Share

1: FAKE WIFE

last update Huling Na-update: 2023-10-05 21:43:51

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nilalanghap ko ang sariwang hangin.

Hindi ko na rin inalintana ang buhok ko na siyang pinapayid nang malakas na hangin at ang iilan na siyang tumatabing sa aking mukha.

'Ang sarap lang sa pakiramdam nang ganito.'

"Rainy." Tawag sa akin, ngunit hindi na ako nag-abala na lumingon.

'Nasaan ka na ba kasi?' Hindi ko mapigilan na itanong sa aking isip.

'Hanggang kailan ba ako magpapanggap?' Tanong ko pang muli, ngunit ako lang din naman ang makakasagot kahit magtanong ako nang paulit-ulit.

Kung pinanindigan ko lang sana ang totoo baka iba ang takbo nang aking buhay ngayon. Tahimik at hindi namumroblema sa kahit na anong bagay. Walang iniisip na kahit ano.

"Pagod kana ba hija?" Muling tanong sa akin nang matanda, si Aling Nena. Isa sa mga kasamabahay sa Hacienda ni Thunder na bukod tanging pinagkakatiwalaan niya sa lahat.

"Hindi pa po, pero may kailangan pa po bang pitasin?" Tanong ko at nilingon siya ng bahagya."Gusto ko po kasi mamitas nang strawberry." Nakangiti pa na ani ko sa matanda.

Nginitian ako ni Aling Nena bago mahina na tumawa.

"Sa isang linggo pa tayo pwedeng mamitas noon hija." Sagot niya sa akin.

Napasibangot ako sa narinig ngunit ngumiti pa rin ako sa matanda.

"Kung ganon po, ay tutulungan ko na lang kayo dito." Sagot ko at mabilis na binuhat ang hindi kabigatan na basket na naglalaman nang ilang prutas na siyang napamitas namin.

Habang papalapit kami sa mansyon ay natanaw naman namin ang isa sa magara na sasakyan ni Thunder.

Nakakatiyak rin ako na si Thunder ang lulan nang sasakyan at hindi nga ako nagkamali nang bumaba ito mula doon. Tindig pa lang ay nakakakilabot na, kasunod naman ng kanyang sasakyan ang isa pa na kakaparada lang kasunod ng pagbaba nang ilan sa kanyang mga tauhan na armado at daig pang hindi pwedeng kausapin.

Tiningnan ako nito nang wala man lang kaemo-emosyon ang mukha, kaya mabilis akong nag iwas nang tingin kay Thunder.

Magmumukhang feeling close ba ako

kung "asawa" ang aking itatawag sa kanya?

Naiiling na lang ako sa aking naisip.

Naramdaman ko ang papalapit na yabag ni Thunder kaya muli akong tumunghay at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Isang magaan na halik ang lumapat sa gilid nang aking labi na siyang aking ikinatigil.

Nilingon ko si Aling Nena na may nakakalokong ngiti ngayon sa akin.

'Bakit nga ba siya humantong sa ganito?'

"Hijo, andyan kana pala. Halika at ipaghahanda ko kayo nang umagahan. Sakto kasi na kakatapos lamang namin mamitas nang mga prutas. Halika at sabay na kayo mag agahan nang iyong asawa." Mahaba na sabi nang matanda kay Thunder.

Napayuko naman ako nang bahagya at iniwasan ang bawat titig ni Thunder. Sumunod ako kay Aling Nena papasok sa loob nang mansyon at ipinatong ang bitbit na basket na siyang naglalaman nang ilang uri nang prutas na aming pinitas kanina sa malawak na hardin.

"Aling Nena, sumabay na po kayo sa amin." Pagyayaya ko sa matanda.

"Naku hija, busog pa ako. Kayo na lang muna ang kumain." Sagot niya sa akin.

Lihim naman akong napangiwi dahil sa pagkailang na nararamdaman.

Naiilang naman ako sa presensya nang aking asawa na nasa aking harapan habang sumasandok nang pagkain. Nilingon ko si Thunder nang ibigay niya sa akin ang plato kung saan andoon ang mga sinandok nitong pagkain.

