Home / Romance / Waves Of Costa Fuego / Kabanata 2 : Champagne and Wine

Share

Kabanata 2 : Champagne and Wine

Author: Almodine
last update Huling Na-update: 2022-12-01 08:59:05

Pagpasok namin sa likuran ng mansyon, agad akong nabigla sa kasiglahan ng lahat—lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain. Pati si Madam Isa, hindi na magkandaugaga sa kasisermon sa mga tauhan.

Agad akong lumapit sa kanya, habang si Lukas naman ay dumiretso na sa hawla ng mga kabayo upang pakainin ang mga ito.

"Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" tarantang tanong ni Madam Isa.

Napansin naman ni Aleng Mila ang paglapit ko, kaya tila nabunutan siya ng tinik at agad akong itinuro kay Madam.

"Meron na! Ito oh, si Laura!" sagot niya sabay turo sa akin.

Tiningnan ako ni Madam Isa, at batay sa ekspresyon niya, parang nabawasan ang stress niya nang makita ako.

"Salamat naman, malapit ko nang makalimutan, Mila, na may isa pa pala akong alaga. Oh siya! Sumunod ka sa akin, hija, at ipapaliwanag ko sa’yo ang gagawin mo mamaya," aniya habang nagpapaypay sa sarili.

Ipinasuot sa akin ni Madam ang isang puting uniporme na may black below-the-knee skirt. Pagkatapos, inabot niya sa akin ang isang magandang silver tray na may engrandeng disenyo bago niya ipinaliwanag ang magiging tungkulin ko sa event.

Sampu kaming serbidora ngayong gabi, karamihan sa kanila ay ngayon ko pa lang nakilala. Habang nag-aayos, lihim kong hinanap si Lea, nagbabakasakaling makita ko rin siya rito. Ngunit kahit anino niya, hindi ko naaninag.

Maya-maya, tumayo si Madam malapit sa pintuan ng kusina at malakas na pumalakpak ng dalawang beses upang makuha ang atensyon naming lahat, pati na rin ng mga chef sa aming likuran.

"Ang iba sa inyo siguro'y alam na kung anong mangyayari sa gabing ito, hindi ba?" panimula niya. "Kung hindi pa, gusto kong malaman niyo na welcome party ito dahil nakauwi na ang mga Del Fuego... Kaya sa mga bago dito, pagbutihan niyo ang trabaho niyo ha? Ayoko ng palpak na trabaho. Dapat alam niyo na 'yan."

Ang kanyang tinig ay puno ng awtoridad, kaya naman lahat kami ay tahimik na nakinig.

Habang patuloy ang mga paghahanda, nagsimula nang dumagsa ang mga bisita sa napakalawak na living room ng mansyon. May ilan na nagkukumpulan sa gilid ng pool, nagtatawanan at nagkakasayahan. Lahat sila ay nakasuot ng mamahaling, makukulay, at eleganteng gowns at suits. Halos lahat ng naririto ay mayayaman—maliban na lang, siyempre, sa aming mga kasambahay.

The mansion itself is reminiscent of European architecture, evident in the intricate details of its wooden structures. Despite its age, it remains as grand and majestic as ever. The massive chandelier at the center of the room exudes luxury, perfectly embodying the affluent lifestyle of the Del Fuegos.

Mukhang ilang beses na rin itong na-renovate upang mapanatili ang karangyaan nito. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng mansyon, may kakaibang pakiramdam ako parati habang pinagmamasdan ko ang mga naglalakihang estatwa ng mga gargoyle at anghel sa labas ng portico. Medyo may kaunting eerie vibe, pero hindi maikakaila ang ganda at detalye ng pagkakalikha sa mga ito.

Naputol ang pagmamasid ko sa party nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Paglingon ko, napatulala ako sa ganda ni Lea. Suot niya ang isang black and gold ruffle long dress, at nang makita niya ang reaksyon ko, ngumiti siya at bahagyang umikot sa harapan ko, ipinapakita ang kabuhuan ng eleganteng damit niya.

"What do you think about my outfit?" Masaya niyang tanong, halatang excited siya.

