LOGINAgad na lumapit si Inay sa akin at marahang bumulong.
"Crystal, ano pa'ng ginagawa mo riyan? Tumayo ka na. Baka gusto mong matanggal agad sa trabaho sa unang araw mo." Napakamot ako sa ulo at napangiwi. "Oo na, Nay..." mahina kong sagot bago dahan-dahang tumayo. Sa totoo lang, buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng trabaho. Ilang beses akong nag-apply noon pero palaging bigo. Kaya ngayong sa wakas ay may tumanggap sa akin, ayokong masayang ang pagkakataong ito. Pero... Hindi pa rin mawala sa isip ko ang napanaginipan ko kagabi. Napailing ako habang bahagyang namumula ang mga pisngi ko. "Jusko..." pabulong kong sabi sa sarili. "Sa dami ng puwedeng mapanaginipan, bakit isang ubod ng gwapong lalaki pa... na ubod din ng kapal ng mukha?" Napapikit ako at mabilis na iniling ang ulo. "Hindi! Panaginip lang 'yon. Hindi mangyayari 'yon sa totoong buhay." Sana nga. Dahil kung makikita ko talaga ang lalaking 'yon ngayon... baka ako pa ang unang mahiya. Napabuntong-hininga na lang ako bago tuluyang pumasok sa banyo. "Focus sa trabaho, Crystal. Trabaho lang." At doon na ako naligo, pilit isinasantabi ang nakakahiya at nakakalitong panaginip na hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko. Pagkatapos kong maligo, mabilis kong sinuot ang bago kong uniporme. Ilang segundo akong napatitig sa salamin habang inaayos ang kwelyo at hinihimas ang gusot sa damit. "Wow..." napangiti ako. "Mukha na talaga akong empleyado." Bigla ring nawala ang ngiti ko. "Huwag kang kabahan, Crystal," bulong ko sa sarili. "Kaya mo 'to. Unang araw mo pa lang, huwag kang gagawa ng eksenang ikasisante mo." Paglabas ko ng kwarto, nadatnan kong naghahain na si Inay ng almusal. "Bilisan mo na. Mahuhuli ka na," sabi niya habang inaabot sa akin ang pandesal at isang tasa ng mainit na kape. "Salamat, Nay." Mabilis kong kinain ang almusal habang pasulyap-sulyap sa orasan. Maya-maya pa'y kinuha ko ang bag ko at humalik sa pisngi ni Inay. "Mauna na po ako." "Mag-iingat ka, anak. At tandaan mo, maging magalang ka sa mga makakasama mo." "Opo." Lumabas ako ng bahay na may halong kaba at excitement. "First day... first impression," mahina kong sabi habang naglalakad. "Sana mabait ang magiging boss ko." Saglit akong natigilan. Parang may biglang kumalabit sa alaala ko. Ang panaginip ko. Napangiwi ako at mabilis na umiling. "Hindi, Crystal! Tigilan mo nga 'yan. Imposibleng mangyari 'yon. Sa dami ng tao sa mundo, bakit naman siya ang makikita mo?" Napatawa ako sa sarili kong iniisip. "Tsaka kung sakali man..." napahinto ako sandali. "Sana nakasuot na siya ng maayos." Napailing na lang ako sa sarili kong kalokohan at tuluyan nang naglakad papunta sa bago kong trabaho. Habang naglalakad papunta sa opisina, may nakasalubong akong isang lalaki. Mukha rin siyang baguhan dahil parang hindi rin siya sigurado kung saan pupunta. May dala pa siyang folder at panay ang lingon sa paligid. "Excuse me," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon. Saglit akong natigilan. Matangkad siya at halatang maganda ang pangangatawan. Pero... ewan ko ba. Natatakpan ng sobrang kapal niyang kilay at kulot na kulot na buhok ang mukha niya. Para bang sinadya niyang itago ang sarili niyang hitsura. Napailing na lang ako. "Sabi ko na nga ba..." mahina kong bulong sa sarili. "Panaginip lang talaga 'yon." Napabuntong-hininga pa ako. "Sayang naman..." halos hindi ko namalayang nasabi ko nang malakas. "Hindi ko na yata makikita ulit ang... Samurai." Bigla kong natakpan ang bibig ko. "Ha?! Ano ba'ng sinasabi mo, Crystal?" saway ko sa sarili habang namumula ang pisngi ko. "Excuse me?" maingat na tawag ng lalaki. "A-Ako ba ang kinakausap mo?" Napakurap ako at mabilis na umiling. "A-Ah! Sorry! Oo... ikaw nga." Mukhang lalo naman siyang nailang. "U-Um... may kailangan ka ba?" medyo utal niyang tanong. Ngumiti ako nang alanganin bago itinuro ang gusali sa unahan. "Bago ka lang din ba rito?" tanong ko. