Nagising ako dahil sa ingay na narinig. Iminulat ko ang aking mga mata at hubad na likod ang aking unang nakita.
"I'm sorry, did I wake you up?" Nagkusot ako ng aking mga mata sa narinig at mabilis na umiling bilang sagot.Ngayon ay nakasuot na siya ng sando at malamlam ang mga mata na nakatingin sa akin. Nilingon ko pa ng bahagya ang orasan na medyo nahaharangan niya at alas dyes na ng gabi."Kararating mo lang?" Agap ko na tanong ngunit ang malamlam niyang mga mata ngayo'y naging malamig na ulit kung makatingin. Tumalikod siya sa akin at hindi umimik. "K-kumain kana ba?" Pagkuway tanong ko pa.Nagbabaka sakali na may makukuha na sagot mula sa kanya ngunit wala. Hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng pintuan ng hindi man lang ako nililingon.Napabuntong hininga ako at nahigang muli.Kung ayaw niya akong kausapin pwede naman niya sabihin para alam ko ang gagawin ko. Pero ewan, parang kanina lang pagkamulat ng aking mata ang lamlam niya makatingin tapos bigla na lang magbabago.Moody? Baka nireregla din siya?Dahil sa kakaisip ng kung anu-ano ay hindi ko na magawa ang makatulog pa. Bumalikwas ako ng tayo at bumaba ng hagdan upang kumuha ng tubig.Naabutan ko naman si Thunder na nakaupo at nakatalikod sa gawi ko. Mayroon kasing mini-bar dito sa kusina at lahat ng mamahalin na alak ay nandito na yata.Diri diretso lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng ref kumuha ako ng isang basong tubig at iniinom iyon. Pinag sa walang bahala ko ang bawat titig na nakukuha ko mula kay Thunder.Alam ko naman kasi na ayaw niya akong kausapin kaya bakit ko pa nga ba siya kakausapin diba?"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa akin tiningnan ko lang siya sa kanyang mga mata bago sya nilagpasan."Hindi mo ba ako narinig?" May himig ng pagkainis na tanong niya sakin.Tumigil ako sa paglalakad at ini isang lingon ko siya. "Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" tanong ko na may panunuya sa kanya at binigyan niya naman ako ng isang nakakapanindig balahibo na titig kaya mabilis akong tumalikod bago nagmamadala na umakyat muli sa hagdan bago mabilis na nahiga sa kama.May mali ba akong nasabi? Napiling nalang ako at nag talukbong ng kumot bago pinilit ang sarili na makatulog.Hindi naman kasi pwede na sya lamang palagi ang magiging masungit sa akin siempre maalam din naman ako maging mataray at hindi sya pansinin, pero kaya ko nga ba na hindi sya pansinin?Ilang minuto pa ang lumipas at naka rinig ako ng pag bukas ng pintuan pilit ako na pumikit ng mariin at hindi iniinda ang paglundo ng kama, tanda na si Thunder ay nahiga na sa aking tabi."I know that you're still awake." Basag niya sa katahimikan. "We were going to palawan tomorrow nandun din sila mommy at daddy, gusto kanilang makita." Dugtong pa nya.Inalis ko ang pagkaka talukbong ng kumot sa aking mukha, bahagyang sinilip ng aking mga mata si Thunder na ngayon ay nakatingin lamang sa kisame na tila may malalim na iniisip."Bukas na agad?" Mahina ko na tanong sapat lang upang marinig niya at isang tango lang naman ang naging sagot niya.Umayos ako ng pagkakahiga at tumalikod sa kanyang gawi. Hindi na ako nag abala na magsalita pa o magtanong ng kahit na ano sa kanya. Pilit ko na ipinikit ang aking mga mata at hindi ko naman inasahan na maramdaman ang isang mainit na palad na syang humahaplos sa aking tiyan at hindi maiwasan ang mapasinghap ng higitin niya ako palapit sa kanya.Mabilis namang nangisay ang kulisap na naglalagi