang pintuan ng office. Isang lalaki na nakasuot ng tuxedong itim ang bumunga sa amin. Naka suot siya ng shade at matangkad ito. Nang tanggalin niya ang kanyang shades, halos mapanganga na lamang ako sa gulat. 

Bakit nandito ang lalaking naka one night stand ko? Kinusot kong muli ang mga mata ko dahil baka dala lamang ito ng aking puyat. Subalit parehas na lalaki ang nakita ng dalawa kong mata. Gusto ko siyang tanungin pero maraming tao ang nandito. 

Nakakahiya naman kung gagawa ako ng eksenang magpapahamak sa akin. Right now, halos gamunggo na ang pawis ko sa kaba. Tila ay nilunok ko ang sinabi kong hindi na kami muling magkikita pa. 

"Everyone, good morning to all of you! My name is Kenzo Buenavista, and I will be your new boss starting today. It's nice to meet you all."

Nagsimulang magpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng office maliban sa akin na tulalang tulala pa rin. Nang magtama ang paningin naming dalawa ni Sir Kenzo, muli ako nitong ibinalik sa nangyari kagabi. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status