"Eat." Simple na utos niya sa akin na mas lalo kong ikinailang. Para tuloy sinisilihan ang aking puwet dahil sa nangyayari.

Marahan ko naman na kinuha ang kubyertos na nasa gilid lang nang aking plato at maingat na kumilos.

"How's your day? Kamusta ang iyong naging araw habang wala ako?" He asked me.

Tumikhim naman ako bago nagsalita.  "Maayos naman, masaya, pero nakakabagot." Tapat ko na sagot at nakita ko pa ang bahagyang pagtango nito.

"Saan mo gustong magbakasyon?" Napatulala ako sa kanyang naging tanong.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa kanyang biglaang tanong. 'For real?' Si Thunder ba talaga itong kaharap ko?

Kung kanina kasi pagkarating niya ay ginawaran niya ako nang halik sa harap nang mga trabahador dito sa Hacienda, ngayon naman ay ang sabay kaming kumain na ngayon lang nangyari sa loob ng dalawang taon na maikasal kami.

Oo nagpakasal kami na isa sa ipinagkataka ko, ang buong akala ko talaga ay naikasal na sila ni Rainy pero hindi ko akalain na uulitin muli ang kasal.

Ewan ang gulo.

"Rainy." Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang pangalan na hindi naman talaga sa akin.

Na hindi ko naman pag mamay-ari.

"A-ah, ikaw na ang bahala. Ayos lang sa akin kahit saan." Sagot ko bago nagsimula nang kumain at hindi na nag abala na lingunin si Thunder dahil sa nakakakilabot na tingin na ibinabato niya sa akin.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung

bakit halos gustong magwala ng aking kaluluwa

kapag malapit sa akin ang aking asawa.

Parang anytime ay pwede akong mabuko

na hindi talaga ako ang totoo na Rainy.

Sa loob nang dalawang taon, hindi ko na rin namamalayan kung bakit nga ba ako nagtitiis sa puder ni Thunder.

"Okay, then." He simply answered.

Pagkatapos nang aming pag uusap na yun ay mabilis na natapos si Thunder na kumain kesa sa akin. Sinundan ko pa ang papalayo na bulto ni Thunder paakyat sa may hagdan na natitiyak ko na papunta sa siya sa aming kwarto.

"Ako na ang bahala diyan hija. Sundan mo na ang asawa mo, tiyak na napagod yun sa kanyang trabaho." Nakangiti na sabi sa akin ni Aling Nena.

Imbis na mapangiti ako ay nauwi sa ngiwi ang nangyari, sa totoo lang kasi ay hindi kami masyadong nag uusap ni Thunder at kanina lang talaga ang pinakamahaba na nagkausap silang dalawa.

Walang naman akong nagawa kundi ang umakyat sa taas. Napansin ko pa na nakaawang ang pintuan nang aming kwarto at narinig ang boses ni Thunder.

"Yes. Of course Christine." Rinig ko mula sa loob.

Hindi ko naman maintindihan ang biglaang pagsikdo at pagsikip nang aking dibdib nang marinig ang pamilyar na pangalan.

Pangalan ng isang babae.  Babae na hindi ko gustong marinig ang pangalan kahit kailan.

'Sinasaktan mo na naman ang sarili mo Summer.' bulong ko sa kawalan at sumandal sa may gilid. Hinawakan ko ang parte ng aking dibdib at dinama ang malakas at nagwawala na tibok ng aking puso.

'Maling-mali na talaga ito.'

"What are you doing?" Napaayos ako ng tayo ng marinig ang baritono niyang tinig.

Nanlamig agad ang aking mga kamay at naging balisa, nagiisip nang maisasagot.

"A-ah, ano kasi. Hindi muna ako pumasok k-kasi pakinig ko na may kausap ka pa." Pagdadahilan ko at irap lamang ang natamo ko mula sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang lagpasan niya ako.  "P-paalis ka?" Hindi ko naman mapigilan na tanong habang pababa siya ng hagdan.

Nilingon niya ako ngunit muli siyang tumalikod at naglakad papalayo ng wala man lang binibitawan na salita.

