Ayah Solene’s Point of View
Days have passed after I confronted Dave about my pregnancy. Totoo nga ang sabi nila, life is hell. “Lord, karma ko na ba ‘to?”
Pagkauwi ko ng bahay matapos ang lahat, humagulhol ako. Sinisi ko ang sarili ko. Is this the fruit of being a careless woman? No, never akong naging pabaya sa sarili ko. I suffered a lot back when I was disowned by my family and lived alone. Yes, pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko. I had the freedom, the peace I needed, pero wala akong sandalan. If only I had good parents, ‘yung understanding, caring, at nagbibigay ng needs ng anak nila… hindi sana ganito ang buhay ko.
Umiyak ako nang umiyak habang hinihimas ang aking tiyan. I have so much love to give for this child, pero higit ang awa. The world turns and I am below. Hindi ito ang inaasam kong mangyari sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Ayoko siyang magdusa sa kasalanang nagawa ko. Pero ayoko rin siyang mawala.
“Kung may award ang pagiging pinakabobo sa love life, ako na ang hall of famer.”
“Ang hirap… ang sakit-sakit,” bulong ko, habang kumakapit sa unan, feeling ko mas malambing pa sa akin ang foam kaysa sa kahit sinong tao.
Mabilis ang mga araw. Parang pinindot ang fast-forward button ng buhay ko. Pasok sa opisina, uwian, at mga tawag ni Dave na halos araw-araw, kinukulit ako tungkol sa “arrangements.”
Ako naman, nakatunganga lang, iniisip, “Kung kasal ang kailangan, dapat may gown, may bulaklak, may ninong na lasing sa reception. Eh ito? Mukhang sponsor namin ay Xerox at ballpen.”
Nang dumating ang araw, sinundo niya ako. Hindi ako naka-gown, hindi rin ako naka-makeup gaya ng mga bride na nakikita ko sa social media. Just a simple dress, hair down, at isang pitik ng lip tint para hindi halatang galing ako sa stress.
Dinala niya ako sa isang lumang heritage chapel na parang nakatago sa loob ng art gallery. Labas pa lang, tahimik at madilim, parang haunted house kung hindi lang may kotse kaming nakaparada.
Pagpasok namin, wow… hindi pala wow. Wooden pews, alikabok, at isang lamesang may desk lamp. Walang choir, walang violin, walang bulaklak.
“Akala ko may violin at choir. Ang meron lang, mga lamok at ilaw ng desk lamp na galing pa sa panahon ng lolo ko,” sabi ko sa isip ko.
Naupo ang officiant—isang matandang abogado na mukhang nagmamadali pang umuwi para manood ng teleserye.
Habang inaabot niya ang papel, napa-buntong hininga ako. “Ang bridal bouquet ko pala ay ballpen. Kung may garter toss, baka office ID ang ihagis.”
Nilagay ko ang pirma ko, nanginginig ang aking mga kamay. “Ito na yata ang pinakamahal na pirma ko sa buhay. Hindi man lang notarized ng puso ko.”
Si Dave naman, cool na cool. Smirk pa, tapos sabing, “The easiest deal of my life.”
Napairap ako. “Kung deal ito, sana may libreng buffet.”
But deep iniside, gusto kong umurong sa lahat ng ito. Malayong-malayo ang lahat sa pinangarap ko. Ang tanging alam ko lang, ito ang makakabuti para sa lahat.
Pagkalabas namin ng chapel, tahimik. Wala man lang clap o confetti. Ako na lang ang nagbiro.
“So, ano na? Wala man lang pakain kahit pansit canton at coffee?”
Napangiti lang siya, pero iba ang mata niya. Hindi ko mabasa—hindi pang-negosyo, hindi rin pang-asar. May kung ano doon na mas malambot kaysa sa sofa na inupuan ko sa opisina.
For the first time, dinala niya ang sa isang fine dining restaurant. But as expected, reseverd ang buong establishimento para sa aming dalawa lang. I was supposed to be a very sweet reception pagkatapos ng seremonya pero hindi, tunog lang ng kobyertos.
