Share

CHAPTER 7

ARIANA POV

"Ganu'n? Sayang naman kasi mukhang galante ang boss mo ate, alam mo bang ang mahal ng chocolate na binili niya para sayo?" mahinang sabi ni Mika. 

Hininaan ko ang boses ko, "I*****k niya sa baga niya 'yang dala niyang chocolate! Sige na, magbibihis na ako, i forward mo sa akin ang number ng lalaking 'yan at sabihin mo na sisiputin ko siya."

Para bang against si Mika sa desisyon ko, "Teka paano ang boss mo? Anong sasabihin ko sa kanya?" tanong niya na parang nai stress siyang bigla. 

I smirked, "Wag kang mag alala, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya," sambit ko sabay sarado ng pintuan. 

Dinampot ko kaagad ang cellphone ko sa table at tinext ko ang mokong na boss ko. 

"Sir ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong ko, ayaw ko siyang kausapin ng personal at gusto ko, pag labas ko sa kwarto ko ay wala na siya. 

"Good morning, gusto sana kita yayaing manood ng sine ngayon. Pampatanggal lang sana ng stress, sayang kasi dalawang ticket ang nabili ko."

I rolled my eyes. Halatang halata ko ang palusot ni Sir Adrian, bili bili siya ng ticket na sobra? Ano 'yun hindi siya marunong magbilang? Tapos dinalaw dalaw pa niya ako rito ng walang sabi sabi! Nako, nakakagigil talaga siya!

"Sorry Sir Adrian, may importanteng lakad kasi ako ngayon," pagpapalusot ko sa kanya. "Sa iba ka na lang magpasama," pahabol ko pa. 

Hindi na siya nag reply pa sa akin. Nabadtrip ba siya oh naubusan ng load kaya hindi siya naka reply? Either way, tinagalan ko talagang maligo at mag bihis para mas lalong mainis si Sir Adrian kung nasa labas pa siya. 

I held on the door knob pero may narinig akong nag uusap kaya idinikit ko muna ang tenga ko sa pinto para marinig ko ng husto kung sino sino ang may ari ng mga boses na naririnig ko. 

So far, hindi ko na naman narinig ang boses ni Sir Adrian kaya kumpiyansa akong lumabas. Sa dining area, bumungad sa akin si Mama at Mika na nag uusap. Ang saya saya nilang dalawa pero nang napatingin ako sa mama ko, bigla itong sumimangot. 

"Mika, may kukuhain lang ako sa kwarto ko saglit," pag papaalam ni Mama. 

Halatang halata na nagtatampo pa rin siya sa akin dahil sa nangyari kagabi. Kung tutuusin nga, dapat nagtatampo rin ako sa kanya kasi mas pinili niyang kampihan si Uncle Gerald kaysa sa sarili niyang anak. 

Nang makapasok si Mama sa kwarto niya, nagsalubong ang tinginan naming dalawa ni Mika. 

"Ate, umalis na po si kuya Adrian. Ang sabi niya, busy ka raw kaya mag isa na lang siyang manunuod ng sine. Halatang halata ko nga sa mga mata niya na malungkot siya eh. Bakit ka ba umiiwas sa kanya? Gwapo naman siya at parang mabait."

"Parang lang, alam mo naman ayaw ko na munang mag boyfriend di ba? Pero sisiputin ko pa rin itong lalaki kasi ayaw ko naman mag stay dito sa loob ng apartment."

"Suyuin mo kaya si Mama?" tanong niya. 

"May panahon para sa lahat ng bagay Mika, time heal wounds at darating din yung time na magkakaayos kami ni Mama. Hindi ang isang kagaya lang ni Uncle Gerald ang titibag sa aming dalawa."

Umalis na ako at kinita ko ang lalaking ka blind date ko sa isang sosyal na restaurant. Subalit kagaya ng inaasahan ko, nakuha lang din pala sa filter ang hitsura niya. Medyo may pagka nerd siyang lalaki, parang introvert ang datingan. 

Naka salamin siya, naka polong parang dating galing sa probinsya, tapos amoy na amoy ko ang pabango niyang pang teenager. Lahat na yata ng ayaw ko sa isang lalaki, nasa kanya na and I wanted to go home as early as now. 

Nginitian niya ako na para bang naka jackpot siya sa akin. But I was not having any of it so gumawa na ako ng paraan para ma turn off siya sa akin. 

"Pwede ba akong magtanong sayo?" 

"Pwedeng pwede," nakangiting sabi niya. 

"Sa village ka ba nakatira?"

Alam ko na nakaka offend ang way ko ng pagtatanong pero that is exactly what I needed para ayawan niya ako. 

"Actually sa compound lang ako nakatia at nagrerent ako kasama ang kapatid ko. Mayroon kaming sasakyan na ginagamit niya pang hanapbuhay."

Wala akong nababakas na pag aalinlangan sa sagot niya sa akin. Bagkus ay confident na confident pa siya. 

"Talaga? Anong sasakyan? Ferrari? Ford? Porsche? Mercedes?" tanong ko pero sa totoo lang, ine expect ko na pedicab, jeep, o tricycle ang isasagot niya sa akin. 

"Meron kaming Mercedes sa bahay pero ang toyota fortuner ang ginagamit namin pang business. May online shop kasi siya na siya mismo ang nagdedeliver. Puro mga iphone at mamahaling gadgets ang binebenta niya."

Napalunok akong bigla. Hindi ko lubos akalain na mayaman ang lalaking nasa harapan ko. Hindi nga branded ang relong suot niya, pati na rin ang polo at ang pabango niya. Ang nakakaloka pa, parang walang bakas sa mukha niya na nao offend ito sa mga tanungan ko. 

Mukhang mali yata ako ng binanggang tao. At ngayon, wala na akong ibang choice kung di ang ilaglag ang sarili ko sa kanya. 

"Tatapatin na kita, mahirap na babae lang ako at minimum lang ang kinikita ko sa work ko. Bukod doon, sobrang selosa rin akong babae at possessive."

"Normal lang naman siguro sa babae ang maging selosa at possessive. Sa katunayan nga, mas gusto ko ng babaeng selosa kasi mas nararamdaman kong mahal niya ako."

Mukhang gumagawa talaga siya ng dahilan para lang mag match kaming dalawa. Saan app ba nakita nitong si Mika ang lalaking ito? Feeling ko lahat na lang ng sasabihin ko ay may isasagot siya. 

"Siya nga pala," ani niya ulit, "Pwede bang mag share ka sa akin ng tungkol sa personal life mo?"

"Ang papa ko, matagal na siyang wala, ang mama ko na lang ang katuwang ko sa buhay. Nitong nakaraang week lang, naghiwalay kaming dalawa ng syota ko dahil na fall out na siya sa akin."

Napangiti siyang bigla at para bang ang lalim ng tingin niya sa akin. 

"Saglit lang, anong nakakatawa sa sinabi ko?" prangkang tanong ko. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status