sa aking dibdib at parang may kung anong daga ang gustong kumawala doon."T-thunder." Nausal ko sa hindi malaman na dahilan. Nakakailang at hindi ako sanay.Ano na namang palabas ito? Lasing ba siya? Tama. May inom siya kaya niya ito ginawa.Ayokong umasa."Hmm." Himig na sagot niya."M-mabanas." Pagdadahilan ko at hinawakan ang kamay na siyang nakapatong sa aking tiyan at marahan na iniangat.Halos mahigit ko ang aking hininga ng tabigin niya ang kamay ko at mas hinigit pa ako palapit sa kanya at niyakap ng may katamtamang higpit."Sinungaling." Sagot niya sa akin at isinubsob pa ang mukha sa aking leeg at pinaulanan ng ilang magagaan na halik.Gusto kong matawa dahil sa nararamdaman na kiliti ngunit pinigilan ko ang aking sarili upang hindi ipahalata na naapektuhan ako sa bawat small gesture na ginagawa niya.Small na ba?Nagising ako dahil sa tunog na aking narinig mula sa cellphone na nakapatong lamang sa sidetable dito sa loob ng aming kwarto. Nagkusot ako ng aking mga mata at kinapa ang cellphone at ng mahawakan ko ito ay agad kung sinagot ang tawag."Hello?" Bungad na sagot ko."It's already 8 in the morning, get up and get dress. Tatlong araw tayo sa Palawan at pang tatlong araw lang din na mga gamit ang dadalahin mo." Mahabang sabi ng nasa kabilang linya at agad ding namatay ang tawag.Pabagsak ko na inilagay ang cellphone sa kama at muling nag talukbong ng kumot bago ipinikit ang mga mata dahil sa antok na nararamdaman, hindi ko na namalayan na nakaidlip akong muli."Tulog pa rin siya hijo, may problema ba?" Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ang boses ni Aling Nena.Napahawak pa ako sa aking noo ng makaramdam ng pagkaliyo dahil sa biglaang pagtayo."Nothing, she's not answering her phone." Rinig ko naman na boses ni Thunder.Napa kurap ako ng ilang beses ng mag bukas ang pintuan at iluwa noon si Thunder na nakakunot ang mukha at may masamang tingin na pinupukol sa akin."Don't say a word. Make it fast Rainy, baka mamissed natin ang flight." Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi.Hindi na ako nag abala na makipag bangayan sa kanya o sumagot dahil alam ko naman na may mali ako kaya mabilis akong tumayo sa kama at pumasok sa banyo upang gawin ang aking routine.Alam ko rin na nagpipigil lamang si Thunder ng kanyang galit at inis sa akin dahil sa paghihintay kaya ang aking ginawa nalang ay mas binilisan pa ang pagkilos upang hindi na madagdagan ang kanyang galit o inis na nararamdaman sa akin.Hindi na rin ako nag abala na tiklupin pa ng maayos ang aming mga damit at basta na lamang ito isinuksok sa maleta. Hindi na rin ako nag abala na magsuklay o mag pulbo man lang basta ang ginawa ko nalang ay nilagay ang dapat ilagay sa maleta at ang aking iba pang gamit na alam kung aking magagamit sa pupuntahan namin."Let's go." Nakangiti ko na sambit.Tiningnan naman ako ni Thunder mula ulo hanggang paa at parang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil hindi siya makapaniwala sa akin itsura. Nakasuot lang naman kasi ako ng simpleng panjama at white t-shirt, hindi na ako nag abala na mag maganda pa dahil sasakay lang din naman kami sa sasakyan at eroplano tapos pagdating doon ay magpapahinga din.Pero hindi pa naman ako sigurado kung ganun talaga ang mangyayari siguro sadyang advance lamang mag isip ang aking utak."Nay Nena, may suklay ba tayo?" Na pataas naman ang aking kilay sa naging tanong ni Thunder sa matanda."Ay, oo naman hijo. Madami dyan sa kabinet sa harap ng malaking