“Liana come with me,” ani Fred paglabas nito ng opisina. Malalaki ang mga hakbang na nagtuloy-tuloy ito sa may elevator. May pagmamadali namang binitbit ni Liana ang sariling bag at ang planner ng boss niya. Wala itong naka-schedule na kahit anong meeting sa araw na iyon at mag-aalas diyes pa lang nang umaga. Sinabayan niya si Fred sa elevator ng hindi umiimik. Ang lalaki naman ay panay ang tipa sa telepono nito. Napansin niya rin ang pagsasalubong ng mga kilay nito na parang aburidong-aburido. May nangyari siguro, sa loob-loob niya. Hindi naman sila lumabas ng building na iyon sa halip, nagtungo sila sa studio kung saan ginagawa ang mga ads ng kanilang mga nagiging kliyente. Minsan na rin siyang isinama doon ni Miss Gina kaya kabisado na niya ang buong building. “Sir Fred!” alalang-alalang salubong sa kanila ng baklang si Vie, na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga in-house director ng kompanya nila. “Naku, Sir Fred, buti dumating na kayo… hindi ko na malaman ang gagawin ko dito,”
“What are you doing here? Bukas pa ang meeting natin ‘di ba?” takang tanong niya sa kaibigang si Fred ng pumasok ito sa kanyang opisina.“I just drop by to give you this,” nakangiting wika nito at iniabot sa kanya ang isang brochure. “That’s just a sample,” dagdag pa nito. Kunot-noong tiningnan ni Henry ang iniabot nito sa kanya, at hindi niya napigilang mamangha sa nakikita. Was he really seeing Liana on that brochure? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Ang pagtataka at pagkamangha ay napalitan ng pagdidilim ng kanyang mukha. “Why? Don’t you like it?” nag-aalalang tanong ng kaibigan ng makita nito ang pagpapalit-palit ng kanyang emosyon. “Why is she here?” malamig ang tonong tanong niya. Nawala ang mga ngiti ni Fred. “May problema ka ba sa kanya, Pare?” seryosong tanong naman nito. Umiling siya. “Don’t you hire models to do this campaign? Iba ang nasa brochure na ito sa napagkasunduan natin,” mariing wika niya. Napabuntong-hininga naman ang kaharap. “I’m sorry Henry, but th
“It’s alright, Liana…. I’m already here… Walang mangyayari masama sa ‘yo habang naririto ako,” masuyong wika ni Henry sa dalaga. Nararamdaman pa niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito. Tiningala siya ng dalaga. “How did you know that he uses it?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang ipinagbabawal na gamot. “Matagal na akong naghihinala sa kanya. I asked someone to investigate him at doon ko nalaman na gumagamit pala siya. Hindi ko agad ito nasabi sa ‘yo dahil busy ka sa trabaho mo. But, I should have warned you ahead of time para hindi na umabot sa ganito,” aniya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Kung nahuli pa siya ng kaunti, baka kung ano na ang nagawa ni Domeng sa dalaga at pagsisisihan niya iyon habang-buhay. “It’s okay… Dumating ka naman sa tamang oras, eh.” Mahinang usal ng dalaga at inilayo ang sarili sa kanya. “Ano nga pala ang importanteng sasabihin mo at kahit late na ay nagpunta ka pa rito?” nagtatakang tanong nito. Hinila niya muna ito paupo sa sofa
“Ipinagtapat lahat sa akin ni Domeng ang totoo…” maya-maya'y wika nito. “At hindi ko matanggap na nagawa mo iyon sa akin, Liana…” may pagdaramdam na turan pa nito sabay lingon sa kanya. Bakas sa mga mata nito ang pinaghalong pagsisisi at galit. Nagkatinginan naman sila ni Henry. “Hindi totoo ‘yon ‘Nay… at si Henry mismo ang magpapatutunay niyan sa inyo,” aniya at sinalubong ang mga titig nito. Pilit niyang pinaliliwanagan ang nabubulagang isip ng ina. Tumawa naman ito ng nakaloloko na ipinagtaka nilang dalawa. “Matagal ko ng napapansin iyan sa inyong dalawa. Ang kakaiba ninyong tinginan kapag naririto si Domeng at ang pakunwang pagbabawal mo na pumunta siya rito. Lahat ng ‘yon… lahat iyon ay plinano mong talaga.” At muli'y naging mabalasik ang anyo niyo. Napailing naman si Henry sa kanyang tabi. “You were blinded… you’re blinded by him,” palatak nito. Siya man ay hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng ina. Masyado na itong napaikot ni Domeng kaya ito nagkakaganoon. “Mas paniniwal