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang ngumiti. "Oo... first day ko rin ngayon." "Talaga?" Bahagya akong natuwa. "Buti naman! Akala ko ako lang ang bagong salta rito." Pareho kaming napangiti. Kahit papaano, nabawasan ang kaba ko. Pero sa isang sulok ng isip ko... Hindi ko pa rin maiwasang ikumpara siya sa gwapong lalaking napanaginipan ko kagabi. "Hays..." bulong ko. "Ang layo talaga." Hindi ko namalayang narinig pala niya ang huli kong sinabi. "A-Ano'ng... malayo?" nagtatakang tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. "H-Ha?! W-Wala! Wala 'yon! Tara na, baka mahuli pa tayo!" Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa at mabilis akong naglakad papasok ng opisina, habang siya naman ay nagmamadaling sumunod sa akin, halatang mas litong-lito pa kaysa kanina. Pagpasok pa lang namin sa loob ng kumpanya, agad akong namangha sa laki at ganda ng lobby. Makintab ang marmol na sahig, matataas ang kisame, at kaliwa't kanan ang mga empleyadong nagmamadaling pumasok. "Hala..." mahina kong bulong. "Parang isang maling hakbang ko lang, baka singilin na nila ako sa kinang ng sahig." Napangiti nang mahina ang lalaking kasama ko. Mukhang narinig niya ang sinabi ko. Habang papunta kami sa reception, napansin kong tila may kakaibang tensiyon sa paligid. Ang mga empleyado ay pabulong na nag-uusap, samantalang ang ilang manager ay pabalik-balik sa lobby na para bang may importanteng taong hinihintay. "Nasaan na ba si CEO?" nag-aalalang tanong ng isang manager. "Hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ko, sir," sagot ng isang empleyado habang hawak ang cellphone. "Maya-maya na ang meeting! Kapag na-late na naman si Sir, tayo na naman ang mapapagalitan." "May nakakita ba sa sasakyan niya?" "Wala pa rin, sir." Nagkatinginan ang lahat. Halatang kabado ang mga manager. Napakurap ako at marahang lumapit sa lalaking kasama ko. "Grabe..." pabulong kong sabi. "Mukhang terror ang CEO nila." Napakamot siya sa ulo. "M-Mukhang gano'n nga..." Napabuntong-hininga ako. "Kawawa naman tayo. First day pa lang natin, baka masigawan agad." Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang elevator. Lahat ng manager ay sabay-sabay na napalingon. Ngunit maya-maya lang ay sabay rin silang napabuntong-hininga. "Hindi pa rin si CEO..." bulong ng isa. Napakamot ako sa ulo. "Grabe naman ang CEO na 'yan. Pati ako kinakabahan kahit hindi ko pa nakikita."Unti-unting bumagsak ang katahimikan sa maluwag na sala. Natahimik sina Samuelson, Diego, at Dante nang maramdaman nila ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan ng dalawa. Ang mga pilyong ngiti sa kanilang mga labi ay napalitan ng kuryosidad. Alam nilang pwedeng magbiro si Crystal, pero sa klase ng titig nito kay Bash ngayon, may kakaibang seryosong kulay na nakakubli.Inilapag ni Crystal ang maliit na twalya sa ibabaw ng single sofa, saka muling tumingin nang diretso kay Bash. Nawala na ang bakas ng pamumula dahil sa hiya; ang natira ay ang matatag na ekspresyon na para bang handa na nitong harapin ang anumang gulo na kanina pa nila pinag-uusapan.“Seryoso ka ba talaga, Boss?” basag ni Crystal sa katahimikan, mababa at seryoso ang tono ng boses. “Gusto mo talagang malaman ang totoo?”Hindi nag-alis ng tingin si Bash. Mas lumalim ang kunot ng noo niya habang mahigpit na pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Kailan ba ako nagbiro sa mga ganitong bagay, Crystal? Kung may dapat pag-usa
Nang makabalik si Crystal sa loob ng SUV—maputla, nanghihina, at halatang hiyang-hiya sa nangyari—tumahimik ang buong sasakyan. Para bang biglang nawala ang lahat ng ingay at biruan na kanina lamang ay pumupuno sa loob nito. Walang nangahas magbiro kina Samuelson at Dante. Ang ina naman niya ay tahimik na nag-abot ng panyo bago muling ibinaling ang tingin sa labas, marahil ay ayaw na ring dagdagan pa ang kahihiyang nararamdaman ng anak.Hinawakan ni Bash ang manibela nang medyo mahigpit. Bahagyang nanigas ang mga daliri niya sa paligid nito habang pilit na pinananatiling kalmado ang sarili. Pinandilatan niya ng mabilis na tingin sa rearview mirror ang tatlo niyang pinsan para siguraduhing sarado ang mga bibig nila, bago lumingon nang bahagya kay Crystal na nakasandal habang nakapikit.“Okay ka lang ba?” basag ni Bash sa katahimikan, mas kalmado ngayon ang boses kaysa kanina.Tumango si Crystal nang hindi nagmumulat ng mga mata. “Medyo nahilo lang siguro sa byahe kanina… at sa mga pina