salamin." Sagot ng matanda kay Thunder.Sinundan ko naman ng tingin si Thunder habang naglalakad papunta sa malawak na salamin at hinila ang isa sa mga drawer ng kabinet doon bago kinuha ang suklay."Baka sabihin nila na pinapabayaan ka dito kaya ganyan ang itsura mo." Nahiya naman ako sa kanyang sinabi.Bahagya pa akong napaigtad ng hawakan niya ang aking buhok at agad na sinuklay."I will give you five minutes to change your clothes." Mabilis akong tumakbo dahil sa narinig hindi na ako nag aksaya ng segundo at mabilis na umakyat sa aming kwarto upang maghanap ng desente at maayos na damit kahit na pakiramdam ko ay may ilang hibla ng buhok ang nadala dahil nga sa hawak ito ni Thunder upang suklayan.Ano ba kasi ito ng nasa isip ko? Hindi man lang ako nakapag isip ng maayos at basta na lamang nagsuot ng simpleng damit kahit alam ko naman na yayamanin ang aking asawa, nakakahiya tuloy!!Ilang segundo akong napatigil at napaisip.Pero asawa ko nga ba?I kissed Light on his forehead. Nakatulog na ito at halos hindi ako makatayo dahil sa panghihina. Naging makasarili ako. Sarili ko lang ang iniisip ko, ni hindi ko man lang naramdaman ang nais ng anak ko. Hindi ko man lang siya na tanong kung okay lang ba siya. Ako lang ang nag desisyon ng para sa amin. Knowing that Light is expecting his father, but I’m keeping him away from Thunder. Sumandal ako sa pintuan ng makalabas sa kwarto ni Light. Pinunasan ko ang luha na siyang nagla-landas sa aking pisngi na siya namang naging isang mahina na hikbi. Tinakpan ko ng aking kamay ang aking bibig upang mapanatiling tahimik ang aking bawat hikbi. I walk towards my room at isinubsob ang mukha sa unan. I’m the worst mother ever.Hindi ko rin nagawang magsalita sa harap ng anak ko hanggang sa ito’y makatulog na. “I’m sorry Light, kung hindi man ako naging mabuting ina para sa’yo.” I said with those sobs. KINAUMAGAHAN, maaga akong gumising at pumasok sa trabaho. Hindi ko kasi alam kung paano
“Who are you talking to?” I asked him at para naman itong namutla at agad na pinagpawisan. “Sinong kausap mo?” Pagtatagalog ko sa tanong ko. “My cousin.” Bahagya ako na tumango. “Bakit galit ka ata, inaway ka na naman ba?” Tanong ko pa at nagtaas-baba lamang ito ng kanyang balikat. “Nakapag desisyon na ako. But promise me na hindi mo pababayaan si Light at huwag mo siyang aalisin sa iyong paningin.” Saad ko at parang mas lalong nag-iba ang hilatya ng kanyang mukha. “Natatae ka ba, Cloud?” Hindi mapigilan na bulalas ko. “No.” Mabilis niya na sagot. “Agad na? Nakapag desisyon ka na agad?” Marahan akong tumango. “Yep! Tama ka rin naman, hindi naman ako magtatagal. It just four days at papaunahin ko si Bea pauwi ng Pinas at susunod na lang ako ng ang lahat ay naka set na at tutulong na lang ako sa pag-aayos.” Paliwanag ko at marahan ito na tumango na medyo umiling. “Ayos ka lang ba?” Mabilis naman ito na tumango sa akin. May kakaiba talaga sa lalaki na ito.“It can’t be.” Umiiling na
“Anong napag-usapan niyo?” Hindi ako nag-abala na lingunin si Cloud at tumingin lamang sa labas ng bintana ng kanyang kotse. “Just.” Huminga ako ng malalim. “She wants that I’m the one who organize ng mga gagamitin at design na gagawin sa loob ng simbahan sa araw ng kasal niya. And I think pati sa mismong venue.” Tapat ko na sagot. “About the payment?” Cloud asked. “She triple it once na pumayag ako.” Mahina na sagot ko.“Magkano ang pinakamahina?” Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang side ng kanyang mukha, ang matangos nitong ilong pati na rin ang mapula nitong labi. “I know Tag-init. Gwapo ako.” Napairap ako sa kanyang sinabi. “Mahina na ang 800 thousands.”“Then do it, ako na ang bahala kay Light.” Nilingon ko siyang muli dahil sa sinabi. “Pag iisipan ko pa rin.”"Do it, Summer." Pinal na boses ni Cloud. "Sa Pilipinas ang ganap noon Cloud." Mahina ko na sabi dahil baka marinig ni Light na siyang busy paglalaro ng tablet niya sa likod."Isang buwan ka ba doon? Do you still
