Share

CONFRONTATION

ARIAN POV

I am still in the state of intense panic. Bakit sobrang liit yata ng mundo? Dapat ba ay mas naging mabait ako at hindi nagsalita ng masasakit sa kanya?

Magreresign na ba ako? Pero paano kaming dalawa ni mama? Sino ang bubuhay sa aming dalawa? Sa mga sandaling ito, hinihiling ko na sana ay hindi niya ako mamukhaan. Subalit hanggang sa matapos ang meeting, hindi man lang niya ako napansin. 

During our lunch, wala akong ibang ginawa kung di ang magkwento kay Elaine. 

"Grabe sis, I cannot believe na boss pa natin ang lalaking naka one night stand ko," kwento ko sa kanya. 

"Nagpapatawa ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niya akong seryoso, "Well at least dapat maging masaya ka kasi gwapong lalaki ang naka one night stand mo. Be proud of what happened!"

"Proud? Paano ako magiging proud kung ang mismong boss ko ang naka one night stand ko? Paano kung bigla niya akong tanggalin sa trabaho? Mayroon pa akong nanay na kailangang buhayin ngayon. I cannot afford to lose this job."

Ngayon, sobra sobra kong pinag sisisihan na nagpunta ako sa bar para uminom. Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko ie entertain ang lalaking iyon at insultuhin siya sa nangyari. 

I was pulled away from my thoughts ng maramdaman ko ang kamay ni Elaine sa balikat ko.

"Relax ka lang jan sis! Sigurado naman ako na ibinaon ka na nun sa limot. Sa tingin ko balewala lang sa kanya ang mga sinabi mo."

Pagbalik na pagbalik ko sa office, nag ring kaagad ang telephone. And what makes me nervous, ang tumatawag sa akin ay walang iba kung di ang bago naming boss. Huminga ako ng malalim, kailangan kong itago ang kaba ko and act professionally. 

"Hello Sir!" nakangiting sabi ko nag sagutin ko ang tawag. 

"Magpunta ka sa office ngayon din," sabi niya na may halong authority ang boses. 

Patay! Sana talaga ay work related lang ang concern niya sa akin. 

Kasabay ng pagyapak ng paa ko papunta sa office ng bago naming boss ang pag kabog ng dibdib ko sa kaba. Nang buksan ko ang pinto ng kanyang office, nakita ko siya na busy sa laptop pero bigla itong napatingin sa akin. 

"Come inside," seryosong sabi niya. 

I hate looking directly into his eyes. Pumasok ako sa loob at sinara ko ang pinto. Umupo ako at tsaka nagtanong sa kanya. 

"Ano pong kailangan niyo sa akin sir?" mahinhing tanong ko. 

Lumingon siya sa akin at ngumiti, ngayon ko lang napansin na mayroon pala siyang malalim na dimples sa magkabilang pisngi niya. Pero nagbago ang expression ng mukha niya ng sumandal siya sa upuan at tiningnan ako ng matalim. 

"Ang buong akala ko ay mga responsable at maaasahan ang mga tao rito. Pero ang hindi ko inaasahan, ang makita kita rito sa office."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Gusto kong maglaho na parang bula dahil sa labis na kahihiyan. Oo nagkamali ako kagabi pero sobrang sakit na pinalabas niyang isa akong iresponsable. 

Pumalag ako sa sinabi niya, "Sir, kahit boss pa kita, wala kang karapatan na husgahan ang buo kong pagkatao. Sana naman ay ihiwalay natin ang personal na buhay natin sa professional work," matapang na pahayag ko sa kanya. 

Lalong naging cold ang tingin niya sa akin. It seems na provoke ko siya na lalong magalit. Senyales na ba ito na matatanggal na ako sa trabaho? Sa takot ko, umiwas ako sa kanyang matalim na tingin. Mahal ko ang trabaho ko at kailangan kong kontrolin ang mga sasabihin ko. 

Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay siyang magsalita, subalit nabalot na ng katahimikan ang buong office. Dahan dahan kong iniikot ang mga mata ko sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata, kinuha niya ang kanyang pitaka at naglapag ito ng 1500 pesos. 

"Miss Ariana, ang buong akala ko ay hindi na tayo magkikitang dalawa. Pero ngayon, kailangan kong ipaintindi sayo na hindi ko kailangan ng pera mo so kuhain mo na ang perang ibinigay mo sa akin."

Napalunok na lang ako nang makita ko ang pera. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat na pinatawag niya ako sa office para lang pag usapan ang nangyari kagabi. 

"Tanggapin mo ang pera na 'yan," pahabol na sabi pa niya. 

"Naiintindihan ko," wika ko sabay tanggap sa pera. Mukhang kailangan ko nang ibaon sa limot ang nangyari kagabi. 

Bago pa man ako mag react, dinagdagan pa niya ng sampong libo ang binigay niya sa akin. 

"Yang pera na 'yan ay gantimpala mo kagabi. Malaking halaga na 'yan kaya dapat kang magpasalamat."

Gumuhit ang galit sa aking mga labi, limang libo na lang ba ang halaga ko? Ganito ba kababa ang tingin niya sa akin? Tiniklop ko ang kamao ko pero nang maisip kong kailangan ko ng trabaho, kinalma ko ang sarili ko. Nilunok ko na lamang ang pride ko at tinanggap ang perang ibinigay niya sa akin. 

"Kung iyon lang ang concern ninyo, babalik na po ako sa pwesto ko," tumayo na ako at umalis sa kanyang office.

Nang makabalik ako sa pwesto ko, lumapit ulit si Elaine para tanungin ako. 

"Uy sis, anong pinag usapan ninyo ng gwapo nating boss?" pag uusisa niya. 

Napabuntong hininga ako, "Ibinalik lang niya sa akin ang perang binigay ko."

"At tapos?"

"Wala na Elaine, yun lang!"

Napa ngisi ako, hindi ko pwedeng sabihin na binayarana ko ng boss ko para palabasin na ako ay isang p****k. Bigla na lang siyang natawa sa akin.

"Really? Yan lang ang pinag usapan ninyong dalawa?"

"Oo! Ano bang ine expect mong pag usapan naming dalawa?"

Hininaan ni Elaine bigla ang boses niya, "Malay mo dahil sa nangyari kagabi, nahulog kaagad ang loob niya sayo. At simula na pala ito ng pag iibigian ninyong dalawa! Ayieee... haba naman ng hair mo!"

Nakaka cringe ang sinabi sa akin ni Elaine, "please naman, wag mo naman akong tuksuhin sa lalaking hindi ko naman gusto."

"Nagpapatawa ka ba sis? Why not? Sure ako na maraming babae ang nagkakandarapa para lang makasama ang bago nating boss!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status