Share

Warlord series 1: Señorita Mafia
Warlord series 1: Señorita Mafia
Penulis: Lovemarian

PROLOGUE

Penulis: Lovemarian
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-17 22:32:47

“Anak, tumakbo ka na magtago ka,” umiiyak na turan ni Laura Smith sa kanyang anak na noo’y hindi matigil sa pag iyak.

Habang umiiyak ang anak ay panay naman ang pahid niya sa luha ng kaniyang anak gamit ang malayang kamay ng Ina.

Nanghihina na si Laura dahil sa tinamung sugat sa tagiliran nito, nang walang awa siyang pinaputukan ng baril ng isang hindi kilalang lalaki.

“No, mommy! I can’t!” Mangiyak ngiyak na sabi ng batang si Brianna naa noo’y nasa sampung taong gulang pa lamang. Panay ang iling nito. Ayaw niyang iwan ang kanyang ina, hawak hawak pa nito ang kulay brown na stuff toy na owl na bigay pa ng kan'yang ina noong kaarawan niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang laruan.

Tinitigan ng bata ang ina at mula rito ay bumaling ang tingin niya sa likurang bahagi ng ina kung saan nakahandusay sa 'di kalayuan ang kanyang daddy at ang kambal nitong kapatid.

Mas lalong umagos ang kaniyang luha sa nakita, naliligo ng sariling dugo ang mga ito habang dilat ang mga mata. At may tama ng bala ang noo ng mga ito.

Nakita ni Brianna kung paano barilin ng mga armadong lalaki ang Daddy niya at si Brianne na kakambal niya.

“Anak, bilisan mo magtago ka makinig ka kay Mommy, pabalik na sila!” Kinakabahang turan ni Laura ng marinig ang mga yapak ng mga taong tumutugis sa kanila. Kinakabahan siya para sa kaligtasan ng anak niya.

Matapos barilin si Brandon na asawa ni Laura at ang kaniyang anak na lalaki, at matapos siyang mabaril sa tagiliran ay iniwan sila ng mga criminal.

Akala ni Laura, tuluyan na silang iniwan ng mga ito, pero sumikbo ang kaba niya ng marinig ang mga yabag ng mga taong tumutugis sa kanila.

Mas lalo lang umiyak si Brianna ng marinig ang sinabi ng ina dahil sa matinding takot at pag-aalala. Kitang kita nito ang paghihirap ng ina habang sapo ang sugat nitong ayaw maampat sa pagdurugo. Nakaluhod ito sa harap niya at naka hawak ang isang kamay nito sa balikat ng bata.

Pinilit ni Laura na tumayo kahit hinang-hina na. Kinuha nito ang kamay ng bata at hirap na naglakad paalis sa kusina kung saan sila nagsitakbuhan kanina.

Takot, galit at sakit na rin ang nararamdaman ni Laura ng mga sandaling iyon. Wala na si Brianne, ang kambal ni Brianna pati ang asawa niyang si Brandon ay patay na rin. Ngayon ay kailangan niyang maitago si Brianna mula sa mga tumutugis sa kanila upang iligtas ito, wala na rin siyang makitang pag-asa para sa sarili dahil alam niya na hindi na siya magtatagal pa.

Palabas na sina Laura sa kusina nang...

“At saan kayo pupunta?” 

Napasinghap pa si Laura ng biglang humarang sa kanila ang isang ‘di katandaang lalaki, habang humihithit sa malaking tobacco na hawak nito. May hawak rin itong shotgun. Kilala niya ang lalaking iyon.

Tama nga ang kutob niya na ito ang may pakana ng lahat ng ito. Isang demonyo!

Mabilis niyang itinago si Brianna sa likuran niya. Ramdam niya ang mahigpit na pagkapit ng anak niya sa laylayan ng suot niyang putting dress na nagkulay pula na dahil sa dugong umaagos mula sa sugat nito. Alam niyang natatakot na ito lalo, pinilit niyang tatagan ang loob niya para maramdaman ito ng anak niya at para hindi ito lalong matakot.

Ilang beses pa siyang napalunok ng makita ang hawak ng lalaki. 

Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Laura ng itutok nito ang hawak na shotgun sa noo niya.

Her whole body is shaking, right at the moment.

“B-bakit mo ba ito ginagawa sa amin, Bernardo? Pinsan mo ako.” Nanginginig at pigil hiningang sabi ni Laura. Umaasa na sana haplusin ng dios ang puso ng lalaki para itigil ang kasamaan nito.

Hindi na rin niya mapigilan ang, masagang luha na animo waterfalls na ayaw ng tumugil.

“Laura, Laura ‘wag mo ng paikutin ang ulo ko. Alam mong hindi tayo magkadugo kaya, hindi mo ako madadaan sa drama mo,” anang lalaki sabay buga ng puting usok matapos s******n ang tobacco nito.