Ilang buwan ding dinala ni Liana ang pangyayaring iyon sa kanyang dibdib. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon ang kinalabasan ng namumuong magandang samahan sa pagitan nila ng kanyang ina. For her, totoo lahat ng ipinakita nitong kabutihan sa kanila ni Lester, kaya’t hindi mawala-wala sa isip niya ang isiping bakit biglaan naman yata itong nagkaganoon. Oo, mula’t sapul ay hindi na maganda ang pagtratato nito sa kanya. Wala itong ibang inisip noon kundi ang sarili nito, pero nakita naman niyang pinilit talaga nitong magbago nitong mga huling buwan na naroroon ito at kasama sila ni Lester. She was really bothered of why it ended this way. Parang kasing may mali, eh… at parang— “Liana…” mahinang tawag sa kanya ni Aling Perla mula sa kanyang likuran. “Naririto ka lang pala anak, kanina pa kita hinahanap,” anito at nilapitan siya. Nasa may gilid siya ng swimming at nakaupo doon habang nilalaro ang mga paa sa tubig. Doon siya malimit tumatambay kapag may gumugulo sa isip n
Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ni Henry. Hindi nabanggit ni Liana ang tungkol sa pagkikita nito at ni Domeng na ipinagtataka niya. Mas lalo pa siyang napapaisip dahil palaging tahimik ito sa tuwing kasama niya. Parang lagi itong wala sa sarili at hindi na siya nakatiis na tanungin ito. “Is there something bothering you?” tanong niya dito habang kumakain sila sa isang restaurant. Sinundo niya ito sa opisina kanina at doon na sila tumuloy. Liana wasn’t eating her food. Nilalaro lang nito ang pasta sa plato at pinapaikot-ikot iyon sa tinidor na hawak. Hindi sumagot ang dalaga. Nakatitig lang ito sa pagkain sa plato nito. “Liana…” muli’y untag niya rito. Doon naman tila natauhan ang dalaga. Nilingon siya nito sa nagtatanong na mga mata. “H-Ha? M-May sinasabi ka ba?” nauutal na tanong nito. Binitawan ni Henry ang mga kubryertos at huminga ng malalim. “Ilang araw na kitang napapansin na palaging tulala. May gumugulo ba sa isip mo?” tanong niya at matiim itong pinagmasdan. Lum
Tumingin sa labas ng bintana si Cely. “Sinadya ko lang iyon para lang sa pera… Wala ng iba pang dahilan,” usal nito. Muling umiling si Liana. “Hindi ho totoo iyan… Bakit hindi n'yo na lang aminin sa akin na kaya n’yo iyon ginawa ay upang hindi kayo maging pabigat sa akin?” pagtatama niya sa sinasabi nito. Huminga ng malalim ang kanyang ina. “Matagal ko ng alam ang sakit kong ito, Liana… Noon pa mang nabubuhay ang tatay mo,” malayong tugon nito. “Ngunit, hindi ko ito ipinaalam kahit na kanino, kahit sa kanya…” anito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. “Masalimuot ang naging buhay ko noong dalaga pa ako, kaya’t naisip kong para saan pa kung mamamatay din naman ako. Mas nanaisin ko pang mamatay ng nagsasaya at nagagawa ang gusto ko kesa matali sa apat na sulok ng ospital na ito.” At marahan nitong iginala ang paningin sa paligid. Tumigil ang mga iyon sa kanya at pinakatitigan siya ng ina. “At alam mo naman kung ano ang nagkapagpapasaya sa akin… pera… Iyon lang at wala ng iba.” Pagk
“Anong gusto mong malaman?” kaagad na tanong nito ng makalabas sila ng silid ng ina. Nasa mga mata nito ang matinding kalungkutan at pag-aalala ng mga sandaling iyon. Sa anyong iyon ng lalaki, ibang tao na ang nakikita niya dito. Hindi na ito ang maangas na si Domeng na nakilala niya noon. He’s a very different man right at this moment at hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nakikita. Huminga muna siya ng malalim bago nagsallita. “Kailan mo pa nalaman na may sakit si Inay?” tanong niya dito. Marahas na pinaraanan ng mga daliri ng lalaki ang buhok nito. “Matagal na. Nagpasama siya sa aking magpacheck-up dito pagkagaling niya noon sa mansyon. Ang alam ko binigyan mo siya noon ng pera,” tugon nito. Bahagya namang napasinghap si Liana ng maalala iyon. Ang perang iyon ay galing kay Henry at hindi sa kanya. “Pagkatapos noon palagi na siyang nagpupunta dito. Tumigil lang siya sa pagpapacheck-up ng tumira siya sa inyo,” dugtong pa nito ng hindi siya umimik. “Ano pang nalalaman mo tungkol