Share

Chapter 50

“Liana come with me,” ani Fred paglabas nito ng opisina. Malalaki ang mga hakbang na nagtuloy-tuloy ito sa may elevator.

May pagmamadali namang binitbit ni Liana ang sariling bag at ang planner ng boss niya. Wala itong naka-schedule na kahit anong meeting sa araw na iyon at mag-aalas diyes pa lang nang umaga.

Sinabayan niya si Fred sa elevator ng hindi umiimik. Ang lalaki naman ay panay ang tipa sa telepono nito. Napansin niya rin ang pagsasalubong ng mga kilay nito na parang aburidong-aburido.

May nangyari siguro, sa loob-loob niya.

Hindi naman sila lumabas ng building na iyon sa halip, nagtungo sila sa studio kung saan ginagawa ang mga ads ng kanilang mga nagiging kliyente. Minsan na rin siyang isinama doon ni Miss Gina kaya kabisado na niya ang buong building.

“Sir Fred!” alalang-alalang salubong sa kanila ng baklang si Vie, na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga in-house director ng kompanya nila. “Naku, Sir Fred, buti dumating na kayo… hindi ko na malaman ang gagawin ko dito,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status