Share

Chapter 2: Soul

Chapter 2 : Soul

Huni ng ibon at pagaspas ng dahon ang gumising sa akin kinabukasan. Puting silid ang agad na tumambad sa akin nang idilat ko ang aking mga mata. May nakakabit na dextrose sa isa kong kamay at napagtanto kong nasa hospital pala ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung bakit magaan ang pakiramdam ko. Sobrang gaan na hindi ko maintindihan kung bakit. Pinili kong bumangon at tumanaw sa bintana. Maaliwalas ang paligid sa labas ng gusali at maliwanag ang sikat ng araw. Dumako ang paningin ko sa dextrose sa aking kamay, alam kong hindi pwede ngunit hinila ko ito. May lumabas na munting dugo dulot ng pagkakatanggal ng karayom. Itinabi ko ang dextrose at naghanap ng pwedeng ipangtapal sa hospital gown. Sakto at may nakita akong itim na jacket sa sofa ng kwarto. Kinuha ko ito at isinuot. Sakto lang na matakpan ang hospital dress.

Alam kong dapat ay manatili pa ako dito pero isa sa pinakaayaw kong lugar ay ang hospital. It only brings back bad memories. Nilapitan ko ang pinto at lumabas. Agad akong napatingin sa kanan kung saan may kumalabog na bagay. Nanlalaki ang mata ng nurse at ang tray ng gamot na dala niya ay nasa sahig na. I unintentionally raised my eyebrow, mukha ba akong multo kaya ganyan nalang sya ka gulat? 

Isinara ko ang pinto habang nakatingin parin sa nurse. Dali dali syang tumalikod at naglakad paalis without even putting back the tray. Napailing nalang ako at napagpasyahang dumiretso sa elavator. Buti nalang at saktong bukas nito. Pumasok ako at hinintay na mag ground floor. Pagkarating ko sa ground floor ay dali dali kong pinuntahan ang pintuan palabas. Nakayuko lamang ako at nakihalo sa mga taong kasabay ko sa paglabas. Mahirap na at baka mahuli ako ng personnel ng hospital. Sobrang laki ng ngiti ko nang tuluyan na akong nakalabas. Buti naman.

Malaki ang ngiting naglakad ako paalis sa lugar na iyon. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng mall. Papasok na sana ako nang may namataan akong dalaga na parang wala sa sariling naglalakad. Hindi ko alam ngunit napako ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan sya. Parang ako lang din sya noon, masyadong lunod sa problema kaya hindi namamalayan kung saan na ako napupunta.

My eyes widened in fear nang bigla syang tumawid sa kalsada kahit naka green pa ang stoplight. A car is approaching fast, hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Basta nakita ko nalang ang sarili kong itinutulak ng malakas ag dalaga. Alam ko sa panahong to katapusan ko na kung mababangga ako.

Napapikit ako ng mariin, inaasahan ang pagtama ng sasakyan sa akin. 

Screeches and squicks filled the whole place, namayani ang sigawan ng mga tao until everything went silent. 

I opened my eyes and realized that I'm still rooted in the same place kung saan ko itinulak ang dalaga. Napalingon ako sa likod, and horror filled my eyes when I saw how the car literally passed and stops right at my back. Ngunit wala akong naramdamang kahit konting tumama sakin na para bang dinaanan ako ng sasakyan. Napatingin ako sa dalagang itinulak ko and I saw her staring at me with wide eyes. Takot at pangamba ang bumakas sa mukha ng dalaga. She's sitting butt flat in the pavement, facing me. Napadako ang tingin ko sa lalaking dali-daling bumaba sa sasakyan. He thoroughly checked his car bago niya nilapitan ang dalaga, without even minding me na para bang hindi niya ako nakikita.

"Ano ba naman ineng! Kung magpapakamatay ka, huwag kang mandamay ng iba!" - Galit ang tono ng lalaki nang sermonan ang dalaga.

Sinubukan ko itong hawakan para pigilan, ngunit ganoon nalang ang pangamba ko nang tumagos lamang ang kamay ko sa katawan ng lalaki. Napatingin ako sa dalawa kong kamay at sinubukan ulit hawakan ang lalaki pero ganoon parin. Lumapit ako sa lalaki at sinubukan itong yakapin ngunit tumagos lamang ako. 

No

No. No. No.

Hindi ito maaari! 

Napako ako sa gitna ng karsada habang tinititigan ang mga kamay ko. Paano nangyari to?

Images of the nurse, shaking in fear while staring at the door of that hospital room filled my mind. Takot na takot ang nurse at naiwan pa ang tray na para bang nakakita siya ng kababalaghan. Oo nakakita nga siya ng kababalaghan, ang pagbukas ng pintuan kahit walang tao kasi hindi niya ako nakikita. And there goes the guard of the hospital, na hindi man lang ako sinita kahit sa harapan niya ako mismo dumaan. 

Everything of it happens because I no longer have my physical body. I am now a soul. 

With that thought, nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.

No! This can't be!

Dumako ang tingin ko sa dalaga at nahuli ko itong titig na titig parin sa akin habang senesermonan ng lalaki. May takot sa mukha at namumula ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na para bang nakikita niya ako.

Nakikita niya ako?

Dali- dali akong tumayo sa kinatatayuan ko. Lalapitan ko sana sya ngunit agad syang naglakad palayo. Pinilit pa syang sigawan ng lalaki ngunit hindi na sya lumingon ulit.

Sinundan ko ang dalaga at pinilit itong habulin. Not minding who I go through with.

"Teka lang miss! Teka lang!" - paulit ulit kong tawag dito.

"No, hindi kita naririnig. You're just part of my imagination! Di kita nakikita!" - Dinig kong bulong niya habang pinipilit na maglakad palayo.

Naabutan ko sya at sinubukan ko syang hawakan upang pigilan, ngunit di ko na sya mahawakan.

"Miss, nakikita mo ako? Miss please naman oh!" - pakiusap ko dito.

Nakayuko lamang sya habang pilit tinatakpan ang tenga.

"Miss please!" - umiiyak ko nang saad.

"GO AWAY!!" - sigaw niya sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan nalang sya. Hilam ng luha ang mga mata niya at punong puno ng takot.

"Umalis ka! Di kita kailangan! Lubayan mo ko!" - humihingal na sigaw niya ulit sa akin.

Walang tao sa paligid kaya nagagawa niyang makipag usap sa akin without thinking that she's stupid talking to the air.

"Miss kailangan ko lang ng tulong mo! Look wala akong planong guluhin ka, I just need someone to turn to! Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako. Hindi ko alam kung ba't di na ako nakikita at nahahawakan ng mga tao! Wala akong malapitang iba! It's only you who shows sign that you see me. Please! Nakikiusap ako" - nagsusumamo kong saad dito.

Inilihis niya ang tingin sa akin at tumingin sa malayo.

"Hindi kita matutulungan" - malamig niyang saad at pinahiran ang mga luha. Tinalikuran niya ako at umalis na sya ng tuluyan.

Napaluhod ako sa lupa at umiyak ng umiyak.

Bakit ba kasi nangyari ito sa akin? Bakit di na ako makita ng mga tao? Bakit di ko sila mahawakan. 

Hindi ako makapaniwalang sa ganito pala ako hahantong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status