"Pretty as always..." Sagot ko nang deretso, hindi na kailangan ng paligoy-ligoy pa.

Napabuntong-hininga siya bago biglang yumakap sa akin, parang batang naglalambing.

"Hindi na sana ako a-attend dito eh. I wanted to help all of you, but my mom insisted that I be here and dress like this. Hindi niya ako pinayagan na magtrabaho ngayon dito." She pouted, halatang may tampo.

Napatawa na lang ako. Normal lang naman ito—anak-mayaman siya, at ang event na ito ay para sa kanila. Pero hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Lea dahil tinawag ako ng isa pang serbidora para kumuha pa ng mga drinks.

Habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao, dala-dala ang tray na may tatlong baso ng wine at dalawang champagne, napansin kong may isang matandang lalaking kumaway sa akin, senyales na gusto niyang kumuha ng alak. Agad akong lumapit, at nang kinuha niya ang dalawang baso ng champagne, ibinigay niya ang isa sa babaeng kausap niya.

Sa hindi kalayuan, may biglang lumapit sa kanila—isang lalaking may mataas na balbas. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may tensyon sa pagitan nila. Napa-atras ako, ngunit hindi ko napansin na may tao pala sa likuran ko.

Bago ko pa namalayan, nawalan ako ng balanse—at sa isang iglap, tumapon ang alak mula sa mga baso, diretso sa taong nasa likod ko.

"F-fuck!..."

Isang malutong na mura ang narinig ko, at doon ko lang napansin... nakahiga na ako sa matigas at malapad niyang dibdib.

Napatingin ako sa kanya, at kita ko ang gulat sa kanyang mukha.

Nakakahiya...

Nagmadali akong tumayo, hindi alintana ang sakit ng pagkakabagsak ko, at isa-isang pinulot ang mga basong nagkalat sa sahig. Agad akong yumuko at mabilis na humingi ng paumanhin sa lalaking natapunan ko.

"I'm so sorry po..." Mahina kong sabi, halos hindi ko na maitaas ang tingin ko.

Pakiramdam ko, lahat ng mata sa paligid ay nakatutok na sa amin. Ang nakakabinging katahimikan ay parang bumibigat sa dibdib ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, naghihintay sa mga masasakit na salitang maaaring lumabas sa bibig ng lalaking nasa harapan ko.

Alam kong kasalanan ko ito. Sinira ko ang kanyang mamahaling suit—o baka pati ang gabi niya.

Ngunit habang lumilipas ang mga segundo, walang ni isang salita ang lumabas mula sa kanya. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko, kinakabahan sa maaaring reaksyon niya.

"Are you okay?"

Malumanay ang boses niya, walang bahid ng galit o iritasyon. Para akong natigilan, lalo na nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko inasahan ‘yon...

At mas lalo akong natulala nang makita ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may pagkamangha sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa akin.

At sa totoo lang, ako rin. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa lalaking nasa harapan ko.

He looks like a demi-god straight from Mt. Olympus.

His damp jet-black hair fell effortlessly, framing his face in the most mesmerizing way. His dark, intense eyes, thick eyebrows, and long lashes screamed perfection. His aristocratic nose added to his striking features, but what truly caught my attention were his thin, slightly flushed lips—so inviting yet intimidating. His skin had a warm, sun-kissed glow, and his broad, well-built physique only added to his undeniable presence.

This man in front of me is the very definition of tall, dark, and godly handsome.

"Hey? Are you alright?"

Muling tanong niya, at sa isang iglap, bumalik ako sa ulirat.

"Ah... Eh, oo po! At sorry po talaga..." Natataranta kong sagot, halos hindi ko na alam kung paano itatago ang hiya ko.

His gray suit was now tainted with red because of the wine, but he didn’t seem to mind. Sa halip na mainis o magalit, nanatili siyang kalmado. May isang maid na lumapit upang bigyan siya ng pamunas, pero sa halip na gamitin ito para sa sarili niya, iniabot niya iyon sa akin.

Napahiya man, aabutin ko na sana ang panyo, ngunit bago ko pa magawa iyon, isang kamay ang biglang humablot dito.

