Share

Chapter Three.

• Abuela •

Calla's POV

"Are you okay ?" Agad akong nag angat ng tingin sa tanong ni  Boss Lash. "Are you hurt?"

"A-ayos lang po ako, Pasensya na boss kebago bago ko nasangkot ako sa gulo." Mahina kong wika habang nakatingin sa kanya.

"Don't bothered asking for forgiveness Calla. It's not your fault. Binastos ka at tama lang na ipagtanggol mo ang sarile mo."

Gusto kong maiyak sa kanyang sinabi, sana all na lang kayo na mau hanito kayong Boss.

Ngayon lang ulit bumalik sa normal ang pag tibok ng aking puso. Akala ko talaga ay matatanggalan na ako ng trabaho. Mabait din pala itong si Boss Lash kahit papaano, tama nga ang sinasabi ni Miggy mabait nga si Boss Lash sa mga empleyado niya. Playboy nga lang daw.

"Salamat boss!" Magiliw kong wika  "Akala ko mawawalan na ako ng trabaho."

Natatawang tinapik-tapik niya ang balikat ko bago nag lakad palapit sa lamesa niya. 

"Here."He said at nilapag ang white envelope sa ibabaw ng kanyang lamesa. "Advance na suweldo mo."

Nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa envelope na nasa ibabaw ng lamesa. 

"Wala naman po akong inadvance Boss." Nag tatakang wika ko. Wala talaga dahil ngayon pa lang kami nag kita ni Boss Lash, Mag a-advance palang dapat ako pero heto at ibinigay na ni Lord. Bait mo talaga bro!

"I know." He said "I thought that you might die in starvation if you will wait for your salary this month so here it is. Aren't I cool?"

Malawak akong ngumiti bago nag lakad palapit sa kanyang lamesa at kinuha ang white envelope na nakapatong doon. Jusmio marimar! Swerte ko talaga sa napasukan ko.

"Salamat po boss! Nasayo na talaga ang lahat gwapo na mabait pa, Cool mo talaga Boss!" Masaya kong wika not minding my words. "Babalik na po ako sa trabaho salamat po."

Tumango tango lang siya kaya't lumabas na ako sa opisina niya. Hanep talaga! Okay din pala na nabangga ako ni Mr. Antipatiko  kung hindi dahil sakanya ay hindi ko makikita ang Club na ito. Atleast may nagawa siyang mabuti kahit papaano.

"Anong nangyari?" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang sumulpot si Miggy saaking harapan. "Tanggal kana?"

Inirapan ko lang siya at nilagpasan bago tuloy tuloy na pumasok sa locker room para itago ang pera ko. 

"Ano na ateng? Tanggal kana?"

"Hindi no! Bakit ba pakiramdam ko gusto mo akong matanggal dito?" Mataray kong wika habang nakatingin sa kanya.

"Grabi ka naman ateng hindi ba pwedeng curious lang." Balik irap din niya. Aba mataray na bakla! Miggy is a good company, masarap itong kausap. Kahut manager siya ng club ay down to earth ito.

"Halika na nga napaka chissmoso mo talaga!" Wika ko at hinaltak na siya palabas sa locker room.

ILANG oras pa ang lumipas bago matapos ang duty ko. Pero si Miggy ay mamaya pa daw uuwi dahil nag OT daw ito ng isang oras. Agad kong inayos ang mga gamit ko at nag palit ng damit. Maigi kong iniunat ang aking katawan bago isinukbit ang bag pack ko sa akin at nag lakad na palabas ng club.

Alas singko palang ng madaling araw kaya't madilim pa nang pag labas ko. I sighed and started walking papuntang sakayan ng jeep pero agad akong napalingon ng may kumalabit sa aking likod na halos ikinatalon ko sa gulat. Sino ba naman kasi ang kakalabit sa akin ng ganoong oras? 

"Calla right?"

Ang takot ay napalitan ng magiliw na ngiti ng makita ang bartender na si Cloud. Siya din yung lalaking medyo chinito na nag ligtas sa akin duon sa mga manyak kanina.

"Oo a-ako nga." nauutal kong wika at agad na nag baba ng tingin. Nakakailang kasi si Cloud, ang cute niya kasi talaga. Sino ba naman ang hindi maiilang? 

"P-pauwi ka na din?"

"Yep! Mabuti nga at nakita kita dito akala ko wala nanaman akong kasabay na umuwi."