“Sabi ko pansit canton, hindi steak na mas hilaw pa sa sitwasyon at wine na mas mapait pa sa pagmumukha mo.” sarkastiko kong pagbasag ng katahimikan.
After that hindi niya ako dinala pauwi sa apartment ko. Instead, he drove me to a “simple house” sa isang tahimik na village dito lang din sa city.
Pagbaba ko, napataas ang kilay ko. Mukha lang siyang ordinaryong bahay. “Ano ‘to? Safehouse ng NBI?”
Pero pagpasok namin, halos mahulog panga ko.
Inside was another story—voice-controlled lights, automated blinds, touchscreen fridge, coffee machine na parang spaceship, at sala na mas sosyal pa sa hotel lobby.
“Bakit parang ang bahay na ‘to, may sariling wifi signal na mas malakas pa sa telecommunication tower?” naisip ko.
“We’ll live here. Safe, discreet, and only we know.” Dave said simply.
Nagtaas ako ng kilay. “Parang ang dali mo namang maglipat ng tao. Anong akala mo sa’kin sofa lang?” Pero deep inside, I was impressed.
Akala ko tuloy-tuloy na ang lahat — that maybe, just maybe, this day could end a little sweeter than it started. Pero bago pa ako makaupo, dumukot siya ng cellphone sa bulsa at biglang seryoso ang mukha.
“I need to go,” sabi niya. “There’s a meeting I can’t cancel with Daphne.”
Parang may kutsilyong dumaplis sa kalooban ko. Selos? Lungkot? O malamang disappointment?
“Wow, triple combo meal.” I tried to lift everything sa isang biro sa isip ko.
Pinilit kong ngumiti, kahit gusto kong ipukpok sa kanya yung mamahaling lampshade sa tabi ng sofa. “Wow, ang bilis. Katatapos lang ng kasal, may other woman ka na agad. Ano ’to, trial version lang ako?”
Sa isip ko, sunod-sunod ang hugot…
“Kung honeymoon ito, bakit mukhang may mistress agad na naka-line up?”
“Hindi pa ako nagwi-wish sa wishing well, binawi na agad ni Lord.”
“Pwede bang i-refund ang kasal? Wala pa namang resibo.”
Tumitig ako sa pintuan na sinarhan niya, sabay buntong-hininga. “Mas mahal ko pa yung version mong Ian than this Dave Lorian.”
Pagkapasok ko sa master bedroom, nagulat ako. Binuksan ko ang malaking closet.
“Wow, pati mga gamit ko, nakalipat na agad. Ano ’to, lipat-bahay express?”
Nando’n na lahat ng gamit ko. Mga damit ko, sapatos, pati mga lumang pantulog na akala ko tinapon ko na. May mga bagong damit pa na clearly hindi galing sa Divisoria kundi sa kung anong sosyal na clothing brand na hindi ko kayang bilhin.
“Pwede palang may pa-free closet. Pero sana may pa-free emotional stability din.”
At ang ending, nahiga ako sa kama mag-isa. Sobrang laki ng kama, parang field trip sa Luneta. Nakatitig ako sa kisame, iniisip, “Ayah, welcome to married life. May engrandeng bahay, may malaking kama, pero walang matinong asawa.”
Hindi ko na rin namalayang nakatulog na ako…
Kinabukasan nagising ako sa amoy ng parang nasusunog. Literal. Akala ko may apocalypse na, pero hindi — it was Dave pala, nakikipaglaban sa kusina.
Nakasando lang siya, hawak ang kawali, pero halatang hindi siya marunong. Ang itlog? Mukhang fossil. Ang tinapay? Nag-evolve into uling. At ang kape, lumalabas sa coffee machine na parang fountain sa mall.
“Ang hina ng management skill. Yung totoo, CEO ba ‘to?”
Hindi ko na napigilan — tawa ako nang tawa.