Wala akong magagawa dahil siya din naman ang masusunod at hindi ako.

Napagpasyahan ko na lang ang pumasok sa loob ng kwarto at nilanghap ang amoy na naiwan ni Thunder sa kabuuan ng kwarto. Kung may makakakita man sa akin iisipin nila na nababaliw na ako pero kung si Thunder ang makakakita baka ang isipin niya ay manyakis ako.

Pero masisisi niyo ba ako? Tao lang, naghahanap din ng kalinga niya. Kaso deserve ko ba yun?

Sa tingin ko hindi, dahil hanggang ngayon ay pinapaniwala ko ang lahat ng tao na nakapaligid sa akin na ako si Rainy.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • WS1: Wife In A Contact   42: Wife and Son

    I kissed Light on his forehead. Nakatulog na ito at halos hindi ako makatayo dahil sa panghihina. Naging makasarili ako. Sarili ko lang ang iniisip ko, ni hindi ko man lang naramdaman ang nais ng anak ko. Hindi ko man lang siya na tanong kung okay lang ba siya. Ako lang ang nag desisyon ng para sa amin. Knowing that Light is expecting his father, but I’m keeping him away from Thunder. Sumandal ako sa pintuan ng makalabas sa kwarto ni Light. Pinunasan ko ang luha na siyang nagla-landas sa aking pisngi na siya namang naging isang mahina na hikbi. Tinakpan ko ng aking kamay ang aking bibig upang mapanatiling tahimik ang aking bawat hikbi. I walk towards my room at isinubsob ang mukha sa unan. I’m the worst mother ever.Hindi ko rin nagawang magsalita sa harap ng anak ko hanggang sa ito’y makatulog na. “I’m sorry Light, kung hindi man ako naging mabuting ina para sa’yo.” I said with those sobs. KINAUMAGAHAN, maaga akong gumising at pumasok sa trabaho. Hindi ko kasi alam kung paano

  • WS1: Wife In A Contact   41: Do I Have a Father?

    “Who are you talking to?” I asked him at para naman itong namutla at agad na pinagpawisan. “Sinong kausap mo?” Pagtatagalog ko sa tanong ko. “My cousin.” Bahagya ako na tumango. “Bakit galit ka ata, inaway ka na naman ba?” Tanong ko pa at nagtaas-baba lamang ito ng kanyang balikat. “Nakapag desisyon na ako. But promise me na hindi mo pababayaan si Light at huwag mo siyang aalisin sa iyong paningin.” Saad ko at parang mas lalong nag-iba ang hilatya ng kanyang mukha. “Natatae ka ba, Cloud?” Hindi mapigilan na bulalas ko. “No.” Mabilis niya na sagot. “Agad na? Nakapag desisyon ka na agad?” Marahan akong tumango. “Yep! Tama ka rin naman, hindi naman ako magtatagal. It just four days at papaunahin ko si Bea pauwi ng Pinas at susunod na lang ako ng ang lahat ay naka set na at tutulong na lang ako sa pag-aayos.” Paliwanag ko at marahan ito na tumango na medyo umiling. “Ayos ka lang ba?” Mabilis naman ito na tumango sa akin. May kakaiba talaga sa lalaki na ito.“It can’t be.” Umiiling na

  • WS1: Wife In A Contact   40: Picture

    “Anong napag-usapan niyo?” Hindi ako nag-abala na lingunin si Cloud at tumingin lamang sa labas ng bintana ng kanyang kotse. “Just.” Huminga ako ng malalim. “She wants that I’m the one who organize ng mga gagamitin at design na gagawin sa loob ng simbahan sa araw ng kasal niya. And I think pati sa mismong venue.” Tapat ko na sagot. “About the payment?” Cloud asked. “She triple it once na pumayag ako.” Mahina na sagot ko.“Magkano ang pinakamahina?” Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang side ng kanyang mukha, ang matangos nitong ilong pati na rin ang mapula nitong labi. “I know Tag-init. Gwapo ako.” Napairap ako sa kanyang sinabi. “Mahina na ang 800 thousands.”“Then do it, ako na ang bahala kay Light.” Nilingon ko siyang muli dahil sa sinabi. “Pag iisipan ko pa rin.”"Do it, Summer." Pinal na boses ni Cloud. "Sa Pilipinas ang ganap noon Cloud." Mahina ko na sabi dahil baka marinig ni Light na siyang busy paglalaro ng tablet niya sa likod."Isang buwan ka ba doon? Do you still

