Share

Chapter 5: Possession

Chapter 5: Possession

BREAK TIME nina Freiya at nanatili lang ako sa loob ng room nila. Nakayuko lang ako sa desk at dinadama ang katahimikan ng silid.

Sinira ng isang kalabog ang katahimikan. Napalingon ako sa gawing kanan ng silid. Nakita ko kung paano dahan-dahang tumayo ang isang babaeng medyo matured na ang hitsura kumpara sa mga kaklase niya. Napakunot ang noo ko nang may idinikit ang kaklase ni Freiya sa likod ng  babae nang hindi man lang nito namamalayan. Tumayo ako at lumapit sa kanila. 

Nakakunot ang noong binasa ko ang nakasulat sa papel, "Ang Ganda ko no? Inggit ka?"  Aba't nakakaano na talaga to ah! Tiningnan ko ang grupo nang mga estudyanteng lalaki, may ngisi sa mga labi nila.

Sinubukang umalma ng babae ngunit naunahan siya ng isang lalaki. "Oh ano? Iiyak ka na ba? Magsusumbong ka ba sa mama mo? Owwwwwww" kantyaw pa ng isang lalaki at sinabayan pa ito ng mga kasama niya. Tahimik lamang ang babae at alam kong malapit na itong umiyak. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya. An emotion stirs up into me, hindi ko alam kung bakit ngunit para bang alam ko kung ano ang nararamdaman niya.

Kinuha ng isang lalaki ang bag ng babae at ihahampas na sana ito sa kanya. I ran towards the girl para pigilan ang gagawin ng lalaki. I raised my hands to stop the guy. Nakita ko kung paano nagawa kong hawakan ang kamay ng lalaki. With bare hands and physical strength, I was able to stop him. Gulat ang rumihistro sa mukha ng lalaki, gayundin sakin. Agad na nakabawi ang lalaki at binawi ang kamay mula sakin. Nakaramdam ako ng pwersa sa likod at agad akong umiwas dito dahilan upang masubsob ang isang lalaki sa table na kaharap ko kanina. Marahas ako nitong tiningnan. Napalingon ako sa likod at agad na nasalo ang kamay ng isa pang lalaki na umambang itulak ako. Itinulak ko ang kamay niyang hawak ko at agad siyang napaatras. Ihahampas na sana ulot ng isang lalaki ang bag sa akin ngunit isang boses ang nagpatigil sa kanya.

"Jeff! Anong ginagawa mo?" maotoridad ang boses na saad ng guro. "Hindi na kayo bata para mangbully pa ng kaklase niyo! Nasaan na ang respeto niyo at tila ba hindi niyo na iyon pinapairal! Alam niyo namang masama ang mang-api. Sa susunod hindi ko na kayo palalampasin. Kung hindi lang ako dumating ng maaga ay hindi ko pa malalaman kung gaano kabasura ang ugali ninyo! Now go back to your sits!" galit na dagdag pa ng guro. Nilapitan ako nito o mas magandang sabihin na nilapitan niya ang babaeng inaapi kanina na kung saan nasa loob ako ng katawan nito ngayon.

Bumuntong hininga ang guro at hinawakan ako sa kamay. "Okay ka lang ba Kyla?" Tumango ako ng marahan. "Sa susunod pag inulit nila ito ay magsumbong ka sa akin o sa kahit sinong guro, naiintindihan mo ba?" malumay niyang dagdag saka tiningnan ng matalim ang mga lalaking ngayon ay nasa kanya-kanya nang upuan. Marahan lamang akong tumango.

Napalingon ako sa pintuan at saktong pumasok si Freiya. Luminga-linga siya sa paligid na wari mo'y may hinahanap. Tatawagin ko sana siya ngunit saktong paghakbang ko'y may isang malakas na pwersa ang nagtulak sa akin. Napalingon ako sa likod at saka ko lamang napagtanto na wala na ako sa katawang napasukan ko kani-kanina lang. Naiwan naman ang babae na parang hindi alam ang nangyari sa kanya. Palingon-lingon pa siya na parang pinapakiramdaman ang sarili.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang kinatatayuan ni Freiya. Sakto namang papalapit sya sa kinatatayuan ko. Pasimple nya akong tinanguan at tinungo nya na ang upuan niya. Kahit di mapakali dahil sa nangyari kanina ay pinili kong magtungo nadin sa likod at hintaying matapos ang klase nila.

Sinasabayan ko sa paglalakad si Freiya. Kakatapos lang ng klase nila at ngayon ay pauwi na kami sa bahay niya. Nilingon ko siya bago nagsalita, "Freiya, sa tingin ko pwede kitang saniban." 

Napalingon siya sa akin, " Paano naman?"

" Alam mo kasi, kanina habang bumibili ka ng pagkain sa canteen. Ammm, yung kaklase mong isa binubully nung iba mong kaklase. At....... Tutulungan ko sana siya pero nang daluhan ko siya para sana tulungan siyang salagin ang pagtama ng bag sa kanya, biglang nagulat nalang ako kasi kontrolado ko na yung katawan niya. I mean, ako na mismo ang kumokontrol sa katawan niya." mahabang paliwanag ko sa kanya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. "Talaga ba?" nasasabik niyang tanong. Tumango ako sa sinasabi niya. Lumaki ang ngiti niya, "Subukan natin!!!" excited niyang saad.

Alanganin ko siyang nginitian, "Pero kasi, di ko pa alam kung paano ko yun nagawa. Kusa nalang din kasi akong nakalabas mula sa katawan nun."

" Edi magpractice tayo!" saad niya.

Napangiti nalang ako habang umiiling. Paano kaya namin to gagawin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status