“Stockholder meeting kaya mong i-handle, pero ang kusina, hindi mo kinaya.” prangka ko rito.
“I’m trying to be sweet here.” proud pa niyang sabi.
Pero habang nagtatalsikan ang mantika at mas lumalala na ang lahat, napangiwi siya, trying to keep his composure, but at the same time halatang naiinis sa sarili.
“Tabi, ako na,” sabi ko, inagaw ang kawali.
And in just a few minutes, nagawa ko ang simpleng almusal — itlog, hotdog, sinangag. Yung tipong menu na kahit lasing na tatay sa probinsya ay kayang lutuin.
Naupo kami sa mesa. Tahimik kaming kumain. Normal. Too normal.
Hanggang sa biglang bumaliktad ang sikmura ko — hindi dahil sa pagkain, kundi sa isang bagay na bigla kong napansin.
Napalingon si Dave, worried. He tried to help me pero malakas ko siyang tinulak.
“What’s wrong?” nagulat siya sa naging reaksyon ko.
Sa leeg niya — may hickey.
Bigla akong kinilabutan na parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Nakayuko lang ako habang nagduduwal sa lababo. Sinubukan kong gawing normal ang umaga, magpatawa, magpanggap na okay lang. Pero deep inside, sobrang bigat ng nararamdaman ko.
“I tried to lift the mood, to laugh, just to make things work… pero mas lalo lang siyang gumagawa ng mga bagay na lalong nagpapalayo ng loob ko. Dapat pawala na siya… but the feeling is still there. And that hurts even more.”
Daphne’s Point of View“Babe? Why is the door locked? Is something wrong?”Hindi ko pa rin malimutan ang araw iyon. Yung pagkakataon na nadatnan ko si Dave at si Ayah na magkasama sa office. Their faces were too close, their voices too low pero may diin. Nang tanungin ko, sabi nila, work problem lang. Convincing ang mga salita, pero hindi ang kanilang mga mukha.Ayah, that innocent little girl—hindi siya marunong magsinungaling. Her eyes were trembling, her hands couldn’t keep still. Too pure, too transparent. At si Dave, kahit anong pilit ng ngiti, I know that look. I’ve seen it before—when he tries to bury the truth.That night, I told myself to believe. Mas madaling tanggapin na trabaho lang iyon kaysa isipin na may mas malalim pa. Pero kahit anong pilit kong itulak palayo ang hinala, bumabalik at bumabalik pa rin.Sa mga sumunod na linggo, nagsimula kong mapansin ang mga pagbabago. Dave was always late—sa dinners, sa meetings, kahit sa dates na matagal ko nang pinlano. Lagi siyang
Ayah Solene’s Point of View“Hays…” buntong-hininga ko.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. The rushed wedding, the secret house, and that crazy hickey na kapag naaalala ko ay automatic na bumabaliktad ang sikmura ko. Gustong-gusto ko siyang pigain sa mga palad ko. Nakakagigil!Pero sige, trabaho muna. Reality check. Del Valle Holdings doesn’t care kung may trust issues ako kay Dave. The company runs with or without my drama. Kaya ayan, naglalakad ako papasok ng opisina, mukha kong serious, kahit sa isip ko gusto ko siyang sampalin gamit ang stapler.Sa office, tahimik lang ako. Ako si Ayah Solene Cruz—coordinator at project manager, na nakatago sa gilid. Pero deep inside, I knew my role had shifted. Ako ang secret weapon ng isang CEO na ang lakas maka-heart attack.“Miss Cruz, your notes on section B?” tanong ni Dave, casual. Ibang klase talaga.Nag-abot ako ng papel, deadma face. Pero nang makita kong nakangisi siya, gusto kong sabunutan sarili k