  • WS1: Wife In A Contact   39: Light

    “Ms. Saavedra, may nagpapa bigay po.” Malawak ang ngiti ko na sinalubong si Bea. Kinuha ko mula sa pagkakahawak niya ang isang bungkos ng bouquet. I smell the white rose inside of it at talaga namang pinabanguhan pa ni kumag. “Thank you, Bea.” Nakangiti ko pa na sambit. “Araw-araw na ‘yan ma’am. Para namang pupunuin na ni sir ang inyong bahay niyan.” Napailing ako sa panunukso ni Bea. “Shh, wag kang maingay.” Suway ko bago naglakad patalikod rito at naupong muli sa aking swivel chair. Kinuha ko ang aking cellphone at may hinanap na pangalan roon. I dialed his number and after a few rings he answered. “Hindi ko alam sa’yo kung bakit hindi ka pa natigil alam mo naman ang paulit-ulit na sinasabi ko.”“At sinabi ko rin na hayaan mo ako.” Anas na boses sa kabilang linya. “Yeah, magkano naman ang naging discount mo sa isa na ito? Don’t tell me na double na naman ang bayad mo dito?” Nakaingos ko na sagot. I heard him chuckled in the other line kaya napailing ako. “Mas maa-appreciate

  • WS1: Wife In A Contact   38: Canada

    SUNNY“Patay na tayo.” Napasabunot ako sa sariling buhok. I looked at the man who looked like a statue beside me. “Fvck Thunder! Hindi mo ba susundan?” Sikmat ko rito at hinampas siya sa kanyang braso ngunit para itong hindi man lang tinablan. “It’s too late, he’s my cousin. Alam ko ang nasa isip niya. How about you?” Nag iwas ako ng tingin sa agad nitong tanong.“B-bakit napunta sa akin?” “Eyes can’t lie, Sunny.” I scoffed. “Yeah— eyes don’t lie, Thunder.” I turned off the flat screen TV where the CCTV’s connected and leaned on the sofa. “You hurt her, Der and I will not forgive you. Pwede namang ibang salita na lang piliin mo bakit ‘yon pa.”“I’m scared.”“Tang4 ka rin pala ngayon ko lang nalaman.”“I know, that’s why we need to finish this job. I want to win her back, hindi niya ako basta iiwan.”“Nangako ba?” Nakataas na kilay na tanong ko dito. Ilang minuto niya akong tiningnan and I saw how lonely he is. Kung gaano niya gustong tumakbo palapit kay Summer upang humingi ng taw

  • WS1: Wife In A Contact   37: Escaped

    Nagising ako bandang alas-syete ng umaga. I do my morning routine and also checked my phone ngunit wala man lang reply mula kay Thunder. Hindi ko man lang din ito naramdaman o nakita sa loob ng room na tinuluyan namin. No sign of him, akala ko pa naman ay magkakausap kami but I’m wrong.Walang tanda niya na siya ay umuwi rito kagabi. Ano ba ang aasahan ko?Marahil ay si Sunny na nga ang pinili nito at hindi ako. Sa isipin na ‘yon ay gusto kong tampalin ang aking bibig. Bakit ko nga ba sinabi ang bagay na ‘yon?No doubt, na pipiliin niya talaga ang kaibigan ko dahil magpapakasal sila. Samantalang ang kagaya ko na kasal lamang sa papel ay maghahangad pa ng mas higit doon. Hindi man lang sumagi sa isip ko noon na kaya ako na sa posisyon na ito dahil lamang sa isang kasunduan, ‘yon lang at wala ng iba and after that papakawalan na niya ako kapag nakuha na niya ang mana nito. Ilang minuto akong nag-isip kong tama ba ang gagawin ko ngunit dinala na sadya ako ng mga paa ko sa harap ng pi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status