Mariin itong tumitig sa kaniya.

“K-kung gano'n, patayin mo ako pero sana naman ‘wag mo na idamay si Brianna, nagmamakaawa ako, patay na ang asawa mo at si Brianne. Sana naman maawa ka kay Brianna." Umiiyak pa ring turan nito at unti-unting lumuhod sa harap ng lalaki. ”Nagmamakaawa ako, ako na lang. Spare Brianna, please,” humagulhol na sabi ni Laura.

Malakas at mala demonyong tawa lang ang narinig ni Laura. Nakakapanindig balahibo ang tawang iyon ni Bernardo.

A moment later ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Laura dahilan ng pagkabagok nito sa marmol na sahig. Pero kahit na gano'n ay pilit pa rin siyang bumangon lalo na ng dumalo sa kanya si Brianna at malakas na umiyak. Pilit niyang ininda ang sakit ng sugat niya at ang sakit ng wasak niyang puso.

Naaawa na siya sa anak niya dahil sa mga nasaksihan nito. Kung puwede lang na bulagin niya ang anak niya para hindi na makita ang nangyayari, pero isang walang kuwentang ina na ang tingin niya sa sarili dahil sa nangyaring ito. At ngayon ang anak niya ang nagdusura sa pagmamatigas niya.

Gusto ni Bernardo na mapasakaniya ang half share ng S Empire at ng iba pa nilang negosyo. Pero dahil sa pagmamatigas niya ay nagalit ito. At ngayon lang niya nalaman na ganito pala ka hayok sa salapi ang kanilang adopted cousin at nakaya niyang parayin ang pamilya niya.

Malamlam ang mga matang napatitig si Laura sa kaniyang anak. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng anak at niyakap ito ng mahigpit matapos halikan sa noo.

Muling napasinghap si Laura ng biglang hilahin ng lalaking tinawag nitong Bernardo ang kan'yang buhok para makatayo siya. Napangiwi pa siya sa sakit, pero pinilit niyang tumahimik at ‘wag d*****g para hindi lalong mahirapan ang anak dahil sa mga nasaksihan nito.

“Mommy!”

Mas lalo lang na nadurog ang puso ni Laura ng marinig ang hiyaw ng anak nito. 

“Kung noon pa lang binigay niyo na ang gusto ko, hindi sana tayo aabot sa ganito!” Nanlilisik ang mga matang saad ng lalaki saka binugahan siya ng usok mula sa tobacco nito na kinaubo naman ni Laura.

“Huwag mong sasaktan ang mommy ko!” Biglang sigaw ni Brianna habang nasa likuran pa rin ito ni Laura at nakayakap sa baywang nito. Humihikbi na ito.

Humalakhak muli na parang demonyo si Bernardo saka tinutok sa bata ang shotgun nito. Habang hindi pa rin binibitawan ang buhok ni Laura.

“Matapang kang bata ka!” 

“N-no please, ‘wag Bernardo ‘w-wag ang anak ko,” anang Laura.

Mas lalong kinanginig ng katawan niya ang paraan ng pagtutuk nito ng baril, nanginginig ang kanyang mga kamay ng dumapo ang mga iyon sa bibig nito. Nakadikit kasi ang dulo ng shotgun sa noo ng bata.

Mabilis ang kilos ni Laura ng itulak niya si Bernardo ng buong lakas niya. Kamuntikan pa itong natumba kung hindi lang nasalo ng mga bodyguard nito na nakaabang lang sa likod nito.

“Takbo na anak!” sigaw ni Laura kay Brianna. 

Tatakbo na sana si Brianna ng dalawang magkasunod na putok mula sa Calibre 45 na baril, mula sa bodyguard nito, ang nagpatigil sa kan'ya. Kitang kita ni Brianna ang lalaking may hawak na baril na noo’y nakabitin pa rin sa eri at nakatutok sa likurang bahagi ng ulo ng ina. Mula sa lalaking may hawak na baril bumaling ang paningin niya sa kaniyang ina. Animo tumigil ang oras niya ng makita kung paano tumagos ang bala mula sa likod papunta sa noo ng ina at nag-uunahang dumaloy ang dugo sa pagitan ng mga mata nito habang dilat ang mga mata.

Sa murang isipan walang ibang naramdaman sa Brianna ng mga sandaling iyon, kun'di purong takot.

“Takbo...” narinig niyang bulong ng ina bago bumagsak ang katawan sa sahig. 

Umiiyak na tumalikod si Brianna at tumakbo sa nakabukas na pintuan, ngunit hindi pa siya nakakarating sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril at kasunod niyon ay nakaramdam siya ng pamamanhid ng katawan. At ang huli niyang namalayan ay ang pagbagsak ng katawan niya padapa sa sahig at ang unti-unting pagdilim ng kanyang paningin. At noon nga’y bumigat na ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyang nawala sa karimlan.