Dave Lorian’s Point of ViewI went straight to our secret house. As soon as I opened the door, silence greeted me. I headed to the bedroom, and there she was—sleeping, completely unaware of my presence.Her hair was spread across the pillow, her face faintly smiling even in her dreams. I sat beside her, not moving, afraid to wake her. The weight on my chest was unbearable—guilt, exhaustion, and longing all tangled with every beat of my heart.I reached out and touched her hair gently, carefully. Just holding it felt like I could somehow fix everything I had broken. I noticed the little twitch of her eyebrows in sleep, and I couldn’t help but smile, quietly, to myself.“I broke her heart in one day—the wedding she didn’t deserve, leaving her on our first night, and now… this silence.”I took a deep breath, forcing myself to stay calm. I wanted to hold her tighter, to tell her that no matter what happened, she was the only one I wanted, the only one I loved. But I had to wait. In the sti
Dave Lorian’s Point of ViewHindi ko makakalimutan ang araw na iyon.Ayah stood in front of me, hands trembling, eyes full of fear and anger at the same time. “I’m pregnant,” she said. Her voice cracked, pero ang titig niya matalim, para bang handa siyang ipaglaban ang bata kahit ako mismo ang kalaban niya.I wanted to smile. God knows I wanted to grab her and say, “Thank you. Thank you for giving me something real in this hollow life.” Inside, I was rejoicing. My child. Our child. The very thought filled a hole I never knew was there.Pero hindi ko puwedeng ipakita. Hindi ako puwedeng magmukhang mahina. Not as a Lorian, not as a CEO, not as a man who’s supposed to keep everything under control.So instead, I crossed my arms, kept my voice flat. “We’ll handle this,” I said. Parang kontrata lang na pinipirmahan.Ayah’s lips pressed tight, hurt flashing in her eyes. She thought I didn’t care. Truth was, I cared too much.“Damn it, Dave,” I thought that day. “You just ruined the best mom
Ayah Solene’s Point of ViewDays have passed after I confronted Dave about my pregnancy. Totoo nga ang sabi nila, life is hell. “Lord, karma ko na ba ‘to?”Pagkauwi ko ng bahay matapos ang lahat, humagulhol ako. Sinisi ko ang sarili ko. Is this the fruit of being a careless woman? No, never akong naging pabaya sa sarili ko. I suffered a lot back when I was disowned by my family and lived alone. Yes, pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko. I had the freedom, the peace I needed, pero wala akong sandalan. If only I had good parents, ‘yung understanding, caring, at nagbibigay ng needs ng anak nila… hindi sana ganito ang buhay ko.Umiyak ako nang umiyak habang hinihimas ang aking tiyan. I have so much love to give for this child, pero higit ang awa. The world turns and I am below. Hindi ito ang inaasam kong mangyari sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Ayoko siyang magdusa sa kasalanang nagawa ko. Pero ayoko rin siyang mawala.“Kung may award ang pagiging pinakabobo sa love life, ako na ang
Third Person’s point of ViewKinabukasan, nag-rush ulit siya sa malapit na pharmacy para bumili ng pregnancy test. Pagdating pa lang, para siyang contestant sa question and answer segment—ang dami niyang tanong sa pharmacist. “Sure kayo, tama yung paggamit ko? Hindi ba dapat mas yung mas mahal ang bilhin ko? Baka naman fake ‘yung mura?”The pharmacist chuckled, reassuring her. “Ma’am, tama naman po ang paggamit n’yo. Kahit anong brand, reliable po.”Pag-uwi, she locked herself in the bathroom. One test. Positive. Another. Positive pa rin. Clear. Bold. Dalawang linya. “Wow, congrats, Solene Cruz. May sarili ka nang koleksyon. Pregnancy Test Edition: All Positive.”Hanggang sa nagamit na niya lahat. Nakahilera sa sink, parang art installation ng pagkataranta niya.Her knees wobbled, hands trembling. “Hindi puwede. Baka expired lang? Or worse… marketing strategy lang ng manufacturer ‘to para mapabili ako ng sampung piraso.”Then her phone rang. Mr. CEO.Automatic na bumaba ang daliri n