Mabuti nadin talaga ito. Mahirap nadin kasi ang mag lakad sa madaling araw ng mag isa. Hindi mo na masasabi ang panahon.

"Salamat nga pala sa pag resbak kanina Cloud. Kung hindi ka siguro dumating malamang may black eye akong papasok bukas."

Agad akong napapitlag nang maramdaman ko ang pag patong nang braso niya sa aking balikat. Agad akong nag iwas ng tingin ng maramdaman ko ang pag pula ng aking mukha, sino ba namang hindi. Aish! 

"Wala iyon. Masasayang ang ganda mo kapag nalapatan ng kamao."

Agad akong kumagat sa aking labi upang itago ang kakaibang kilig na aking nadarama. Oh my Gas! Para akong tanga na pinipigil ang ngiti habang nag lalakad.

Nang makarating kami sa kanto kung saan may nag pupunuan ng jeep ay saka lang tinanggal ni Cloud ang braso niya sa balikat ko.

"Ingat ka sa pag uwi Calla." He said and smile. "See you later."

"Hindi kaba dito sasakay?" Gusto kong kaltukan ang sarili sa naging tanong, ay? Ayaw pang himiwalay yan gurl?

"Nope. Malapit lang dito ang apartment ko, Konting lakad lang at nandoon na ako. Ingat ka!"

Tumango tango na lang ako at sumampa na sa jeep. Kinawayan pa ako ni Cloud bago siya mag lakad palayo at nawala sa dilim. Ang cute niya talaga! 

Aish!  ipinag sawalang bahala ko ang mga naiisip ko. Hindi ako pumunta ng maynila para lumandi, ang kailangan kong gawin ay ang mag trabaho.

Crush lang naman! Bulong ng isip ko, malalim akong bumuntong hininga at kumuha ng barya sa bulsa.

Tama puwede naman siguro kung crush Lang diba?

"Bayad po makisuyo."

----

•3rd person's POV•

"Good morning señorito pinatawag na po kayo ng inyong Abuela." Manang Amy said.

Iyon ang bungad sa kanya ng kanilang katulong ng mapag buksan niya ito ng pinto. He's already on his office attire, handa na siyang pumasok dahil tambak na ang trabaho niya sa opisina. 

Madalas kasi siyang nalalagi sa Bar ni Lash sa hindi niya malamang kadahilanan. He sighed and fixed his neck tie na kanina niya pa inaayos.

"I'll be there in a minute." He said at muling isinara ang pinto. Agad siyang nag tungo sakanyang kama at kinuha ang cellphone niya sa bed side table saka tinawagan ang kanyang sekretarya.

"Cynthia." He said "Cancel my appointments till noon, I'll be late."

Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito at mabilis na pinatay ang tawag. Nang matapos sa mga gagawin ay tumayo na siya at nag lakad palabas ng silid. 

Sa veranda niya natagpuan ang kanyang Abuela na nag aagahan kasama ang kanyang Abuelo.

"Abuela!" He said and kissed her cheek bago siya naupo sa silya kaharap nito."Pinatawag mo daw ako?"

"I want to meet your girlfriend today." Kalmadong wika nito na parang may mabibili siyang nobya sa department store.

"Abuela naman!" He groaned "Alam mo naman na—"

"Kung hindi mo madadala dito ang nobya mo ngayong araw ay hindi mo makukuha ang mana mo sa akin. Don't try me Adam. You know that I'm dead serious." wika nito.

Agad siyang tumingin sa kanyang Abuelo upang mang hingi ng tulong. Pero bumagsak lang ang balikat niya ng makita ang pag iling nito.

"Fine! I will bring Calla here today."

What the hell!? Why did he uttered that stupid woman's name? For christ sake! He's really crazy.

"Calla..." His Abuela murmured "What a beautiful name. I would like to meet her tráela aquí pronto!"

Hindi na siya nakipag talo pa. He immediately stood up and walk away. Nang makalayo ay tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan.

" I need your help Bud "

---

Calla's pov.

Agad akong napabangon dahil sa ingay ng kapit bahay ko. Nag aaway nanaman silang mag jowa. Nakakairita! Ilang oras pa lang akong nakakatulog pero nagising na ako dahil sa drama nila. Inis na ibinato ko ang unan ko sa sahig bago tumayo, Alas diyes palang ng umaga pero heto ako at gising na gising na ang diwa.

"Romeo! Bumangon ka dyan!" Sigaw ni Juliet yung kapitbahay kong mag jowa. "Lalayasan na kita napaka tamad mo!"