“Ms. Saavedra, may nagpapa bigay po.” Malawak ang ngiti ko na sinalubong si Bea. Kinuha ko mula sa pagkakahawak niya ang isang bungkos ng bouquet. I smell the white rose inside of it at talaga namang pinabanguhan pa ni kumag. “Thank you, Bea.” Nakangiti ko pa na sambit. “Araw-araw na ‘yan ma’am. Para namang pupunuin na ni sir ang inyong bahay niyan.” Napailing ako sa panunukso ni Bea. “Shh, wag kang maingay.” Suway ko bago naglakad patalikod rito at naupong muli sa aking swivel chair. Kinuha ko ang aking cellphone at may hinanap na pangalan roon. I dialed his number and after a few rings he answered. “Hindi ko alam sa’yo kung bakit hindi ka pa natigil alam mo naman ang paulit-ulit na sinasabi ko.”“At sinabi ko rin na hayaan mo ako.” Anas na boses sa kabilang linya. “Yeah, magkano naman ang naging discount mo sa isa na ito? Don’t tell me na double na naman ang bayad mo dito?” Nakaingos ko na sagot. I heard him chuckled in the other line kaya napailing ako. “Mas maa-appreciate
SUNNY“Patay na tayo.” Napasabunot ako sa sariling buhok. I looked at the man who looked like a statue beside me. “Fvck Thunder! Hindi mo ba susundan?” Sikmat ko rito at hinampas siya sa kanyang braso ngunit para itong hindi man lang tinablan. “It’s too late, he’s my cousin. Alam ko ang nasa isip niya. How about you?” Nag iwas ako ng tingin sa agad nitong tanong.“B-bakit napunta sa akin?” “Eyes can’t lie, Sunny.” I scoffed. “Yeah— eyes don’t lie, Thunder.” I turned off the flat screen TV where the CCTV’s connected and leaned on the sofa. “You hurt her, Der and I will not forgive you. Pwede namang ibang salita na lang piliin mo bakit ‘yon pa.”“I’m scared.”“Tang4 ka rin pala ngayon ko lang nalaman.”“I know, that’s why we need to finish this job. I want to win her back, hindi niya ako basta iiwan.”“Nangako ba?” Nakataas na kilay na tanong ko dito. Ilang minuto niya akong tiningnan and I saw how lonely he is. Kung gaano niya gustong tumakbo palapit kay Summer upang humingi ng taw
Nagising ako bandang alas-syete ng umaga. I do my morning routine and also checked my phone ngunit wala man lang reply mula kay Thunder. Hindi ko man lang din ito naramdaman o nakita sa loob ng room na tinuluyan namin. No sign of him, akala ko pa naman ay magkakausap kami but I’m wrong.Walang tanda niya na siya ay umuwi rito kagabi. Ano ba ang aasahan ko?Marahil ay si Sunny na nga ang pinili nito at hindi ako. Sa isipin na ‘yon ay gusto kong tampalin ang aking bibig. Bakit ko nga ba sinabi ang bagay na ‘yon?No doubt, na pipiliin niya talaga ang kaibigan ko dahil magpapakasal sila. Samantalang ang kagaya ko na kasal lamang sa papel ay maghahangad pa ng mas higit doon. Hindi man lang sumagi sa isip ko noon na kaya ako na sa posisyon na ito dahil lamang sa isang kasunduan, ‘yon lang at wala ng iba and after that papakawalan na niya ako kapag nakuha na niya ang mana nito. Ilang minuto akong nag-isip kong tama ba ang gagawin ko ngunit dinala na sadya ako ng mga paa ko sa harap ng pi