“Hoy, sandali lang! Huwag mong buhatin ’yan, mabigat ’yan sa likod!” mabilis na awat ni Crystal nang makitang bubuhatin na agad ng lalaki ang isang sako na naglalaman ng kanilang mga damit. Hindi pinansin ni Bash ang babala nito. Diretso niyang tinungo ang likurang bahagi ng itim na SUV at inilapag nang maayos ang sako. Kasunod niya sina Samuelson at Dante, na agad ding lumabas ng sasakyan para tumulong sa pagbubuhat ng natitirang mga kahon. Halatang hindi sanay ang mga ito sa ganitong gawain, pero pilit pa ring nagpapakitang parang sanay na sanay. “Wala ka bang tiwala sa muscles ko, Crystal?” seryosong tanong ni Bash habang nagpupunas ng bahagyang pawis sa noo gamit ang likod ng kanyang kamay. Namula nang bahagya si Crystal—hindi dahil sa init ng panahon, kundi sa paraan ng pagkakatingin ng binata. Mabilis niyang iniwas ang kanyang paningin. “Hindi sa muscles mo, kundi sa buhok mo. Baka madumihan ka pa rito sa tapat ng laundry shop namin, eh mas mahal pa yata ang pomade mo kaysa
Napakunot-noo si Bash. “Anong ‘tapos na tayo’?” seryosong tanong niya. “Wala namang tayo.” Napatingin si Crystal kay Bash. Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa pagiging literal ng lalaki. “Uhmmm…” mahina niyang bulong, saka napailing. “Basag ka naman sa drama.” “Ano?” tanong ni Bash. “Ang corny mo, Boss!” mabilis na bawi ni Crystal, sabay hawak sa sariling batok para itago ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. “Kung wala naman palang tayo, bakit parang kailangan mo pang kontrahin? Sinabi ko lang naman na tapos na ang usapan natin!” “Hindi ko kinokontra,” malamig na sagot ni Bash. “Nililinaw ko lang.” “Eh, ’di malinaw na!” “Hindi sa akin.” Napatingin si Crystal sa kanya. “Hay naku! Ikaw talaga!” Samantala, sa loob ng nakaparadang itim na sasakyan, halos magkandasubsob na sa kakasilip sa bintana sina Samuelson, Dante, at Diego. “Hala!” bulalas ni Dante. “May debate na!” “Hindi debate ’yan,” singit ni Samuelson. “Par
Ngunit bago pa tuluyang makababa si Bash ng sasakyan, biglang may ilang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng laundry shop.Napakunot ang noo ng magpipinsan nang makitang bumaba mula roon ang mga tauhan ng pamilya ni Bash.“Kuya Bash, mga tauhan nina Tito at Tita,” sambit ni Samuelson.Napabuntong-hininga si Bash at muling isinara ang pinto ng sasakyan.“Mukhang hindi muna ako makakababa.”Nanatili muna siya sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga tauhan na mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Crystal.“Miss Crystal!”Napalingon si Crystal.Lumapit ang isa sa mga tauhan at seryosong tumingin sa kanya.“Miss, kayo po ang nakita namin kanina sa venue kasama ni Sir Bash. Kayo rin po ang sumakay sa sasakyan kasama niya. Kayo po ba ang kasama niya sa pagtakas sa kasal?”Biglang nanlaki ang mga mata ni Crystal.“Ako?!”“Opo. Kayo po mismo ang nakita namin.”Agad na umiling si Crystal nang mariin.“Hindi ako ‘yon!”Napakunot ang noo ng tauhan.“Pero nakita po namin kayo mismo sa
“Nakakainis, Mama! Tinakasan ako ng fiancée ko! Nakakahiya…!” Inis na wika ni Celine habang halos mangiyak-ngiyak at mapaluhod sa tindi ng hiyang dinadanas sa gitna ng marangyang bulwagan. Namumula ang kanyang mukha sa galit at kahihiyan, habang ramdam pa rin niya ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanila kanina. Para bang bawat bulong at tingin ng mga bisita ay lalo lamang dumudurog sa kanyang pride.Lumapit ang kanyang ina, hinawakan nang mahigpit ang nanginginig niyang mga kamay, at seryosong tumingin sa kanyang mga mata. Bakas sa mukha nito ang galit, ngunit higit na nangingibabaw ang determinasyon.“Huwag kang mag-alala, anak! Gaganti tayo. Pero sa ngayon, umalis na muna tayo rito at huwag na muna nating pag-aksayahan ng panahon ang paghabol kay Bash.Ang pinakamahalaga ngayon ay mapapayag mo ang mga magulang ni Bash na matuloy ang kasal niyo kahit wala ang kanilang anak. Kaya bumalik na tayo sa venue!”Tumigil sandali si Celine, pinahid ang gilid ng kanyang mga mata, at tila m







