Share

Chapter Two.

•That chinito guy !•

Lakad takbo ang ginawa ko upang marating ang Zues club ni dinner nga ay hindi ko na nagawa, 10:30 na kasi kayat nag mamadali na talaga ako it's my first day for goodness and I was late. Paano ba naman sa sobrang pag ka excite ko sa unang araw ng trabaho e, hindi ako nakatulog kagabi thinking about my job gave me a sleepless day, and around Five noon I felt my eyes getting heavy and decided to sleep which led to over sleeping, now I'm considering my self as one of the Justice league character not Gal Gadot but as Barry Allen.

Napahawak ako sa dibdib ko ng marating ang tapat ng Zeus club, dali dali kong tinungo ang employee entrance at iwinasiwas sa mukha ng bouncer ang hawak kong Identification card. 

"Muntik kang hingalin a." Bungad sa akin ni kuyang bouncer. 

"Kaya nga e, sa sobrang hingal ko parang gusto ko ng pumasok sa loob at maupo." Sarcastic kong sabi and when I realized what I just said I laughed nervously. "Joke, Joke po iyon."

Minsan talaga hindi mapigilan ng bunganga ko ang mga salitang lumalabas dito. Buti nalang talaga di na offend si manong bouncer, kinuha niya lang ang Time card ko at pinirmahan bago pinapasok. Agad akong naupo sa bakanteng silya sa at napahawak sa dibdib na malakas padin ang kabog. 

"Bakit ba napaka malas mo Calla?" Pakikipag usap ko sa aking sarili. Huminga nalang ako ng malalim bago tumayo dahil baka tuluyan akong mawalan ng trabaho sa first day ko.

Tinungo ko ang locker na nakatalaga sa akin at inilagay ang mga gamit doon. Kinuha ko kang sa bag ko ang uniform at dumiretsyo na sa CR.

Agad kong binuklat ang uniform na aking susuotin, Hindi kona din ito nalaban dahil nga nakatulog ako. O diba? Napaka bright ko talagang bata.

Halos mapatanga ako ng makita ang super mini skirt na nasa harapan ko, eto? Eto ang susuotin ko? 

"Hala! Skirt paba to? Hindi ba ito boxer shorts?" Pakikipag usap ko sa sarile ko, hindi naman kaya lumitaw pati singit ko dito?

"People! Paki bilisan ang pag bibihis mag papalitan na ng shift." Sigaw ng kung sino man ang nasa labas, kaya't kahit labag sa kalooban at pinag pag ko ito upang maisuot.

"Aish! Bahala na." inis kong wika at sinuot na ang ang uniform na hawak ko. "Lintik! Hostess nga yata talaga napasok ko hindi waitress."

Paano ba naman maski yung pang itaas ay kinulang din sa tela. Isa itong white long sleeve na crop top, tapos hindi man lang mabutones. Jusmio sana matago pa ang kaluluwa ko dito.

Nang makapag bihis ay nag lagay lang ako nag pahid kang ako ng pulbos at konting lipstick sa labi base kasi sa instructions na nakasulat sa papel na ibinigay sakin nung bouncer na masungit ay kailangan daw iyon sa trabaho, itinali ko rin ang mahaba't medyo kulot kong buhok. I uncomfortably pull the skirt down trying to extend the length of it, but to may disappoinment it was already at it's limit.

Malalim akong bumuntong hininga at muling tumingin sa salamin. 

"Kaya mo'to Calla, ikaw paba?" Pakikipag usap ko sa repleksyon ko.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata bago nag lakas loob na lumabas ngunit gusto kong muling tumakbo pabalik sa banyo sa aking naratnan.

Jusmio marimar!

Awtomatikong tumakip sa mga mata ko ang aking mga kamay ng makita ang mga kalalakihan na mga naka topless ang iba ay naka boxer shorts lang. Kung makangisi pa ay parang ipapamukha pa sakin ang mga abs nilang ang sarap kurutin.

"S-sorry!" I said and walk towards the entrance "A-ako po yung bagong empleyado."

Kinuha lang niya ang time card ko sabay papasok sa akin. Ang maingay at madilim na lugar ang bumungad sa akin. This is it pancit! sinusubukan kong I cheer up ang sarili ko. I Sighed, hindi ako sanay sa mga ganitong lugar pero kailangan kong masanay dahil kailangan ko ang trabaho kong ito. 

Nag lakad ako papalapit sa counter ng may kumalabiy sa balikat ko. And when I look behind I saw the bouncer who help me yesterday.

"Tawag ka ni boss Lash sa opisina." Wika niya "Sa kwartong pinasukan mo kahapon bilisan mo na."