Habang ako ay nag kakape ay patuloy pa din ang sigawan ng dalawa na tila sila ay nasa isang pelikula, that thought of that made me rolled my eyes. Sana konting consideration naman lalo't dikit dikit ang silid namin diba?

"Juliet naman!" Sigaw din naman ni Romeo. I felt cringe all of a sudden. Ibang iba ito sa kanta ni Taylor swift na Love story, Hanep ang storya ng mag jowang ito.

Pinilit ko nalang libangin ang aking sarili upang hindi marinig ang kanilang sigawan. Bitbit ang tabong pinag mumugan at lalagyan ng sabon tuwalya at mga damit ay diretsyo na akong bumaba upang maligo. Mahaba ang pila sa banyo ng makababa ako pero maigi akong nag hintay ng aking turn para makaligo. Makaipon lang talaga ako ng pera ay aalis na ako sa apartment na ito.

Matapos maligo ay umakyat muli ako sa aking silid upang mag ayos. Nag suot lang ako ng maluwag na T-shirt at shorts saka tsinelas. Bibili ako ng mga pangangailangan ko sa loob ng isang buwan. After that ay saka ako bumaba at lumabas, mag lalakad lang ako dahil may malapit naman ng Mall dito. Ayun lang naman ang maganda sa lugar na ito, hindi mo na kailangan lumayo dahil nasa main road.

"Nako ma'am nasiraan po tayo." Rinig kong wika ni manong na na ka Americana sa di kaluyaan, mukhang mayaman ang sakay ng kotse dahil sa gara ng itsura nito. "Sandali lang po at mag hahanap ako ng pwede nating mapag paayusan."

Hindi ko alam pero kusang huminto ang aking paa upang tignan ang magarang sasakyan na nakaparada sa aking harapan. Matapos umalis ng driver ay siyang pag bukas ng pinto ng kotse at ang pag baba ng may edad na babae, ngunit hindi mo ito makikitaan ng kahinaan sa pangangatawan, maganda pa din ang postura ng kanyang katawa. Elegante at magara din ang kanyang kasuotan, like she doesn't belong in here.

"Hija, may alam kabang bilihan ng tubig. I need to drink my medicine, nahihirapan na kasi akong huminha." wika nito

Agad na nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Tumango ako at lumapit sa kanya.

"Hintayin niyo nalang po ako dito ako na po ang bibili ng inumin niyo, Delikado po ang lugar na ito baka ma holdap kayo sa gara ng postura niyo." I said. Di naman sa pagiging judgemental sa totohanan lang tayo.

Mag lalabas sana siya ng pera ngunit hindi ko na ito tinanggap, mura lang naman ang tubig.

"Pumasok na lang po muna kayo sa sasakyan niyo. Sandali lang po ako," wika ko at Inalalayan siya sa kanyang pag balik sa loob ng sasakyan. "Lock niyo lang po ang pinto."

Nang masigurong maayos na ang ginang ay agad akong tumakbo upang bumili ng tubig sa pinaka malapit na tindahan. Sa pag ka taranta ay tatlong tubig ang nabili ko. Mabilis kong muling tinakbo ang sasakyan ng ginang at marahang kumatok. 

Nang bumakas ang pinto ay hindi na ako nag dalawang isip na pumasok at tulungan ang ginang na mainom ang kanyang gamot.

"Saan po ba kayo pupunta?" I said. "Maiinit po ang panahon ngayon dapat ay hindi kayo lumalabas Lola."

Magiliw na ngumiti ang ginang saakin. Magaan ang loob ko sakanya sa hindi ko malaman na kadahilanan.

"Pupunta sana ako sa mall ang kaso lang ay nasiraan kami ng driver ko dito. And don't call me Lola call me Abuela."

Marahan naman akong tumango tango.

"Mag iingat po kayo, hintayin ko na lang po ang driver niyo na bumalik para naman may makasama kayo."

Halos 30 minutos din ang lumipas bago bumalik ang driver ni Abuela.

Abuela daw kasi ang itawag ko sakanya , sosyal diba. Magiliw kaming nag kuwentuhan nang kung ano-ano habang hinihintay ang driver niya. Hanggang sa mag paalam na akong aalis, Mabait si Abuela at magaan ang pakiramdam ko sakanya. Kailan kaya ulit kami mag kikita? She said that she would like to see me again. Ako din naman ay ganoon, sana nga ay mag kita pa kami. 

--&&

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status