Napatingin ako sa babaeng ngayon ay nakaharap na sa kanya, halatang iritado. Naka-bold high-cut slit red dress siya, at kahit hindi ko gustuhin aminin, mukha siyang isang diyosa sa ganda niya. Her curly blonde hair was shiny and bouncy, like she just walked out of a high-end fashion magazine.

"My goodness! Your suit is now ruined… Are you okay, Arch?"

Nag-aalalang sabi niya habang agad niyang tinangka na punasan ang tuxedo ng lalaki. Pero bago pa niya magawa, pinigilan siya nito.

"Leave it, Cassandra," malamig na sabi niya.

Napasinghap ako nang bumaling muli sa akin ang babae, halatang inis na inis.

"What are you still doing here!? Get out!" galit niyang sigaw, hindi alintana ang mga taong nakatingin sa amin.

Para akong natuka ng ahas. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang pagsigaw niya sa akin sa harap ng maraming tao o ang katotohanang wala akong magawa kundi tumango at lumakad palayo.

Nagmamadali akong bumalik sa kusina, kung saan naghihintay si Madam Isa. Dismayado ang tingin niya sa akin, at alam kong hindi ito magandang senyales.

"Magpahinga ka na lang muna sa labas, Laura..." Malamig ang boses niya, bago niya pinasa sa ibang serbidora ang tray ko pati na rin ang mga natitirang baso ng wine sa kamay ko.

Pumasok muna ako sa comfort room at agad na naghilamos ng mukha. Ramdam ko pa rin ang init sa pisngi ko, hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o sa kung anong kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko kanina. Napatingin ako sa salamin—may bahagyang pulang mantsa na ang unipormeng bigay ni Madam dahil sa natapon kong wine.

Napabuntong-hininga ako at inayos ang sarili ko, pinipilit na itago ang anumang bakas ng pagkailang sa nangyari. Pagkalabas ko ng comfort room, agad kong narinig ang muling pag-ingay ng mga tao sa gitna ng party.

Nagbalik ang kanilang sigla nang ianunsyo ng MC ang pagbaba nina Don Antonio at Donya Mathilda mula sa grand staircase ng mansion. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanila, at hindi ko rin naiwasang mamangha. Sobrang ganda ni Donya Mathilda—halos masilaw ako sa kinang ng gown na suot niya, para siyang reyna sa kanyang pagdating. Nakangiti siya sa lahat, habang naka-angkla ang kamay kay Don Antonio, na ngayon ay kumakaway sa kanyang mga kakilala. Hindi maitatanggi ang sumisigaw na karangyaan nila, lalo na sa maaliwalas nilang mukha at tindig na puno ng awtoridad.

Ngunit doon ako natigilan nang mapadako ang tingin ko sa lalaking nakasunod sa kanila.

Si Senyorito Sebastian.

Hindi tulad ng huling kita ko sa kanya, mas mature na siya ngayon. Mas tumangos ang kanyang ilong, mas lumaki ang kanyang pangangatawan—hindi na siya ang binatilyong naaalala ko noon. Ngunit kahit nagbago ang kanyang anyo, nanatili pa rin ang maamong ekspresyon sa kanyang mukha. At higit sa lahat, hindi pa rin nagbago ang kanyang mga titig—mga matang kayang tunawin ang sinumang mahuli ng kanyang paningin.

My young heart is now happy just seeing this man walking down the stairs.

Kahit malayo ako sa kanya, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang makita lang siya ay sapat na para mapawi ang bigat ng gabing ito.

Pagkababa nila sa grand staircase, dumiretso sila sa isang maliit na entablado na may apat na bangko. Umupo ang Don at Donya sa harapan, at si Sebastian naman ay naupo sa tabi ng kanyang ina. Sa likod at paligid nila, may mga bodyguards na alerto sa anumang maaaring mangyari. Isa-isang lumapit ang mga inimbitahang bisita para sa saglit na kamustahan at pakikipag-usap sa kanila.

Mula sa kinatatayuan ko, kita kong bakas sa mukha ni Senyorito Sebastian ang bahagyang pagkainip. Halatang hindi niya gustong gawin ito, pero tinutupad pa rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang Del Fuego.

