Share

CHAOS

"Kasalanan mo rin ito Ellen, kung di mo sana tinolerate ang anak mo na sumagot ng pabalang, hindi sana mangyayari ang bagay na ito."

Hindi ko talaga gustong makita si Uncle Gerald lalo na't sobrang prangka niyang tao. Napatulala lamang ang nanay ko sa sinabi sa kanya ni Uncle.

"Ma, bakit ka ba natatakot sa kanya? Hindi na niya tayo alipin, kaya ko nang magtrabaho para sa ating dalawa," sambit ko.

"Dahil marunong tumanaw ng utang na loob ang nanay mo Ariana. She is nothing like you," ang pagsingit ni Uncle Gerald.

Nang tingnan ko ang mga matatalim na mga mata ng kamag anak ko, alam ko na maliit pa rin ang turing nila sa akin kahit na nagtatrabaho na ako.

"Please anak, wag kang mag iskandalo rito. Irespeto mo ang Uncle mo dahil malaki ang utang na loob natin sa kanya," pag aawat ni Mama, bakas ko pa rin ang takot sa kanyang mukha.

"No! Tapos na po ako sa pagiging tahimik, mahabang panahon ang tiniis natin! Masakit mang tanggapin pero kung sino pa ang kadugo natin, sila pa talaga ang mga taong mang mamaliit sa atin."

Biglang tumayo si Uncle Gerald at nagpunta ito kaagad sa harapan ko.

"Talaga bang sisirain mo ang kaarawan ko? Lumuhod ka sa harapan ko at manghingi ka ng sorry kung gusto mong mapatawad kita!"

"Sure over my dead body!" sambit ko, pagod na akong makipag away sa kanya at dahil sa wala akong planong gawin ang gusto niya, I picked up my things and stormed off- the only way I can get rid of this unending drama. Nasa kalagitnaan na ang ng paglalakad ng magsalita ulit si Uncle.

"At talagang sinusubukan mo ang pasensya ko ha! Bumalik ka rito Ariana, wag mo akong bastusin sa harap ng mga bisita ko!"

"Tama na!"

Napalingon ako ng marinig kong magsalita si Tita Minda. She's not that type of woman na mahilig mangialam. But tonight, she finally chose to bring her other side. Natahimik pa nga ang lahat ng ilang sandali- maging si Adrian na nanonood lang ng aming kadramahan.

Pero ako, nahihiya ako sa kanya dahil sa mga nakikita niya sa amin. Muli akong naglakad at hinayaan ko na silang magtalo talo. Paglabas na paglabas ko sa venue, nagsimula namang bumuhos ang malakas na ulan. At kasabay ng pagpatak ng ulan ang siyang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Wala akong pagsisisi sa pambabastos ko sa Uncle ko. Tama lang na lumaban ako sa kanya dahil sa ugali niya. Sana talaga ay iba ang pamilya ko, yung hindi toxic na kagaya nila. Almost 10 minutes na akong naka tayo ngunit tila ay wala pa ring taxi ang dumarating sa aking harapan.

Suddenly, mayroong humintong sasakyan sa aking harapan. Nang magbukas ang side mirror, nakita ko si Adrian na nakaupo sa driver's seat. Kumunot ang noo ko sa pagkairita lalo.

"Wanna ride? Please come in!" pag aaya niya.

I just can't ride in his car. Hindi kaya ng pride ko na sumakay sa sasakyan ng lalaking naka one night stand ko. Bukod rito, nahihiya pa ako sa mga nangyari kanina sa reception. Sigurado akong hindi niya gusto ang inasal ko kanina.

"No thanks!" pagsusungit ko sabay tingin sa ibang side ng daan. "Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sayo, baka isumbat mo pa sa akin yan!"

"Mahirap maghanap ng taxi rito, tara na!" makulit na sabi niya.

Nayamot ako sa pangungulit niya kaya nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Sinundan naman niya ako at nagmukha siyang timang. I ignored his presence.

"Please sumakay ka na Ariana! Maraming mga holdaper sa lugar na ito. Kapag naglakad ka ng ganitong oras, natitiyak ko na pwede kang maging sunod na biktima," nag aalalang sabi niya.

"Ang kulit mo! Sabing ayaw ko eh!" pagmamatigas ko sa kanya kahit na ang totoo, takot din akong maglakad mag isa ng gabi.

Akala ko ay pipilitin niya pa rin ako ngunit matulin na nitong minaneho ang kanyang kotse. Fuck! Ang hirap maglakad ng naka heels, pinupulikat na ang mga paa ko. Sana pala ay sumakay na ako sa kotse niya. Subalit sa di kalayuan, huminto ulit ang kotse niya at di na ako nagdalawang isip pa, tumakbo ako papunta rito.

Pumasok ako sa unahan at nag seatbelt ako kaagad. I did not bother looking in his eyes, sigurado akong tuwang tuwa siya ng makita niya akong naglalakad na parang penguin sa labas. Binigay ko sa kanya ang address ko at gumamit naman siya ng waze para makita ito.

Habang nakasakay ako sa kotse niya, naalala ko ang mga nangyari kanina sa birthday ng Uncle Gerald ko at kung paano kami magpalitan ng mga masasakit na salita, then my phone rang multiple times but I am not in the mood para sagutin ito. I was pulled away from my thoughts ng huminto ang sasakyan ni Adrian sa tapat ng apartment ko.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagpasalamat kay Sir Adrian.

"Thank you for driving me home."

"Kita mo na, yan din naman ang gusto kong marinig sayo kanina pero masyado kang tahimik. Anyway, at least may utang na loob ka na sa akin ngayon."

Sinasabi ko na nga ba, dapat talaga ay hindi na ako sumakay sa sasakyan niya kanina at nagtiyaga na lang akong maghanap ng taxi pauwi kanina. I felt trapped in his little cage!

I did not answer him, in stead, bumaba na ako ng sasakyan niya. Mabilis siyang umalis sa apartment ko at doon ako sumigaw ng malakas.

"Mabunggo ka sana, saksakan ka ng yabang Sir Adrian!"

Halos mapaos nga ako kakasigaw pero sa ganitong paraan ko lang siya pwedeng gantihan. Boss ko siya at siya ang dahilan kung bakit ako may trabaho.

Mabuti na lamang at tumila na ang ulan. Pagkarating na pagkarating ko sa aking apartment, nakita ko ang nanay kong naghihintay sa akin sa couch. Ang pinag tataka ko ay kung paano siya nakarating sa apartment ko ng mas mabilis kaysa sa akin.

Wala naman siyang pakpak para makalipad.

"Ariana, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sayo?" ang bungad na tanong niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status