Share

UNEXPECTED DATE

ARIANA POV

"Sorry ma, naka silent po ang cellphone ko kanina kasi nasa event tayo," pagdadahilan ko sa kanya. "Siya nga pala? Bakit mas nauna pa kayong makauwi kaysa sa akin? Anong nangyari kanina pagkauwi ko?" sunod sunod ko pang tanong sa kanya. 

"Nang umalis ka, naghingi ako kaagad ng sorry sa Uncle Gerald mo at ipinagmaneho pa niya ako kanina," sagot ni Mama. 

Lumabas bigla si Mika, ang ampon ni Mama na tinuturing ko nang isang tunay na kapatid. 

"Ate? Bakit nabasa ka?" nag aalalang tanong niya. 

Lumingon si Mama kay Mika, "Hay nako! Ewan ko ba jan sa ate mo, sinira lang naman niya ang birthday ng Uncle Gerald mo kanina na sinagot niya ng pabalang at umuwi kahit ng commute. Nagkaroon ng gulo pero mabuti na lang at pinag pasensyahan siya ng Uncle niya. Maging ako tuloy, nahihiya nang magpakita sa kanila."

"Ma naman? Hanggang kailan ba tayo dapat tumanaw ng utang na loob sa kanya ha? Magising ka na sa katotohanan ma, minamaliit lang tayo ng mga kamag anak natin kaya tama lang ang ginawa ko kanina."

Lumapit sa akin si Mama at bigla niya ako ng isang malutong na sampal sabay duro sa akin. 

"Kung hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob, ako meron ako no'n! Pinalaki kita para maging isang mabuting tao at hindi para maging isang bastos. Sa ipinakita mo kanina, ipinahiya mo na rin ako dahil sa akin ka galing."

Tumulo na lang ang luha sa mga mata ko ng kusa. Mas masakit ang sinabi ni Mama sa akin kaysa sa sampal niya. Umalis na siya at ramdam ko sa pagdadabog niya sa pagsara ng pinto ang galit niya. 

Nagsalubong ang tinginan naming dalawa ni Mika.

"Ate, tara gamutin natin ang labi mo, dumudugo," sambit niya sa akin ng makalapit ito. 

Hinila ako ni Mika sa dining table. Kinuha niya ang first aid kit at tsaka ako inasikaso. 

"Pasensya ka na sa nasaksihan mo kanina ha? I guess, kailangan ko lang talaga tanggapin na magulo ang pamilya namin," pag papaumanhin ko sa kanya. 

"Ano ka ba ate? Sana kasi ay nakisama ka na lang kay Uncle Gerald at binati mo siya ng happy birthday. Doon naman daw nag ugat ang lahat sabi ni Mama."

"Kahit kailan, hinding hindi ko ibaba ang pride ko para lang i please si Uncle," mariin kong sabi. Nanggagalaiti pa rin ako sa galit hanggang ngayon. "Bakit ba naman kasi sobrang uto uto ang mama ko? Kailan ba siya magigising sa katotohanan?"

Nang matapos na akong gamutin ni Mika, napatanong ito bigla. 

"Wag kang mag alala, hindi naman malalim ang sugat mo. Bukas, sure ako na wala na magaling na 'yan."

Nginitian ko siya kahit masakit pa rin ang labi ko, "Salamat Mika, hulog ka talaga ng langit sa akin."

"Hayaan mo na sila sa pangmamaliit nila sayo. Darating din naman ang karma nila. Sa ngayon, siguro baka kailangan mo nang palakihin ang mundo mo?"

"Ha?" gumuhit ang pagkalito ko sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?"

"Hay nako! Ang slow mo talaga ate, ang ibig kong sabihin, baka kailangan mo nang magkaroon ng syota. Aba, tumatanda ka na so kailangan mo nang magkaroon ng syota."

Iniikot ko ang mata ko, "Salamat pero over na ako sa pagboboyfriend. Pare parehas lang ang mga lalaki kaya ayaw ko na talaga."

"Ate sigurado ako na kakainin mo ang sinasabi mo kapag nakakita ka na naman ng boylet. Gusto mo bang i set up kita sa isang blind date?"

"Wag na! Malabo yang mga mata mo Mika, baka mamaya mala Roderick Paulate pa ang ibigay mo sa akin. Mapalayas pa kita dito sa bahay ng wala sa oras!" pagtanggi ko sa kanya. 

"Babaan mo na kasi ang standard mo sa lalaki. Pang puppy love lang ang gwapong lalaki, kung gusto mo ng seryosong relasyon, maghanap ka ng pangit na iibigin kang tunay."

"Talaga ba? Mukhang hindi ka yata aware na nagloloko na rin ang mga pangit ngayon? Pakapalan na lang sila ng mukha. Lalo na kapag Marcus ang pangalan, sigurado manloloko 'yan!"

"Grabe ka? Hindi naman lahat ay kagaya ng ex mo no? Sure ka ba na ayaw mong i set up kita sa isang date? Kasi may app akong na discover at maraming mga lalaking masasarap... yung tipong abs pa lang, ulam na. Bukas na bukas, i se set up kita kung gusto mo?"

Tumayo na ako, "Ang mabuti pa Mika, matulog ka na lang. Pagod din ako sa dami ng nangyari ngayong araw. Good night," nakangiting sabi ko pa sa kanya. 

Nag punta ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit, nahiga at napayakap ako sa unan ko. Ito kasi ang unang gabi na nagkatampuhan kami ni Mama ng ganito. Never niya akong pinag buhatan ng kahit na isang beses. I just can't believe na si Uncle Gerald lang pala ang magiging dahilan para sampalin niya ako. 

Meanwhile, nag vibrate naman bigla ang cellphone ko. I was so surpised kasi biglang nag text sa akin si Mika. 

"Ate, gising ka ng 9 am bukas ha? Sabado naman bukas at wala kang pasok. Sinet up kita sa isang blind date."

Halos kumunot ang noo ko sa gulat, talagang ipinagpipilitan ni Mika na makipag blind date ako sa isang lalaki na hindi ko man lang nakita kahit sa picture. 

"I-cancel mo 'yan Mika! Wala akong planong makipag date bukas please," reply ko sa kanya. 

Hindi na siya nag reply sa akin. Natulog ako at kinabukasan, isang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin. Kahit na tinatamad akong bumangon, pinilit ko pa rin ang sarili ko. 

Pag bukas ko ng pinto, bumungad si Mika sa akin. Naka bihis siya ng pang alis at amoy na amoy ko ang pabango niya. 

"Ate? Nandito ang boss mo? Nasa dining area siya at kausap niya si Mama!"

Nawala ang antok ko sa narinig ko sa kanya. "Teka lang, nandito si Boss Adrian?"

"Oo! Paulit ulit ba?"

"Teka bakit niya ako dinalaw?"

"Kausapin mo na lang siya kasi aalis ako ngayon. Kikitain ko yung lalaking iba blind date ko sana sayo. Di ba wala kang balak na siputin yung lalaki-"

"Sinong nagsabing wala? Ako ang pupunta sa blind date na 'yan at sisiputin ko siya, magbibihis lang ako," sambit ko. 

Sa ngayon, wala naman akong ibang choice! Kailangan kong iwasan si Sir Adrian lalo na't mainit pa ang sitwasyon kahapon at nasaksihan niya ang away namin ni Uncle Gerald.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status