Gusto ko pa sanang pagmasdan siya nang matagal, ngunit nang mapansin kong papalapit si Madam Isa sa kusina, agad akong natataranta. Hindi ko na hinintay pang mahuli niya akong nakatayo lang at nagmamasid, kaya minabuti kong lumabas na lang muna saglit upang magpahinga.

"Sino kaya yung natapunan ko kanina?"

Hindi ko maiwasang paulit-ulit na isipin ang lalaking iyon. Sa katunayan, kanina pa ako palihim na naghahanap sa kanya sa alon ng mga bisita. Pero hindi ko siya nakita, ni hindi ko man lang napansing lumapit siya kina Don at Donya upang bumati.

Baka umalis na siya sa party dahil sa suit niyang nasira ko? O baka naman nag-aaway sila ng girlfriend niya dahil hindi niya ako pinagsabihan kanina?

Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi ko dapat ito iniisip, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng mansion, sa veranda na nakaharap sa magandang hardin sa likuran. Dito, medyo dim na ang ilaw at halos walang katao-tao. Lahat ng bisita ay nasa harapan ng mansion, abala sa kasiyahan para sa pag-uwi ng mga Del Fuego.

Mula rito, tanaw ko ang dagat na humahampas sa mga bato. Kahit madilim, kita ko pa rin ang dambuhalang alon dahil sa ilaw ng lighthouse na nakatayo sa di kalayuan. Malamig ang simoy ng hangin, at ramdam ko ang malayang paggalaw ng buhok kong nilugay ko kanina.

Sumandal ako sa veranda at nagpahalumbaba, ninanamnam ang payapang tanawin sa harapan ko. Para bang saglit akong nakatakas mula sa ingay ng mundo.

"Sana... nandito si Sebastian..."

Wala sa sariling napangiti ako sa nasabi ko. Ang bilis naman ng oras, parang kahapon lang mga bata pa kami—at ngayon, heto na siya, isang lalaking hindi ko mapigilang pagmasdan.

"Do you like him?"

Nagulat ako at napatingin sa aking likuran, kung saan may isang lalaking nakasandal sa pillar ng veranda habang dahan-dahang s********p ng champagne.

Madilim ang bahaging iyon kaya hindi ko siya agad mamukhaan.

"K-kanina ka pa d'yan?" gulat kong tanong, pilit na pinapanatili ang normal na pintig ng puso ko.

"Uh-huh... Yes, you just didn't notice me when you entered," prenteng sagot niya.

Humakbang siya palapit sa akin, itinapat ang tingin sa dagat na parang wala lang.

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang matukoy kung sino siya. Siya—ang lalaking natapunan ko ng wine kanina. Pero hindi na siya nakasuot ng gray tuxedo. Pinalitan niya ito ng isang itim na suit, mas bumagay pa sa kanyang matikas na postura.

Hindi ako komportable sa lapit niya, pero hindi lang basta kaba ang nararamdaman ko ngayon. Para bang may kung anong hindi maipaliwanag na pwersang nag-uudyok sa puso kong bumilis ang pagtibok.

My heart beats drumming fast, halos hindi ako makahinga, lalo na nang maamoy ko ang pabango niya. He has a minty cool scent, at halatang bagong ligo pa dahil bahagyang basa pa ang kanyang buhok.

Mabilis akong umatras, nag-iisip ng paraan para makabalik sa loob, pero napansin niya iyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago niya ako tinanong.

"Where are you going?"

Mababa at malamig ang tono ng kanyang boses, pamilyar na baritono na nagpadagdag sa tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Ah... E, babalik na po ako, sir. B-baka kasi hinahanap na ako sa loob," sagot ko nang pautal, sabay talikod para makaalis. Pero bago ko pa magawa, hinawakan niya ang braso ko.

Napatigil ako. Napatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

My whole system went into hysteria.

Para bang isang simpleng hawak lang niya ay sapat nang dahilan para magulo ang buong pagkatao ko.

Nang mapansin niyang hindi ako naging komportable, agad niyang binitawan ang braso ko.