Tumango nalang ako at tinahak ang daan patungo sa opisina ni Boss Lash. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay malalim akong bumuntong hininga at kakatok na sana ng bumukas ang pinto at bumungad saakin ang isang engkantado! Oo isa siyang engkantado bakit? Because he's freaking handsome, sabihin mo ng OA ako pero kasi sa gwapo ba naman ng lalaking kaharap ko for sure na starstruck ka rin. 

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. And when he smile? Damn! Parang gusto nang tumalbog ng puso ko sa tuwa maputi pa yata sakin yung pantay pantay niyang ipin.

"Excuse me miss, I'll catch up to you later. You work here right?" Tanong niya.

Marahan akong tumango not averting my gaze on him minsan kang ito susulitin kona.

"That's good enough for now, I'll see you later." He said walking past through me.

Sinundan ko lang ng tingin ang gwapong lalaking iyon hanggang sa nawala na siya sa paningin ko . Alam mo ba kung ano lang ang isang magandang bagay na nagustuhan ko sa Lugar na ito? Madaming gwapo! Except sa lalaking nakabangga ko kahapon. Isa siyang malaking exemption! 

I shake that thought of off and stood up straight till i get the courage to knock on the wooden door. 

"Boss ako po ito si Calla Di Magiba " Wika ko," Papasok na po ako a,"

Agad kong pinihit ang seradura at pumasok sa silid. Ngunit napakunot ang nuo ko ng makitang walang tao doon.

"Nasaan na iyon?" I said scratching my head." Boss? Boss Lash?"

Pero ang ingay lang talaga ng aircon ang maririnig mo doon. Nag t-trip ba yung bouncer na iyon?

"Lalabas na po ako ah!" Wika ko at pumihit pa talikod ng tumama ang ulo ko sa pinto. "Aray naman!" Inis kong wika at napasapo sa aking ulo.

"Stupid."

Agad akong nag angat ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Mr.antipatiko, Oo Mr. Antopatiko eh sa antipatiko naman talaga ang lalaking ito. Malamig nanaman ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Stop being stupid mamaya bato na talaga mabangga mo. Sayang naman yang mukha mo, sa bagay walang sayang sayo."

Kahapin Idiot ngayon stupid naman? Sa susunod na mag tagpo ang landas namin ng lalaking ito ano naman kaya ang itatawag niya sa akin? 

Mag hunos dili ka Calla, Kaibigan iyan ng boss mo, dika pwedeng makipag away. Mariin kong ipinikit ang aking mata upang pigilan ang inis na unti unting umuusbong sa pag katao ko.

Nang maikalma ang aking sarili ay inangat ko ang aking ulo at tumingin sa lalaking kaharap ko ng may ngiti sa labi. Di ko takaga sure kung nang aasar yung ngiti niyang iyon. 

"Pasensya na po." I said at nilagpasan siya. Akala ko talaga pinto yung nabangga ko, jusme ang tigas ng dibdib.

"Wait!" Wika nito na nakapag pahinto saakin. Dahan dahan akong humarap sa kanya, He's awra didn't change a bit ramdam mo talaga yung sama ng ugali niya.

"Bakit po sir?" I said politely kahit ang gusto ko ngayon ay ang tusukin ang mata niyang halos hubaran na sa titig ang pag ka tao ko.

"Catch!" He said and throw something on me na nasalo ko naman. 

"Ano to?" Taka kong tanong ng makita ang slacks na itim na ibinato niya sa akin

"Mukha bang t-shirt yan?" Pilosopo niyang sabi.

Kung hindi lang talaga kaibigan ito ng amo ko sinapak ko na to. Hindi naman ako tanga alam ko namang slacks to, sadyang sarcastic lang ang taong kaharap ko.

"Ang ibig kong sabihin sir ano pong gagawin ko dito?" Wika ko.

"Ayan ang isusuot mo habang nag t-trabaho ka dito."

Ay desisyon naman pala sa buhay?

"Ano apelyido mo? Desisyon?"

"What?"

Agad akong umiling iling at binaling ang tingin sa hawak.

Napakunot ang aking noo habang nakatingin sa slocks na hawak ko. Bakit kaya ito ang isusuot ko? Yung mga nakita ko kasing mga waitress ay kapareho ng suot ko ngayon.

"Bakit ito?" Takang wika ko.

"Hindi ba ako parehas doon—?"

"Kung ayaw mo pwede ka namang mag t-tyaga kakahaltak pababa niyang skirt mo." Bored niyang wika habang nakatingin sa akin.

Sabagay may point, mat utak din pala ang isang to? Akala ko nilamon na ng napaka sama niyang ugali.

Hindi na ako kumibo at nag patuloy ng lumabas. Dumiretsyo ako sa banyo at agad na nag palit. Mabuti na din ito kaysa sa super mini skirt na unang binigay saakin.