Pero bago nawala ang kamalayan ng musmus na bata ay nangako siya sa kanyang sarili na kapag nabuhay siya babalikan niya ang pumatay sa pamilya niya. Pagbabayarin niya ang mga ito, susundan niya ito hanggang sa empyerno.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    EPILOGUE #theEnd

    [THE TIME BEFORE RADEN AND BRIANNA O ALEXANDRA REUNITE] HABANG NAKATAGO sa likod ng kotse ay minadali kong lagyan ng magazine ang gamit kong calibre 45 na baril at mabilis na nakipagpalitan ng putok. Masyado silang maraming armas at ako lang ang mag-isa. Nauubos agad ang bala kaya ang baby armalite naman ang kinasa ko. “Bwes** naman ‘to! Bakit kasi ito lang ang issue na baril eh. Naghihirap na ba ang government dito sa Russia? Kaya ang mga kriminal dito happy go lucky na lang,” reklamo ko. Naubos pa naman lahat ng armas ko noong sumabog ang condo na tinitirhan ko sa Pilipinas dahil kay Enrique. Hindi ko na rin matrace kung saan binibili ni Enrique dati ang mga baril na kailangan ko. Hindi na ako makatiis kaya gumapang na ako sa ilalim ng kotse ko at kinuha ang tinatago kong Machine Gun, ito na lang ang meron ako. Mabilis akong lumabas at pinatong ang stand sa hood ng kotse at saka kinalabit ang trigger ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga kalaban na nagtatago sa lik

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 38 #Reunited

    “LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 37 #Brianna

    HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kama na hinihigaan ni Alexandra kanina. Wala na siya roon, tanging binunot na swero lang ang nakalapag sa hospital bed. Wala si Alexandra. Kanina tumawag sa akin si Papa para ipaalam na hindi niya naabutan si Alexandra nang bisitahin niya ito. Nagtanong na rin kami sa mga nurses na naroon naka-duty pero hindi nila napansin ang pag-alis ni Alexandra. Wala ni isang nakakaalam. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon nagkamali na naman ako ng desisyon. Hindi ko pala dapat siya iniwan kanina. Sana pala nanatili ako. Sa ikalawang pagkakataon, nagsisisi na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Saan ako mag-uumpisa? Talagang sinukuan na niya ako. “Anak…” narinig kong sambit ni Papa sa pangalan ko na noo’y nasa likuran ko na pala. Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.“Susuko na ba ako, pa? Hindi ko na alam kung lalaban pa ba ako? Baka kasi hanggang dito na lang talaga a

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 36 : #Baby

    NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Masisira ang utak ko kakaisip. Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 35 #RadenToTherescue

    KALANSING ng bakal na hawak ko at ng espada ni Enrique ang naririnig sa loob ng factory. Habang sinasangga namin ang sandata ng isa’t-isa para hindi kami matamaan. “Let’s stop this, Enrique. Let’s live a new life… you have your sister. ‘Wag mong pangibabawin ang galit mo. Kung tinatakot ka lang ni Wem, okay na. Hindi mo na kailangang matakot sa kaniya. He died and you’re free,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakikipagtagisan ng lakas ang naka-X naming sandata. Sa pag-asang bubuksan niya ang puso niya at hindi na kailangan pang saktan namin ang isa't-isa. Pero mukhang wala iyong epekto sa kaniya.“You know how much I hate Bernardo, Alexandra! You know how much I wanted him to die. You know the reason why at umasa ako sa pangako mong ipaghihigante mo rin ako. Pero ano? You fall in love with his fucking son and forgive him that easily. You forget me! You forget me, you forgot your promises to me! And now you’re protecting him?!” Sumbat niya sa akin habang nangingilid ang luha sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 34 #AngPagtutuos

    BINUKSAN KO ang bintana ng kotse ko saka nilabas ang kamay kong may bitbit na baril. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko upang patamaan ang sasakyan nila. Habang ang isa kong kamay ay nasa manibela. Gumanti sila ng putok kaya mabilis akong yumuko. Muntik pa akong mabangga sa papalapit na sasakyan pero agad rin naman akong nakailag. Hindi na ako nagpaputok at sinundan ko na lang sila. Habang sila ay patuloy sa pagpapaputok sa akin. Panay ilag lang ang ginagawa ko. Naririnig ko pa ang balang tumatama sa hood ng kotse ko. Hanggang sa tumigil na sila sa pagpapaputok. At nagpatakbo ng nagpatakbo lang sila ng sasakyan. As if they’re leading me the way…. sa daan pabalik sa factory? Hindi ako p’wedeng magkamali, ito iyong daan na dinaanan ko kanina papunta sa factory. They are playing with me again. “Damn it!” mura ko. Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa gigil habang iniiisip na pinagkakatuwaan ako nila Enrique. Hindi ko talaga sila mapapatawad na ginagago nila ako ng gan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status