"I'm sorry, I just wanted to talk to someone," aniya sa malumanay at mababang boses. "I don't really like parties... In fact, I hate it."

His dark, piercing eyes were now set on me. Para bang nangungusap, hinihiling na huwag akong umalis.

Pero his presence was overwhelming. Hindi ko yata kakayaning manatili rito kasama siya.

"P-pasensya po, sir... And I'm sorry po ulit sa nangyari kanina… Pero baka mapagalitan po ako kung magtatagal pa ako dito," paumanhin ko, pilit na iniiwas ang tingin.

Isang tahimik na segundo ang lumipas.

Tinitigan niya ako na para bang ako ang isang palaisipang hindi niya maintindihan.

Bigo siyang tumango, tumikhim, saka iniwas ang tingin.

Dali-dali akong tumalikod at humakbang palayo, pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob, narinig ko ang boses niya, mas mababa ngayon at may bahid ng iritasyon.

"Kung ako ba si Sebastian… will you stay here with me?"

Natigilan ako.

Pero hindi ko na iyon pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglakad palayo—hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong iyon o kung dapat ba akong lumingon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 31 : Sanity

    The air between us was thick, suffocating, as if the universe itself held its breath. Archival’s eyes burned into mine—wild, dark, consuming. He looked like a man on the edge, like a predator who had finally cornered his prey.His hands cupped my face, his thumb tracing my trembling lips. "Fuck," he murmured, his voice low, husky, dangerous. "You drive me insane. Years, Laura... years of wanting, searching… and ngayon nandito kana sa harapan ko."His lips crashed onto mine—urgent, desperate, like a man claiming what was always his. His kiss wasn’t soft; it was punishing, full of rage and longing all at once. I felt my back hit the wall, his body pressing against mine, solid, unyielding, inescapable."Tell me to stop," he growled against my lips, his breath hot against my skin as his hands roamed, tracing the curves he once memorized. "Tell me you don’t want this."Pero hindi ko kaya. Instead, my fingers tangled into his hair, pulling him closer, pressing myself against him like I nee

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 30 : I will burn everything for you

    I cleaned myself up and put on the clothes he gave me, pero hindi ako mapakali.I knew he had figured it out, lalo na’t carbon copy niya ang anak ko. And knowing him, I was sure alam na niya. I couldn’t keep pretending na hindi ako si Luara.I brushed my hair and looked at my reflection. Without makeup, my face was bare—still holding the same angelic features I despised the most.Lumabas na ako ng comfort room, wearing the oversized T-shirt he lent me. He also gave me a pair of shorts, but they were far too big for my frame. His shirt like a length of dress for me, kaya nagdesisyon akong huwag na lang isuot ang shorts.The sound of heavy rain filled the air. Hindi ko inakalang uulan pa ngayon. My eyes wandered to Riley, who was now awake and playing with Archival.They were playing chess.Napairap ako. My son is smart—I know that all too well. But it still amaz

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 29 : Breaking the walls

    Papunta kami sa maliit na villa na nadaanan ko kanina.Riley was holding the tip of his shirt while Archival carried me in his arms—just like a bride.His bride.I couldn’t shake off that thought. This could have been my man. My child’s father. My own family. Pero nakakatawa mang aminin, I wished na ganito na lang sana. But I knew it was impossible. He was married—to the very woman who had hurt me the most. I didn’t even know if kasabwat siya sa nangyari 4 years ago. The bitterness was overwhelming, knowing that this man was holding me now as if I were the most fragile woman in his life.Muli kong naalala ang panahon kung kailan kinarga niya rin si Lea ng ganito noong nahimatay siya. A sudden wave of irritation and frustration surged through me."I can walk… you can drop me now," I said, my voice laced with annoyance.He met my eyes, his gaze unwavering. "I told you… I’ll kiss you if you don’t shut your pretty mouth.""May I remind you, Mr. Del Fuego, you’re married, and I am not the

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 28 : Lost and Found

    Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 27 : His Innocence

    Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"

  • Waves Of Costa Fuego   Kabanata 26 : Invitation

    Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status