---

"Calla! Paki kuha ng order sa table 8." Sigaw ni Miggy na waitress din dito sa bar. Muntik na nga akong mahulog sa taglay nitong nakakabighaning katangian pero ng makita kong kumembot ang bewang nito ay agad akong kinilabutan.

Tama ang hula mo, Bekiboom-boom ang gwapo at hot kong manager.

"Sige!" Sigaw ko din pabalik at nag tungo na sa table eight. "What's your order sir?" Malakas kong wika habang kinakalikot ang note pad ko.

"Can I order you?"

Agad na napatikwas ang aking kilay sa aking narinig. Agad na nag angat ako ng ulo at tumingin sa hindi ka gwapuhang lalaking nakangisi sa akin.

I calmed myself before smiling on him, sino ba nag sabi na customer is always right? Taas paa kukutusan ko lang.

"I'm not on the menu sir." Mariin kong wika.

"I don't care. I want you." makulit nitong wika at humawak pa sa wrist ko.

Agad na kumulo ang dugo ko ng maramdaman ang pag haplos niya sa puwitan ko.

"Bitawan mo po ako." Mahinahon ko pading wika kahit inis na inis na ako. Wow naman, nag service kana gusto pa ng ka table.

"Paano kung ayaw ko?" Nakangisi nitong wika.

"Sinabi ng bitawan mo ako!" Galit kong sigaw sabay sapak sa mukha niya. Agad na natanggal ang kamay niya sa aking puwitan at sa aking wrist.

"P*ta kang babae ka!" Sigaw ng isa niyang kasamahan sabay dakma sa buhok ko. Agad akong napaigik sa sakit ng mas diinan niya ang pag kaka sabunot sa akin, nawalan na ako ng oras para umiwas dahil sa bilis ng mga pang yayari.

"Aray! Bitawan mo ako!" Sigaw ko at pilit na kumawag sa kanyang pag kakahawak ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya sa buhok ko.

"Tikman mo yung sapak na ginawa mo sa tropa ko!" Nanlilisik ang matang wika nito sabay amba ng suntok.

Mariin ko nalang ipinikit ang aking Mga mata at hinihintay na lumatay ang kamao niya sa aking mukha. Paniguradong black eye ang aabutin ko, sana huwag mag tagal dahil baka mag mukha akong panda.

Pero ilang minuto na ang lumipas na wala paring kamao ang tumatama sa mukha ko. His grip on my hair is now gone at sa pag mulat ng aking mata ay naka bulagta na din ang lalaki sa sahig. Agad akong napasinghap dahil dumudugo pa ang ilong nito habang naka higa sa sahig.

"Callalily?!" It's Miggy he's running towards my direction with his humping hips. Lahat yata ng ginagawa nito ay dapat sexy."Okay ka lang?"

Marahan naman akong tumango tango at inilibot ang mata sa aking paligid. The crowd was still busy with their own business pero may iilan din ang nakapalibot sa amin.

"Are you okay?" Agad akong napalingon sa lalaking kumalabit sa akin. My eyes widen in shocked ng mamukhaan ang lalaking ito.

"I-Ikaw?" Nauutal kong wika habang nakatingin sa lalaking nag ligtas sa mukha ko.

Ang mala-anghel niyang ngiti ang mas lalong nag pahulog sa aking puso. Eto yung lalaking nasa office kanina ni boss Lash!

Agad akong napakurap kurap at nag iwas ng tingin. Kanina pa pala kami pinapanood dito na para bang may sine sa kanilang harapan. 

"Ayos lang ako salamat." mahinang wika ko.

"Anong kahuguluhan to?!" Mariin akong napapikit ng marinig ang galit na boses ni boss Lash."What the hell happened here?!"

Oras na! Oras na para mag alsabalutan.

"Oh my god ! Si Lash "

"The club owner!"

"He's so hot ! And really good in bed." Agad akong napangiwi sa narinig pero hindi ko na iyon pinansin.

Nanatiling nakayuko lang ang aking ulo. What a way ti start a work, Unang araw ko sa trabaho ay nasangkot na ako sa gulo.

"Binastos nila ang waitress mo." Wika ni kuyang pogi." They need to learn their lesson."

"Follow me Calla!" Mariing wika ni Boss Lash na hindi pinansin ang sinasabi nung lalaking rumesbak saakin kayat napalunok ako ng laway. Oras naba para mag alsa balutan ulit ako? Puwede ko na sigurong makita si lord pag yapos ng araw na ito.

"Nico! Clean this mess. Ayoko ng makakatunggong ulit sa club ko ang dalawang iyan."

Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya papunta sa office niya. Goodluck talaga sa akin sana lang ay hindi ako mawalan ng trabaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status